Mag a-update ulit ako isa mamaya
Nang makalabas si Katherine sa kwarto, siya namang pagliko ni Rome sa kinaroroonan niya.Nakaharap si Katherine sa kabilang banda, baliktad sa direction ni Rome, kaya hindi niya napansin ang bata.Naglakad siya paalis na may ngiti sa labi. Nailabas na niya lahat ng galit at sama ng loob niya kay Chicago kaya masayang masaya na siya ngayon.Hindi man lang niya nakita si Rome na pumunta sa tapat ng kwarto ni Chicago.Tinignan ni Rome ang loob, may siwang kaya nakita niya na may bata sa kama. Agad siyang pumasok sa loob at natigilan siya ng makita ang mukha nito.Kumunot ang noo niya nang makita na ang batang nasa kama ay pamilyar sa kaniya. “Paris?”Maliit ang buhok, payat, at umiiyak.. Agad na umiling-iling si Rome nang mapagtanto na batang lalaki ang nasa harapan niya kaya malabo ito maging si Paris.Chicago looked at him with tears in his eyes. "Who are you?" he asked.Humaba ang nguso ni Rome. “So weird. I thought you’re my sister but you’re a boy so hindi ka magiging si Paris.” Nagl
Nang kumalma si Chicago, agad na tinanong ni Rome ang kapatid kung bakit ito umiiyak. “Anong nangyari? Why are you crying?”“I had a bad dream.”Kumunot ang noo ni Rome. “Bad dream? Tell me what happened.”Nagbaba ng tingin si Chicago sa mga kamay niya.“In my dream, tita Katherine was beating me and she kept on pulling my hair while dragging me into the attic.”Namuo ulit ang luha sa mga mata niya. Nanginging pa rin siya habang inaalala ang panaginip na yun na dati ng nangyari sa kaniya.Ikinulong na siya ni Katherine sa attic pero bago yun, sinaktan muna siya, hinampas ang katawan gamit ang bag at hinila pa ang buhok na para bang mahihiwalay na sa anit.Naawa si Rome ng husto. Agad niyang pinunasan ang luha sa mata ni Chicago. Kahit kailan hindi pa siya nakaranas ng ganoon, kaya hindi niya lubusang maisip na ganoon ang sinapit ni Chicago sa kamay ng tita niya.“Sinasaktan ka ba ng tita mo?”Natatakot si Chicago na sumagot ng oo. Kaya umiling siya pero umiiyak pa rin.Kumunot ang noo
Max was mad and pulled Khelowna away from Chicago.“Anong ginagawa mo? Talaga bang hindi ka marunong makinig?”Nanlaki ang mata ni Khelowna. Agad niyang hinablot ang kamay niya pero hindi siya hinayaan ni Max. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Khelowna.Nag-alala na si Chicago dahil wala namang masamang ginagawa si Dr. Khe, pero hindi niya maintindihan bakit ganoon ang reaction ng papa niya.“Ano ba Max! Bitawan mo ‘ko!”“Talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ba binalaan na kita na huwag kang lumapit sa anak ko?”“ANAK MO?!” Nagtaas na ng boses si Khelowna.“Sige! Sabihin mo at humanda ka sa akin!” Pagbabanta ni Max.Nakagat ni Khelowna ang labi niya sa tindi ng poot na nararamdaman niya. Alam niyang nasa alanganin siya dahil kahit anong minuto, pwedeng ilayo ni Max sa kaniya si Chicago.Dr. Austin was not pleased to what he saw. Agad niyang kinuha si Khelowna palayo kay Max at sinamaan ng tingin si Max.“Mr. Linae, what are you doing?”Namula sa galit si Max. “What
Tumakbo si Rome ngunit hindi niya alam saan nagtungo ang mama niya. Wala siyang ideya na nasa kwarto lang pala ito ni Chicago. Kung saan saan na siya lumusot para lang mahanap ang mama niya, to the point na nakaabot na siya sa labas ng hospital.“MAMA!” Sigaw niya habang hinahanap ito.Napatingin siya sa kabilang banda at napansin na maraming doctors doon.Tumakbo pa siya at sinundan ang ibang doctor na papuntang parking lot para umuwi. Nagbabasakali siyang naroon ang mama niya ngunit wala.Instead, nabangga siya ng isang babae na dahilan kung bakit napaupo siya sa lupa. Napikit si Rome sa sakit ng pwet niya.“ANO BA!” Sigaw ni Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene.Walang pinagkaiba si Alora sa anak niyang si Katherine. Maluho siya at lulong sa sugal sa casino. Mahilig rin siyang magpasipsip sa mga may pera gaya nalang ng pamilya ni Max.Gaya ni Katherine, ayaw niya rin kay Chicago.Nang makita niya ang batang nabangga niya, agad na nanlaki ang mata niya. “Chicago?” ang sabi niya.N
Paglabas ni Khelowna at Max sa office ng hospital director, nakita nila si Austin sa labas na naghihintay kay Khelowna. Agad itong lumapit kay Dr. Khe. Tumiim bagang naman si Max nang mapansin kung paano hawakan ni Dr. Austin si Khelowna sa kamay. Agad siyang lumingon kay Director Jhon.“Allowed ba ang mga doktor dito na magkaroon ng relasyon sa kasamahan nila?”Napahinto si Khelowna at napatingin kay Max. Hindi niya alam kung bakit tinatanong yun ng ex-husband niya.“Yes, Mr. Linae, why?” takang sagot ng director. Wala namang batas ang hospital nila na bawal makipagrelasyon ang isang doctor sa kapwa doctor.“Tss..” He hissed and glared at his ex-wife before exiting.Sinamaan rin ng tingin ni Khelowna ang dating asawa niya na papalayo na ngayon sa kaniya. At saka siya humarap kay Dr. Austin na nakatitig lang sa kaniya habang nakatingin siya kay Max.“May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?”“Oo. Galit.” Sagot ni Khelowna at naunang maglakad pabalik sa office niya. Pagdating niya doon, na
Panakaw-nakaw ang pagbisita ni Khelowna kay Chicago. Late na rin siyang umuuwi para lang matignan at malapitan niya ang anak niya dahil alam niyang wala si Max.She was being cautious dahil ayaw niyang maudlot pa ang plano niya na itakas si Chicago sa hospital.Nakamonitor rin siya sa kalagayan ng anak kaya alam niyang malapit ng gumaling ito. In fact, kaya ng tumayo ni Chicago at makalakad. Kaya ilang araw na lang ang hintayin, pwede na siyang e released.Matapos ang dalawang linggo, nagtataka at naninibago si Khelowna na hindi na siya ginugulo o pinapansin ni Max.Nakikita pa rin niya ito sa hospital pero tuwing nagtatagpo ang landas nila, nakikita niyang iniiwas ni Max ang paningin niya.Nagtataka siya ng husto pero hindi niya na yun pinansin. Mas nagpapasalamat pa siya doon.Alas onse na ng gabi ng bisitahin niya ang anak niya. Natutulog na si Chicago, nagising lang nang maramdaman ang presensya niya.“Hi baby.. I’m sorry, did I wake you up?”“Dr. Khe?” gulat na sabi nito. Umupo s
“HOY!” Narinig na ni Khelowna ang boses ni Katherine na papalapit sa kanila. Napamura na siya sa isipan niya lalo na nang maramdaman na nagpanic ang anak niya.“S-Si tita…” sabi ni Chicago na kinakabahan na ng husto.Binuhat na siya ni Khelowna para makatakbo sila papunta ng sasakyan niya. Ngunit mabilis silang naabutan ni Katherine.“SAAN MO DADALHIN SI CHICAGO?”Mabilis na hinablot ni Katherine ang kamay niya at napasinghap ito nang makita na si Khelowna ang may hawak kay Chicago.Para siyang nakakita ng multo lalo’t ang buong akala niya ay namatay na ito.“Khelowna?” gulat na sabi niya.Agad na itinago ni Khelowna ang anak niya sa likuran niya. Tipong, ayaw niyang makuha ni Katherine ito.“So all this time, buhay ka?”Hinarap na niya ito total e nabuko na siya na siya si Khelowna.“Oo Katherine. Buhay na buhay. At sa tingin mo ba, hahayaan pa kitang saktan si Chicago?”Nanlaki ang mata ni Katherine ng matanto niyang si Khelowna rin pala ang doctor na nag-opera kay Chicago at ang doc
Umabot kay Max ang balita. Agad niyang pinuntahan si Chicago sa hospital, at naabutan niya ito sa kwarto nito.He heard the news na nag-away si Khelowna at Katherine dahil binalak raw ni Khelowna na itakas si Chicago. He was mad at the news. Pagdating niya sa kwarto ng anak, nakita niya itong nag-aalalang nakatingin sa kaniya.“P-Papa,” kita sa mata niyang natatakot ito. “Sasaktan niyo po ba si Dr. Khe?” nagulat siya sa tanong ni Chicago.Hindi niya napapansin na napapalapit na pala ng husto si Chicago sa ina niya.“Pinilit ka ba niyang sumama sa kaniya?”Ayaw ni Chicago na awayin ng papa niya si Khelowna kaya umiling siya at nagsinungaling. “Hindi po papa. I asked Dr. Khe na pumasyal kami sa park once I get better. She just wanted to grant my wish to her. I’m sorry po papa. Kasalanan ko po kung bakit sila nag-away ni tita Katherine.”Hindi alam ni Max kung nagsasabi ba ng totoo si Chicago dahil kilala niya si Khelowna. Natitiyak niyang binalak rin nitong itakas si Chicago.“Shh… It’s
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P