Another 1 now.
Max was mad and pulled Khelowna away from Chicago.“Anong ginagawa mo? Talaga bang hindi ka marunong makinig?”Nanlaki ang mata ni Khelowna. Agad niyang hinablot ang kamay niya pero hindi siya hinayaan ni Max. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Khelowna.Nag-alala na si Chicago dahil wala namang masamang ginagawa si Dr. Khe, pero hindi niya maintindihan bakit ganoon ang reaction ng papa niya.“Ano ba Max! Bitawan mo ‘ko!”“Talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ba binalaan na kita na huwag kang lumapit sa anak ko?”“ANAK MO?!” Nagtaas na ng boses si Khelowna.“Sige! Sabihin mo at humanda ka sa akin!” Pagbabanta ni Max.Nakagat ni Khelowna ang labi niya sa tindi ng poot na nararamdaman niya. Alam niyang nasa alanganin siya dahil kahit anong minuto, pwedeng ilayo ni Max sa kaniya si Chicago.Dr. Austin was not pleased to what he saw. Agad niyang kinuha si Khelowna palayo kay Max at sinamaan ng tingin si Max.“Mr. Linae, what are you doing?”Namula sa galit si Max. “What
Tumakbo si Rome ngunit hindi niya alam saan nagtungo ang mama niya. Wala siyang ideya na nasa kwarto lang pala ito ni Chicago. Kung saan saan na siya lumusot para lang mahanap ang mama niya, to the point na nakaabot na siya sa labas ng hospital.“MAMA!” Sigaw niya habang hinahanap ito.Napatingin siya sa kabilang banda at napansin na maraming doctors doon.Tumakbo pa siya at sinundan ang ibang doctor na papuntang parking lot para umuwi. Nagbabasakali siyang naroon ang mama niya ngunit wala.Instead, nabangga siya ng isang babae na dahilan kung bakit napaupo siya sa lupa. Napikit si Rome sa sakit ng pwet niya.“ANO BA!” Sigaw ni Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene.Walang pinagkaiba si Alora sa anak niyang si Katherine. Maluho siya at lulong sa sugal sa casino. Mahilig rin siyang magpasipsip sa mga may pera gaya nalang ng pamilya ni Max.Gaya ni Katherine, ayaw niya rin kay Chicago.Nang makita niya ang batang nabangga niya, agad na nanlaki ang mata niya. “Chicago?” ang sabi niya.N
Paglabas ni Khelowna at Max sa office ng hospital director, nakita nila si Austin sa labas na naghihintay kay Khelowna. Agad itong lumapit kay Dr. Khe. Tumiim bagang naman si Max nang mapansin kung paano hawakan ni Dr. Austin si Khelowna sa kamay. Agad siyang lumingon kay Director Jhon.“Allowed ba ang mga doktor dito na magkaroon ng relasyon sa kasamahan nila?”Napahinto si Khelowna at napatingin kay Max. Hindi niya alam kung bakit tinatanong yun ng ex-husband niya.“Yes, Mr. Linae, why?” takang sagot ng director. Wala namang batas ang hospital nila na bawal makipagrelasyon ang isang doctor sa kapwa doctor.“Tss..” He hissed and glared at his ex-wife before exiting.Sinamaan rin ng tingin ni Khelowna ang dating asawa niya na papalayo na ngayon sa kaniya. At saka siya humarap kay Dr. Austin na nakatitig lang sa kaniya habang nakatingin siya kay Max.“May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?”“Oo. Galit.” Sagot ni Khelowna at naunang maglakad pabalik sa office niya. Pagdating niya doon, na
Panakaw-nakaw ang pagbisita ni Khelowna kay Chicago. Late na rin siyang umuuwi para lang matignan at malapitan niya ang anak niya dahil alam niyang wala si Max.She was being cautious dahil ayaw niyang maudlot pa ang plano niya na itakas si Chicago sa hospital.Nakamonitor rin siya sa kalagayan ng anak kaya alam niyang malapit ng gumaling ito. In fact, kaya ng tumayo ni Chicago at makalakad. Kaya ilang araw na lang ang hintayin, pwede na siyang e released.Matapos ang dalawang linggo, nagtataka at naninibago si Khelowna na hindi na siya ginugulo o pinapansin ni Max.Nakikita pa rin niya ito sa hospital pero tuwing nagtatagpo ang landas nila, nakikita niyang iniiwas ni Max ang paningin niya.Nagtataka siya ng husto pero hindi niya na yun pinansin. Mas nagpapasalamat pa siya doon.Alas onse na ng gabi ng bisitahin niya ang anak niya. Natutulog na si Chicago, nagising lang nang maramdaman ang presensya niya.“Hi baby.. I’m sorry, did I wake you up?”“Dr. Khe?” gulat na sabi nito. Umupo s
“HOY!” Narinig na ni Khelowna ang boses ni Katherine na papalapit sa kanila. Napamura na siya sa isipan niya lalo na nang maramdaman na nagpanic ang anak niya.“S-Si tita…” sabi ni Chicago na kinakabahan na ng husto.Binuhat na siya ni Khelowna para makatakbo sila papunta ng sasakyan niya. Ngunit mabilis silang naabutan ni Katherine.“SAAN MO DADALHIN SI CHICAGO?”Mabilis na hinablot ni Katherine ang kamay niya at napasinghap ito nang makita na si Khelowna ang may hawak kay Chicago.Para siyang nakakita ng multo lalo’t ang buong akala niya ay namatay na ito.“Khelowna?” gulat na sabi niya.Agad na itinago ni Khelowna ang anak niya sa likuran niya. Tipong, ayaw niyang makuha ni Katherine ito.“So all this time, buhay ka?”Hinarap na niya ito total e nabuko na siya na siya si Khelowna.“Oo Katherine. Buhay na buhay. At sa tingin mo ba, hahayaan pa kitang saktan si Chicago?”Nanlaki ang mata ni Katherine ng matanto niyang si Khelowna rin pala ang doctor na nag-opera kay Chicago at ang doc
Umabot kay Max ang balita. Agad niyang pinuntahan si Chicago sa hospital, at naabutan niya ito sa kwarto nito.He heard the news na nag-away si Khelowna at Katherine dahil binalak raw ni Khelowna na itakas si Chicago. He was mad at the news. Pagdating niya sa kwarto ng anak, nakita niya itong nag-aalalang nakatingin sa kaniya.“P-Papa,” kita sa mata niyang natatakot ito. “Sasaktan niyo po ba si Dr. Khe?” nagulat siya sa tanong ni Chicago.Hindi niya napapansin na napapalapit na pala ng husto si Chicago sa ina niya.“Pinilit ka ba niyang sumama sa kaniya?”Ayaw ni Chicago na awayin ng papa niya si Khelowna kaya umiling siya at nagsinungaling. “Hindi po papa. I asked Dr. Khe na pumasyal kami sa park once I get better. She just wanted to grant my wish to her. I’m sorry po papa. Kasalanan ko po kung bakit sila nag-away ni tita Katherine.”Hindi alam ni Max kung nagsasabi ba ng totoo si Chicago dahil kilala niya si Khelowna. Natitiyak niyang binalak rin nitong itakas si Chicago.“Shh… It’s
Bumalik si Max ng hospital matapos ng meeting niya. Nakita niya si Khelowna na sumisilip kay Chicago sa labas ng pinto. Agad niya itong nilapitan.“What are you doing?”Napatalon si Khelowna sa gulat nang marinig ang boses ni Max sa likuran niya. Agad siyang nabahala dahil baka e magalit ito at kunin si Chicago para ilayo sa kaniya dahil sa ginawa niya.Hinanda na niya ang sarili niya na magsisigawan o magsasakitan sila pero nagulat siya ng makita na mahinahon pa rin ang mukha nito.“Chicago told me na inaya ka raw niyang mamasyal kayo sa park kaya nilabas mo siya kanina sa hospital.”Nanlaki ang mata ni Khelowna ng mapagtanto na pinagtakpan siya ng anak niya. At dahil sa rection niya, nalaman ni Max na nagsisinungaling lang si Chicago.“I see…” Disappointed na sabi niya. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot matapos malaman na nagsinungaling ang anak niya para kay Khelowna. Dahil kahit nasa kaniya si Chicago, pakiramdam niya e may pader sa pagitan nila.Mas ramdam niya ngayon
Itinayo ni Khelowna si Chicago at agad na niyakap habang patuloy pa rin na umiiyak. Nanginginig pa ang katawan na para bang sinasaktan pa rin siya ni Katherine.Si Max naman ay hindi pa nakontento. Nilapitan niya si Katherine matapos mapaatras sa pagkakasuntok niya. Dumugo agad ang ilong nito. “M-Max…” sabi nito na nanginginig na ngayon sa takot.“Max… p-pakiusap. Huwag.”Para yatang tila nablanko ang utak ni Max. Wala na siyang naririnig. Ang nasa isipan nalang niya ngayon ay patayin si Katherine.Agad niyang sinakal si Katherine at habang hawak ng kanang kamay niya ang leeg nito, bumwelo naman ang kaliwa niyang kamay para bigyan ng mag-asawang sampal si Katherine dahilan para masuka ito ng dugo.“Max….” umuubo na sabi niya dahil hindi na siya makahinga ng tama. “Max.. m-mali ang nakita mo.”“Papatayin kita.” Sabi ni Max at mas lalo pang hinigpitan ang pagsakal kay Katherine.Niyakap ng mahigpit ni Khelowna ang anak niya. Ayaw niyang makita ni Chicago ang ginagawa ni Max. Kahit siya,