Mabilis na naglalakad si Max sa corridor ng ospital at walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito.
Binuksan niya ang pinto ng opisina, ngunit hindi niya nakita si Khelowna.
Nang mabalitaan ng direktor na hinahanap ni Max si Khelowna, nag-alala siya na baka magkaroon na naman ng alitan ang dalawa, kaya nagmadali siyang pumunta sa opisina ni Khelowna. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala si Khelowna dito.
"I'm sorry, Mr. Linae, hindi po ito kasalanan ng bagong doktor. Marami po kasi siyang inoperahan kanina. Kasalanan ko po na pinilit ko po siyang mag-opera kahit na pagod siya, na ikinagalit niya. Ako po ang may kasalanan. Responsibilidad ko ito lahat." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang direktor para kay Khelowna.
Hindi siya nilingon ni Max, bagkus ay kinuha niya ang business card na nasa mesa at tinitigan itong mabuti na nagpakunot ng noo niya.
Galit niyang nilukot ang business card sa kanyang mga kamao, at sinabi sa direktor, "Gusto ko siyang makita sa loob ng kalahating oras."
Bagama't nag-aatubili ang direktor, tinawagan pa rin niya si Khelowna.
“S-Sige po,” kinakabahang kinuha ni Director Jhon ang cellphone niya at agad na denial ang numero ni Khelowna.
“Doc, Khe. Hinahanap kayo ni Mr. Linae.”
"Hayaan mo siya!" Ang sabi ni Khelowna at pagkatapos ay ibinaba niya nang diretso ang tawag.
Hiyang-hiya ang direktor at namutla nang makita ang reaction ni Max.
Pagkatapos ng tawag, umalis agad si Khelowna at hindi na siya agad bumalik sa ospital. Nagmaneho siya papunta sa tirahan nila ng kanyang kapatid kung saan sila nakatira kasama ng dalawang anak niya.
Gabi na siya nakauwi, at parehong natutulog na ang dalawang bata, ngunit gising pa rin ang kanyang kapatid na si Thompson. Nakaupo sa sofa at naghihintay na makauwi siya. Nang marinig niya ang bosena ng sasakyan ni Khelowna ay masaya siyang tumakbo siya para buksan ang gate.
Nang makita ang kapatid, napuno ng halo-halong emosyon ang mukha ni Khelowna. Naniniwala siyang ang kapatid niya ang kakampi niya sa buong mundo, ngunit...hindi niya maisip ngayon kung paano nito nagawang magsinungaling sa kanya?
"Kuya, ilang anak ba ang pinanganak ko noon?" Mahinahong tanong niya.
Natigilan si Thompson, saka ngumiti at sinabing, "Siyempre dalawa. Gustong kunin ni Katherine noon ang anak mo sabi ni Nurse Jen pero hindi siya nagtagumpay dahil pinalabas nila ni Doktora Santos na namatay kayo ng mga bata. Bakit? May nangyari ba? Bakit parang ang putla mo?"
"Talaga?" puno ng sarkasmo ang boses ni Khelowna. "May nakita akong bata sa ospital ngayon na kamukhang-kamukha ng anak kong si Paris, tapos ang sabi nila e anak daw ni Max yun kay Maveliene."
Nagpanggap si Thompson na kalmado. "Oh? Balita ko may anak nga sina Max at Maveliene, na kakalimang taon lang ngayong taon. Bakit?"
"Magsisinungaling ka na naman ba sa akin?" Nanginginig ang boses ni Khelowna. "Nagtagumpay si Katherine noon, di ba? Kinuha niya ang isa sa mga anak ko at dalawa lang ang natira!"
Matagal na natahimik si Thompson lalo na nang makita na umiiyak ang kapatid niya, at saka sinabing, "Isipin mo na lang na kabayaran mo 'yan sa mga pagkakamali mo noon. Ang batang 'yon ay young master na ngayon ng Linae family, mahal siya ng maraming tao, at masaya siya sa ama niya. ."
Galit na galit si Khelowna pero natawa siya, "Bakit hindi ka naniniwala na wala akong kasalanan? Alam mo bang nakahiga sa harap ko ang batang sinasabi nila na anak ni Maveliene na puno ng dugo, may tatlong baling buto sa katawan at maraming sugat sa buong kamay? Ako! Ako mismo ang nag-opera sa kanya, at sasabihin mo sa akin na masaya siya?"
Sobrang nagulat si Thompson, ngunit mas nanaig ang takot niya sa mga Linae.
“H-Huwag! Huwag mong sabihin na triplets ang anak ninyo. Dahil alam mong kukunin ni Max ang mga bata at ilalayo niya ang mga anak mo sayo.”
Napaupo si Khelowna sa lupa at umiyak ng todo.
"Ang pamilya ni Max ang maimpluwensya sa buong lungsod! Gusto mo bang mawala sayo ang dalawa mo pang anak? Kaya ka nilang idispatya kung gustuhin nila."
Ngumiti ng mapait si Khelowna, walang siyang sinabi, at umalis sa harapan ng kuya niya.
Bumalik siya sa sasakyan at nagmaneho siya pabalik sa ospital. Oo, kinamumuhian siya ng lahat dahil sa salang hindi niya ginawa. Pero kahit na halimaw siya sa mata ng lahat, hindi niya kayang talikuran ang isa niyang anak.
Pagdating niya ng hospital, agad niyang pinuntahan si Chicago. Bumuhos na kaagad ang luha sa mga mata ni Khelowna. Halos manginig ang buong binti niya habang naglalakad palapit sa anak niya.
Hindi niya matanggap kung anong sinapit ng anak niya. Habang nag-oopera siya kanina, nong hindi pa niya alam na anak niya ito, naawa siya ng husto sa bata.
Alam niyang maliban sa sugat na natamo nito kanina, may mga pasa ito sa ibang katawan.
Nang makalapit siya, agad niyang hinawakan ang kamay nito.
“Oh God! My baby…” Halos pabulong na sabi niya.
Hindi matigil ang mga luha sa mga mata ni Khelowna. Magkahalong saya at sakit ang nararamdaman niya habang nakatitig sa anak niya.
“Hey baby, ako si mama.” Pumiyok ang boses niya. Agad niyang dinala ang labi niya sa kamay ni Chicago at hinaIikan ito.
Kahit na kanina niya lang ito nakilala, ramdam na niya ang nag-uumapaw na pagmamahal niya para sa anak niya.
“I’m sorry baby.. Hindi alam ni mama.” Puno ng sakit na sabi niya.
“Please wake up… Mama will promise you na kukunin kita sa kanila. And I promise you na hindi ka na nila sasaktan pa.” Pangako niya at hinaIikan sa noo si Chicago. Hindi umalis si Khelowa sa tabi ng anak niya hanggang sa nag-umaga na.
No’ng mabatid niyang may mga nurse na papasok mamaya para tignan si Chicago, tumayo na siya para umalis. Ngunit bago yun, lumapit muna siya sa anak niya.
“Babalik si mama. Pangako anak…” Aniya.
Bumalik siya sa opisina niya para doon na sana magpahinga ngunit pagbukas niya ng pinto, natigilan siya nang makita si Max na tila ay hinihintay siyang makabalik.
Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.And his ex-wife is his prey.Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?""Still acting?" Max asked coldly.Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged
Nang makaalis si Max.Agad na pumasok ang mga nurses na nakakita na lumabas si Max sa opisina ni Khelowna. Natigilan silang lahat ng makita na umiiyak ito.“Doc Khe!” Sigaw nila at nag-aalalang nilapitan ito. “Sinaktan ka ba ni Mr. Linae?” Hindi makasagot si Khelowna dahil umiiyak pa rin siya kaya isang nurse ang agad na pinuntahan si Doc Austin para isumbong na umiiyak si Khelowna.Alam kasi nilang matalik na magkaibigan si Austin Santos at Khelowna. Kaya wala silang ibang maisip na pwedeng gawin kun’di puntahan ito.“Doc, may nangyari po kay Doc Khe.”Agad na napatayo si Austin kahit na may ginagawa pa ito at nagmamadaling umalis sa opisina niya para puntahan si Khelowna.“Ano bang nangyari? Bakit siya umiiyak?” tanong niya.“Hindi po namin alam doc pero nakita po namin si Mr. Linae na galing ng office niya.”Kumuyom ang kamao ni Dr. Austin at pagdating niya sa opisina ni Khelowna ay naabutan pa niya itong umiiyak.“Khe!” Agad na niyakap ni Austin si Khelowna ng makapasok siya sa lo
“Nababaliw ka na ba?” galit na tanong ni Khelowna. Umikot pa siya sa kabilang kama kung saan naroon si Katherine.“Baliw? Sino ka ba? Doctor ka lang naman!”“Doctor ako ni Chicago. At hindi tama ang ginagawa mo sa bata.”Ngumisi si Katherine sa kaniya. Wala kang magagawa kung sasaktan ko ang batang ito. Umulit pa si Katherine. Piningot pa niya ang isang tenga ni Chicago kaya napa-aray ang bata.Labis na talaga ang galit ni Khelowna at gigil niya. Naaawa siya sa anak niya. Hindi niya kayang tignan lang ang anak niya na sinasaktan ng ibang tao.Agad niyang hinablot ang buhok ni Katherine para malayo kay Chicago. “Anong ginagawa mo sa bata. Walanghiya ka!”Hindi siya makakapayag na may tao pang mananakit sa anak niya. Sobra na ang hirap na dinanas ni Chicago. Hidni maatim ng puso niya na pabayaan ito.Kaya kahit magkakamatayan pa, ipaglalaban niya ang anak niya.Kukunin niya si Chicago at hindi siya natatakot sa pamilyang Linae.“BITAWAN MO ‘KO! BWESIT KA!”Napahiga si Katherine sa sahig.
“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Max kay Khelowna.“Anong klase kang ama? Bakit hindi mo magawang protektahan si Chicago?”“Hindi ka pa rin ba titigil? Talaga bang igigiit mo ang gusto? Para ano?”“Ginigiit? Totoo ang sinasabi ko.” Sabi ni Khelowna. “Bakit naman ako magsisinungaling e kaligtasan ng bata ang inuuna ko.”Nginisihan siya ni Max.“Bakit naman ako maniniwala sa kagaya mong criminal? Anak ko na ang nagsabi na hindi siya sinaktan ni Katherine.”Natigilan si Khelowna. Kumuyom ang kamao niya sa labis na galit. Lumapit siya kay Max at binulong. “Kahit kailan, wala kang silbi. Putang.ina mo!”Sa tindi ng galit ni Max, agad niyang hinablot ang braso ni Khelowna.“BITAW!” Nagtaas na ito ng boses habang masamang nakatingin sa ex-husband niya.Ramdam na ni Chicago ang tension na nagaganap sa mga magulang niya. Using his weak voice, he called out his father.“H-Huwag niyo pong pagalitan si Dr. Khe, papa.”Napatingin silang dalawa sa anak nila. “Mabait po si doc sa akin. A-A
Nagmamadali si Dr. Khe na habulin si Rome na nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa loob. Halos atakihin na siya sa puso dahil kahit anong tawag niya, hindi pa rin siya naririnig ng anak niya. “What are you doing?” natigilan si Khelowna ng biglang tumambad sa harapan niya ang ex-husband niya. Palabas na si Max ng office ng bigla niyang nakita si Khelowna. “What are you doing?” ulit nito dahil hindi siya sinagot ni Dr. Khe. Biglang nanlamig ang mga paa ni Khelowna sa kinatatayuan niya. Bigla siyang kinabahan ng husto. Parang lumalabas ang puso niya sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Max sa harapan niya. “M-Max,” halos nanginig ang labi niya. Tumingin siya sa likuran nito at naroon pa rin ang anak niya na naglalakad. Kumunot ang noo ni Maximillian. Bigla siyang lumingon sa likuran niya at nagkata siya dahil wala namang kakaiba doon. Hindi na niya nakita si Rome dahil biglang dumating si Dr. Austin at agad na binuhat si Rome bago pa sila malingunan ni Max. It just a mat
Nakabalik na si Max sa office niya at wala pa rin siya sa mood. Halos lahat ng mga tao na nakakasalamuha niya ay napapagalitan niya. Kaya walang empleyado ang nagtangka na lumapit sa kaniya sa takot na masigawan sila. “SINONG IN-CHARGE SA BASURANG ITO?” tanong ni Max na galit na galit habang hawak ang isang pirasong papel. Nanginginig sa takot ang lahat ng umalingawngaw ang boses niya sa buong palapag. Ang isang empleyado na siyang nasa likod no’ng document na hawak niya ay nanginginig na sa takot habang papalapit sa kaniya. “A-Ako po sir…” Masama ang tingin ni Max sa kaniya. “Ikaw? Kung ganoon, iligpit mo na ang gamit mo at lumayas ka sa harapan ko.” Nanlaki ang mata ng kawawang empleyado. “S-Sir?” “YOU’RE FIRED!” Natahimik ang lahat at naaawang tumingin sa kasamahan nilang nasisante. "WALA AKONG BINABAYARANG EMPLEYADO NA BIBIGYAN LANG AKO NG BASURA. KAYA KUNG GUSTO NIYONG UMALIS, UMALIS KAYO." Agad nagsibalikan ang mga tao sa table nila sa takot na madamay sila sa galit ni
Galit na galit si Katherine habang nililinisan niya ang mesa ni Max. Hindi niya matanggap na tinawag siyang tanga at ginawa siyang alila.Hindi niya matanggap na trinato siyang basura.Iba ang ini-expect niya. Gusto niyang tratuhin siya nito na may ibayong pag-iingat. Gusto niyang maging Mrs. Linae.“Mapapasakin ka rin Max. Pinapangako ko yan! Luluhod ka rin balang-araw sa harapan ko. Maiisip mo rin na mahal mo ako… na ako ang kailangan mo!” puno ng galit na saad niya.Bumukas ang pinto at pumasok na ulit si Max. Nakabalik na siya mula sa hospital. Ang galit sa mata nito ay naroon pa rin.“M-Max, malinis na….” Saad ni Katherine, tila nagpapakalumbaba sa lalaking inaasam niyang mapakanya.“Umalis ka na.” Malamig na sabi nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. For him, Katherine is nothing but his annoying employee.At ayaw pa naman niya sa mga taong pabida at tanga gaya ni Katherine.Sa takot na baka magalit ulit si Max sa kaniya, kinuha niya ang bag niya at nagmamadalin
Nang makalabas si Katherine sa kwarto, siya namang pagliko ni Rome sa kinaroroonan niya.Nakaharap si Katherine sa kabilang banda, baliktad sa direction ni Rome, kaya hindi niya napansin ang bata.Naglakad siya paalis na may ngiti sa labi. Nailabas na niya lahat ng galit at sama ng loob niya kay Chicago kaya masayang masaya na siya ngayon.Hindi man lang niya nakita si Rome na pumunta sa tapat ng kwarto ni Chicago.Tinignan ni Rome ang loob, may siwang kaya nakita niya na may bata sa kama. Agad siyang pumasok sa loob at natigilan siya ng makita ang mukha nito.Kumunot ang noo niya nang makita na ang batang nasa kama ay pamilyar sa kaniya. “Paris?”Maliit ang buhok, payat, at umiiyak.. Agad na umiling-iling si Rome nang mapagtanto na batang lalaki ang nasa harapan niya kaya malabo ito maging si Paris.Chicago looked at him with tears in his eyes. "Who are you?" he asked.Humaba ang nguso ni Rome. “So weird. I thought you’re my sister but you’re a boy so hindi ka magiging si Paris.” Nagl