Nakabalik na si Max sa office niya at wala pa rin siya sa mood. Halos lahat ng mga tao na nakakasalamuha niya ay napapagalitan niya. Kaya walang empleyado ang nagtangka na lumapit sa kaniya sa takot na masigawan sila. “SINONG IN-CHARGE SA BASURANG ITO?” tanong ni Max na galit na galit habang hawak ang isang pirasong papel. Nanginginig sa takot ang lahat ng umalingawngaw ang boses niya sa buong palapag. Ang isang empleyado na siyang nasa likod no’ng document na hawak niya ay nanginginig na sa takot habang papalapit sa kaniya. “A-Ako po sir…” Masama ang tingin ni Max sa kaniya. “Ikaw? Kung ganoon, iligpit mo na ang gamit mo at lumayas ka sa harapan ko.” Nanlaki ang mata ng kawawang empleyado. “S-Sir?” “YOU’RE FIRED!” Natahimik ang lahat at naaawang tumingin sa kasamahan nilang nasisante. "WALA AKONG BINABAYARANG EMPLEYADO NA BIBIGYAN LANG AKO NG BASURA. KAYA KUNG GUSTO NIYONG UMALIS, UMALIS KAYO." Agad nagsibalikan ang mga tao sa table nila sa takot na madamay sila sa galit ni
Galit na galit si Katherine habang nililinisan niya ang mesa ni Max. Hindi niya matanggap na tinawag siyang tanga at ginawa siyang alila.Hindi niya matanggap na trinato siyang basura.Iba ang ini-expect niya. Gusto niyang tratuhin siya nito na may ibayong pag-iingat. Gusto niyang maging Mrs. Linae.“Mapapasakin ka rin Max. Pinapangako ko yan! Luluhod ka rin balang-araw sa harapan ko. Maiisip mo rin na mahal mo ako… na ako ang kailangan mo!” puno ng galit na saad niya.Bumukas ang pinto at pumasok na ulit si Max. Nakabalik na siya mula sa hospital. Ang galit sa mata nito ay naroon pa rin.“M-Max, malinis na….” Saad ni Katherine, tila nagpapakalumbaba sa lalaking inaasam niyang mapakanya.“Umalis ka na.” Malamig na sabi nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. For him, Katherine is nothing but his annoying employee.At ayaw pa naman niya sa mga taong pabida at tanga gaya ni Katherine.Sa takot na baka magalit ulit si Max sa kaniya, kinuha niya ang bag niya at nagmamadalin
Nang makalabas si Katherine sa kwarto, siya namang pagliko ni Rome sa kinaroroonan niya.Nakaharap si Katherine sa kabilang banda, baliktad sa direction ni Rome, kaya hindi niya napansin ang bata.Naglakad siya paalis na may ngiti sa labi. Nailabas na niya lahat ng galit at sama ng loob niya kay Chicago kaya masayang masaya na siya ngayon.Hindi man lang niya nakita si Rome na pumunta sa tapat ng kwarto ni Chicago.Tinignan ni Rome ang loob, may siwang kaya nakita niya na may bata sa kama. Agad siyang pumasok sa loob at natigilan siya ng makita ang mukha nito.Kumunot ang noo niya nang makita na ang batang nasa kama ay pamilyar sa kaniya. “Paris?”Maliit ang buhok, payat, at umiiyak.. Agad na umiling-iling si Rome nang mapagtanto na batang lalaki ang nasa harapan niya kaya malabo ito maging si Paris.Chicago looked at him with tears in his eyes. "Who are you?" he asked.Humaba ang nguso ni Rome. “So weird. I thought you’re my sister but you’re a boy so hindi ka magiging si Paris.” Nagl
Nang kumalma si Chicago, agad na tinanong ni Rome ang kapatid kung bakit ito umiiyak. “Anong nangyari? Why are you crying?”“I had a bad dream.”Kumunot ang noo ni Rome. “Bad dream? Tell me what happened.”Nagbaba ng tingin si Chicago sa mga kamay niya.“In my dream, tita Katherine was beating me and she kept on pulling my hair while dragging me into the attic.”Namuo ulit ang luha sa mga mata niya. Nanginging pa rin siya habang inaalala ang panaginip na yun na dati ng nangyari sa kaniya.Ikinulong na siya ni Katherine sa attic pero bago yun, sinaktan muna siya, hinampas ang katawan gamit ang bag at hinila pa ang buhok na para bang mahihiwalay na sa anit.Naawa si Rome ng husto. Agad niyang pinunasan ang luha sa mata ni Chicago. Kahit kailan hindi pa siya nakaranas ng ganoon, kaya hindi niya lubusang maisip na ganoon ang sinapit ni Chicago sa kamay ng tita niya.“Sinasaktan ka ba ng tita mo?”Natatakot si Chicago na sumagot ng oo. Kaya umiling siya pero umiiyak pa rin.Kumunot ang noo
Max was mad and pulled Khelowna away from Chicago.“Anong ginagawa mo? Talaga bang hindi ka marunong makinig?”Nanlaki ang mata ni Khelowna. Agad niyang hinablot ang kamay niya pero hindi siya hinayaan ni Max. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Khelowna.Nag-alala na si Chicago dahil wala namang masamang ginagawa si Dr. Khe, pero hindi niya maintindihan bakit ganoon ang reaction ng papa niya.“Ano ba Max! Bitawan mo ‘ko!”“Talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ba binalaan na kita na huwag kang lumapit sa anak ko?”“ANAK MO?!” Nagtaas na ng boses si Khelowna.“Sige! Sabihin mo at humanda ka sa akin!” Pagbabanta ni Max.Nakagat ni Khelowna ang labi niya sa tindi ng poot na nararamdaman niya. Alam niyang nasa alanganin siya dahil kahit anong minuto, pwedeng ilayo ni Max sa kaniya si Chicago.Dr. Austin was not pleased to what he saw. Agad niyang kinuha si Khelowna palayo kay Max at sinamaan ng tingin si Max.“Mr. Linae, what are you doing?”Namula sa galit si Max. “What
Tumakbo si Rome ngunit hindi niya alam saan nagtungo ang mama niya. Wala siyang ideya na nasa kwarto lang pala ito ni Chicago. Kung saan saan na siya lumusot para lang mahanap ang mama niya, to the point na nakaabot na siya sa labas ng hospital.“MAMA!” Sigaw niya habang hinahanap ito.Napatingin siya sa kabilang banda at napansin na maraming doctors doon.Tumakbo pa siya at sinundan ang ibang doctor na papuntang parking lot para umuwi. Nagbabasakali siyang naroon ang mama niya ngunit wala.Instead, nabangga siya ng isang babae na dahilan kung bakit napaupo siya sa lupa. Napikit si Rome sa sakit ng pwet niya.“ANO BA!” Sigaw ni Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene.Walang pinagkaiba si Alora sa anak niyang si Katherine. Maluho siya at lulong sa sugal sa casino. Mahilig rin siyang magpasipsip sa mga may pera gaya nalang ng pamilya ni Max.Gaya ni Katherine, ayaw niya rin kay Chicago.Nang makita niya ang batang nabangga niya, agad na nanlaki ang mata niya. “Chicago?” ang sabi niya.N
Paglabas ni Khelowna at Max sa office ng hospital director, nakita nila si Austin sa labas na naghihintay kay Khelowna. Agad itong lumapit kay Dr. Khe. Tumiim bagang naman si Max nang mapansin kung paano hawakan ni Dr. Austin si Khelowna sa kamay. Agad siyang lumingon kay Director Jhon.“Allowed ba ang mga doktor dito na magkaroon ng relasyon sa kasamahan nila?”Napahinto si Khelowna at napatingin kay Max. Hindi niya alam kung bakit tinatanong yun ng ex-husband niya.“Yes, Mr. Linae, why?” takang sagot ng director. Wala namang batas ang hospital nila na bawal makipagrelasyon ang isang doctor sa kapwa doctor.“Tss..” He hissed and glared at his ex-wife before exiting.Sinamaan rin ng tingin ni Khelowna ang dating asawa niya na papalayo na ngayon sa kaniya. At saka siya humarap kay Dr. Austin na nakatitig lang sa kaniya habang nakatingin siya kay Max.“May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?”“Oo. Galit.” Sagot ni Khelowna at naunang maglakad pabalik sa office niya. Pagdating niya doon, na
Panakaw-nakaw ang pagbisita ni Khelowna kay Chicago. Late na rin siyang umuuwi para lang matignan at malapitan niya ang anak niya dahil alam niyang wala si Max.She was being cautious dahil ayaw niyang maudlot pa ang plano niya na itakas si Chicago sa hospital.Nakamonitor rin siya sa kalagayan ng anak kaya alam niyang malapit ng gumaling ito. In fact, kaya ng tumayo ni Chicago at makalakad. Kaya ilang araw na lang ang hintayin, pwede na siyang e released.Matapos ang dalawang linggo, nagtataka at naninibago si Khelowna na hindi na siya ginugulo o pinapansin ni Max.Nakikita pa rin niya ito sa hospital pero tuwing nagtatagpo ang landas nila, nakikita niyang iniiwas ni Max ang paningin niya.Nagtataka siya ng husto pero hindi niya na yun pinansin. Mas nagpapasalamat pa siya doon.Alas onse na ng gabi ng bisitahin niya ang anak niya. Natutulog na si Chicago, nagising lang nang maramdaman ang presensya niya.“Hi baby.. I’m sorry, did I wake you up?”“Dr. Khe?” gulat na sabi nito. Umupo s
Kinabukasan, pagdating ni Dr. Smith sa hospital, nagulat siya nang makita si Khe sa harapan ng office niya na tila ba hinihintay siya. "Kamusta ang lakad niyo ni Max kahapon?""Ayos naman." Sabi ni Khelowna. "Ahm.. Doc, pwedeng magfile ng leave?""Bakit?" kunot noong tanong niya. "Pupunta kasi ako ng Hongkong kasama ni Sydney. Nagdamdam kasi ang batang yun na puro nalang daw kami work ng papa niya. Kaya naisipan namin ni Max na magbakasyon muna.""Ilang araw ba?""Pwede mga dalawang buwan?""Hindi ka pwedeng mawala ng ganoon katagal Khe. 1 month, is that enough?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Sige Doc. Salamat.""Kuya, Khelowna!" Dumating na naman si Sonya at nakangiti siya ngayon sa dalawa."Hello Dr. Khe." Sabi niya kay Khelowna pero si Khelowna ay wala man lang expression ang mukha niya. "By the way doc, alam mo bang nagpunta kahapon ang kapatid mo sa bahay namin?"Nawala ang ngiti ni Sonya sa labi niya. 'Anong binabalak ng babaeng to?' "Oo. Nasabi nga niya sa akin." Sabi ni
Itinulak ni Sonya si Mina sa semento kaya napapikit ito ng muntik ng tumama ang ulo niya doon."Hindi ka pwedeng umuwi Mina. Isusumbong mo ko kay kuya, tapos ilalayo niya ako kay Khelowna at Max. Tingin mo naman papayag ako?"Nagsimula ng umiyak si Mina. "Hindi kita isusumbong. Please, huwag mo lang akong saktan Sonya. Please..."Tumawa si Sonya. "Sawa na ako sa mga pangako Mina. Nangako rin sa akin noon si Max na hindi siya iibig kay Khelowna. Pero tignan mo naman kung anong ginawa niya sa akin. Niloko niya ako, pinagpalit pa rin niya ako. Minahal niya si Khelowna at iniwan ako.""Pero Sonya.." humagolgol na ng iyak si Mina. "Iba naman ako kay Max. Hindi ba naging mabait ako sa'yo? Pwede bang hayaan mo na akong umalis?""Mabait?" tumawag ulit si Sonya. "Paano ka naging mabait e isa ka ring bwesit sa buhay ko. Pakialamera ka at gusto mong magreyna-reynahan sa bahay. Mas sinusunod ka pa ng mga katulong kesa sa akin kahit na ako ang kadugo ng amo nila."Humanap si Mina ng pwede niyang ga
Isang malakas na katok ang pumukaw kay Khe at Max. "Baka yung ulam na yan ni Mina." Sabi niya."Ako na kukuha mama," sabi ni Chicago."Ako na kuya. Hindi ka pa tapos sa assignment mo." Sabi naman ni Paris at siya ang naglakad palapit sa pinto. Pagbukas niya no'n, tumambad sa kaniya ang mukha ni Sonya."Hello baby girl." "Ma!!" Sigaw ni Paris kaya si Khelowna ay nagmamadaling nagpunta sa tabi niya. Nagulat siya nang makita niya si Sonya na may hawak na ulam at nakangiti."Hi Dr. Khe, pinapabigay ni Mina.""Wife, sino yan?" tanong ni Max. Lumapit rin siya at napahinto agad nang makitang si Sonya ito."Hi Max." Sabi ni Sonya."Anong ginagawa mo dito Sonya?""Nautusan ako ni Mina na dalhin ito sa inyo. Pwede ba akong pumasok?" aniya. Nagsidatingan na rin si Rome at Chicago kasama ni Sydney."Hello sa inyo mga bata. Ako ang tita Sonya niyo. Kapatid ni Dr. Smith.""Hello po." Si Sydney lang ang sumagot. Ang triplets ay seryoso lang ang mukha. Tumingin si Khelowna kay Rome. "Please bring yo
Pagdating ni Max sa office ni Khe, nakita niya si Chicago na nakayuko ang ulo sa mesa at natutulog."Son?" tawag niya. Nag-angat ng tingin si Chicago sa kaniya. Naluluha pa ang mata nito dahil sa lagnat. "Why you didn't call me?""I'm sorry papa.. Si mama po nasaan?" tanong niya."Wala pa. May ginagawa pa siya. Let's go, you need to eat para makainom ka ng gamot."Umiling si Chicago. "Dito lang ako papa. I'll wait for mama.""Babalik rin tayo dito. Kailangan mo munang kumain.""Dito nalang ako kakain papa.."Napabuntong hininga si Max. Suko na siya. Hindi niya talaga mapipilit ang mga anak niya na umalis kaya wala siyang choice kun'di tawagan si Johanson na padalhan sila pagkain."Papa, I saw your ex-wife earlier."Napatingin si Max kay Chicago dahil sa sinabi nito. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang kakaiba sa'yo?""Wala but she talked to me."Napakuyom ang kamao ni Max at sandaling natigilan. Agad siyang lumapit kay Chicago at hinawakan ang dalawang balikat nito. "If ever sh
"Sonya is acting weird." Saad ni Khelowna kay Max habang nakahiga siya sa dibdib nito."What do you mean?" tanong ni Max."Lagi na siyang bumabalik sa hospital ngayon. At alam kong hindi alam ni Dr. Smith ang mga pagpunta niya. Tapos, napapansin ko na panay siya lapit sa akin at gusto raw niya ako maging kaibigan..""Should we warn her brother?""Hindi na muna Max. Mga napapansin ko lang naman yun sa kaniya. Saka na natin sabihin kapag may pinakita siyang kakaiba sa atin na nakakaapekto na sa pamilya natin.""Then avoid her as much as you can. Ayokong makita siyang pumasok sa buhay natin. I don't know kung wala ba siyang masamang intention sa paglapit niya sa'yo. Baka kasi pinapaikot nalang niya tayo sa kamay niya." Tumango si Khe. Tumingala siya kay Max at ngumiti. Agad niyang inabot ang labi nito at hinaIikan saka hinilig ang ulo sa matitipuno nitong dibdib at pumikit.Niyakap siya ni Max habang iniisip pa rin kung anong nasa isipan ni Mavi at gusto nitong makipaglapit kay Khe..Kin
Hindi nakabalik si Dr. Smith agad sa hospital kaya inutusan niya si Mina na puntahan si Sonya para pauwiin nalang una.Pagpasok ni Mina sa loob ng opisina, nakita niya si Sonya na nakatingin sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina kay Sonya.“Wala naman.. Nagtitingin lang sa mga tao sa ibaba.”“Sabi ng kuya mo, umuwi ka na raw una dahil matatagalan pa siya.”“Ganoon ba?”“Oo.”Tumingin si Sonya sa mga mata niya at ngumiti. “Mina, ayaw mo ba sa akin?”“Huh? Sino namang nagsabi niyan? Of course gusto kita dahil kapatid ka ni Dr. Smith.”Lumabi si Sonya. “So kung hindi ako kapatid ni kuya, hindi mo ‘ko magugustuhan?”Hindi nakasagot si Mina. Hindi niya alam anong gustong ipahiwatig ni Sonya sa kaniya.“Hindi bale, gusto naman kita Mina. May sekreto pala akong sasabihin sayo.” Nakangiting sabi nito.“Ano yun?”“Alam mo ba, may crush si kuya dito na doctor?”Nagulat si Mina. “A-Anong ibig mong sabihin?”“Hindi lang ako sigurado e kasi sabi ni kuya magkaibigan lang sila pe
Mariing inoobserbahan ni Dr. Smith ang pupuntahan ng kapatid niya. Mall, park, at bahay lang ito. Kailangan niyang e monitor ang bawat lakad ni Sonya dahil hindi siya mapakali sa mga pinapakita nitong ugali no’ng mga nakaraan.But so far, wala namang kakaiba sa mga kinikilos nito na dapat niyang ikabahala. Lahat ng mga pinupuntahan niya, ay sinasabi ng mga guards sa kaniya.Kaya kampante pa siya ng konti.Ngunit kahit na wala itong pinapakitang senyales na nakakaalala na siya, hindi pa rin niya hinahayaan na umalis ito ng mag-isa.Ngayon ang araw ng kaarawan niya. Busy siya dahil may mga kailangan siyang asikasuhin sa pagpapalago ng hospital.Pagpasok niya sa loob ng hospital, sinalubong siya kaagad ng mga doctors, nurses and staffs ng cake at confetti.Natigilan siya at nagulat.“President, happy birthday!” Sabay na sabi ng lahat. Uminit ang parang bato niyang puso. Nagugustuhan na niya ang buhay niya dito.Kaya sobra ang kaba niya na baka masira ang kapayapaan na ito.“Thank you ever
Nang makaalis si Sonya, agad na tumingin si Mina sa mga katulong. “Pakilinisan na lang. Pagpasensyahan niyo na. Baka nabore lang ang batang yun ngayon.”Tumango ang mga katulong at agad na sinunod ang sinabi ni Mina.Napahilot siya sa noo niya at napapikit dahil masama talaga ang pakiramdam niya. “Miss Mina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng isang katulong.Tumango siya at nagpunta ng sofa.“Tawagan po ba namin si Dr. Smith ngayon?”“Huwag na.. Ayos lang ako.”“Pero Miss Mina, baka po ay buntis kayo. Ilang araw ko na kasing napapansin na nasusuka kayo. Nakapag PT na po ba kayo?”Ngumiti si Mina sa katulong. “Gagawin ko yun sa birthday niya.”“Feeling ko po ma’am ay buntis talaga kayo. Yun po ba ang surpresa niyo kay Dr. Smith?”“Hindi. Kung buntis man ako, sa pasko ko na yun sasabihin. Para kahit papaano, may dahilan siya para maging memorable sa kaniya ang pagsapit ng pasko.”Alam ni Mina na lumaki si Dr. Smith na walang pamilyang kasama. Kaya ang bawat okasyon sa buhay ni
ONE SATURDAY, papunta si Sonya sa office ng kuya niya para sabihin kung pwede ba itong lumabas ng bahay kahit sandali lang nang matigilan nang marinig na may kausap ito sa phone.“C’mon Max, there’s no need to buy me that.”“What? I’m not buying this for you because I want to. My wife asked me to. At isa pa, nautusan rin ako ng mga bata na bumili ng cake dito. Nagustuhan nila ang cake na pinadala mo sa bahay.”Dr. Smith smiled. Nagpapadala nga siya ng cake sa bahay ni Max para sa triplets at kay Sydney. “Then tell Khelowna thank you. Nasaan Chai house ka ba ngayon?”“Yeah.. Anyway, can you send your guard here para maibigay ko itong cake sayo?”“Okay.. Then I’ll take that as pre-gift. Sa makalawa pa ang birthday ko baka nakakalimutan niyo.”“I can send you a dozen if you want. Alam mong marami akong pera.”“Ang yabang!” Sabi ni Dr. Smith at mahinang natawa.Hindi sila close masiyado ni Max at Khe but they can talk like this. Bago pa ibaba ni Dr. Smith ang tawag, agad na umalis si Sonya