Share

Chapter 5- He's my son

Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.

Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.

Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.

Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.

And his ex-wife is his prey.

Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.

Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?"

"Still acting?" Max asked coldly.

Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged a false identity with the help of her brother.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. If you are here for your son, then sinabi ko na ang tungkol sa kalagayan niya. And don’t worry, I’ll monitor him."

Tumayo si Max sa kinauupuan niya, agad siyang lumapit kay Khelowna ng dahan-dahan, at pagkatpos ay biglang hinapit ang bewang palapit sa kaniya. "You think I won’t be able to recognize you as long as you change your name?"

Hindi agad nakagalaw si Khelowna. Biglang nanlaki ang mata niya.

Max pulled off her mask angrily, and the familiar face in his memory appeared in his sight.

"So, ikaw nga!" He said through gritted teeth.

Bistado na si Khelowna kaya hindi na rin siya nagkunwari pa. Agad niyang itinulak si Max palayo sa kaniya. "Yeah. Bakit? Disappointed ka ba na hindi pala ako namatay no’ng gabing yun?"

"Wala ka bang delikadesa? Bakit ka pa bumalik? Para manggulo?"

"Bakit bawal akong bumalik? Just because Maveliene hates me?"

Malakas na hinablot ni Max ang braso niya.

"Huwag mong babanggitin ang pangalan niya gamit ang nakakasuklam na labi mo!!”

In Max’s mind, Khelowna was the one who caused Maveliene to be in a coma until now. At ngayon na nakita niya ulit ito, na parang wala man lang bakas ng pagsisisi, bumalik ulit ang galit at inis niya para sa dating asawa.

Nakagat ni Khelowna ng mariin ang labi niya para pigilan ang sarili na huwag umiyak. Naroon na naman ang mata ni Max na kinaiinisan niya. Ang matang tila ba, ang sama niyang tao. Ang matang puno ng panghuhusga.

After so many years, kita niyang galit pa rin si Max sa kaniya! In her mind, ang anak niya ang nagdudusa dahil doon binubunton ni Max ang galit niya para sa kaniya. Halimaw ka! Ang sabi ni Khelowna sa isipan niya.

"Iniisip mo ba na hindi kita pagbabayarin sa ginawa mo? Papatayin kita." Galit na sabi ni Max sabay hawak sa baba niya.

"Nakalimutan mo na ba? I've already died once!" ngumisi siya sa dating asawa, at tumawa ng puno ng sarkasmo. Hindi siya magpapakita ng awa sa harapan ng asawa niya.

Napatitig si Max sa mukha ni Khelowna na matagal na niyang hindi nakikita. Natahimik siya ng ilang sandali. Alam niyang minahal siya ng labis ni Khelowna noon, pero dahil sa ginawa nito kay Maveliene, napuno ng galit ang puso niya.

Maveliene is the sweetest girl he met. He adores her. Siya ang first love niya kaya hindi niya mapapaatawad si Khelowna sa ginawa nito kay Mavi.

Binitawan niya ito ng medyo may kalakasan kaya napaupo si Khelowa sa sahig. "Bago pa magbago ang isip ko, umalis ka na sa harapan ko.” Ang sabi niya.

Hindi kumilos si Khelowa. In fact, tinignan niya ng masama si Max at tumayo na para bang walang nangyari.

“That child…” Ang sabi niya. Nanginginig pa ang labi. “That child is mine.”

Tumingin siya kay Max na ngayon ay nakatingin sa kaniya.

“Hindi niyo siya anak ni Maveliene. Chicago is mine.” Aniya. “Ibalik mo sa akin ang anak ko.”

Ngumisi si Max sa kaniya. “Chicago is my son at hindi mo siya anak.”

“Anak?” sarkastikong sabi niya.

“That child…..” halos hindi niya matuloy ang sasabihin niya sa labis na emotion. Maliban sa mga natamo niyang sugat sa pagkakahulog sa bintana, alam mo bang napuno ng mga pasa ang katawan niya? Iyon ang gusto niyang sabihin.

Pero naisip niya na baka siya Max ang gumawa ng mga pasa na yun sa anak nila. Kaya nanginig na lamang ang labi niya sa labis na galit.

Natigilan si Max at nanlaki ang mga mata nang makita niya ba tumulo ang isang luha ni Khelowna sa kanang mata.

“Bakit hindi ko siya kukunin kung minamaltrato mo ang anak ko? He’s just 6 Max pero bakit siya nahulog sa bintana? Anong kasalanan ng anak ko para maranasan niya ang mga hirap na hindi niya dapat maranasan?”

Pinunasan ni Khelowa ang luha sa mata niya at masamang tinignan si Max.

“Anak mo rin siya… Kung galit ka sa akin, sa akin ka lang dapat magalit… Bakit mo pa dinamay si Chicago?”

Hindi nagsalita si Max. Mahigpit niyang hinawakan ang baba ni Khelowna at sinabing, “kahit kailan hindi ko minaltrato ang anak ko. At hindi ko siya ibibigay sayo dahil akin lang siya. Anak ko lang siya.” Sabi niya at umalis.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hazel Graziee
And that happened
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status