2nd update
Chapter 98NAKAUPO si Daisy sa sofa, nakasandal at mukhang wala sa sarili. Halos hindi niya maibuka ang kanyang mga mata dahil sa pagod.Sa tabi niya, maingat na pinapalitan ng doktor ang benda sa sugat niya sa pulso. Matapos nito, nagsabii ang doktor. "Miss, hindi naman malalim ang sugat pero iwasan mong masyadong igalaw ang kamay mo."Tumango lang siya nang tamad at inutusan ang doktor. "Lumabas ka na."Marahan niyang iginalaw ang pulso niya ngunit agad na bumalik ang matinding sakit. Napakagat siya ng labi at napakunot-noo."Camila! May utang ka na naman sa akin!" bulong niya nang may galit.Tumayo siya mula sa sofa, handang lumabas para hanapin si Brix pero biglang lumapit ang isa sa kanyang mga tauhan at may sinabi. "Ano ang sinabi mo? Binugbog si Charlotte at napunta sa ospital?"Tumango ang lalaki at nagpatuloy. "Oo, Miss, grabe ang bugbog niya, at...""Ituloy mo!" utos niya, na may kaba sa boses."Ang tatlong lalaking nambugbog sa kanya ay nagkaroon ng problema kay Mr. Monte
Chapter 99PAGKARINIG ng "ding," bumukas ang pinto ng elevator at isang matangkad at matikas na lalaki ang lumabas.Sa kanyang pagdating, agad na natigil sina Natasha at Sheila at nagkatinginan."Eric P-Pimentel?" tawag ni Natasha na may pag-aalinlangan."M-Mr. Pimentel! Tulungan mo ako!"Si Daisy na halos hindi na makapagsalita nang maayos ay nagsalita habang may laway at dugo na dumaloy mula sa kanyang bibig.Namamaga na ang kanyang mukha at ang dating maingat na inayos na makeup ay wala nang bakas. Kung hindi dahil sa kanyang boses, marahil ay hindi na siya makikilala ni Eric.Ngunit kahit na nakilala niya ito, nagpasya siyang magpanggap na wala siyang alam.Saglit niyang tiningnan si Daisy na nakaluhod sa sahig at malamig na sinabi: "Hindi ko siya kilala."Napangiti si Natasha. "Ayos! Matagal na tayong hindi nagkikita, Mr. Pimentel. Magkape tayo kapag may oras ka."Tumango si Eric at umatras patungo sa kaliwang bahagi ng corridor.Sa kanyang likuran, maririnig pa rin ang nangingin
Chapter 100PAGKALABAS mula sa restaurant, madilim pa rin ang ekspresyon ni Eric.Tumayo siya sa gilid ng sidewalk, nakatingin sa mga puno na sumasayaw sa hangin.Pagkatapos huminga nang malalim, kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang numero ni Camila. Ipinatong niya ang daliri sa dial button at nanatili doon nang matagal bago niya ito ibinaba.Gusto niyang bigyan ng babala si Camila tungkol kay Daisy pero naisip niyang wala naman siyang dapat ipaalala.Hindi makapagdesisyon, nanatili lang siyang nakatayo doon habang ang ginintuang sikat ng araw ay tumatama sa kanya at ang malamig na simoy ng hangin ay bahagyang nagpapagalaw sa kanyang suit jacket—isang perpektong halimbawa ng pagiging gwapo at elegante.Maya-maya, isang Maybach ang huminto sa harapan niya. Bumaba ang kanyang sekretarya, binuksan ang pinto at magalang na bumati. "Mr. Pimentel."Tumango si Eric at sumakay sa sasakyan. Habang nasa loob, inilabas ng sekretarya ang itinerary mula sa bag at nagsimula nang mag-r
Chapter 101SIMULA pagkabata, itinuring ni Dale si Daisy na parang prinsesa. Nang makita niyang umiiyak ito nang todo at ang dating maganda nitong mukha ay maga at halos hindi na makilala, nakaramdam siya ng bigat sa dibdib."Gano'n mo ba talaga kamahal si Brix?" tanong niya nang seryoso.Tumingala si Daisy, punong-puno ng luha ang mga mata pero mariing sumagot. "Oo! Kailangan ko siyang makuha, Kuya! Wala akong ibang gustong makasama sa buong buhay ko maliban sa kanya!"Nagulat si Dale sa determinasyon sa mga mata ng kapatid. Naalala niyang kahit kailan, hindi pa nagkaroon ng ibang nobyo si Daisy sa loob ng maraming taon.Pero bilang isang lalaki at matalik na kaibigan ni Brix, alam niya ang sagot. "Daisy, sumuko ka na. Hindi ka gusto ni Brix."Kung gusto si Daisy ni Brix, bakit hinayaan nitong maghintay ang kapatid niya nang ganito katagal?Biglang nawala ang kontrol ni Daisy. "Imposible! Hindi ako susuko! Kung hindi ako mapupunta kay Billy sa buhay na ito, hindi na ako mag-aasawa ka
Chapter 102SA MALINIS at maluwang na kwarto, isang palace-style na crystal chandelier ang nakasabit sa gitna ng kisame, nagbibigay ng mainit at malamyos na liwanag sa buong paligid.Dahan-dahang naglakad si Daisy sa ibabaw ng gold patterned na carpet, lumapit sa malaking kama at tumitig sa nakahubad na lalaki.May matikas at perpektong pangangatawan ang lalaki, tila isang obra ng sining. Nakahiga ito nang tahimik sa malambot na kama at sa bawat paghinga nito, parang humihinto ang mundo.Dahan-dahang gumapang ang tingin ni Daisy mula sa mahahabang binti nito, paakyat sa makitid ngunit matipunong bewang, hanggang sa dumako sa makinang nitong sinturon. Ilang segundo niya iyong pinagmasdan bago lumipat ang tingin sa malapad nitong dibdíb.Bahagyang nakabukas ang ilang butones ng kwelyo nito at lumitaw ang makinis at matipunong balat na tanned. Hindi niya napigilang abutin ang natitirang butones para tuluyang hubarin ito."Daisy."Napabalikwas siya sa tunog ng boses ni Dale, ang kapatid n
Chapter 103SA MONTERDE MANSIONSa loob ng study room, muling inilabas ni Brix ang mga maseselang litrato ni Daisy. Noon lang niya naramdaman na baka hindi niya ito kailanman tunay na kilala at nauunawaan. Binalikan niya ang nakaraan—ang inosente at masunuring image ni Daisy noon ay isang palabas lang pala. Pero dahil hindi niya ito kailanman pinag-isipan nang mabuti, hindi niya ito napansin noon.Pinikit niya ang kanyang mga mata, naalala kung paano niya ipinagtanggol si Daisy noon laban kay Camila. Sa pagkakataong ito, nagsimula siyang makaramdam ng pagsisisi.Biglang tumunog ang orasan sa dingding. Isinara ni Brix ang drawer, tumayo at bumaba ng hagdan.Sa hapag-kainan, naroon lang sina Braylee at Lolo Herman. Ang upuang dating para kay Camila ay bakante."Where's Camila?" tanong niya habang hinila ang upuan at umupo. Napatingin nang bahagya si Lolo Herman sa kanya.Sa mga nagdaang araw, halos parang hindi nag-eexist ang dalawa sa isa’t isa—ni hindi nag-uusap kahit magkasama sa ba
Chapter 104HABANG nakatingin sa mga mata ni Braylee na puno ng pag-asa, umiling si Camila at tinanggihan ang regalo."Si Mommy, gusto lang ang rosas mo anak ko, wala nang iba."Agad na nalungkot ang mukha ni Braylee at malungkot na nagtanong, "Ayaw ni Mommy sa regalo ni Braylee?"Ngumiti si Camila, pilit na hinila ang gilid ng kanyang labi.Anong biro ito? Ni hindi niya kayang bilhin ang ganitong sasakyan, paano pa kaya ang batang ito na sinasabing regalo nito ang sasakyan? Alam niya na agad kung kanino talaga galing 'tong sasakyan. "Mommy…" Hinila ni Braylee ang laylayan ng kanyang damit at marahang niyugyog."Okay, okay, okay!" Itinaas ni Camila ang kamay bilang pagsuko. "Tatanggapin ko ang regalo mo, okay?""Yehey!" Pero bago pa makapagdiwang si Braylee, agad nang iniba ni Camila ang usapan. "Sa akin na ang sasakyan, pero ibibigay ko ito kay Braylee. ‘Wag kang tatanggi, kundi magagalit ako."Ngumuso si Braylee, inosente ang mga matang tumingin kay Brix na parang humihingi ng tulo
Chapter 105PAGKATAPOS ng naging pag-uusap nila noong nakaraang gabi, naging kakaiba ang atmosphere sa tuwing magkasama sila.Hindi maitatanggi ni Camila na may galit pa rin siyang nararamdaman tungkol sa nakaraan. Totoong naloko si Brix pero ang masakit ay hindi niya ito pinaniwalaan noon.Kaya matapos ang tensyon, tuloy pa rin ang pagtrato niya kay Brix bilang isang ‘transparent person’—ni hindi man lang niya ito binabati.Napansin ito ni Lolo Herman at nababahala siya. Kaya naman paulit-ulit niyang inuutusan si Brix na tulungan si Camila sa tourism project para mas magkaroon sila ng oras na magkasama.Wala nang nagawa si Brix kundi pumasok sa study ni Camila mula sa oras-oras.Alam ni Camila na utos lang ito ni Lolo Herman kaya hindi niya ito pinapansin. Abala siya sa pagbabasa ng mga case studies para mas maunawaan ang project. Tuwing may hindi siya maintindihang concept, ino-note niya ito sa isang papel para hanapan ng sagot.Ngunit habang dumarami ang kanyang mga tanong, lalo na
Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
Chapter 119SA PANGUNGUNA ng matandang babae, naglakad ang lima sa isang makitid at matinik na daan.Matataas at matataba ang mga punong kahoy sa gilid ng daan kaya’t halos hindi makapasok ang sikat ng araw. Dahil dito, ramdam ng grupo ang malamig na hangin sa ilalim ng mga puno.May hamog pa sa mga damo sa gilid ng daan kaya nabasa ang pantalon ni Camila. Ramdam niya ang malamig na dampi nito sa kanyang balat.Napansin niyang kahit mukhang nasa sitenta na ang matanda at buto’t balat ang mga binti nito, mabilis pa rin itong maglakad.Napaisip siya kung sino talaga ang matandang ito. Isa ba itong ermitanyo? O baka naman isang matandang may kakaibang kakayahan at may alam sa panghuhula?Kung isa itong bihasa sa mga ganitong bagay, baka matutulungan siya sa paghahanap kay Braylee at Daisy.Matapos ang halos isang oras ng paglalakad, maraming liko at pasikot-sikot, saka sila dumaan sa isang madilim na kagubatan. Tumigil ang matanda at nagsalita. "Narito na tayo." Napahinto ang lima at tu
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na