Dinamihan ko ngayon kasi from Thursday to Friday, jampacked ang sched ko. From 7am to 7pm kaya baka konti lang ma-upload ko tomorrow at sa Friday. Thank u for understanding. Please leave a review. It'll help me ~ Mamayang afternoon o evening ang updates ko sa The Forced Wife of the Ruthless Billionaire. 💓✨
Chapter 106SUMAKAY silang lima sa isang mahabang sedan at dumiretso mula sa airport papunta sa hotel na na-book na ni Camila nang maaga.Habang nasa biyahe, nalaman ni Camila na ang buong pangalan ni Manager Perez ay Ignacio Perez o "Iggy", 31 taong gulang at taga-Virac City, ang capital ng province na iyon. Si Iggy ang may hawak ng karapatan sa islang nais bilhin ni Camila. Ayaw ni Iggy i-develop ang isla kaya pinagbili na lang nito. Hindi na si Camila nagtanong kung bakit.*Habang malayo pa sa hotel, sumandal si Camila sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang tanawin sa labas."Miss Camila, pagod ka ba?" tanong ni Iggy na nakangiti, saka iniabot ang isang unan mula sa inuupuan nito. "Mas magiging komportable ka dito."Kinuha ito ni Camila at ngumiti. "Salamat.""Walang anuman."Habang hawak ang brown na unan, napansin niya ang banayad at preskong amoy nito. Mukhang ito ang pabango na karaniwang ginagamit ni Iggy.Pero bago pa niya mailagay ang unan sa kanyang kamay, biglang inaga
Chapter 107MATAPOS ang kanilang unang hindi kanais-nais na paghihiwalay, sinadya ni Camila na iwasan si Brix tuwing kasama niya si Iggy sa pag-inspeksyon ng project. Hindi niya akalaing may ganitong ka-isip bata na ugali si Brix. Habang naiinis siya, hindi rin niya maiwasang makaramdam ng konting saya.Napansin kasi niya na tuwing nakikita siya ni Brix kasama ang ibang lalaki, malakas ang reaksyon nito.Ibig sabihin ba nito… Nagseselos si Brix? Habang iniisip ito ni Camila, unti-unting lumabas ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.*Tanghali, tumawag si Iggy at sinabing dadalhin siya sa mismong isla upang makita ito ng personal. Agad siyang pumayag, nagpalit ng preskong damit at umalis na.Si Braylee ay nasa poder ni Brix kaya naman may oras si Camila na makapag-relax.Pagdating niya sa napag-usapang lugar, kabababa pa lang niya ng kotse nang makita niya si Iggy na may dalang itim na payong habang papalapit sa kanya. Lumapit si Camila sa lilim ng payong at binati ito. "Para s
Chapter 108HINDI NAMAN malala ang natamong sugat ni Camila. Matapos malapatan ng simpleng lunas ang kanyang braso sa clinic, siya at si Brix ay dinala si Braylee sa amusement park na nasa city rin. Sobrang dami ng tao roon. Makikita ang mga masayang pamilya at mga magkasintahang nagde-date. Pero para kay Camila, hindi na siya ganoon ka-excited sa mga amusement park.Habang tinitingnan niya ang iba't ibang rides, wala siyang kahit anong emosyon sa mukha.Noon, ang carousel ay romantic para sa kanya. Pero ngayon? Nakakasayang lang ng oras. Noon, ang roller coaster ay nakaka-excite. Pero ngayon? Nakakakaba, baka ikamatay niya pa iyon! At ang pirate ship? Walang kwenta. Walang thrill.Sa paligid, bukod sa mga turista, marami ring mga nagtitinda ng pagkain.Bumili si Brix ng isang bungkos ng barbecue skewers at iniabot ito kay Braylee."Reward mo 'to.""Yey!Mahal ko si Daddy!"Masayang kinuha ng bata ang pagkain at mabilis na sinubo ito, para itong isang munting kuting na gutom na gutom.
Chapter 109MALAWAK ang amusement park.Bukod sa mga rides na nilaro nina Camila at Braylee, mayroon ding scenic area at animal viewing area.Isang lugar pa lang, pahirapan nang maghanap. Kaya matapos ang kalahating oras ng paghahanap at hindi pa rin nila makita si Braylee, tumawag na si Brix sa pinaka-mataas na namamahala sa park. Makalipas lang ang ilang minuto, naglabas ng anunsyo ang amusement park at naghanap ng tulong mula sa publiko.Pati mismo ang namamahala sa parke, kasama ang grupo ng mga empleyado, tumulong sa paghahanap.Dahil dito, kahit saan pumunta sina Camila at Brix, alam na ng mga tao na nawawala ang anak nila. Marami ang nakisama sa paghahanap."Ang laki-laki ng lugar na ‘to, paano natin siya mahahanap?"Napailing ang isang matandang babae. "Kayong mga kabataan talaga, wala nang inisip kundi maglibang.""Ano namang silbi ng kagandahan kung hindi marunong maging magulang? Stepmother ka ba at pinabayaan mo ang bata?"Parang sinampal si Camila sa sinabi nila. Alam niy
Chapter 110"MOMMY…" “Mommy!” Napadilat si Camila sa tawag na iyon. Nagising siya sa isang malawak na lugar na balot ng puting hamog. Malinaw ang paligid sa malapit pero paunti-unti itong nagiging makapal hanggang sa hindi na niya makita kung ano ang nasa malayo. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. "Nasaan ako?" "Mommy, mommy, ako si Braylee..." Isang pamilyar na boses ng bata ang tumawag mula sa likod niya. Paglingon niya, kitang-kita niya si Braylee—magulo ang suot, namamaga ang mukha at may dugo sa gilid ng labi. Napakaliit ng katawan nito, tila nasa bingit ng dilim, parang may mabangis na hayop na handang lamunin ang bata. "Mommy, tulungan mo ako... Masakit, mommy!" "Braylee!" Agad na tumakbo si Camila at sinubukang yakapin siya. Pero bago siya makalapit... Bang!Naglahong parang usok si Braylee. "Braylee?" Nangangapa siyang tumakbo sa makapal na hamog. "Nasaan ka? Si Mommy nandito!" "Mommy, tulungan mo ako..." Narinig niya ulit ang sigaw ng bata
Chapter 111Sa ilalim ng kumpiyansang tingin ni Iggy, napangiti si Camila at umiling. "Pasensya na, kung ayaw mong pag-usapan ang project, huwag na lang."Kung makukuha niya ang project na ito, siguradong malaki ang kikitain niya. Pero... mayaman na siya!Simula nang ipasa niya ang pamamahala ng Perez Empire sa mga tauhan ni Brix, lumago ang company nang husto at nagbigay sa kanya ng malaking kita.Isa sa mga dahilan kung bakit niya pinaglaban ang Perez Empire ay dahil sa kanyang ina at kay Braylee. Hindi siya obsessed sa pera.Kapag umabot na sa isang tiyak na halaga, nagiging numero na lang ang pera. At sa ngayon, ganito na ang tingin ni Camila rito.Biglang nanigas ang mukha ni Iggy at hindi natuwa. "Dahil ba sa lalaking iyon?""Lalaki?"Kailan siya naghanap ng lalaki?"Ang tinutukoy ko, si Brix Monterde."Biglang napatingin si Camila sa pinto, medyo natakot. Buti na lang wala si Brix.Kung nandito si Brix, siguradong gagapang palabas ng unit niya itong si Iggy. "Mr. Perez, lumapi
Chapter 112KASUNOD ni Brix ang isang balisa na babaeng assistant at ilang gwardya.Sa puntong ito, alam na ni Camila ang lahat— pinaalis ni Iggy si Brix palayo para masubukan siyang gawan ng masama. Hindi niya akalaing magiging ganito si Iggy kapangahas! Pinulot niya ang cellphone sa sahig, lumapit kay Brix at tinitigan ang sugat nito sa mukha."Ayos ka lang ba?"Bahagyang umiling si Brix, hinila siya sa likuran at tumitig nang malamig sa lahat ng nasa silid.Samantala, tinulungan ng assistant si Iggy makatayo. Naningkit ang mga mata nito sa mga gwardyang mukhang basahan."Mga walang silbi!" singhal ni Iggy. Walang naglakas-loob na sumagot. Humarap muli si Iggy kay Brix at ngumisi ng mapanlait."Haha... Mr. Monterde, mukhang mali ang tantya ko sa'yo."Hinawakan ni Camila ang braso ni Brix at lumingon kay Iggy."Mr. Perez, siya ang asawa ko, kaya..." sinadya ni Camila na ipakita niyang pag-aari siya ng lalaki. Mula sa gilid, napangiti nang bahagya si Brix, tila natuwa sa sinabi ni Ca
Chapter 113ANG ginintuang buhangin, ang asul na langit at dagat, ang mga punong niyog na sumasayaw sa hangin, at ang mga dalagang naka-bikini—lahat ay parang eksena sa isang pelikula.Simula nang mapirmahan ang kontrata ilang araw na ang nakalipas, nag-umpisa sina Camila, Brix, at Braylee ng isang masaya at relaxed na bakasyon. Wala silang ibang iniisip kundi ang kumain, uminom, at mag-enjoy.Habang nakapikit, tinapunan ni Camila ng tingin ang isang seksing babae na walang pakundangan kung maglakad sa tabing-dagat. Napangiti siya at napabuntong-hininga.Nakahiga siya sa isang lounger chair, nakasuot ng sunglasses at may hawak na baso ng malamig na juice. Ramdam niya ang katahimikan at gaan ng katawan. Paminsan-minsan, nililingon niya si Braylee na masayang tumatakbo sa buhanginan, sinasabing maghahanap ito ng perlas para sa kanya.Pagkatapos uminom ng juice, tumingin siya kay Brix—seryosong nakatutok sa phone habang abala sa trabaho."Andaming magagandang babae rito, bakit di mo man l
Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
Chapter 119SA PANGUNGUNA ng matandang babae, naglakad ang lima sa isang makitid at matinik na daan.Matataas at matataba ang mga punong kahoy sa gilid ng daan kaya’t halos hindi makapasok ang sikat ng araw. Dahil dito, ramdam ng grupo ang malamig na hangin sa ilalim ng mga puno.May hamog pa sa mga damo sa gilid ng daan kaya nabasa ang pantalon ni Camila. Ramdam niya ang malamig na dampi nito sa kanyang balat.Napansin niyang kahit mukhang nasa sitenta na ang matanda at buto’t balat ang mga binti nito, mabilis pa rin itong maglakad.Napaisip siya kung sino talaga ang matandang ito. Isa ba itong ermitanyo? O baka naman isang matandang may kakaibang kakayahan at may alam sa panghuhula?Kung isa itong bihasa sa mga ganitong bagay, baka matutulungan siya sa paghahanap kay Braylee at Daisy.Matapos ang halos isang oras ng paglalakad, maraming liko at pasikot-sikot, saka sila dumaan sa isang madilim na kagubatan. Tumigil ang matanda at nagsalita. "Narito na tayo." Napahinto ang lima at tu
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na