Chapter 103SA MONTERDE MANSIONSa loob ng study room, muling inilabas ni Brix ang mga maseselang litrato ni Daisy. Noon lang niya naramdaman na baka hindi niya ito kailanman tunay na kilala at nauunawaan. Binalikan niya ang nakaraan—ang inosente at masunuring image ni Daisy noon ay isang palabas lang pala. Pero dahil hindi niya ito kailanman pinag-isipan nang mabuti, hindi niya ito napansin noon.Pinikit niya ang kanyang mga mata, naalala kung paano niya ipinagtanggol si Daisy noon laban kay Camila. Sa pagkakataong ito, nagsimula siyang makaramdam ng pagsisisi.Biglang tumunog ang orasan sa dingding. Isinara ni Brix ang drawer, tumayo at bumaba ng hagdan.Sa hapag-kainan, naroon lang sina Braylee at Lolo Herman. Ang upuang dating para kay Camila ay bakante."Where's Camila?" tanong niya habang hinila ang upuan at umupo. Napatingin nang bahagya si Lolo Herman sa kanya.Sa mga nagdaang araw, halos parang hindi nag-eexist ang dalawa sa isa’t isa—ni hindi nag-uusap kahit magkasama sa ba
Chapter 104HABANG nakatingin sa mga mata ni Braylee na puno ng pag-asa, umiling si Camila at tinanggihan ang regalo."Si Mommy, gusto lang ang rosas mo anak ko, wala nang iba."Agad na nalungkot ang mukha ni Braylee at malungkot na nagtanong, "Ayaw ni Mommy sa regalo ni Braylee?"Ngumiti si Camila, pilit na hinila ang gilid ng kanyang labi.Anong biro ito? Ni hindi niya kayang bilhin ang ganitong sasakyan, paano pa kaya ang batang ito na sinasabing regalo nito ang sasakyan? Alam niya na agad kung kanino talaga galing 'tong sasakyan. "Mommy…" Hinila ni Braylee ang laylayan ng kanyang damit at marahang niyugyog."Okay, okay, okay!" Itinaas ni Camila ang kamay bilang pagsuko. "Tatanggapin ko ang regalo mo, okay?""Yehey!" Pero bago pa makapagdiwang si Braylee, agad nang iniba ni Camila ang usapan. "Sa akin na ang sasakyan, pero ibibigay ko ito kay Braylee. ‘Wag kang tatanggi, kundi magagalit ako."Ngumuso si Braylee, inosente ang mga matang tumingin kay Brix na parang humihingi ng tulo
Chapter 105PAGKATAPOS ng naging pag-uusap nila noong nakaraang gabi, naging kakaiba ang atmosphere sa tuwing magkasama sila.Hindi maitatanggi ni Camila na may galit pa rin siyang nararamdaman tungkol sa nakaraan. Totoong naloko si Brix pero ang masakit ay hindi niya ito pinaniwalaan noon.Kaya matapos ang tensyon, tuloy pa rin ang pagtrato niya kay Brix bilang isang ‘transparent person’—ni hindi man lang niya ito binabati.Napansin ito ni Lolo Herman at nababahala siya. Kaya naman paulit-ulit niyang inuutusan si Brix na tulungan si Camila sa tourism project para mas magkaroon sila ng oras na magkasama.Wala nang nagawa si Brix kundi pumasok sa study ni Camila mula sa oras-oras.Alam ni Camila na utos lang ito ni Lolo Herman kaya hindi niya ito pinapansin. Abala siya sa pagbabasa ng mga case studies para mas maunawaan ang project. Tuwing may hindi siya maintindihang concept, ino-note niya ito sa isang papel para hanapan ng sagot.Ngunit habang dumarami ang kanyang mga tanong, lalo na
Chapter 106SUMAKAY silang lima sa isang mahabang sedan at dumiretso mula sa airport papunta sa hotel na na-book na ni Camila nang maaga.Habang nasa biyahe, nalaman ni Camila na ang buong pangalan ni Manager Perez ay Ignacio Perez o "Iggy", 31 taong gulang at taga-Virac City, ang capital ng province na iyon. Si Iggy ang may hawak ng karapatan sa islang nais bilhin ni Camila. Ayaw ni Iggy i-develop ang isla kaya pinagbili na lang nito. Hindi na si Camila nagtanong kung bakit.*Habang malayo pa sa hotel, sumandal si Camila sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang tanawin sa labas."Miss Camila, pagod ka ba?" tanong ni Iggy na nakangiti, saka iniabot ang isang unan mula sa inuupuan nito. "Mas magiging komportable ka dito."Kinuha ito ni Camila at ngumiti. "Salamat.""Walang anuman."Habang hawak ang brown na unan, napansin niya ang banayad at preskong amoy nito. Mukhang ito ang pabango na karaniwang ginagamit ni Iggy.Pero bago pa niya mailagay ang unan sa kanyang kamay, biglang inaga
Chapter 107MATAPOS ang kanilang unang hindi kanais-nais na paghihiwalay, sinadya ni Camila na iwasan si Brix tuwing kasama niya si Iggy sa pag-inspeksyon ng project. Hindi niya akalaing may ganitong ka-isip bata na ugali si Brix. Habang naiinis siya, hindi rin niya maiwasang makaramdam ng konting saya.Napansin kasi niya na tuwing nakikita siya ni Brix kasama ang ibang lalaki, malakas ang reaksyon nito.Ibig sabihin ba nito… Nagseselos si Brix? Habang iniisip ito ni Camila, unti-unting lumabas ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.*Tanghali, tumawag si Iggy at sinabing dadalhin siya sa mismong isla upang makita ito ng personal. Agad siyang pumayag, nagpalit ng preskong damit at umalis na.Si Braylee ay nasa poder ni Brix kaya naman may oras si Camila na makapag-relax.Pagdating niya sa napag-usapang lugar, kabababa pa lang niya ng kotse nang makita niya si Iggy na may dalang itim na payong habang papalapit sa kanya. Lumapit si Camila sa lilim ng payong at binati ito. "Para s
Chapter 108HINDI NAMAN malala ang natamong sugat ni Camila. Matapos malapatan ng simpleng lunas ang kanyang braso sa clinic, siya at si Brix ay dinala si Braylee sa amusement park na nasa city rin. Sobrang dami ng tao roon. Makikita ang mga masayang pamilya at mga magkasintahang nagde-date. Pero para kay Camila, hindi na siya ganoon ka-excited sa mga amusement park.Habang tinitingnan niya ang iba't ibang rides, wala siyang kahit anong emosyon sa mukha.Noon, ang carousel ay romantic para sa kanya. Pero ngayon? Nakakasayang lang ng oras. Noon, ang roller coaster ay nakaka-excite. Pero ngayon? Nakakakaba, baka ikamatay niya pa iyon! At ang pirate ship? Walang kwenta. Walang thrill.Sa paligid, bukod sa mga turista, marami ring mga nagtitinda ng pagkain.Bumili si Brix ng isang bungkos ng barbecue skewers at iniabot ito kay Braylee."Reward mo 'to.""Yey!Mahal ko si Daddy!"Masayang kinuha ng bata ang pagkain at mabilis na sinubo ito, para itong isang munting kuting na gutom na gutom.
Chapter 109MALAWAK ang amusement park.Bukod sa mga rides na nilaro nina Camila at Braylee, mayroon ding scenic area at animal viewing area.Isang lugar pa lang, pahirapan nang maghanap. Kaya matapos ang kalahating oras ng paghahanap at hindi pa rin nila makita si Braylee, tumawag na si Brix sa pinaka-mataas na namamahala sa park. Makalipas lang ang ilang minuto, naglabas ng anunsyo ang amusement park at naghanap ng tulong mula sa publiko.Pati mismo ang namamahala sa parke, kasama ang grupo ng mga empleyado, tumulong sa paghahanap.Dahil dito, kahit saan pumunta sina Camila at Brix, alam na ng mga tao na nawawala ang anak nila. Marami ang nakisama sa paghahanap."Ang laki-laki ng lugar na ‘to, paano natin siya mahahanap?"Napailing ang isang matandang babae. "Kayong mga kabataan talaga, wala nang inisip kundi maglibang.""Ano namang silbi ng kagandahan kung hindi marunong maging magulang? Stepmother ka ba at pinabayaan mo ang bata?"Parang sinampal si Camila sa sinabi nila. Alam niy
Chapter 110"MOMMY…" “Mommy!” Napadilat si Camila sa tawag na iyon. Nagising siya sa isang malawak na lugar na balot ng puting hamog. Malinaw ang paligid sa malapit pero paunti-unti itong nagiging makapal hanggang sa hindi na niya makita kung ano ang nasa malayo. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. "Nasaan ako?" "Mommy, mommy, ako si Braylee..." Isang pamilyar na boses ng bata ang tumawag mula sa likod niya. Paglingon niya, kitang-kita niya si Braylee—magulo ang suot, namamaga ang mukha at may dugo sa gilid ng labi. Napakaliit ng katawan nito, tila nasa bingit ng dilim, parang may mabangis na hayop na handang lamunin ang bata. "Mommy, tulungan mo ako... Masakit, mommy!" "Braylee!" Agad na tumakbo si Camila at sinubukang yakapin siya. Pero bago siya makalapit... Bang!Naglahong parang usok si Braylee. "Braylee?" Nangangapa siyang tumakbo sa makapal na hamog. "Nasaan ka? Si Mommy nandito!" "Mommy, tulungan mo ako..." Narinig niya ulit ang sigaw ng bata
Chapter 220DAHIL sa sobrang pag-inom, nagka-allergy si Eric sa alak. Buti na lang at naagapan agad kaya hindi ito nagkaroon ng malalang epekto.Kahit ganoon, hindi pa rin umalis si Camila at inalagaan siya buong magdamag sa ospital.Maagang-maaga kinabukasan, dumating ang isang babaeng halatang mayaman at nagpakilalang ina ni Eric. Dahil dito, napilitan nang umalis si Camila kahit pagod na pagod pa siya. Hindi man lang niya napansin ang matalim na tingin ni Gloria sa kanya bago siya lumabas.Pagkaalis ng ospital, hindi siya dumiretso sa bahay o opisina. Sa halip, tinawagan niya si Brix at niyaya itong magkita.Dahil hindi pa siya nag-aalmusal, sa isang restaurant niya ito pinapunta.Mas mabilis dumating si Brix kaysa sa inaasahan niya.Habang kumakain siya, pasulyap-sulyap siya sa paligid. Mayamaya pa, nakita niyang lumabas si Brix mula sa elevator.Suot nito ang isang simpleng puting T-shirt at isang usong smoky blue na blazer. Gwapo at preskong tingnan. Pero saglit lang siyang tumi
Chapter 219MATAPOS ang isang araw ng trabaho, lumabas si Camila sa kumpanya gaya ng dati at naghintay kay Eric sa tabi ng puno sa gilid ng kalsada.Lumipas ang limang minuto. Pinikit ni Camila ang kanyang mga mata at sinilip ang mga sasakyang dumadaan, pero ang kotseng hinihintay niya ay wala pa rin.Laging nasa oras si Eric pero mukhang natagalan siya ngayon.Saktong kukunin na ni Camila ang cellphone niya para sabihing huwag na itong dumaan, isang puting sasakyan ang huminto sa harapan niya. Kotse iyon ni Eric."Akala ko hindi ka na darating," nakangiting sabi ni Camila, wala ni katiting na panunumbat sa boses niya.Bumaba si Eric at binuksan ang pinto sa likod para sa kanya. May bahagyang paghingi ng paumanhin sa tono nito."Naipit ako sa traffic. Sa susunod, mas maaga akong aalis."Nang mapalapit sa kanya, napansin ni Camila na mas mukhang matamlay ito ngayon kaysa kaninang umaga. Maputla ang mukha ni Eric, parang may hindi magandang nangyari.Hindi muna siya sumakay. Sa halip, t
Chapter 218"ANONG sabi mo? Gusto mong iwanan ko si Camila?"Sa kalsada kung saan humihip ang malamig na hangin, tiningnan ni Eric ang lalaking amoy alak at bahagyang napakunot ang noo."Hindi mo ba naisip na nakakatawa 'yang hiling mo? Bakit ko siya iiwan?"Kahit medyo lasing na si Brix, malinaw pa rin ang isip niya. Matapos marinig ang sinabi ni Eric, malinaw niyang sinabi ang gustong ipaintindi sa kaharap. "Dahil asawa ko siya."Kung hindi lang siya nag-aalala na magagalit si Camila kapag sinaktan niya si Eric, matagal na sana niyang ginawa.Pero ngayong gabi, pinaalala ni Pete na si Camila ay asawa niya at parang hindi ito iniisip ni Eric kahit kailan!Napangisi si Eric. "Mr. Monterde, ang alam ko, matagal nang hinihingi ni Camila ang divorce pero ikaw itong ayaw siyang pakawalan. At saka, wala namang masama sa pagitan namin, pero kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan."Biglang lumamig ang ekspresyon ni Brix. "Ibig sabihin, hindi mo gagawin?""Oo."Tinitigan siya ni Brix nang
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil