“Wow, these are all nice!” palatak ni Slyghen nang ipakita ko sa kaniya ang art room ko. Dito nakalagay lahat ng paintings ko, both old and new.Yung iba rito ay ilalagay ko sa art gallery at ang iba naman ay balak kong iregalo sa mga ordinaryong taong matagal nang sumusuporta sa akin.“Yeah. You can choose one,” I said, smiling. “Really? Hindi ka ba pagagalitan ni Russel?” I chuckled. “Hindi naman. Alam niyang mamimigay ako ng paintings sa araw ng ribbon cutting. So, mabuti na lang at napadpad ka rito. Pwede ka nang kumuha ngayon kung gusto mo since matagal pa naman mabubuo yung art gallery.” “Oh, I love it! Thank you!” bulalas niya. She started checking the paintings one by one. All of these are landscapes. Nakuwestiyon pa nga ako ni Nanay. Aniya'y yung iba dyan ay hirap na hirap makatapos ng obra tapos ipamimigay ko lang ang mga ito. Well, I explained to her that it's part of celebrating one's success. Reason why people tend to celebrate their success because of anything they ac
“I told you, babalik kami,” matapang na saad ni Alodia. Mukha siyang papasok pa lang sa trabaho base sa suot na office uniform. At imbes na dumiretso na lang ay talagang dumaan pa rito para ulitin ang naudlot na sadya niya rito kahapon As much as I want to restrict her, ayaw ko namang sumama ang impresyon sa akin ng mga house guard. Magmumukha akong masamang donya kung gagawin ko iyon. As long as hindi maghihisterikal si Alodia at hindi siya lalagpas sa linya ko, hindi ko siya ibaban dito. Sa ipinakikita niya'y nasa maayos na wisyo pa naman siya. At least she's not as violent as Denise. Natatandaan kong hindi niya ako pinatulan noong sinampal ko siya rito dala ng galit ko. “Russel isn't here,” simpleng sagot ko. Totoo rin namang wala siya ngayon rito dahil may pinuntahan sila ni Luke. Maagang dumaan dito si Luke para yayain si Russel sa anila'y kokontratahing mga manggagawa.Inis siyang bumaling sa loob ng bahay. Bukas ang double doors, bagay na nakasanayan ko nang gawin tuwing papas
“Ito ang kapatid ni Denise, 'di ba?” I stopped from wrapping the painting to see what my mother is talking about. Ipinakita niya sa akin ang kasalukuyang tinitingnan sa kaniyang cellphone. Mga kuhang larawan ni Theo na puro nakatalikod. It's posted two hours ago by an unknown account. Kahit nakatalikod, halata pa ring si Theo nga ito base sa tindig, katawan, buhok, at height. “Si Theo nga po 'yan, 'nay,” sagot ko. “Kailan ba ito makukulong? Bakit hinahayaan lang ni Russel na gumala ito?” Bakas ang inip sa boses niya. Katu-katulong ko siyang magbalot ng paintings na ipamimigay ko. She's taking a quick break, browsing on her social media account. “May sinusunod po kaming due process, 'nay. At isa pa, may plano pa po kami laban sa kaniya.”“Naku, Alliyah. Baka sa kakaplano niyong 'yan, matakasan pa kayo ng lalaking 'yan!” tensyonadong angil niya. “Hindi po siya makakalabas ng bansa,” paniniguro ko. “Paano mo naman masasabi 'yan?” “Basta po. Magtiwala lang kayo.”Umismid siya, wala
“Wala ka bang inaasahang bisita, hijo?” rinig kong tanong ni Nanay kay Kleen.“Wala po...” maagap na sagot ni Kleen bagama't nahihimigan ko ang pagkadismaya.Pupusta ako, ang totoo'y may hinintay siyang bisita pero hindi dumating. Nasasabi ko ito base sa napansin ko sa mga kilos niya kanina. Halatang may hinihintay dahil panay ang tanaw sa labas at pagcheck ng cellphone. Ako lamang ang nakapansin sapagkat ako lang ang halos wala masyadong ginawa. Hindi ako gaanong nakakilos sa kusina, gustuhin ko mang tumulong dahil inawat ako ni Nanay. Aniya'y bantayan ko na lang nang maigi si Alias na siya rin namang ginawa ko. Kasalukuyang nagpapatuloy ang inuman nila ngayong oras na ito. Kaming mga babae ay nakaipon sa living room habang ang kalapit na mesa'y okupado ng grupo ng mga lalaking nag-iinuman. Pinili nilang dito sa loob isagawa ang kasiyahan upang hindi sila makaistorbo sa mga kapitbahay. It's almost midnight and they're still hyping. Kung sa labas nga naman sila tatambay, maririnig an
“Paano mo magagawa 'yon?” My brows are knotted at this moment. Paano ba naman kasi, litong-lito na ako sa mga paliwanag ni Russel. It's so ironic that he's not giving up to explain while things are even getting more complicated in my comprehension. Mag-iisang oras na kaming nagpapalitan ng diskyusyon tungkol pa rin syempre kay Martineo Lewisham. He sighed, eyeing me for seconds. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa drafting board.“What if Theo is now plotting his escape? Paano kung mabalitaan na lang natin, nakaalis na siya ng bansa? Jeez! Ang sabi ko pa naman kay Nanay, hindi siya makakaalis ng Pilipinas!” Nakapamaywang akong nagpalakad-lakad sa gilid niya, problemadong nag-iisip ng kung ano-ano. “He's possibly leaving the country at this moment! Do something, Russel!”He just looked at me, bored.Nagpatuloy ako sa pagpapabalik-balik. “At si Tiyo Banny! Paano kung ipagkanulo siya ni Theo? Oh my god!”“Can you please calm down?” He stopped from drawing lines.“I'm so confused!” I lam
“Pinupuntahan ka pa ba ni Alodia sa planta?” I asked in the middle of our conversation.Paalis na si Russel, pasado alas syete na nang umaga. Medyo tinanghali ako ng gising sa sarap ng tulog namin, ganoon din siya. Ang mahalaga'y walang kaso kung anong oras siya pumasok. These days, I'm practicing my morning mood because it's been a week and the weather remains dewy. Gustong-gusto ko ang lamig na dala ng umaga, lalo na kapag mahamog pa. I used to read books in that kind of weather when I was younger. Tumatambay pa ako noon sa terasa ng bahay para magbasa ng libro kapag maaga pa, bago pumasok sa eskwela.“Yeah. She was there yesterday,” aniya sa mahinahong tono.Nanliit ang mga mata ko. “Kinulit ka na naman?”“I already explained, though.”“Bakit ba kasi nagkagano'n ang kapatid niya?” kunot-noong tanong ko. “Kaya naghihinala ang mga 'yon dahil sumabay pa talaga sa isyu.”“I don't know and that's the truth. Kung ako ang gagawa ng ganoon, sisiguraduhin kong hindi na sila maglalakas-loob
The Wedding: Behind the Scenes (you can skip this part if you want) I am busy flipping the pages of our wedding album together with my son. I'm checking what's inside one by one while Alias keeps on asking random things from what he can see.“Tito Daim!” he exclaimed, pointing Daimler's single photo. Pormal itong nakatayo habang ang mga kamay ay nakasilid sa magkabilang bulsa ng slacks. His half smile shows how cool he was with those perfectly messed hair.Parehong mukhang kalog sina Venus at Alodia, malalaki ang ngisi sa bawat larawan. The wedding theme was beige and black. Si Ma'am Navi ang nag-suggest nito. Hindi naman ako nabigo sa napili niya dahil talagang elegante tingnan, lalo na't napakaganda ng ayos.“Who's this guy, Mama?”I stopped and focused on what he's talking about.“Oh. That's Tito Jester, son. He's your papa's cousin.”Marami pa siyang itinuro, iyong mga pinsan ni Russel ang karamihan. Maging ako'y nakilala lang sila sa mismong araw ng kasal. Ilan lamang ang umatte
Dahil siguro hindi ko na masyadong inabangan ang mga araw at iniwasan kong mainip sa bawat oras, nagising na lang akong tapos na ang aking paghihintay. Sa sumunod na araw ay opisyal nang inumpisahan ang gallery. Nakadestino ito sa kaliwang bahagi ng planta kung saan katabi ng mini-park na madalas tambayan ng mga tao. That park is kinda underrated dahil nasa tagong parte ito ng lungsod. The place where we live is located at the back area of the city.May mga nagsabing hindi raw advisable na sa tagong parte ako magpatayo dahil hindi masyadong kita ng mga tao. Mas maigi raw na sa bungad para maging center of attraction ngunit ayaw ko naman sa suhestiyon nila. Una sa lahat, hindi ko ito ipatatayo para lang kumita. This will be my personal place since it's one of my biggest dreams. Bata pa lang ako'y madalas akong managinip nang gising, binubuo ko sa utak ko ang magiging kalalabasan ng pangarap ko kapag ito'y natupad.Sa madaling salita, may kitain man ako o wala, ayos lang. Ang pinakadah
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik