“Ito ang kapatid ni Denise, 'di ba?” I stopped from wrapping the painting to see what my mother is talking about. Ipinakita niya sa akin ang kasalukuyang tinitingnan sa kaniyang cellphone. Mga kuhang larawan ni Theo na puro nakatalikod. It's posted two hours ago by an unknown account. Kahit nakatalikod, halata pa ring si Theo nga ito base sa tindig, katawan, buhok, at height. “Si Theo nga po 'yan, 'nay,” sagot ko. “Kailan ba ito makukulong? Bakit hinahayaan lang ni Russel na gumala ito?” Bakas ang inip sa boses niya. Katu-katulong ko siyang magbalot ng paintings na ipamimigay ko. She's taking a quick break, browsing on her social media account. “May sinusunod po kaming due process, 'nay. At isa pa, may plano pa po kami laban sa kaniya.”“Naku, Alliyah. Baka sa kakaplano niyong 'yan, matakasan pa kayo ng lalaking 'yan!” tensyonadong angil niya. “Hindi po siya makakalabas ng bansa,” paniniguro ko. “Paano mo naman masasabi 'yan?” “Basta po. Magtiwala lang kayo.”Umismid siya, wala
“Wala ka bang inaasahang bisita, hijo?” rinig kong tanong ni Nanay kay Kleen.“Wala po...” maagap na sagot ni Kleen bagama't nahihimigan ko ang pagkadismaya.Pupusta ako, ang totoo'y may hinintay siyang bisita pero hindi dumating. Nasasabi ko ito base sa napansin ko sa mga kilos niya kanina. Halatang may hinihintay dahil panay ang tanaw sa labas at pagcheck ng cellphone. Ako lamang ang nakapansin sapagkat ako lang ang halos wala masyadong ginawa. Hindi ako gaanong nakakilos sa kusina, gustuhin ko mang tumulong dahil inawat ako ni Nanay. Aniya'y bantayan ko na lang nang maigi si Alias na siya rin namang ginawa ko. Kasalukuyang nagpapatuloy ang inuman nila ngayong oras na ito. Kaming mga babae ay nakaipon sa living room habang ang kalapit na mesa'y okupado ng grupo ng mga lalaking nag-iinuman. Pinili nilang dito sa loob isagawa ang kasiyahan upang hindi sila makaistorbo sa mga kapitbahay. It's almost midnight and they're still hyping. Kung sa labas nga naman sila tatambay, maririnig an
“Paano mo magagawa 'yon?” My brows are knotted at this moment. Paano ba naman kasi, litong-lito na ako sa mga paliwanag ni Russel. It's so ironic that he's not giving up to explain while things are even getting more complicated in my comprehension. Mag-iisang oras na kaming nagpapalitan ng diskyusyon tungkol pa rin syempre kay Martineo Lewisham. He sighed, eyeing me for seconds. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa drafting board.“What if Theo is now plotting his escape? Paano kung mabalitaan na lang natin, nakaalis na siya ng bansa? Jeez! Ang sabi ko pa naman kay Nanay, hindi siya makakaalis ng Pilipinas!” Nakapamaywang akong nagpalakad-lakad sa gilid niya, problemadong nag-iisip ng kung ano-ano. “He's possibly leaving the country at this moment! Do something, Russel!”He just looked at me, bored.Nagpatuloy ako sa pagpapabalik-balik. “At si Tiyo Banny! Paano kung ipagkanulo siya ni Theo? Oh my god!”“Can you please calm down?” He stopped from drawing lines.“I'm so confused!” I lam
“Pinupuntahan ka pa ba ni Alodia sa planta?” I asked in the middle of our conversation.Paalis na si Russel, pasado alas syete na nang umaga. Medyo tinanghali ako ng gising sa sarap ng tulog namin, ganoon din siya. Ang mahalaga'y walang kaso kung anong oras siya pumasok. These days, I'm practicing my morning mood because it's been a week and the weather remains dewy. Gustong-gusto ko ang lamig na dala ng umaga, lalo na kapag mahamog pa. I used to read books in that kind of weather when I was younger. Tumatambay pa ako noon sa terasa ng bahay para magbasa ng libro kapag maaga pa, bago pumasok sa eskwela.“Yeah. She was there yesterday,” aniya sa mahinahong tono.Nanliit ang mga mata ko. “Kinulit ka na naman?”“I already explained, though.”“Bakit ba kasi nagkagano'n ang kapatid niya?” kunot-noong tanong ko. “Kaya naghihinala ang mga 'yon dahil sumabay pa talaga sa isyu.”“I don't know and that's the truth. Kung ako ang gagawa ng ganoon, sisiguraduhin kong hindi na sila maglalakas-loob
The Wedding: Behind the Scenes (you can skip this part if you want) I am busy flipping the pages of our wedding album together with my son. I'm checking what's inside one by one while Alias keeps on asking random things from what he can see.“Tito Daim!” he exclaimed, pointing Daimler's single photo. Pormal itong nakatayo habang ang mga kamay ay nakasilid sa magkabilang bulsa ng slacks. His half smile shows how cool he was with those perfectly messed hair.Parehong mukhang kalog sina Venus at Alodia, malalaki ang ngisi sa bawat larawan. The wedding theme was beige and black. Si Ma'am Navi ang nag-suggest nito. Hindi naman ako nabigo sa napili niya dahil talagang elegante tingnan, lalo na't napakaganda ng ayos.“Who's this guy, Mama?”I stopped and focused on what he's talking about.“Oh. That's Tito Jester, son. He's your papa's cousin.”Marami pa siyang itinuro, iyong mga pinsan ni Russel ang karamihan. Maging ako'y nakilala lang sila sa mismong araw ng kasal. Ilan lamang ang umatte
Dahil siguro hindi ko na masyadong inabangan ang mga araw at iniwasan kong mainip sa bawat oras, nagising na lang akong tapos na ang aking paghihintay. Sa sumunod na araw ay opisyal nang inumpisahan ang gallery. Nakadestino ito sa kaliwang bahagi ng planta kung saan katabi ng mini-park na madalas tambayan ng mga tao. That park is kinda underrated dahil nasa tagong parte ito ng lungsod. The place where we live is located at the back area of the city.May mga nagsabing hindi raw advisable na sa tagong parte ako magpatayo dahil hindi masyadong kita ng mga tao. Mas maigi raw na sa bungad para maging center of attraction ngunit ayaw ko naman sa suhestiyon nila. Una sa lahat, hindi ko ito ipatatayo para lang kumita. This will be my personal place since it's one of my biggest dreams. Bata pa lang ako'y madalas akong managinip nang gising, binubuo ko sa utak ko ang magiging kalalabasan ng pangarap ko kapag ito'y natupad.Sa madaling salita, may kitain man ako o wala, ayos lang. Ang pinakadah
Sinamahan ko si Venus sa mga workout days niya. Dito lang naman sa bahay namin kaya walang problema. We both preferred moving here than outside. Since Venus was a former model, matunog pa rin ang pangalan niya. For her to go outside is kinda risky even though wala na namang magtatangka sa buhay niya. I am talking about the gossips, media and stalkers. Might as well avoid them. Mahirap na, baka kapag namataan siyang nagwoworkout ay unahan siya ng media at kung ano-ano pang ikalat na balita. There would be possible conclusions. Madaling masasabing babalik na sa modelling si Venus kung makikita siyang nagpapaganda ulit ng katawan, bagay na iniiwasan niya. She wants a secret comeback, at least by a mild process. “May sariling gym si Daimler, right?” I asked. Halos wala pang kalahating oras, nararamdaman ko na agad ang pagod. Medyo hinihingal na ako.“Yeah but it would be really, really boring kung mag-isa lang ako roon,” she answered. Kasalukuyan siyang nasa treadmill.“Yayain mo kung ga
“Sino raw?” kunot-noong tanong ko kay Venus.“Hindi nagpakilala. Makipagkita raw ako sa kaniya ngayon. Maghihintay siya sa West View...”I stopped from chewing my food, intently looking at her. Nakatingin pa rin siya sa screen ng kaniyang cellphone, nagtataka sa kung sino ang tumawag. I didn't hear the voice of the person on the other line but their conversation lasted for at least 25 seconds in my calculation.“Lalaki?” sunod kong tanong.She slowly nodded. Nagpapalitan kami ng makahulugang tingin, parehong nag-iisip nang malalim. Hindi normal ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kung ano-anong iniisip. I may not know who was the caller, I can relate to Venus as her face showed a mixture of worry and nervousness. I was exactly like this when Theo invaded my life. Just exactly as this.“Hindi ko rin makilala ang boses. It's different. Too deep. It cringes the shit out of me,” mariing anas niya. “Pero may kutob akong kalaban siya.”“What's the plan? I mean, ngayon ka pinapupunta. Ano