Share

Kabanata 171

Sinadya kong magpaiwan sa baba nang magyaya nang umakyat si Theo. Idinahilan ko na lang na gusto ko pang magpahangin. Mabuti na lang at may trabaho pa siyang aasikasuhin, hindi siya nangulit na sasamahan ako. Pinanood ko pa ang pag-alis niya at nanatili akong nakaupo kung saan niya ako iniwan.

Hindi ako umalis o gumalaw man lang sa kinauupuan ko hanggang sa bumalik si Arcel para ayusin ang mesa at ligpitin ang mga pinagkainan.

He's a bit stunned when he saw me. Suot pa rin ang itim na cap na sadyang sinusuot ng mga waiter dito, naka-uniporme rin siya.

“Bakit nandito ka pa? You should go back to your suite,” aniya nang magsimula nang magligpit. Hindi siya tumitingin sa akin kaya ang sino mang makakakita sa amin ay hindi maiisip na nag-uusap kaming dalawa. This man is indeed smart. Magaling magtago.

“Bakit ka nandito?” I acted like I'm busy on my phone while talking to him. Siya naman ay patuloy din sa pagsasalansan ng mga dapat ligpitin. “And...
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status