I was exhausted the next day. Paano ba naman, maghapon kaming nasa studio. Ayaw kong isiping sinasadya nilang mag-extend nang mag-extend pero walang naitutulong ang pag-iisip ko nang kung ano-ano. Sila ang may hawak ng schedule ko kaya wala akong magagawa. It's making me helplessly tired that I want to go to my suite already.
Samantala, tila enjoy na enjoy naman silang lahat at ako lang ang tinatamaan ng pagod. Ngalay na ang braso at likod ko na nagdudulot ng distraction. Si Theo na kahit kanina pa nakatayo ay mukhang hindi napapagod. Kung kahapon ay kakaiba ang katahimikan, ngayon naman ay kakaiba ang enerhiya nila, hindi ko mapantayan. I'm alway telling this to whoever is asking, I don't do whole day session. Kahit noong nasa international team ako, bihirang tumagal nang ganito ang trabaho.“Good job, team!” Pumalakpak ang head manager ng programa.Parang biglang nawala ang pasan-pasan ko sa aking likod. Napabuga pa ako nang mabunutan ng tinik.<I have already been through a lot. Kumpara naman sa mga nakaraang pinagdaanan ko, maliit na bagay lang ito. Kung inaakala ng lahat na apektado ako, oo, talaga ngang ganoon. There's no way in hell I won't be affected. I am hurt, of course, but little did they know, wala nang makakasira ng tiwala ko kay Russel. Not now, not tomorrow, and never.Slowing down my car, I fixed my shades. I focused on the woman in front. I didn't pray for this but I feel like blessed. Natyempuhan ko si Alodia, papasok pa lang sa main gate ng mansion. At talaga ngang may lakas ng loob pa rin siyang bumalik dito.Hinayaan kong mabagal ang ang sasakyan ko hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok. Hindi niya napansin ang pagsunod ko sa kaniya dahil hindi naman ako gumawa ng kahit anong ingay. Dito pa lang sa kinauupuan ko sa loob ng aking sasakyan ay malapit nang sumabog ang galit ko sa kaniya.Sa pagtapat ko pa lang sa main gate ay naagaw ko na ang atensyon ng mga tauhan. Dali-daling
Thirty minutes before the air time, kabadong-kabado ako kahit natapos ko naman ang lahat ng task. Kung tutuusin, lugi pa nga ako dahil nagbabad ako sa trabaho na hindi naman dapat. Hindi ko na nga lamb ipinaalam kay Russel ang pagpapahirap sa akin ni Theo para makaiwas sa gulo. Baka mapasugod iyon dito nang wala sa oras. Maging si Arcel ay iniiwasan kong makausap at baka kung ano-ano pa ang itanong no'n sa 'kin. Consistent pa naman 'yon sa pag-iimbestiga. Marahil ay nagtataka na si Arcel kung bakit ilang araw na kaming hindi kumakain nang sabay ni Theo. Dahil doon, pakiramdam ko'y nasira ko ang diskarte niya. Wala namang natatanong sa akin si Russel hinggi dito kaya't naisip ko ring baka hindi na ginawang big deal ni Arcel iyon. Dahil kung oo, imposibleng hindi makarating kay Russel. Ito ang huling araw ng project. Makikita sa mukha ng lahat ang pagkasabik at galak sa nalalapit na closing. Ang masasabi ko naman, sapat lang ang experience ko rito. Hindi kasinlawak ng silid
“I'm sorry, Miss Martinez, you failed,” anunsyo ng assistant ni Theo. Ilang segundo akong natigilan, kinailangan ko pang maglaan ng sandaling katahimikan para maproseso ang sinabi niya. I don't know what to say. Nakatingin sa akin ang lahat at naghihintay sasabihin ko. Theo, on the other side, is mercilessly looking at me. Nakakrus ang mga braso, at parang deserve ko ang nangyaring ito sa paraan ng pagtingin niya sa akin. “What happened? Did I do something wrong?” kunot-noong tanong ko. “I made sure that all of my paintings are successful... May nangyari ba? Emergency?” “No, Miss Martinez. The paintings were all rejected by the organization.” Napaawang ang bibig ko. “Paano...” “Sa madaling salita, walang nangyari. Wala tayong napala sa dalawang linggong trabaho. I really trusted your ability, Alliyah. But guess what? You gave me nothing but disappointment.”“Theo, I know what I did. Sa tagal ko na sa industriya, hindi ako na
“Why did you do that?” Russel is fuming mad when we got home. Halos masuntok niya si Arcel kung hindi ko lang inawat.“If I didn't do that, nagawa sana nilang kunin si Alliyah.” Sa kabila ng pag-aalburuto ni Russel ay nanatili naman kalmado si Arcel. Bitbit pa niya hanggang dito sa loob ng bahay ang helmet.Nagmamadali kasi kami kanina sa pagpasok. Hindi nila pwedeng ma-trace ang lugar na ito, kung sino man sila. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas matapos sumabog ang building ay umeere na agad ito sa balita. Mabilis na kumalat ang insidente sa pamamagitan ng mga kuhang larawan at videos. Alam ko dahil iyan ang pinanonood ni Nanay sa telebisyon sa mga sandaling ito. Pagdating na pagdating namin ay agad kong pinabuksan ang tv. But because she's my mother, what she did was to check me first. Kumalma lang nang masigurong wala akong natamo. “Who the fuck are they?” If someone would say Russel is indeed angry, I couldn't agree more. Kitang-kita ang galit sa magkasalubong niyang mga kilay
After that incident, I faced series of explanation. Mula kay Nanay, kina Tiya Marga, hanggang kay Venus. Hindi naman pwedeng hindi ko sagutin. All of them are shocked, something that I expected. May mga bagay lang akong ibinukod, iyong mga hindi na dapat sabihin sa iba. Some things are better be kept than shared, gaya na lang ng pagtatangka ng mga Lewisham sa buhay ko. Walang naibabalita ang media sa puno't dulo ng lahat. Ang tanging laman ng headlines ay ang pagsabog ng building, ang nangyaring barilan, at ang patuloy na imbestigasyon. Tumangging humarap si Arcel sa interviews, gayundin ang mga Lewisham.Kinabuksan din lang pagkatapos ng nangyari ay hindi na naabutan ng media ang mga Lewisham sa lugar na iyon. Maging ang management ay tumangging humarap sa kamera. Hindi ko alam kung sariling desisyon nila iyon o may taong nagpapatahimik sa kanila.Marami akong natutunan sa mga naging karanasan ko. If they want me dead, I won't let them win. Ngunit kung malasin ako't manalo sila, wala
Nagising akong hindi makagalaw sa kinahihigaan. Ramdam ko ang pangangalay ng katawan ko nang subukan kong gumalaw. Tumihaya ako't sumalubong sa akin ang puting kisame. Napakurap-kurap ako, inaalala kung totoo ba ang nangyari kahapon o panaginip lang. Dahan-dahan akong napatingin sa aking tiyan, nakita ang matipunong brasong nakapulupot doon. Umabot hanggang sa mga hita ko ang bigat at ang pinagmumulan nito'y walang iba kundi ang nakadantay na binti ni Russel sa akin. I groaned as I tried moving but I didn't even make him move a bit. Ni hindi siya natinag sa pagtulog kahit nang pumihit ako paharap sa kaniya. Nagpantay ang aming mukha. Bumaba agad ang tingin ko sa mga labi niyang bahagyang nakanguso. Talaga ngang mahimbing ang tulog ng isang ito. Mamula-mula pa mga labing iyon—na nakapagpaalala sa akin ng malinaw na nangyari kagabi. Nag-init ang mukha ko. That wasn't our first time but... that was the hottest for me. Yes, it was. Kaya kong ilahad ang mga detalye kung gugustuhin ko per
“Tapos na ang honeymoon. Hindi na kailangang pumunta sa malayo.” Nagdulot ng tawanan ang sinabi ni Arcel. Pinagsisihan kong napadaan ako rito sa gilid nila, although may pader na humaharang. Sinamaan ko ng tingin si Arcel kahit hindi niya iyon kita. Nagsalin siya ng alak sa shot glass sabay tungga roon.Tumalilis ako sa kabilang direksyon nang makita ko ang pagdating ng mga inaasahang bisita. Nandito na sina Luke at Daimler. Sa table naman ay kanina pa roon nakaupo sina Arcel, Tiyo Carlos, Kleen, at Sebastian.Oo, tama. Nakarating na rin dito si Sebastian dahil sa pag-iimbita ni Tiyo Carlos. Ipinagpaalam muna niya sa amin ni Russel iyon at bakit naman kami tatanggi? Kilala naman ng mga Clausen si Sebastian. Hindi ba nga, anak ito ng mahusay na magsasaka sa farm ng mga Clausen kaya wala namang problema. Nang pumayag kami'y agad na itong sinundo ni Tiyo Carlos gamit ang auto nila.Wala akong nakikitang problema sa bonding ng mga lalaki. Kleen seemed more comfortable with Sebastian than
Gusto ko nang magpahinga pero inabot na ng ala una ang inuman nila. Naninibago ako dahil hindi naman ako sanay na ganito si Russel. Although, ayos lang naman sa akin. Ang mahalaga'y nasa loob kami ng bahay.Mula nang dumating si Ruan, hindi ko na nakitang lumabas ng guest room si Olive. Kakatwang tahimik si Kleen, walang anumang sinabi. Makalipas ang kalahating oras ay namaalam nang matutulog.Tulog na ang lahat, tanging ang lalaking nag-iinuman ang gising, at ako. Kapapaalam lang din ni Tiyo Carlos. Hindi sya pwedeng tanghaliin ng gising dahil maraming inaasikaso, gayundin si Kleen sa farm. Hindi sila pwedeng makipagsabayan sa mga lalaking ito na kahit hindi magtrabaho nang ilang buwan ay may kakainin pa rin. Si Nanay ulit ang katabi ni Alias ngayon. Ayaw kasi ng anak ko sa amoy ng alak. Matalas ang pang-amoy ng batang iyon, oras na malamang may inom ang kanyang ama ay awtomatikong lalayo. Well, ganyan talaga kasi bata pa. If I know, paglaki niya, malalaman niya ang halaga ng alak s