Share

Kabanata 170

Matiwasay kong natapos ang 3rd at 4th session sa kabila ng pangungulit ni Theo. Namomroblema rin ako dahil hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang impormasyon sa kaniya. Yun ay dahil hindi pa ako nagsisimulang magtanong. Pinagninilayan ko pa ang mga naging tagpo namin ni Denise mula nang dumating ako rito. Ngayong araw, nang matapos ang 4th session ay napagtanto kong marami na akong sinayang na panahon. Kailangan ko nang kumilos.

Kaya naman nang muling magyaya ng dinner si Theo ay pinaunlakan ko na. Malapad ang ngisi ng kumag nang makita ang paglabas ko ng elevator. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Kakaiba pala ma-excite ang isang 'to. Pormadong-pormado kahit dito lang naman kami sa vicinity magdidinner. Ganoon na yata talaga ako ka-big deal sa kanya at pinaghandaan niya ako nang husto.

“Wala yata si Denise?” pansin ko. Palihim akong nagmamasid sa paligid, nagbabaka-sakaling mamataan ko siya. Pero sa mga taong dumaraan at sa mga nasa kalapit na table ay wa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status