Share

Kabanata 176

Thirty minutes before the air time, kabadong-kabado ako kahit natapos ko naman ang lahat ng task. Kung tutuusin, lugi pa nga ako dahil nagbabad ako sa trabaho na hindi naman dapat. Hindi ko na nga lamb ipinaalam kay Russel ang pagpapahirap sa akin ni Theo para makaiwas sa gulo. Baka mapasugod iyon dito nang wala sa oras. Maging si Arcel ay iniiwasan kong makausap at baka kung ano-ano pa ang itanong no'n sa 'kin. Consistent pa naman 'yon sa pag-iimbestiga. Marahil ay nagtataka na si Arcel kung bakit ilang araw na kaming hindi kumakain nang sabay ni Theo. Dahil doon, pakiramdam ko'y nasira ko ang diskarte niya. Wala namang natatanong sa akin si Russel hinggi dito kaya't naisip ko ring baka hindi na ginawang big deal ni Arcel iyon. Dahil kung oo, imposibleng hindi makarating kay Russel.

Ito ang huling araw ng project. Makikita sa mukha ng lahat ang pagkasabik at galak sa nalalapit na closing. Ang masasabi ko naman, sapat lang ang experience ko rito. Hindi kasinlawak ng silid
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status