Nagising akong hindi makagalaw sa kinahihigaan. Ramdam ko ang pangangalay ng katawan ko nang subukan kong gumalaw. Tumihaya ako't sumalubong sa akin ang puting kisame. Napakurap-kurap ako, inaalala kung totoo ba ang nangyari kahapon o panaginip lang. Dahan-dahan akong napatingin sa aking tiyan, nakita ang matipunong brasong nakapulupot doon. Umabot hanggang sa mga hita ko ang bigat at ang pinagmumulan nito'y walang iba kundi ang nakadantay na binti ni Russel sa akin. I groaned as I tried moving but I didn't even make him move a bit. Ni hindi siya natinag sa pagtulog kahit nang pumihit ako paharap sa kaniya. Nagpantay ang aming mukha. Bumaba agad ang tingin ko sa mga labi niyang bahagyang nakanguso. Talaga ngang mahimbing ang tulog ng isang ito. Mamula-mula pa mga labing iyon—na nakapagpaalala sa akin ng malinaw na nangyari kagabi. Nag-init ang mukha ko. That wasn't our first time but... that was the hottest for me. Yes, it was. Kaya kong ilahad ang mga detalye kung gugustuhin ko per
“Tapos na ang honeymoon. Hindi na kailangang pumunta sa malayo.” Nagdulot ng tawanan ang sinabi ni Arcel. Pinagsisihan kong napadaan ako rito sa gilid nila, although may pader na humaharang. Sinamaan ko ng tingin si Arcel kahit hindi niya iyon kita. Nagsalin siya ng alak sa shot glass sabay tungga roon.Tumalilis ako sa kabilang direksyon nang makita ko ang pagdating ng mga inaasahang bisita. Nandito na sina Luke at Daimler. Sa table naman ay kanina pa roon nakaupo sina Arcel, Tiyo Carlos, Kleen, at Sebastian.Oo, tama. Nakarating na rin dito si Sebastian dahil sa pag-iimbita ni Tiyo Carlos. Ipinagpaalam muna niya sa amin ni Russel iyon at bakit naman kami tatanggi? Kilala naman ng mga Clausen si Sebastian. Hindi ba nga, anak ito ng mahusay na magsasaka sa farm ng mga Clausen kaya wala namang problema. Nang pumayag kami'y agad na itong sinundo ni Tiyo Carlos gamit ang auto nila.Wala akong nakikitang problema sa bonding ng mga lalaki. Kleen seemed more comfortable with Sebastian than
Gusto ko nang magpahinga pero inabot na ng ala una ang inuman nila. Naninibago ako dahil hindi naman ako sanay na ganito si Russel. Although, ayos lang naman sa akin. Ang mahalaga'y nasa loob kami ng bahay.Mula nang dumating si Ruan, hindi ko na nakitang lumabas ng guest room si Olive. Kakatwang tahimik si Kleen, walang anumang sinabi. Makalipas ang kalahating oras ay namaalam nang matutulog.Tulog na ang lahat, tanging ang lalaking nag-iinuman ang gising, at ako. Kapapaalam lang din ni Tiyo Carlos. Hindi sya pwedeng tanghaliin ng gising dahil maraming inaasikaso, gayundin si Kleen sa farm. Hindi sila pwedeng makipagsabayan sa mga lalaking ito na kahit hindi magtrabaho nang ilang buwan ay may kakainin pa rin. Si Nanay ulit ang katabi ni Alias ngayon. Ayaw kasi ng anak ko sa amoy ng alak. Matalas ang pang-amoy ng batang iyon, oras na malamang may inom ang kanyang ama ay awtomatikong lalayo. Well, ganyan talaga kasi bata pa. If I know, paglaki niya, malalaman niya ang halaga ng alak s
Nakipagtulungan si Venus sa mga otoridad gaya ng pakiusap ng mga ito. Medyo nagtatalo pa nga sina Nanay at Tiya Marga sa pasya ni Venus. Para kay Nanay, hindi katiwa-tiwala ang mga pulis na iyon. Para naman kay Tiya Marga, ito na ang tamang pagkakataon para tuluyan nang mahanap si Tiyo Banny. At para lang makapagplano nang maayos, narito na naman si Arcel sa bahay. “It's possible,” aniya. “Maaaring kaya mahirap siyang hanapin ay dahil kasagpi na siya ng mga Lewisham. Hindi ba't ilang taon na ang nangyaring pagsabotahe sa farm?” “Sobrang tagal na,” sagot ko. “At oo, walang makahanap sa kaniya. Walang nakakaalam kung saan sya nagtatago.”“Parang delikado talaga ang pakikipagkasundo ni Venus sa mga pulis na iyon. Hindi ba kayo nagtataka?” giit ni Nanay. “Parang hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong iyon! Paano kung kasabwat din lang sila ng mga Lewisham at may binabalak silang masama kay Venus?” Napahilot ako sa aking sentido. Panibagong problema na naman. I guess, sasanayin ko na lan
It was a dewy morning. Sa pagkukusot ko ng aking mga mata'y nanlaki pa ang mga ito nang maaninag ko sa gate mula rito sa kinatatayuan kong balkonahe ang pagpasok ng isang sasakyan. It was escorted and welcomed by our house guards that made me realize something big deal is happening.At hindi nga ako nagkamali. Matapos mag-park at namatay ang makina ng sasakyan, bumaba mula rito si Senyor Clausen. Inasahan ko na ring kasama niya si Alodia dahil... bakit hindi? Mas kataka-taka pa kung mabalitaan kong hindi na sila nagkakasamang dalawa. Wala na akong masyadong balita sa planta pero alam kong nagagawi pa rin doon ang Senior at syempre, si Alodia, kahit pa mukhang hindi na siya empleyado roon. She was fired by Russel, that's what I last knew but I'm not sure if Alodia filed a resignation letter for a better casualty. Sa nakikita ko naman, parang linta pa rin ang babaeng ito. Note that my successful wedding happened just days ago. Sa buong araw ng seremonya ay pareho silang hindi ko nakita
Ilang beses ko pang sinubukang kumbinsihin si Russel hinggil sa pag-asikaso ko ng art gallery pero bigo ako. I didn't manage to change his mind, especially when he's already decided. He won't allow me to go outside without him and so I did nothing that day aside from browsing on the internet to fish for some news. But before that, I started previewing different art galleries according to their style. There are local and international engineers and architects featured on the site I am currently visiting.Ilan sa mga nakita ko ay ang naglalakihang art galleries sa parteng Luzon. Dito naman sa probinsiyang tinitirhan ko'y tanging si Eiser lang ang mayroon. Now I realized the importance of marketing he told me before. Pinili niyang dito magpatayo kahit hindi masyadong dinarayo kaysa makipagsapalaran siya sa Maynila kung saan maraming kakumpetensya. Wala namang kaso roon. Ang importanteng function ng art gallery ay nagsisilbing physical platform na nakatutulong sa mga artist upang mas mapa
Everything happened flashbacks in my mind as I stared on the computer screen where the live auction is playing. Walang pataw sa mabilis na pagtibok ang puso ko sa mga sandaling ito sa kaalamang nasa event ngayon sina Arcel upang magmanman. Wala akong alam sa mga plano nila.Russel chose not to tell me because it's out of my range. Isa pa'y ipinaglalaban niyang mas maiging manatili na lang ako sa bahay at maging mas mapagprotekta sa sarili ko at sa aming anak kaysa makigulo sa mga nangyayari sa labas. Nangako naman si Arcel na pagtatagumpayan nila ang patuloy na kaso. Lingid sa kaalaman ng lahat, tunay ngang muling nag-umpisa ang maruming laro sa pagitan ng mga Clausen at Lewisham at hindi gaya ng dati'y masyado itong misteryoso. Tanging matatalino lamang ang maaaring makatunog sa totoo at kasalukuyang nangyayari. At kung patalinuhan din lang naman ang pag-uusapan, panalo na kami. Mahinang tumunog ang kama nang dumaan sa gilid ko si Russel, buhat si Alias na nakatulog na sa bisig niya.
I woke up earlier than usual kaya naman mabilis ko ring naihanda ang mga susuotin ni Russel sa pagpasok sa trabaho. Yes, he's still working despite of his wealth because that's what a businessman should do. He has a choice of his own. Puwede siyang hindi magtrabaho nang ilang taon at manatiling mayaman habang binubuhay kami ng anak niya pero hindi niya iyon gagawin at hindi rin naman ako papayag at the same time. Russel Clausen is still too young to complete his purpose in the business industry, as they say, the very reason why there are so many people out there who are aching to defeat him. They're not even qualified to face him, matatalo pa kaya nila? Russel is both a risky man to deal with and a blessing in disguise. Ang mga natatalo niya sa negosyo, from first or second class man ay may nakukuha pa ring benepisyo. That's how he rules them. Kumbaga, iyong mga sumusubok at natatalo sa huli ay hindi naman matatawag na traumatized dahil tinuturuan sila ng leksyon ni Russel. Palagi sil
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik