I am drying my hair using the cotton towel when my phone suddenly beeped. Isang mensahe ang pumasok na hindi ko kaagad pinagtuunan ng pansin. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng aking buhok. Tinalunton ko ang mga tumutulong tubig sa balikat ko.
Muling tumunog ang cellphone at nagpasya na akong damputin iyon. Kasabay ng gulat ay nasapo ko ang aking noo. It's a message from my client! Dahil sa dalas ng pagkakaabala ko ay nakalimutan ko nang nag-set nga pala ako ng araw ng meeting namin!I sighed as I composed my reply:I'm sorry for the late response and delayed appointment, Mr. Ellion. Please do proceed to our meeting place. I'll be coming right now.Bago ako umalis ay hinanap ko si Alias. I found him in the front yard, playing with Ruan. Talaga ngang napapadalas ang pagpunta ni Ruan dito.Saglit kong binuhat si Alias. Pinunasan ko ang pawis sa kaniyang noo.“Aalis ako, Ruan. Pasabi na lang kay Nanay na may tatagpuin akong client.”HeAng kaangasan ni Theo ay tila nabawasan nang mag-insist si Russel na maupo na kami. Animo'y nagpipigil ito ng inis at idinaan na lang sa pagbuntong-hininga. Naupo kaming tatlo. Magkatabi kami ni Russel at si Theo naman ay nasa harap namin. He formally sat with his rugged face while Russel beside me is cooly sitting with his crossed legs. Kulang na lang ay idikit ni Russel ang upuan ko sa kaniya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang braso niya'y nakaakbay sa sandalan ng aking upuan na tila may gustong patunayan sa lalaking kaharap namin.Palihim kong pinagmasdan si Theo. Mukhang nalilito siya sa kung anong dapat sabihin. Hindi niya lubos inasahang makikita niya si Russel sa sandaling ito. Ngayong tuluyan ko na siyang nakita'y pansin ko ang pagkakahawig niya kay Denise. Mula sa kilay hanggang sa hugis ng mukha ay hindi niya maitatago ang dugong nananalaytay sa kaniya. Walang duda, isa nga siyang Lewisham.If he's really Denise' brother, I think it's so lame to
An awkward silence stretched between me and Olive. We're alone together here in the garden. Nagdidilig siya ng mga halaman samantalang pinaaarawan ko muna si Alias bago ako magtungo sa Art Gallery ni Eiser. I know that my son's old enough for this but I can't just get over with the things I used to do. Baby pa rin naman si Alias sa paningin ko at mananatili siyang baby ko kahit unti-unti na siyang lumalaki. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Olive mula pa sa hapag-kainan. Ang lahat ay tahimik na nag-almusal at alam kong hindi lang ako ang nakapansin nito. “Mama's going outside. You wanna come, hmm?” I brushed my son's hair. Olive remained silent. Nakatutok siya sa pagdidilig ngunit mababanaag ang lumbay sa kaniyang mga mata. It's probably because of Ruan.“Butterfly!” Alias exclaimed while his little hand is in the air.I chuckled. Nilapitan namin ang paru-paro at gaya ng usual reaction ay agad itong lumipad palayo.My son clapped
I stopped from coloring the art when I heard a series of knock on my door. Tumayo ako upang lumapit doon. Pagbukas ko'y bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Olive. My brows furrowed while looking at her. Magulo ang kaniyang buhok na para bang sinadyang guluhin.. Suot pa rin niya ang ternong pantulog. Nang magkatinginan kami'y halatang-halata ang pagod sa kaniyang mukha.“Anong nangyari sa 'yo? Para kang nakatakas mula sa gyera,” nakangiwing saad ko. “Are you busy?” sa halip ay tanong niya.“Hindi naman...” Lumingon ako sa pinanggalingan ko at itinuro yung painting. “Eighty percent done. Bukas ko tatapusin. Nagreretouch lang ako ngayon. Bakit?”Dumungaw siya sa loob ng kwarto na parang may hinahanap. Nilakihan ko ang siwang ng pinto para hindi siya mahirapan bagama't hindi ko alam kung ano bang sinisipat niya sa loob.“Si Usher?”Oh. Si Alias pala ang hinahanap niya.“Wala rito, nasa baba. Pinabantayan ko muna
I am resting on Russel's chest while he's playing some strands of my hair using his fingers. Nilalaro-laro niya iyon na nagdudulot ng antok sa akin. Kanina pa ako nakapikit at pinipigilan ko lang makatulog nang tuluyan. Ang isang braso niya'y nakapulupot sa baywang ko.“When do you wanna move?” he asked.“Tomorrow...” I murmured. I just missed being trapped in his arms. Kanina pa nga kami rito at nagpapaalam siyang may gagawin saglit pero ayaw ko siyang paalisin. Hindi rin naman siya nagrereklamo kaya ayos lang. “Are you sure?” I nodded.Napag-usapan na namin ang paglipat ng bahay. Ako ang nagdesisyon nito dahil hindi naman niya ugaling mamilit. Nagtaka pa nga siya nang bigla kong buksan ang usapan tungkol sa paglipat namin. Ika ko'y hindi ko na hihintayin ang kasal namin. Bukod sa excited akong lumipat kami, malapit lang doon ang planta kung saan siya nagtatrabaho. Ang ilan naman sa properties na nakuha niya sa mga Lewisham ay maayos a
Maluha-luha ako habang pinasasadahan ang loob ng bahay. Maayos kaming nakalipat dahil mga damit lang naman ang dinala namin. May sarili nang furniture at appliances ang bahay na ito kaya hindi na namin kailangang bumili.I still feel overwhelmed looking round even though it isn't my first time to see this. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Russel ang nagdisenyo ng napakagandang bahay na ito. At gaya pa rin ng una kong impresyon, masyadong malaki ito para sa amin. Pero sino ba naman ako para magreklamo pa? I don't think Russel would choose an average type of house. He's the first Clausen heir. Malamang ay maraming nag-aabang sa ganitong punto ng buhay niya kung kailan desidido na siyang magkaroon ng sariling pamilya.Hindi nawala si Nanay sa tabi ni Alias. Kung saan-saan na sila nakarating dahil sa kakulitan ng anak ko. Sa laki at lawak nga nito'y alingawngaw na lang ng mga boses nila ang umaabot sa gawing ito. Kami naman ni Russel ay nagsimula nang mag-akyat ng m
Kabado akong pumasok sa planta matapos akong paunlakan ng dalawang guard. I still have this awkward feeling whenever I encounter guard because of my past. I have met so many of them in Britain and no one had treated me bad there. Ito lamang isang partikular na karanasan ko sa CMC ang nagpapaalala sa akin ng masasamang alaala. I was treated bad in my own country and that's what I couldn't accept not until the guards in plantation welcomed me so warm - hindi dahil sa kinakasama ako ni Russel kundi dahil ganoon talaga sila kabait. In fact, they have asked my name and some information so they could let me enter. I don't know if they're still the same guards here after all those years. I can barely remember that.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Kung maghurumentado ang puso ko'y parang ito ang unang beses na makikilala ko si Russel. The same old familiar and notable puppy feeling still consumes me whenever I feel excited and anxious at the same time. We'll, I'm excited to
I feel alive because of the fresh air. I've been jogging in our front yard for almost an hour now. Pawisan na rin ako pero nakatutulong ang preskong hangin upang 'di ako mairita. Paikot-ikot ako sa kalawakan ng front yard na nagmistulang parang sa paningin ko. The grasses are swaying in harmony and the birds are chirping. This is such a breathtaking view. Sa hindi kalayuan naman ay natatanaw ang kalahati ng planta at ang mahabang kalsada. Hinihingal akong tumigil sa tapat ng malaking puno. Ang mayayabong nitong sanga'y sapat na upang mabigyan ako ng lilim. Naupo ako sa paanan nito, sa malaking ugat na nakausli at nagpunas ng mukha.Kumaway ako kina Nanay at Alias na ngayon ay nasa terasa ng bahay. Kanina pa gustong lumapit sa akin ni Alias pero hindi ko pinapayagan. Hindi ko naman siya puwedeng isama sa pagtakbo at mas lalong hindi siya pwedeng isabay.Siguro'y nasa alas otso na nang umaga ngayon. Alas sais umalis si Russel. Sabay-sabay kaming nag-almusal
“Oh, bakit ang bilis mong nakabalik?”Pagpasok ko'y si Nanay kaagad ang namataan ko. Iginala ko ang aking paningin at nakita ang aking anak na naglalaro ng bricks. Gaya ng nakasanayan ay nakaupo siya sa carpet ng sahig.“Busy po kasi si Russel...” dahilan ko. Lumapit ako kay Alias at hinalikan ito sa pisngi. Ang mga bagay na nasa isip ko'y marapating sarilini na lang kaysa gumulo pa. Hindi naman na ako gaya ng dati na mabilis mawalan ng tiwala. Syempre, may tiwala pa rin ako kay Russel at hindi matutumbasan ng kahit ano iyon. It's just that... I don't think I have to meddle with their problems. Ang nasisiguro ko'y may problema si Alodia sa kaniyang ama. At base sa mga narinig ko, pinakiusapan ng tatay ni Alodia si Russel na kumbinsihin siya.Russel is her father's last resort... bagay na nagpatunay lamang na may mabuting relasyon sila noon. I know for sure that Alodia introduced him to his father that created a good interaction. Ang dahilan naman ng hiwalayan ng dal
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik