Mahaba ang naging pag-uusap namin ni Russel at ang lahat ng iyon ay bumabagabag sa akin ngayon.
Katatapos ko lang maligo, dumiretso ako sa kwarto. Tahimik nang natutulog si Alias sa kama. Pangalawang araw namin ito kaya dapat ko nang lubusin. Napatitig ako sa mukha ng aking anak. I wanted to say sorry. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon...
Napatuwid ako ng upo nang pumasok si Russel. Nakasampay sa balikat ang tuwalya at walang pang-itaas na damit. Madilim ang kuwarto dahil sa dim lights pero pansin ko pa rin ang kagandahan ng kaniyang katawan.
I swallowed.
Apektado pa rin ako sa tuwing nakikita siyang ganito. Hindi ko alam. Am I supposed to feel this? Isang beses lang kami nagkasama sa exercise session at hindi na naulit iyon. O baka marahil ay dahil ilang taon ko siyang hindi nakasama.
Kumabog ang dibdib ko nang unti-unti siyang naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya itong gumalaw nang pumuwesto siya sa tabi ni Alias.
&ldquo
Natutukso ako sa water activities pero dahil walang magbabantay kay Alias, tanging pagtambay lang sa pampang ang nagagawa namin.Panay ang halakhak ni Alias sa paglalagay ng buhangin sa katawan ng ama niya. Nakahiga si Russel sa buhanginan habang tinatabunan siya ni Alias. Kanina pa silang dalawa. Masaya namang panoorin pero kanina pa kami nakabilad sa init.“Bored?” Russel asked.I'm sitting here in a crossed-legs position. Nakakangalay rin kaya napapabuntong-hininga ako.“No. Mainit lang,” pag-amin ko.He smirked. “Skin conscious ka na?” aniya sabay dapo ng tingin sa katawan ko.I crossed my arms when he kept staring at my chest. “What the hell, Russel...” pagbabanta ko.I'm wearing my white tank at litaw ang cleavage ko! How could he stare at it as if I don't see him?Alias chuckled when Russel caught his little hands trying to pour sands on his face.“Oops! Not he
“Lola!” Pilit inaabot ni Alias ang screen ng laptop dahil kausap namin si Nanay ngayon. Matatabig na niya ang baso ng gatas na baka matapon sa keyboard.Patayo-tayo at malikot kaya panay din ang pag-awat ko. “Shhh! Behave, okay?”Sumimangot siya at tila nagsusumbong sa kaniyang ama.And his father immediately sided on him. “Let him—”I silenced Russel by glaring at him. These days, tumitigas ang ulo ni Alias dahil sa kaka-spoil niya. Mas lalo pang ngumuso ang anak namin pero binalewala ko.“Baka po next month, 'nay. May mga tatapusin pa po akong projet dito,” sagot ko sa tanong niya kung kailan kami uuwi.Makahulugan ang tingin ni Nanay. Palipat-lipat iyon sa aming tatlo. Alam ko nang iniisip niya ngayon na kinain ko lamang ang mga sinabi ko noon. I just swallowed my pride. Bagama't mapanukso ay bakas naman ang tuwa sa kaniya.“Napakatagal niyo na riyan, Alliyah. Aba, kailan
Ipinagpatuloy ko ang painting. Mahirap magconcentrate dahil nagtatakbuhan sa gilid ko ang mag-ama. Though, sanay naman ako sa kalikutan ni Alias dahil kung minsa'y buhat-buhat ko pa siya habang nagpipinta ako. I just can't focus now because Russel seems more energetic than his son.Maagap kong inilayo ang paint brush sa canvas nang sumalampak sa akin si Alias. Muntik na akong magkamali. Halos segundo lang ang pagitan, muntik nang madumihan ang canvas.“Ahh! Mama!” Alias heartily laughed when his father tickled him. Nakayakap siya sa baywang ko.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. “Russel, malawak sa sala. Doon kayo maglaro,” mahinahong anas ko.I groaned when he suddenly hugged me from behind. Idinikit niya ang kaniyang pisngi sa pisngi ko at halos panggigilan ako. Napahiran ng paint ang damit ko dahil sa kawalan ng kontrol.“Russel!” reklamo ko.“What?”“Anong what? 'Wag kayo
Nakarating ako sa lugar kung saan tatagpuin ni Russel yung anonymous sender pero wala akong nadatnan doon. Katunayan, sarado ang tea shop. Umikot ako sa kabila. May mga nakahilerang lamesa na pare-parehong bakante. Sa kabila ay ganoon din.I dialled my number using Olive's phone. Russel didn't answer.'Where are you?'I sent it. Minutes have passed, I got no reply. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng area. Sa katabi nitong saradong tea shop ay mayroong parlor. Sa tabi ng parlor ay isang fast food restaurant. Nasa harapan ko naman ang matayog na building na kalapit ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Olive.I gasped for air to lessen the heaviness in my chest. Pinasadahan kong muli ang mga natatanaw kong sulok pero hindi ko nakita si Russel. Hanggang sa naisipan kong pumihit patungo sa pinakalikod nitong shop. Dahan-dahan akong sumilip. There are businessmen talking in the near benches.Kung tutuusin ay tagong-tago na ang parteng ito. Mayroong m
Nahahati ang desisyon ko kung saan kami tutuloy ni Alias pag-uwi pero si Russel na mismo ang nagsuhestiyon na dumiretso muna kami kina Tiya Marga.Tumigil ang private car sa tapat mismo ng bahay nila. Unang-unang bumaba si Olive bitbit ang mga bagaheng kayang dalhin. Tinatamad pa akong umahon mula sa pagkakahilig sa balikat ni Russel ngunit siya na mismo ang nagpaahon sa akin.Sabik akong umuwi pero dahil sa pagod at antok mula sa napakahabang biyahe, naupos na parang kandila ang enerhiya ko. Si Olive lang ang nanatiling masigla sa kabila ng jet lag.Nakaipon sa bakuran ang buong pamilya: ang mag-asawang sina Tiyo Carlos at Tiya Marga, si Kleen, at si Nanay. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang ilang mga magsasakang tumigil sa ginagawa para makitingin sa pagdating namin.Sinalubong kami ng yakap ng pamilya. Nakakapanghina ng tuhod ang tagpong ito. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkatulala kay Alias Usher na buhat-buhat ko at tulog pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko inakalang ganito kaganda ang Suman Sentro. Nakita ko na ito sa pictures pero mas klaro na ngayon ang pagkakaiba. We're greeted by the workers as we entered the production area. Sino nga bang mag-aakalang lalago nang ganito ang dati'y paglalako lang nina Nanay? Si Tiya Marga ay nasa kabilang branch at katulong niya roon ang magkapatid. Russel and Alias are tailing me to wherever I go. Kasabay no'n ang pagsunod din ng mga matang narito sa kanilang dalawa. Narinig ko pa ang ilan kahit nagbubulungan lang. “Siya si Russel Clausen. Alam mo bang siya ang may-ari ng Clausen Manufacturing Clan? Doon nagtatrabaho ang tita ko!” palatak ng isang babae. Sa palagay ko ay nasa edad disi-otso, gayundin ang kausap niya. “Talaga? Matatalino lang ang nakakapasok doon, 'di ba? Si Kuya nga, sa interview pa lang, bagsak na!” “Ano ka ba!” Humagikhik ito. “Janitress ang tita ko roon, Irene! Sabihin mo sa kuya mo, mag-apply siyang janitor para matanggap siya!”
Akala ko'y mahihirapan akong ipakilala kay Alias ang mga Clausen pero kinabukasan din, mukhang malapit na siya kaagad sa mga ito. Isa pang bagay na nakatulong ay ang pagiging likas na palakaibigan niya. Hindi siya iyong tipo ng batang takot o masyadong mahiyain at ilap sa mga taong hindi niya kilala. Well, one thing is for sure. The nature runs in the blood. Ngayon ay naniniwala na ako sa lukso ng dugo.Rinig dito sa balcony ang ingay nila sa baba. Ang magkapatid na sina Madeley at Daimler ay nakasunod kay Alias mula pa kahapon. Ayaw pa sanang umalis ni Ma'am Navi kaninang umaga pero wala siyang nagawa dahil kailangan sila ni Sir Ridley sa factories. Gayunpaman ay marami siyang ibinilin bago umalis.“Babalik kami after two days. 'Wag muna kayong aalis, ha?”“Sige po, Tita,” I politely said.Wala kaming pinal na pasya ni Russel kung gaano kami katagal mananatili rito pero sa ipinakikita ni Ma'am Navi ay nangangamoy bakasyon. Sigurad
It feels good to be back.Eiser's art gallery is still there. Matibay pa rin itong nakatayo sa lugar kung saan ko ito unang nakita. Bumaba ako mula sa sasakyan ni Russel. Nagpahatid lang ako sa kaniya. May dadaanan pa siya ngayon at pagbalik niya'y magkasama na kaming pupunta sa CMC. Yes, he's inviting me there. Mayroon daw event na gaganapin mamayang gabi. Hindi na rin ako tumanggi dahil may mga tao akong gustong kumustahin doon.Nanuot sa balat ko ang pang-umagang simoy ng hangin: presko at masarap sa pakiramdam. Tumunog ang chime nang pumasok ako sa Art Gallery. Sinalubong ako ng parehong amoy. Ang mga bagay na nasasakop ng aking mga mata'y ganoon pa rin. Nakasabit ang paintings na halatang kagagawa lang. Some things changed to their respective spot but aside from that, nothing big has changed. Ang mga obra'y nakapuwesto sa kani-kanilang eleganteng posisyon. Agad nabusog ang mga mata ko sa tanawin. These artworks are caged in different sizes and different styles whi
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik