Share

Chapter 3

Chapter 3

TAKA AKONG NAPATINGIN sa invitation card na nasa ibabaw ng mesa ko. Sino naman ang naglagay nito dito?

Binuklat at binasa. You are invited for incoming contest. We chooce you to be one of the judges.

What the fuck?

Bakit parang pilit? Wala akong choice?

Napapikit ako ng makita ang petsa. Iyan ang araw na lilipat ako sa condo ko. Bakit parang ang malas ko naman ‘ata.

Kakasabi ko lang na ayaw ko ng maraming tao tapos ngayon? Argh! Nakakainis na!

Inipit ko nalang ang Invitation Card na sa isang notebook ko at pinagpatuloy ang pag dedesign. Hindi ko napansin na tanghali na pala. Nalulunod ako sa pag s-sketch lalo na at nag-eenjoy na ako. At gustong gusto ko ang design sigurado akong magiging maganda ang kinalalabasan nito.

Pag natapos ko ‘to. Ito ang susuotin ko sa Araw na iyon. Napangiti ako bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Napatigil ako ng kumalam bigla ang sikmura ko. Napatingin ako sa oras. Napabuga ako ng hangin dahil hapon na pala.

Tumayo na ako bago kinuha ang shoulder bag. Umalis na ako roon para kumain at umuwi na. Napag isip-isipan kung sa gilid ng kalsada nalang ako kakain. Sa street food. Pero alam kung hindi ako mabubusog sa street foods.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Kyro. Nakaupo ito sa isang kahoy na upuan habang nagkakamay na kumakain rito sa isang mainit, masikip, mausok na karenderya.

Hindi ko aakalain na ang lalaking ito ay kumakain pala sa mga ganitong lugar.

“Hija! Kakain kaba?”

Kahit malakas ang boses ng matanda ay hindi lumingon si Kyro. Halatang nag eenjoy ito sa pagkain na parang walang ibang nakikitang tao sa mundo.

“Kakain po ko, ginang.”

“Ginang Fe! Extra Rice at Soup po!”

Napatawa ang Ginang sa sigaw ni Kyro. Doon napatingin sa gawi ko ang binata. Tumaas ang kilay niya bago ngumiti at tumingin ulit sa Ginang.

“Maupo ka muna, Hija.”

“Dito kana maupo! Mataray na fashion designer.” Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumisi lang siya at kumain ulit.

Wala akong choice kun‘di ang umupo sa tabi niya. Puno narin kasi ang ibang table. First time kung kumain rito. Madalas kasi ay sa convenience store lang ako nagtatambay at doon kumukuha ng mga pagkain.

“Ito na.” Nilagay ng Ginang ang extra rice at soup na hiningi ni Kyro sa mesa bago siya tumingin sa'kin. “Anong sa'yo, Hija?”

“Wala silang Menu dito.” Sinamaan ko ng tingin si Kyro dahil sa sinabi niya.

“Anong menu hijo?”

“Yung parang notebook Ginang Fe.”

“Ah, ‘yon pala. Nako, hija wala kami niyan. Tingnan mo nalang yang malaking tarpaulin.”

“Masarap yang sinigang at menudo nila rito. Lalo na yung dinuguan, diba ,Ginang Fe?”

“Menudo at sinigang nalang po, Ginang.”

“Bigyan mo rin siya ng maraming extra rice.” Natawa ang Ginang sa sinabi ni Kyro.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Anong akala mo sa'kin? Matakaw? Hindi ako katulad mo ‘no!”

“Sexy parin naman ako.” Saad niya kaya inirapan ko siya.

Napatingin ako sa kaniya. Sexy nga, halos ibandera nga sa mga bachelor's magazine ang abs ng lalaking 'to.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil halata namang nag-eenjoy sa pagkain ang binata. Dumating narin naman ang pagkain ko kaya kumain narin ako.

Hindi ko aakalain na ganito pala kasarap rito. Naubos ko ang extra rice nila kulang pa ang menudo kaya nag-order ako ulit.

Nag take out pa ako para kakainin ko mamayang gabi. Umalis na ako roon at umuwi na sa bahay. Nakita ko sila Mommy sa may Dining, kumakain. Pero dahil busog na ako ay nilagpasan ko lang sila.

Kailangan ko pang lagyan ng mga gamit ang Condo ko para ayos na roon at pwede ako doon tumira.

Pero marami pa ang aayusin kaya saka nalang muna. Napatingin ako sa ulam na dala ko. Saan ko naman ito ilalagay?

Kinuha ko nalang ulit ang bag ko bago lumabas ng kwarto.

“Saan ka pupunta?” Salubong ni Mom sa'kin.

“Sa shop.” Sagot ko at nilagpasan lang siya.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko bago ako nagtungo sa garahe at sumakay sa kotse ko. Nag drive na ako paalis roon, papunta sa boutique shop.

Doon nalang ako matutulog. Mas bet ko pa roon kasi ramdam ko ang pagmamahal sa bawat parte ng shop ko eh. Sa bahay namin? Malaki at maganda nga, pero ang boring naman.

Pagkarating ko sa Shop ay saktong nakita ko ang guard sa Shop ko na isasara sana ito.

“Kuya, ako na dyan.”

“Ay, hala Ma'am. Kaya ko naman.”

“Don't worry. Ako na maglalock. Dito kasi ako matutulog ngayong gabi.”

Tumango lang ito bago nagpaalam na sa'kin na aalis na dahil hinahanap na daw ito ng mga anak nito.

Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa pag-alis niya. Buti pa siya, kahit mahirap lang sila masaya parin sila dahil sa pagmamahalan nilang mag pamilya.

MAAGA NAMAN AKONG nagising pero pakiramdam ko malapit na akong malate sa event. Ampucha an’tagal ko kasing inayusan ang sarili ko eh. Wala akong make up artist at alam ko 'yon. Kaya ko naman ayusan ang sarili ko.

Pero nalimutan kung bumili ng make up kaya kailangan ko pang maghanap sa mall tapos pagkauwi ko haggard ako. Kaya naligo ulit ako at inayusan muna ang sarili ko bago nagsuot ng damit at ang nakakabwesit pa nun ay naiwan ko sa shop ko ‘yong damit na tinahi ko para sa sarili.

Kaya pumunta pa ako doon sa shop at doon nalang nagbihis.

Buti nalang hindi pa nagsisimula at nakaabot agad ako dito. Umupo muna ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko kaagad ang sarili ko bago tinawag ang pangalan ko.

Tumayo na ako at pumasok sa stage at doon rumampa. Syempre kailangan ko rin ibandera minsan ang kagandahan ko para naman hindi mabulok.

Rinig ko ang malakas na palakpakan at hiyawan.

Bakit may hiyawan?

Ngumiti ako bago tumayo ng maayos sa gitna. May ekis sa dibdib ko at alam kung kitang kita at luwang luwa na ang dibdib ko. Backless rin ito.

Gustong gusto magsuot ng backless dress dahil maganda naman ang likod ko, kaya finiflex ko.

Cocktail design rin. Manipis ang telang gamit ko. Gusto ko seductive ako ngayong gabi. At tagumpay naman dahil halos ang iba ay nakatingin lang sa'kin.

“And our special guest, Mr. Kyro Martinez.”

Naestatwa ako at agad napalingon sa may likuran ko ng marinig ang pangalan na iyon. Lumakas ang palakpakan ng lumabas siya. Hindi ko maitatangging sobrang lakas ng dating niya sa blue na suot niya. Napatingin naman ako sa kulay blue rin na suot ko.

Abah! Color match pa.

Ngumiti siya sa'kin bago tumango. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

Inalalayan pa niya ako pababa sa stage at papunta sa Judge table's. Ramdam ko ang malamig, basa at malambot niyang palad.

Pinaghila pa niya ako ng upuan kaya umupo nalang rin ako. Umupo pa siya sa tabi ko bago umayos rin ng upo. Pag nga naman minamalas ka.

“Ang ganda ng damit mo. Saan mo nabili?”

“Excuse me? Ako ang gumawa nito?” pagtataray ko rito.

“Totoo ngang ikaw ang the best fashion designer in asia.”

Bolero.

Inirapan ko lang siya at nag focus na sa stage.

“Bagay rin sayo ang maging model.” Napatingin ako sa kaniya. “Kita mo ang mga babaeng nasa Stage ngayon, suot ang damit ng kaniya kaniyang Designers. Kung itatabi ka sa kanila. Sigurado akong mananalo ka.”

“May business kang modeling. Ano iyan? Nanghahakot ka ng Investors?” Pagtataray ko rito.

“Gumagana ba?” He smirked.

“Hindi, bakit ba pinagttripan mo lagi ang Shop ko?”

“Maliit lang yung shop mo, pero the best ang mga design mo. Kung ako ang may pinakamalaki at pinakamaraming modeling business. Ikaw naman ang pinakasikat at kilalang fashion designer. Bilib rin ako sa'yo. Ang dami ng lumapit sa'yo para magpagawa pero ang iba tinatanggihan mo.”

“Hindi ko kailangan ng pera nila. Kasi may pera ako. Kung magpapagawa sila sa'kin siguraduhin lang nila na mabuti ang pakikitungo nila sa'kin hindi yung binabastos ako at nagiging bossy. Ayaw ko sa mga taong kinokontrol ako.”

“Unique ka.”

“Unique tayong lahat, maliban nalang sa mga taong nagpapanggap na ibang tao para tanggapin sila. Hindi ako marunong makipag plastikan katulad mo, Mr. Martinez kaya tigil-tigilan mo ako.”

“Ows? Pero hindi mo parin mababago ang isip ko. I want you to be one of our designer. Payag ka?”

“No.” Diretsong sagot ko bago umayos ng upo at tinuon na ang atensyon sa Stage.

Panay ang kulit niya sa'kin pero hindi ko lang siya pinansin. Ayaw na ayaw ko sa mga taong gagamitin ako para lang malaki at mapalakas ang kompanya nila. Marami ng nag offer sa'kin ng ganun at wala akong tinanggap kahit isa.

Kasi kung tutuusin pag nagtayo ako ng Modeling Company aangat agad ito. Pero hindi ko ginawa. Dahil Designer ako, ayaw kong gumawa ng sarili kong problema.

“I don't want to offend other company or the designer who made that dress. But for me... Siguro kung sa bar ka pumunta, papasa yan.” Tumahimik ang lahat sa sinabi ko.

Hindi ko atensyon ang bumastos. Pero hindi kuna kayang tingnan ang babaeng nasa harapan ko ngayon na kulang nalang ay maghubad.

“Mas bet ko yung simple pero nakaka attract. Hindi yung sobra ang design pero nakakasilaw. Mas gusto ko pa yung turtle neck kaysa yung kulang nalang maghubad ka. Don't get me wrong pero kung sino man ang designer mo. Maling contest ang sinalihan niya.”

“And let me remind all of you. That whatever or whoever wins this competition she or he is the best designer for me.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status