Chapter 2
Gusto ko nang umalis dito pero ayaw ko namang mas lalo silang magalit sa'kin.“Are you out of your mind, Cara?! Alam mo bang bilyonaryo at sikat na businessman iyong tinanggihan mo?!” Galit na sigaw ni Daddy sa'kin.Nalaman na pala nilang tinanggihan ko ang pag-invest ni Mr. Martinez sa Boutique Shop namin.Ma-pride kasi akong tao. At tsaka ayaw kong may tumapak na demonyong sperm sa Boutique Shop ko, ano.“Mas lalong tumitigas ang ulo mong bata ka! Hindi ko na alam kong ikaw pa ba ang Cara na anak namin!” Napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya.“Ako parin naman 'toh. Ako parin naman ang anak niyo. Hindi ako nagbago. Kayo ang nagbago. Masyadong naging mataas ang tingin niyo sa sarili niyo. Masyadong naging mataas ang pinapangarap niyo sa'kin na sana man lang tinanong niyo ako. Kung gusto ko ba itong buhay na ‘to.” Inis akong tumayo at iniwan sila roon.Dumiretso na ako sa shop ko at pumasok sa opisina para mag drawing nalang. Tinawagan ko si Lykia pero hindi ito sumasagot kaya hindi ko nalang siya kinulit baka dahil baka busy din siya.Pero pagkaraan ng ilang minuto ay nag-ring ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot nang ang pangalan ni Lykia ang lumabas sa Screen.“Napatawag ka baby girl? I'm sorry na silent ko kasi ‘yong phone ko. And alam mo bang kasama ko si Mr. Billionaire ngayon.” Binulong niya ang huling sinabi niya.Napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang nagsalita. Napadalas ata ang pagsasama nila ng Bilyonaryong iyon. Mukhang hindi na iyon healthy.Pinatay na niya ang tawag kaya nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.Nasa kalahati ako ng pagdedesign ko ng ma-blanko na naman ang utak ko at mapagod. Kaya tumayo nalang ako at nag shopping.Suot ko ang shade ko bago ako naglakad papasok sa mall. Naghanap ako ng mga dress. Pero mas magaganda pa ata yung mga dress namin. Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang dress.Kung susuotin ko ’to, alam kung luluwa na ang dibdib ko. Hapit na hapit ang bewang ko rito. At ang maganda pa ang backless ito.Hinawakan ko ito at kinuha pero bago ko iyon mahablot talaga ay bigla nalang may umagaw no’n sa'kin.“Excuse me, ako yung nauna.” Mahinahong sabi ko rito sa isang babae na biglang umagaw ng dress na gusto ko.“I want this!” Tili niya na nakaagaw ng atensyon ng iba. Halatang attention seeker ang putangina.Napairap ako sa kawalan bago hinila ang dress. Pero hinila rin niya. Mas hinila ko pa ito. Pero mas nilakasan niya ang paghila dahilan para mapunit ito bago ko binitawan dahilan ng pagkahulog niya at napaupo agad siya sa sahig.Tinawanan pa siya ng ibang nakakita bago ako taas noong tumingin sa kaniya.“Thank you,” nakangiti kong sabi. “Kasi nalaman kong hindi pala iyan matibay.”Tinalikuran ko siya at umalis nalang roon dahil mas lalo lang mang iinit ang dugo ko.Nagpa-spa pa ako para ma relax. Pagkatapos n’on ay chineck ko ang condo ko.“Hindi pa pala tapos?” tanong ko sa architect na nandito.“Kaunti nalang po, ma’am.”“Good. Gusto ko matapos ito as soon as possible. Kasi gagamitin ko na.” Huling sabi ko bago sila tinalikuran.Aalis na ako roon sa'min. Matagal ko nang binili ang condo na 'toh. Pinabago ko ang design pero hindi pa sila tapos. Kating-kati na akong umalis roon at makalipat.Wala naman silang pakialam sa'kin kaya sigurado akong hindi nila ako pipigilan sa pag alis ko. Baka nga mag diwang pa sila at magpa-goodbye party.NAGING BUSY lalo ako sa shop dahil sa'kin niya pinagawa ang magiging wedding gown ng bride niya. Lalo na ang best man at ang maid of honor.“Bukas pupunta rito ang best man.” nakangiting sabi ng ikakasal.She's Arah, halatang blooming at in love. Napangiti tuloy ako dahil nakikita ko sa mukha nilang dalawa ng fiance niya na mahal nila ang isa't isa. Mapapa-sana all ka nalang talaga.“Sure.”“Amh, Cara,” malumanay na tawag niya sa pangalan ko.“Yes Arah?”“Pwede bang ikaw nalang ang gawin kung maid of honor?”Huh?“Hindi naman tayo mag—”“Walang kaibigan ang Fiance ko. Kaya wala siyang maid of honor. Your invited on our wedding day. Pupunta kaba?”“Amh,”“Please!”Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kung hindi ko siya matatanggihan. Ayaw kong malungkot siya sa araw ng kasal nilang dalawa.Hindi ko kaibigan si Arah pero magkakilala kami. Lalo na at dito siya lagi sa boutique ko nag s-stand by pag wala siyang ginagawa sa bahay. Siya rin ang VIP customer ko.Siguro. Pupunta ako sa kasal niya pero saglit lang ako sa reception. Naasiwa ako pag maraming tao.KANINA PA AKO naghihintay na dumating ang Best Man. Ang tagal, ano siya VIP? Sinukatan ko nalang ang sarili ko ng biglang bumukas ang pinto.“May naglalakad na Sperm pala?” Takang tanong ko sa sarili.“Bakit parang ang laki ‘ata ng galit mo sa'kin. Kasi sa pagkaalala ko hindi tayo magkakilala.” ani ng biyonaryong womanizer.“Tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo. Kumukulo ang dugo ko.”“Siguro, dahil hot ako?” Mayabang na tanong nito.Inirapan ko nalang siya at tinawag ang sekretarya ko. Pero naalala ko wala pa pala akong nahanap na bagong sekretarya. Pag-nga naman minamalas ako.“Susukatan mo na ba ako?”Lumapit ako sa kaniya at sinukat ang braso niya. Bago nagsulat. Bago sinukat ang may bewang niya pababa. Natigilan ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinatigil.“Ano bang problema mo?!” inis na tanong ko sa kaniya.“Chansing ka eh.”“Anong... Aba! Ang kapal rin naman ng pagmumukha mo.”“‘Wag kang magsukat sa ibaba. Nanunuklaw yan.”Biglang namula ang buong mukha ko ng malaman ko ang ibig niyang sabihin. Agad kung tinapon sa kaniya ang papel na hawak ko.“Ang bastos mo! Pervert sperm!” Sigaw ko sa pagmumukha niya.“Kalma.” Tumawa lang ito na para bang natutuwa pa siya sa reaksyon ko.Binilisan ko nalang ang pagsusukat sa kaniya bago siya pinaalis. Pero hindi siya umaalis at nakatayo lang sa harapan ko. Kahit anong pilit na pagtulak ko sa kaniya palabas ng opisina ko ay mas malakas siya.Hinayaan ko nalang at sinukatan ang sarili ko. Habang sinusukatan ko ang sarili ko. Nagulat nalang ako ng bigla niyang inagaw sa'kin ang tape measure na hawak ko.“Ako na.” nakangisi niyang sabi.Naestatwa ako habang nakatingin sa kaniya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng maramdaman ang braso niyang nakayakap sa may bewang ko.Tumigas ang katawan ko at pinigilan ang paghinga sa sobrang lapit niya. Matapos niyang sukatan ang bewang ko ay ngumiti siya bago lumayo ng kunti at sinulat sa papel ang sukat ko.“Sexy ha.” Lumapit ulit siya sa'kin bago pumunta sa likuran ko. Parang tumaas ang balahibo ko sa batok ko nga maramdaman ko ang kamay niyang nakapatong sa may braso ko.Naamoy ko ang mabango niyang pabango. Mas lalong nang-init ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko.Lumayo ulit siya ng k’unti bago nagsulat. Napaayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang kamay niya sa may itaas ng pwetan ko.Sabay kaming napatingin dalawa ng bumukas ang pinto. Halos manlaki ang mata ko ng makita si Lykia na gulat na nakatingin sa'ming dalawa.Agad akong lumayo at binawi sa kaniya ang gamit ko bago umupo. Habol ko ang hininga ko sa kaba.“Kyro.” Ngumiti ang kaibigan ko bago siya lumapit sa sperm na yun at pumulupot. “What are you doing here? Magkakilala kayo?”“Hindi,” ako na ang sumagot. “Best Man siya sa isang kasal. Kaya sinusukatan ko siya.”“Yung kasal ba ni Trophy?” Tumango lang si Kyro bago bumaling sa'kin.“T-tapos na. Makakauwi na kayo.”“Ohh, but I'm sorry babe. I'm not here for you. Next time nalang okay? Yung kaibigan ko talaga ang balak ko.”Kita ang pagtaas ng kilay ni Kyro mukhang nagtataka sa inaasta ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maiinis. Matatawa, dahil nalilito siya. Or maiinis dahil parang wala siyang pakialam sa kaibigan ko.Inalis niya ang kamay ng kaibigan ko sa leeg niya bago siya tumingin sa'kin at umalis.Lumingon sa'kin si Lykia bago siya ngumiti.“Nagtatampo lang ‘yon.” Depensa niya sa sarili.“I'm not asking,” mataray na ani ko. “Basi sa nakita ko kanina. Parang hindi naman siya interesado sa'yo.”Ayaw kong saktan si Lykia. Pero mas ayaw kong magmukha siyang tanga sa harapan ng lalaking akala niya ay gusto siya.Ngunit halata naman sa mukha ng sperm na 'yun na hindi siya interesado sa kaibigan ko.“Wait, Wait. Bakit parang ang bitter mo?”“Hindi ko sinabi 'yon para inisin or asarin ka. Sinabi ko yun dahil ayaw kitang masaktan.”“No, eh! Sinabi mo ‘yon para tigilan ko siya!” Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw sa'kin. Tumaas ang kilay ko at tumayo.“Anong gusto mong sabihin ko? Na ayos lang! Go lang! Gora! Puntahan mo na, mukha namang type ka. Hindi ako plastik Lykia.” madiing sabi ko. “Tunay akong kaibigan. At sinabi ko sa'yong tigilan muna ang pagpapantasya sa Sperm na yun! Para hindi ka masaktan sa huli.”“No, hindi ako titigil hangga't hindi niya ako sinasabihang tumigil.”Nababaliw na siya.“Or baka naman kaya mo ako pinapatigil dahil... Dahil gusto mo rin siya.”What the hell!Ako?Gusto?Yung demonyong sperm na yun?No way! Over my damn! Gorgeous sexy and yummy body. Hindi ko siya magugustuhan. Ayaw ko sa mga playboy.“Seriously Lykia? You're asking me a stupid question.”“I'm not asking. That’s a statement.” Ngumiti pa siya sa'kin.Halatang inaasar ako ng gaga!Chapter 3TAKA AKONG NAPATINGIN sa invitation card na nasa ibabaw ng mesa ko. Sino naman ang naglagay nito dito?Binuklat at binasa. You are invited for incoming contest. We chooce you to be one of the judges.What the fuck? Bakit parang pilit? Wala akong choice?Napapikit ako ng makita ang petsa. Iyan ang araw na lilipat ako sa condo ko. Bakit parang ang malas ko naman ‘ata.Kakasabi ko lang na ayaw ko ng maraming tao tapos ngayon? Argh! Nakakainis na!Inipit ko nalang ang Invitation Card na sa isang notebook ko at pinagpatuloy ang pag dedesign. Hindi ko napansin na tanghali na pala. Nalulunod ako sa pag s-sketch lalo na at nag-eenjoy na ako. At gustong gusto ko ang design sigurado akong magiging maganda ang kinalalabasan nito.Pag natapos ko ‘to. Ito ang susuotin ko sa Araw na iyon. Napangiti ako bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Napatigil ako ng kumalam bigla ang sikmura ko. Napatingin ako sa oras. Napabuga ako ng hangin dahil hapon na pala. Tumayo na ako bago kinuha ang should
Chapter 4Naging issue agad ang pagsagot ko. Napairap ako sa kawalan bago pinatay ang cellphone ko. Nagring ulit ito at pangalan ni Mommy ang nakita ko sa Screen. At sigurado akong susumbatan na naman niya ako... For sure. “What the hell did you do?”“Hindi niyo ba nabasa sa news? At kailangan ko pang sagutin ang tanong mo?” Pabalang na sagot ko. “Nung una tinanggihan mo si Mr. Martinez tapos ngayon gumagawa ka ng sarili mong issue? Nagrerebelde ka ba Cara?! Hanggang kailan mo ipaparamdaman sa'min ang disappointment.”“At hanggang kailan niyo ipaparamdam sa'kin na pabigat ako?”“Bakit? Hindi nga ba?”Pinatay ko na agad ang tawag dahil sa sinabi ni Mommy. Napapikit ako para pigilan ang pagluha ko. Kailangan kong kalmahan ang sarili ko. Lilipat rin naman ako at aalis na doon sa bahay nila. Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas at umalis sa shop ko. Nagdrive ako papunta sa condo para titingnan kung ayos naba ang lahat. Pagkarating ko roon ay nag linis at nag ayos agad ako. Yung ino
Chapter 5Humuhupa naman ang issue ko. Pero wala naman akong pakialam doon, naging totoo lang naman ako sa sarili ko. Tuluyan narin akong lumipat sa condo. Wala naman silang reaksyon sa paglipat ko. Condo at shop lang ata ang laging pinupuntahan ko at paulit-ulit lang. Wala nabang mas bago? Naalala ko bigla ang kaibigan ko kaya tinawagan ko ito pero nakailang tawag na ako ay hindi parin nito sinasagot ang telepono.‘Baka busy’. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Hanggang sa hapon na kaya napagdesisyunan kung puntahan at sopresahin nalang ang kaibigan. Nag take out order muna ako bago nag drive papunta sa Condo nito. Pero nakakapagtaka dahil pagdating ko sa condo niya ay bukas ang pinto. Agad akong pumasok sa loob at tinawag siya ngunit walang sumasagot. Nilagay ko muna sa kusina ang binili ko bago ko tinungo ang kwarto niya at kumatok roon. “Lykia! Papasok ako ha.” Pagpihit ko ay agad ko itong binuksan. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto niya pero wala naman siya. Agad
DISCLAIMERThis contain stupid adult humor, and was created strickly for comedic purposes. No offense is intended toward any field or individuals featured in this story. This a work of fiction it should not be taken seriously.Some scene/ideas were inspired in real life scenarios, actual events, memes, social media post, recent and timely issues/topic, K-dramas, Anime and other books read by the author.All rights reserved.The story is unedited, so expect typo, graphical error, grammatical errors, wrong spelling or whatsoever errors.Thanks!ScriptingYourDestiny is on your screen again.Have a nice read. ^_^©SCRIPTINGYOURDESTINY, ALL RIGHTS RESERVED, 2023. . .Start: Oct. 09, 2023. . .Chapter 1Nakaiirita ang pagiging maarte ng kapatid ko. Ang mas nakaiirita pa ay siya ang kinakampihan ng mga magulang ko."Naparito ka? Badtrip ka naman ‘no?" Hinila ni Lykia ang upuan at tumabi sa'kin.Nandito ako ngayon sa Condo niya. Magkaibigan kaming dalawa ni Lykia simula High School. Alam ni