DISCLAIMER
This contain stupid adult humor, and was created strickly for comedic purposes. No offense is intended toward any field or individuals featured in this story. This a work of fiction it should not be taken seriously.Some scene/ideas were inspired in real life scenarios, actual events, memes, social media post, recent and timely issues/topic, K-dramas, Anime and other books read by the author.All rights reserved.The story is unedited, so expect typo, graphical error, grammatical errors, wrong spelling or whatsoever errors.Thanks!ScriptingYourDestiny is on your screen again.Have a nice read. ^_^©SCRIPTINGYOURDESTINY, ALL RIGHTS RESERVED, 2023. . .Start: Oct. 09, 2023. . .Chapter 1Nakaiirita ang pagiging maarte ng kapatid ko. Ang mas nakaiirita pa ay siya ang kinakampihan ng mga magulang ko."Naparito ka? Badtrip ka naman ‘no?" Hinila ni Lykia ang upuan at tumabi sa'kin.Nandito ako ngayon sa Condo niya. Magkaibigan kaming dalawa ni Lykia simula High School. Alam niya ang problema ko. Dito ako pumupunta pag naiirita ako doon sa pamamahay namin."Yeah, ano pa ba." Inirapan ko siya, "I hate her so much.""Inom tayo?""Seryoso kaba d'yan?" Taka ko siyang tiningnan."Sunday bukas. Walang pasok. Game?"Inirapan ko siya at sumang ayon nalang. Hindi ko rin naman siya matatanggihan.Kinagabihan no’n ay umuwi ako, naligo, at naghanap ng maisusuot.Itim na crop-top at skirt na 5 inch above the knee ang napili ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at umikot. Kinuha ko ang make-up kit at nagpaganda. Pagkatapos ay lumabas na ako.Sakto namang naabutan ako ng kontrabida kong kapatid. Inirapan ko lang siya at nilagpasan. Dinig ko pa ang sigaw at pagsumbong niya dahil sa suot ko. Pero wala na akong pakialam. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko."Ang dami namang tao," reklamo ko ng makitang nagsiksikan na ang mga tao loob ng bar, "Baka wala na tayong makitang upuan, ha.""‘Wag ka ngang KJ." Ani nito bago ito bago umalis at iwan ako.Aba, aba! Saan naman ‘yon balak pumunta? Iniwan ba naman ako ditong mag-isa.Nilibot ko ang tingin ko, hanggang sa napako ang paningin ko sa lalaking nakadikwartong nakaupo sa isang sofa. May isang babaeng nakaupo sa hita nito, may dalawang babae pa sa bandang gilid, at meron rin sa may likuran.Wow! Playboy yarn?Napaigtad ako ng magtama ang mata naming dalawa habang kahalikan niya ang babaeng nakakandong sa kaniya.Napatili ako ng bigla nalang may humila sa 'kin."Bakit kaba nanghihila?!" inis na tanong ko kay Lykia."Dito ka lang sa tabi ko, madaming tarantado dito." Umingot pa siya bago nilagok ang laman ng hawak niyang wine glass."Maglalasing ka ba?""Hindi," tumawa sya ng malakas bago ulit uminom "Bar ito kaya maglalasing ako!" sigaw nito kasabay ng music.Napailing ako at nag-order rin ng isang tequila. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang lalaking nakaupo sa may sofa habang may maraming babaeng nakapaligid rito."Siya si Kyro Martinez. Ang misteryosong playboy na billionaire." Napansin niya 'ata na nakatingin ako rito.“Bakit naman siya misteryoso? Well hindi na ako magtatanong kung bakit siya nabansagan na Playboy.”“Misteryoso siya. Kasi may lihim siyang tinatago sa ilalim ng pantalon niya.” Napalo ko siya sa sobrang gulat, “Aray naman, Cara! Alam ko namang Virgin ka pero 'wag naman masyadong inosente. Ito kasi 'yan kaya siya nabansagan na Misteryoso dahil bukod sa pangalan at yaman niya 'yon lang ang alam ng lahat. Walang nakakilala sa background niya, family niya. Mga gano'n.”"Para naman siyang uhaw d'yan." Umingos ako at nilagok ang tequila ko. Para siyang uhaw na nakipaghalikan sa babaeng nakakandong rito."Alam mo bang... crush ko siya." Naibuga ko ang iniinom ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya."Gusto mo ang playboy na 'yan?"Tumango naman ito. Agad kong kinurot ang tagiliran niya. Umaray siya sa sakit at pinalo ang kamay ko."Girl naman! Kahit na playboy ‘yan, ang gwapo kaya!" Tili nito na para bang kinikilig at mukhang nag-iimagine pa.Tiningnan ko ang lalaking playboy daw. Totoo naman ang sinabi niya kaya hindi ko siya masisisi. Gwapo naman talaga ang bilyonaryong ‘yon. Pero kahit na, masama parin itong tao dahil pinaglalaruan nito ang damdamin ng mga kababaihan.Hindi ako naglasing dahil iuuwi ko ng safe si Lykia. Pero nag CR lang ako saglit, nawala na agad ito. Nataranta ako at agad siyang hinanap. Nilibot ko pa ang loob ng bar pero ‘di ko talaga siya makita.Nakampante lang ako ng bigla nag-ring ang cellphone ko at tumawag siya."Where the fuck are you?!""Kalma, maganda kong kaibigan. I'm with Mr. Billionaire right now. Umuwi ka nalang mag-isa. Bye! Mag-usap nalang tayo bukas." Bigla nalang niyang pinatay ang tawag.Ang babaeng 'yon talaga!Paano ako kakalma kung alam kong kasama nito ang playboy na bilyonaryong iyon?Kinalma ko nalang ang sarili ko at umuwi na sa bahay. Bahala na, buhay naman niya iyon, eh. Pag-uwi ko, akala ko tulog na silang lahat. Nagulat nalang ako ng makita ko sila sa sala."Saan ka galing?! Bakit ngayon kalang? Ano 'yang suot mo? My ghad Cara!"Sinamaan ko ng tingin si Clysel dahil alam kung siya ang nagsumbong sa'kin sa kanila ni Mommy."Sumagot ka!"Hindi ko sila pinansin at nilagpasan sila. Panay ang tawag nila sa'kin pero hindi ko sila nilingon at nagpatuloy lang sa pag-akyat.Medyo may tama na ako sa alak, kaya madali rin akong nakatulog.Kinabukasan ay umalis ako sa bahay at pinuntahan si Lykia para tingnan ang kalagayan nito. Saktong pagbukas ng Elevator, nakita ko si Lykia na sumasayaw pa sa tuwa.Napailing ako bago siya nilapitan. Ngumiti siya sa'kin ng makita niya ako bago niya binuksan ang condo niya."Oh my ghad, girl!" Sabay tili nito ng malakas.Napatakip tuloy ako sa tainga ko. Itinapon ko sa pagmumukha niya ang unan malapit sa‘kin. Tumigil naman siya at patalon na humiga sa kama nito."What happened last night? Alam mo bang pinag alala mo ako? Sumama ka pa talaga dun sa Playboy na bilyonaryong iyon, Lykia! Sasaktan kalang no’n!""Easy, baby girl. May usapan kaming dalawa. Walang mahuhulog sa'min sa isa't isa. Tsaka, ang sarap kaya niya." Tumawa pa ito ng malakas ng makita ang itsura kong nandidiri sa kinikuwento niya."Tumigil ka nga!" Umaakto pa akong tinatakpan ang tainga ko. "‘Pag talaga ikaw na fall, tatawanan kita pag umiyak ka." Pagbabanta ko rito."Whatever." Inirapan niya ako bago siya umupo at tumingin sa'kin. "Kaya pala an'daming nababaliw sa kaniya. Ang gwapo na nga, may eight pack abs pa na akala ko sa libro lang nag e-exist. Magaling siya bumayo, masarap siya. At higit sa lahat 8 and a half inches.""Lykia!" Malakas na tili ko para patigilin siya. Argh! Nakakadiri ang mga kinukwento niya!"Okay! I'll stop na." Sukong ani nito "Eat na tayo. I know na hindi ka pa kumain. Ako kasi kagabi pa busog.""Isa pa, Lykia." Pagbabanta ko."Kidding." Nag peace sign pa ito at ngumiti.Napailing nalang ako at sumunod na sa kaniya sa kusina.Nakaupo ako habang siya ay nagluluto.Sana naman hindi masaktan ang kaibigan ko dun sa lalaking 'yun.Alam kung wala pa siyang gusto doon. Pero kahit gano’n alam kong mahuhulog din ‘to. Alam ko dahil babae rin ako. Lalo na’t gwapo ang kalaban.Pero kong ako ang tatanungin, kahit na gwapo pa siya, nako, pass ako! Masama naman ugali!Kong ‘yan pala ang ibibigay sa'kin ni Kupido, mas gugustuhin ko pa ang maging matandang dalaga keysa ang magustuhan ang mga ganoong klase na lalaki.Yung mga lalaking sex lang ang habol. Mga lalaking two timers. Mga lalaking pinaglalaruan ang feelings nang mga babae.Sa mundo ngayon, wala ng matinong lalaki. At sa mundo rin ngayon mabibilang nalang rin sa mga daliri ang mga may dignidad na babae.Aaminin kung virgin pa nga ako sa edad kong ‘to. Pero ang bata ko pa kaya, 28 years old pa naman ako. Hindi pa naman ako lagpas sa kalendaryo. Tsaka masaya naman ako sa pagiging single sa ngayon. Dahil ang pag-ibig na yan. Sakit ang dulot sa'tin.Iwan ko ba d'yan sa mga taong patuloy parin umiibig kahit nasasaktan na. Patuloy pa ring umaasa kahit na nagmumukha ng tanga."MA'AM," GULAT akong napatingin sa tumawag sa'kin.Hindi ko alam na nakatulala na pala ako habang nakatingin sa papel na wala paring sulat. Nasa may boutique shop ako. Gusto kong makagawa ng new design dress pero wala parin akong naiisip."Yes?""Nandito na po yung mga investor."Napairap ako sa kawalan dahil sa pagiging desperada ng ibang kompanya. Ang Villanueva Company ay sikat rito sa Pilipinas lalo na sa State at Korea. Magaganda daw kasi ang mga design at matitibay ang paggawa. Mahal ang benta namin pero worth it naman kung susuotin nila. Mayayaman naman sila, eh. Hindi sila malulugi kung gagastos lang sila ng limang zero."Diba, pina-cancel ko na sa'yo yan?" Inis na tanong ko sa sekretarya ko. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang nakatungo."P-pero ma'am. M-makulit po kasi sila. Hindi po nila ako tinigilan-""I don't care," pagputol ko sa sasabihin niya "saan kaba nag tatrabaho? Sa'kin, o sa kanila?""S-sayo po.""And then what the hell did you do?! Sinasayang mo lang pala ang pagpapasweldo ko sa'yo! Pag inutusan kita na gawin ‘yan or gawin ‘to, just go! Do it! Pag pina-cancel ko, eh i-cancel mo!“ Hinilot ko ang sentido ko ng bahagyang sumakit ito dahil sa malakas kung pagsigaw. "Get out of my sight. And by the way, aasahan ko ang resignation letter mo bukas."Bakit wala nang matinong tao ngayon?Hindi naman ako masamang boss, kung gagawin lang nila ng tama ang trabaho nila. Hindi lang unang beses na nangyari ito, kung hindi ay maraming beses na. At tapos na ang mahabang pasensya ko sa sekretaryang ito."Wait sir!"Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito. Kumunot ang noo ko ng makita ang bilyonaryong ito sa harapan ko."Magpapatahi kaba ng panty at bra?" tanong ko sa kaniya.Bigla sumama ang timpla ng mukha niya."Bakit? May napunit kabang panty kagabi? At papalitan mo?" Nakataas na kilay na tanong ko.I don't know him. And he don't know me, too.Gusto ko lang siyang asarin. Para malaman ko, kung hanggang saan ang kaya ng misteryosong babaero na bilyonaryong 'to.Chapter 2Gusto ko nang umalis dito pero ayaw ko namang mas lalo silang magalit sa'kin. “Are you out of your mind, Cara?! Alam mo bang bilyonaryo at sikat na businessman iyong tinanggihan mo?!” Galit na sigaw ni Daddy sa'kin. Nalaman na pala nilang tinanggihan ko ang pag-invest ni Mr. Martinez sa Boutique Shop namin.Ma-pride kasi akong tao. At tsaka ayaw kong may tumapak na demonyong sperm sa Boutique Shop ko, ano.“Mas lalong tumitigas ang ulo mong bata ka! Hindi ko na alam kong ikaw pa ba ang Cara na anak namin!” Napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya. “Ako parin naman 'toh. Ako parin naman ang anak niyo. Hindi ako nagbago. Kayo ang nagbago. Masyadong naging mataas ang tingin niyo sa sarili niyo. Masyadong naging mataas ang pinapangarap niyo sa'kin na sana man lang tinanong niyo ako. Kung gusto ko ba itong buhay na ‘to.” Inis akong tumayo at iniwan sila roon.Dumiretso na ako sa shop ko at pumasok sa opisina para mag drawing nalang. Tinawagan ko si Lykia pero hindi ito su
Chapter 3TAKA AKONG NAPATINGIN sa invitation card na nasa ibabaw ng mesa ko. Sino naman ang naglagay nito dito?Binuklat at binasa. You are invited for incoming contest. We chooce you to be one of the judges.What the fuck? Bakit parang pilit? Wala akong choice?Napapikit ako ng makita ang petsa. Iyan ang araw na lilipat ako sa condo ko. Bakit parang ang malas ko naman ‘ata.Kakasabi ko lang na ayaw ko ng maraming tao tapos ngayon? Argh! Nakakainis na!Inipit ko nalang ang Invitation Card na sa isang notebook ko at pinagpatuloy ang pag dedesign. Hindi ko napansin na tanghali na pala. Nalulunod ako sa pag s-sketch lalo na at nag-eenjoy na ako. At gustong gusto ko ang design sigurado akong magiging maganda ang kinalalabasan nito.Pag natapos ko ‘to. Ito ang susuotin ko sa Araw na iyon. Napangiti ako bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Napatigil ako ng kumalam bigla ang sikmura ko. Napatingin ako sa oras. Napabuga ako ng hangin dahil hapon na pala. Tumayo na ako bago kinuha ang should
Chapter 4Naging issue agad ang pagsagot ko. Napairap ako sa kawalan bago pinatay ang cellphone ko. Nagring ulit ito at pangalan ni Mommy ang nakita ko sa Screen. At sigurado akong susumbatan na naman niya ako... For sure. “What the hell did you do?”“Hindi niyo ba nabasa sa news? At kailangan ko pang sagutin ang tanong mo?” Pabalang na sagot ko. “Nung una tinanggihan mo si Mr. Martinez tapos ngayon gumagawa ka ng sarili mong issue? Nagrerebelde ka ba Cara?! Hanggang kailan mo ipaparamdaman sa'min ang disappointment.”“At hanggang kailan niyo ipaparamdam sa'kin na pabigat ako?”“Bakit? Hindi nga ba?”Pinatay ko na agad ang tawag dahil sa sinabi ni Mommy. Napapikit ako para pigilan ang pagluha ko. Kailangan kong kalmahan ang sarili ko. Lilipat rin naman ako at aalis na doon sa bahay nila. Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas at umalis sa shop ko. Nagdrive ako papunta sa condo para titingnan kung ayos naba ang lahat. Pagkarating ko roon ay nag linis at nag ayos agad ako. Yung ino
Chapter 5Humuhupa naman ang issue ko. Pero wala naman akong pakialam doon, naging totoo lang naman ako sa sarili ko. Tuluyan narin akong lumipat sa condo. Wala naman silang reaksyon sa paglipat ko. Condo at shop lang ata ang laging pinupuntahan ko at paulit-ulit lang. Wala nabang mas bago? Naalala ko bigla ang kaibigan ko kaya tinawagan ko ito pero nakailang tawag na ako ay hindi parin nito sinasagot ang telepono.‘Baka busy’. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Hanggang sa hapon na kaya napagdesisyunan kung puntahan at sopresahin nalang ang kaibigan. Nag take out order muna ako bago nag drive papunta sa Condo nito. Pero nakakapagtaka dahil pagdating ko sa condo niya ay bukas ang pinto. Agad akong pumasok sa loob at tinawag siya ngunit walang sumasagot. Nilagay ko muna sa kusina ang binili ko bago ko tinungo ang kwarto niya at kumatok roon. “Lykia! Papasok ako ha.” Pagpihit ko ay agad ko itong binuksan. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto niya pero wala naman siya. Agad