“ARAY!” d***g ni Matt nang bigla niya itong batukan. Nakaupo sila sa isang parke at katatapos lang magsimba nang Linggong iyon. They had been friends since kids. Hindi pa nga yata siya natututong dumapa at gumapang ay nakita na niya ito. Sa makatuwid, sanggol pa lang siya ay may koneskyon na sila. Magkaibigan kasi at magkumpare ang ama nito at ang ama niya.
“Serves you right,” nakaismid na sabi ni Jane. “Kanina pa ako dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig. Kung saan-saan nagagawi `yang mga mata mo. Sight-seeing sa mga magaganda at sexy na nagdaraan, `yan ang event mo!” pagtatalak niya sa kaibigan.“Bakit, mata ba ang ginagamit sa pakikinig?” pamimilosopo nito.“Aba’t—” Akmang babatukan na naman niya ito subalit maagap itong nakailag.“Subukan mo ulit `yan, Jane, kundi hahalikan talaga kita,” nakangising pagbabanta nito.“Yuck! I can’t imagine!” bulalas niyang niyakap ang sarili at kinilabutan.“Hoy, anong yuck?” tanong ni Matt na bahagyang humaba ang nguso. “Don’t you know na maraming babae ang nangangarap mahalikan ko lang?”“Well, I’m not included. Baka mamaya magdeliryo pa ako at malason sa halik mo.” Hindi niya ma-imagine ang sariling kahalikan o magpapahalik sa kanyang best friend. So disgusting!“Magdedeliryo ka talaga sa sarap kong humalik,” anitong napahalakhak.Pinatirik niya ang mga mata. “Oh, Diyos Ko, bakit Niyo po ako binigyan ng kaibigang puno ng hangin ang katawan? Liliparin na yata ako sa lakas ng storm signal dito.”“Oh, Diyos Ko rin, bakit Niyo po ako binigyan ng kaibigang walang kakulay-kulay ang love life? Pati ako nadadamay. Hindi tuloy ako makadiskarte sa mga tipo kong babae dahil palaging nakadikit sa akin ang best friend kong nakatakdang maging old maid. Oh, Diyos Ko,” sabi nitong tila nananalanging nakatingala sa langit habang magkasalikop ang mga palad.“Hoy! Loko ka, ah! Hindi ako nakatakdang maging old maid,” nakanguso niyang kontra.“Magiging old maid ka. Tingnan mo nga, wala ka pang nagiging boyfriend sa edad mong `yan. Matitigang ka na lang, Jane, hindi ka pa rin makakatikim ng first kiss at langit sa piling ng Adan,” waring nang-iinis na pahayag nito.Pinamulahan siya ng mukha. Tinitigan niya ito nang masama. “Bakit, twenty-four pa lang naman ako, ah? At saka hindi ako nagmamadali.”“Oo nga, twenty-four ka pa lang. Kaso sa edad mong `yan, wala ka pang nagiging boyfriend. Okay lang sana kung mayroon kahit isa man lang,” anito at sinulyapan siya nang nakakaloko. “Kaya’t palatandaan na `yan na magiging old maid ka.”“Ewan ko sa `yo!” napipikon niyang wika. “May hinihintay lang ako kaya’t single pa rin ako hanggang ngayon,” katwiran niya nang maalala si Jester—ang lalaking high school pa lang siya ay ultimate crush na niya, at pinsan ito ni Matt.“Si `insan na naman? Huwag ka nang umasa, Jane, hindi ka mapapansin n’on,” pang-aasar nito.“At bakit hindi? Maganda naman ako, matalino, at higit sa lahat mabait. Wala na siyang hahanapin pa,” aniyang pagbubuhat ng sariling bangko.“Alam mo namang Jester wants more than that. Tubong-Amerika `yon. Ang mga type n’on hot and liberated mama.” Bumaling ito sa kanya, saka pinasadahan siya ng tingin. “Hot ka ba? Liberated ka ba? Eh, mukha ka ngang manang,” nakakalokong pang-aalaska ni Matt. Napangisi pa ito.“Hindi ako manang, `no! Simple lang akong manamit. Iba ang manang sa simpleng manamit,” pagtatama niya, saka napabuntong-hininga. “Hindi nga ako hot. Hindi ako liberated,” mahina niyang saad.“Gan’on naman pala, eh. Kaya’t `wag ka nang umasa. Baka nga magtatangka pa lang si Jester na halikan ka, kumaripas ka na ng takbo sa takot,” sabi nitong napahalakhak.Inirapan niya ang kaibigan. “Bakit naman ako tatakbo? Mas gusto ko nga `yon para siya ang first kiss ko.” Ngumiti siya na waring nangangarap.“Sige, mag-daydream ka na naman diyan, Jane,” napapailing na wika ni Matt. “Dahil hindi `yan uobra kay `insan. `Oras na malaman n’on hindi ka marunong humalik, madi-disappoint lang `yon sa `yo.”Biglang umasim ang mukha niya. “Bakit naman kasi taliwas sa katauhan ko ang type ni Jester?” maktol niya. “Ayaw ba niya sa katulad kong inosente at virgin?”Napahagalpak ng tawa si Matt kaya naman nagbalingan sa gawi nila ang mga taong naroon. Hawak-hawak ng kaibigan ang tiyan nito habang maluha-luhang hindi magkandatutong pigilan ang tawa.“Bakit ganyan ang reaksyon mo?” napapamaang niyang tanong.“Kasi naman nagpapatawa ka. Hindi na uso ang ganyan, Jane. Napag-iiwanan ka na ng panahon. We, guys would rather choose hot and liberated woman kaysa walang alam sa kama,” prangkang pahayag ni Matt.Hindi niya naiwasang mamula sa sinabi nito. Kahit na kailan ay brutal at prangkang magsalita ang mokong na ito. “Tama na nga `yang katatawa mo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” saway niya.Pinisil nito ang ilong niya. It was a gesture of him since they were still kids. “Kung may plano ka talagang masungkit si Jester, `wag mong ipakita ang ganitong reaksyon dahil lalo ka lang hindi mapapansin n’on. Stop blushing and acting like an innocent-virgin one,” suhestiyon nito.She grimaced. “Bakit ba kasi pare-pareho kayo ng type na babae? Sana naiba na lang si Jest para naman may posibilidad na mapansin niya `ko.”Ngumiti si Matt. “Huwag mo nang problemahin `yon. Ang problemahin mo kung paano mo siya mabibighani,” anito.“Mabibighani?” kunot-noo niyang tanong. “Para namang magagawa ko `yon. Wala nga siya rito. Nasa States siya.” It had been six years magmula nang huli niyang makita si Jester. Tandang-tanda pa niya sapagkat naroon ito sa debut niya. She was hoping that time na ang lalaki ang maging escort niya. But she felt disappointed nang igiit ng kanyang mga magulang si Matt. Halos hindi niya pansinin noon ang kaibigan sa matinding inis na naramdaman. Pinagsabihan niya kasi itong mag-back out para magkaroon siya ng rasong ipalit si Jester, but he never did. So ang resulta, si Matt pa rin ang escort niya.“Hey, Jane!” Siniko siya ng kaibigan.“H-ha?”Napailing ito. “Naglakbay na naman `yang diwa mo. Ang sabi ko, magbabakasyon si Jester sa susunod na buwan.”Namilog ang kanyang mga mata. “Aren’t you kidding?” tanong niyang niyugyog ito sa balikat. Ayaw muna niyang maniwala. Minsan kasi pinagti-trip-an siya ng kung anu-ano ng kaibigan.Gumanti ito ng yugyog. “Do I look like I’m just kidding?”Pumiksi siya at humalukipkip. “Baka naman niloloko mo lang ako. `Tapos mamaya `pag maniwala na `ko, bigla mo na lang babawiin. Gan’on ka, eh,” diskumpiyado niyang pahayag.“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong sinasabihan, ikaw pa `tong maraming arte,” nakaismid na wika nito.“Ay, sus! Ikaw pa’ng may ganang magtampo riyan.” Sinundot niya ito sa tagiliran. “But seriously, magbabakasyon ba talaga si Jester?” seryoso niyang tanong.“`Kulit! Oo nga, eh,” tugon nitong waring napupuno sa inis. “Kaya’t ngayon pa lang, maghanda ka na sa mga plano mo para mapansin ka na ni `insan. Kawawa ka naman kasi kung tumanda kang dalaga,” muli ay nakangising pambubuska nito.“Oo, maghahanda talaga ako to the highest level,” sabi niyang nakangiti. Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito. She was more interested of the fact na makikita niya uli ang ultimate crush niya. “Dahil ngayon sisiguraduhin ko nang masusungkit ko siya by hook or by crook. Mapapasaakin siya!” determinado niyang pahayag.“Siguraduhin mo lang dahil pagtatawanan talaga kita kung hindi mo `yan magawa.” Napahalakhak ito.Binalingan niya ang humahagalpak ng tawang kaibigan. “Sige, Matt, pagtawanan mo lang muna `ko dahil oras na magtagumpay ako ay talagang magpapalibre ako sa `yo ng worth fifty thousand pesos na pang-online shopping,” ngingisi-ngisi niyang saad. Alam niyang kuripot ito kaya’t iyon ang hiningi niya.“If that happens.” Hindi ito nagpatinag, saka tumingin sa kanya nang nakakaloko. “Sige, pustahan tayo, Jane,” hamon nito.“Sige ba,” pagsang-ayon niya. “Magpapalibre ka lang? Naku, sisiw lang `yon. Magpapahanap ka lang ng ikaka-fling mo? Mas lalo namang hindi ako mahihirapan n’on,” saad niya. Marami kasi siyang babaeng kaibigan na patay na patay kay Matt. At handa ang mga ito na maka-fling ang binata. Her best friend was indeed a formidable playboy one!“Hindi ako magpapalibre. At mas lalo namang hindi ako magpapahanap ng babae. Kusa silang lumalapit sa `kin. Titig ko pa lang, bumibigay na.” Matt smirked.Pinatirik niya ang mga mata. “`Yabang talaga,” she murmured.“Okay lang maging mayabang, totoo naman,” depensa nito.“Oo na, oo na! Ayoko nang makipagdiskusyon sa `yo. Sabihin mo na kung ano’ng gusto mong ipangpusta ko,” aniya.“Maibibigay mo ba `yon?” May naglarong pilyong ngiti sa sulok ng mga labi nito.“Oo naman. Ako pa!” tugon niyang tinaasan ito ng isang kilay. “Kailan pa ba ako umayaw sa pustahan natin? May isa akong salita kahit palagi akong talo. Gusto mo ba ng bagong sasakyan, laptop, ng bahay at lote? Sabihin mo lang para mapaghandaan ko,” sabi niya, saka ngumiti nang matamis. “But I doubt kung maghahanda pa ako n’on. Alam ko naman kasi sa pagkakataong `to makukuha ko na si Jester.”“Ang lakas talaga ng self-confidence mo, Jane,” ngingiti-ngiting komento nito. “Pero sige, ilalatag ko na ang hihingin kong pusta sa `yo.” Tiningnan na naman siya nito nang nakakaloko.“Ano nga `yon? Huwag ka nang pabitin, and don’t keep me waiting.” Nagkandabuhol ang kilay niya. Hindi na lang kasi sabihin nang deretso.“I want us…” pabitin nitong wika.“You want us to what? Dali, sabihin mo na!” mataas ang boses na turan niya.“I want us to… you know.”“Ano nga, eh? Nakakainis ka naman. Talk straight to the point. Hindi `yong—”“I want you, Jane. Kapag natalo ka sa pustahan natin, sarili mo ibibigay mo. We will engage for a one-night stand together as if we’re lovers, and not best friends.”Kulang ang sabihing panawan siya ng ulirat sa sinabi nito. Bigla siyang namutla sa narinig. Hindi niya akalaing iyon ang nanaisin ni Matt. Kung mahirap para rito ang ilibre siya ng worth fifty thousand, mas lalo namang mahirap ang hinihingi nito sa kanya.“Natameme ka riyan?” nakangising tanong nito.“Y-you’re just horsing around, right? Sabihin mo na kasi ang gusto mo.” Nagbabakasakali siyang nagbibiro lamang ito.“I’m not joking. Iyon ang hinihingi ko mula sa `yo, Jane,” seryoso nitong tugon.“Matt naman, eh! Parang hindi tayo magkaibigan. Trip mo pa akong isali sa mga fling mo,” pagpapakonsensiya niya.Matt smirked. “Akala ko ba, malakas ang loob mo dahil sabi mo nga, mananalo ka sa pustahan? Para mo na rin sinabing hindi mo magagawang paibigin ang pinsan ko.” Nasa boses nito ang panghahamon.“Hindi naman sa gan’on. Kaya lang…” Napatigil siya sa pagsasalita. Paano kung matalo siya? She couldn’t imagine giving her body sa sarili niyang best friend. Isipin pa nga lang na hahalikan siya nito ay nangingilabot na siya. How much more on that “thing?” Okay sana kung si Jester ito.“Kaya lang ay ano? Natatakot ka kasi alam mong hindi ka mananalo,” pang-aalaska nito.Pinukol niya ito ng matalim na tingin. She deeply sighed. “S-sige, pumapayag na ako sa pustahan natin,” atubili niyang kumpirma.Tumawa si Matt. “Good luck sa ating dalawa, Jane.” Saka kampanteng tinitigan siya na hindi pa rin maka-get over sa inilatag nitong deal.Napakagat-labi siya. Talagang gagawin niya ang lahat, manalo lang siya. If she would win, she could get two prices in hand—ang fifty thousand worth na pang-shopping mula kay Matt, at ang lalaking si Jester na noon pa man ay pinapangarap na niya. But if she would lose, that would be the most dreadful nightmare for her—ang ibigay ang sarili sa matalik niyang kaibigang palikero. _____________NAKAPANGALUMBABANG nakatunganga si Jane sa harapan ng class record niya. Nasa loob siya ng kanyang sariling kuwarto sa bahay nila at kakatapos lang sa pagta-tally ng grades ng kanyang grade five and six pupils. She was teaching English and Filipino subjects at Mother Therese Laboratory School. It was a private school kung saan puro mayayaman at anak ng mga negosyante ang nag-aaral doon. The said school catered kindergarten to high school students. Mahigit tatlong taon na siyang nagtuturo roon at wala siyang maipipintas sa naturang paaralan. It was properly administered by the faculty and staff, and the school administrator itself. Mababait din ang mga kasamahan niyang guro roon.“Ano kaya ang gagawin ko?” kausap niya sa sarili habang nilalaro-laro ang ballpen na hawak. Si Jester na naman ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. “I no longer want na bumalik na naman siya sa States nang hindi man lang ako nagtatagumpay,” aniya pa. Hindi naman siya makakuha ng seryosong suhestiyon mula kay Matt dahil wala itong alam sa mga dapat na gawin ng isang babae para makuha ang atensiyon ng isang lalaki. Si Matt kasi ang tipo ng lalaking sinusunggaban agad ang mga lahi ni Eba na lapit nang lapit dito. In other words, kapag palay na ang lumapit ay agad nitong tinutuka.Ilang sandali pa siya sa ganoong pag-iisip nang biglang tumunog ang notification bell ng kanyang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Wala sa mood na dinampot niya iyon. She stared at who the sender was. It was Johanna, kaibigan niya ito and at the same time ay co-teacher sa Mother Therese Laboratory School.“Johanna talaga,” sambit niyang napailing habang nakatutok sa chain message na s-in-end nito via F******k messenger. Akmang ibabalik na niya ang cell phone nang may sumagi sa isipan niya. “Tama!” bulalas niyang pabiglang tumayo. “Si Johanna ang makapagbibigay ng payo sa akin kung ano ang nararapat kong gawin.” Saka niya inisa-isang iniligpit ang mga nagkalat na gamit sa mesa.Pupuntahan niya ang kaibigan sa bahay nito. Tutal, araw iyon ng Sabado kaya’t tiyak na nandoon lamang ito.“ANO?!” gulat na bulalas ni Jane nang marinig nang buong-buo ang isinuhestiyon ni Johanna. Kasalukuyan silang nakaupo sa terasa ng bahay nito at nagpapahangin. Katatapos lang din nila kumain ng street foods with matching milk tea na in-order nila via Grab Food.“Makabulalas naman `to, OA! Halos maglabasan tutuli ko sa sobrang lakas,” nakangusong anito habang nakatakip ang dalawang palad sa mga tainga.“Joh naman, hindi ko yata kaya `yon.” Johanna suggested na baguhin niya ang nakasanayan niyang getup—from simple to seductive.Umayos ito ng upo. “Anong hindi? Hindi naman gan’on kahirap `yon, `no! Para ka lang nagpalit ng damit n’on.”“Okay sana kung damit na ganito lang kasimple.” Bahagya siyang yumuko para sulyapan ang sariling repleksyon. She was wearing tight blue jeans and fitted blouse na kulay light pink. Plain lang din iyon at walang halong burda. Nakapusod lang din ang buhok niya kaya’t nakadagdag iyon sa inosente niyang aura. “Kaso panladl
“YOU HEARD it right, Matt,” nakangiting wika ni Jane sa kaibigang nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.Dere-deretsong tinungga ni Matt ang coke, saka tinitigan siya sa mga mata habang nakatukod ang dalawang siko nito sa mesa. “Why should you do that?”“Because I wasn’t joking when I said na paghahandaan ko ang pagbabakasyon ni Jester. At bukas nga sisimulan ko na para masanay ako.”“Bakit naman `yon ang gagawin mo? Marami pa namang ibang paraan diyan,” seryosong pahayag ng binata.“Sige nga, sabihin mo kung ano ang ibang paraan?” hamon niya.Hindi muna ito umimik. Waring nag-isip ito. “Hmm… Ipagluto mo siya. Dalhan ng pagkain at—”“Sa tingin mo ba uobra `yon?” putol niya. “Kung sa hitsura ko pa nga lang hindi na ako type, paano pa kaya ang bigyan ako ng pagkakataong ipagluto ko siya at makipaglapit sa kanya? I don’t want him to see me again as ordinary as I am. I want him to see me already as an epitome of a woman he’d surely adore and love,” she said seri
“SAAN ba tayo pupunta, Jane?” kunot-noong tanong ni Matt habang hinihila niya ito sa parking lot ng condo. May sariling condominium ang binata sa Ortigas kung saan nagtatrabaho ito bilang Civil Engineer sa Extrecon Associates. Agaran niya itong sinugod nang Linggong iyon habang abala ito sa ginagawang draft para sa susunod nitong proyekto sa Extrecon.“Basta. Samahan mo ako,” sabi ni Jane nang nasa harapan na sila ng kotse nito.Napailing si Matt. “Hindi ka naman yata pupunta ng simbahan na ganyan ang suot mo. Mamaya’y maglabasan pa ang masasamang espirito sa ayos mong `yan.” Pinasadahan siya nito ng tingin habang binubuksan ang pinto ng kotse.“Oo na. Huwag nang pakialaman ang pananamit ko,” saad niyang nagpatiunang pumasok sa driver’s seat. Naiilang pa rin siya kung may pumupuna sa bagong getup niya. Tulad ngayon, naka-black leggings siya na binagayan ng backless na damit at pinarisan ng doll shoes. Inilugay lang din niya ang mahabang buhok with matching
“WHAT would be my first step?” tanong ni Jane sa sarili habang paroo’t parito na nagpapalakad-lakad sa loob ng kanyang silid. It was Saturday and that was the day she had been waiting for so long—ang pagdating ni Jester.“Ano kaya kung sumama ako kay Matt sa pagsundo sa pinsan niya?” tila timang na dugtong pa niya, saka marahas na umupo sa gilid ng kama. “Pero nakakahiya naman kung—” Natigilan siya at dahan-dahang napangiti. Kung si Jester ang tipo ng lalaking liberated ang gusto, ngayon na niya ipapakita iyon.“Tama! Tanggal ang hiya and go on with the flow. Aja, Jane!” she said full of determination then swiftly swayed her closed fist on air.She texted Matt without any hesitation para sabihin ditong sasama siya, saka dali-dali siyang nagbihis ng “oh-so-seductive” outfit that could definitely turn every eyes of men on her. _____________“MAUPO ka nga rito, Jane. Kanina pa ako nahihilo sa kakamasid sa `yo,” Matt commanded
“OH, MY God!” tili ni Jane at wala sa oras na napayakap nang mahigpit kay Matt nang eksaktong mapagbuksan siya nito ng pintuan ng condo. Holiday iyon kaya’t pareho silang walang pasok sa kanya-kanyang trabaho.“Hey, mukhang masaya ka yata.” Natatawang gumanti ito ng yakap sa kanya.“Thank you, best. You just don’t know how happy I am right now.” Kumalas siya at nakangiting tinitigan ito.“Why? Is there anything we need to celebrate?”“A lot, best! A lot!” bulalas niyang namimilog ang mga mata sa sobrang tuwa. “Pinasaya mo ako sa pagbibigay mo ng cell phone number ko kay Jester!” palatak niya.“Iyon lang pala. Wala `yon. Ginawa ko lang `yon dahil alam ko namang `yon ang gusto mo.” Waring nawalan ito ng gana subalit hindi niya pinansin. Sadyang napakasaya lang niya para punahin pa ito at tanungin.“Dahil doon, ililibre kita. Treat ko kahit saan mo gustong kumain at magpunta,” saad niyang hinila si Matt palabas.“Teka! Teka! Magbibihis muna ako,” anito nang bahagya na silang makalabas ng
'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos
“TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b
“CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng
NAPANGITI si Jane habang hawak ang pregnancy kit. There were two red lines on it, indicating that it was positive, buntis na naman siya!Sa nakalipas na limang taon ng pagsasama nila ni Matt ay biniyayaan sila ng kambal. Isang babae at isang lalaki. Si First na siyang panganay, at mahigit na dalawang minuto lang ang tanda nito kay Avery na siya namang bunso.Nang magpakasal sila ni Matt ay buntis na siya noon. Oo, nabuntis siya agad nito noong unang beses pa lang na may mangyari sa kanila. Ganoon ka-healty ang egg cell at sperm cell nilang dalawa.She smiled with that thought habang hawak pa rin ang pregnancy kit. Lumabas siya sa comfort room ng kwarto nilang mag-asawa."Mommy, what is that?" Avery asked habang nakatunghay ito sa kanya. Ang mga mata nito ay nakatuon sa hawak niya."This?" Iminuwestra niya ang pregnancy kit, then she bent para magkalapit ang mga mukha nila. "Do you like to have a baby in the house, honey?" she whispered na ikinalaki ng mga mata ng anak niya.Alam niyang
“I’LL BE leaving for US.”Awtomatikong napabaling si Jane kay Jester nang marinig ang sinabi nitong iyon. Napahinto tuloy siya sa pagbubukas ng gate ng kanilang bahay at napaharap dito. Kakahatid lang kasi nito sa kanya galing paaralan. “Why? I thought, you’re staying here for good,” aniya. Minsan kasi ay sinabi iyon ng lalaki.Malungkot itong ngumiti. “That was supposedly my plan. Akala ko kasi’y magtatagumpay ako sa panunuyo sa `yo.”Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi pa naman niya ito binabasted pero bakit ganito na ang lumalabas sa bibig nito?“Kung matatawag mang katangahan `to, Jane, `yon na siguro ang itatawag ko sa sarili ko. `Cause the moment I fell for you sa maikling panahong pagkakasama natin, saka naman nawala ang dati mong pagtingin.” Ngumiti ito nang pagak. “I know how you felt for me before. It’s obvious, anyway. Pero pilit ko lang inignora dahil nga ayaw ko ng simple at inosenteng babae noon.” Jester held her face at pinakatitigan siya sa mga mata—matagal—na waring
“FOR HEAVEN’S sake!”Napabalikwas nang bangon si Jane nang umagang iyon nang marinig ang tila nagulantang na bulalas ng isang babae. Gayun na lamang ang pamumutla niya nang makita ang dalawang taong nakatayo sa nakaawang na pinto—ang mag-asawang Joseph at Madilou.Tutop ng huli ang sarili nitong bibig habang namimilog ang mga matang nagpapalipat-lipat ang titig sa kanila ng katabi niyang si Matt na parang wala lang na nakahalukipkip at nakasandig sa headboard ng kama.“I won’t ask kung ano ang nangyari. Alam ko na,” mayamaya’y sabi ni Madilou nang makabawi ito sa pagkabigla.Namula siya, at napayuko na lamang. She was staring at the stains of blood sa puting kumot na nakatakip sa hubad nilang katawan. Nahihiya siyang nahuli sila ng binata sa ganoong klase ng sitwasyon ng sarili nitong kapatid at bayaw.“Magbihis na kayo. We’ll talk about this sa baba,” dagdag pa nitong parang mga musmos lang silang pinagsasabihan, saka nagpatiuna na itong
KANINA pa napapansin ni Jane ang walang humpay na pagtungga ni Matt ng alak. Hindi naman niya ito masaway dahil may kasama at kaharutan itong sopistikadang babae. Marahil isa na naman iyon sa flings ng binata.Napabuntong-hininga siya. She felt a tremendous pain knowing na maraming babae sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.“Gusto mo pa ng cake, Jane?” narinig niyang masuyong tanong ng katabi niyang si Jester.“Hindi na. Tama na ito,” sagot niyang nginitian ang lalaki. Nang muli siyang mapasulyap sa kinaroroonan ni Matt ay huling-huli pa niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila.Iniiwas na lamang niya ang tingin dito at pasimpleng sumimsim ng sherry sa kopita. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagseselos ba ito? Pero bakit? Iyon ang katanungang tumimo sa kanyang isipan.Lihim din siyang nagpasalamat sapagkat walang nahahalata si Jester sa paraan
“SALAMAT sa gabing ito,” nakangiting sabi ni Jester nang maihatid siya nito matapos ang date nila sa Imperial Hotel kung saan pawang mga prominenteng tao ang naroon.Tumango si Jane. “Salamat din, Jest.”“Sige, aalis na ako. I hope this isn’t the last time I’ll be dating you,” anito.Hindi siya tumugon. She just gave off a curt smile. She doesn’t want to conform sapagkat hindi na niya maarok ang dati niyang damdamin para rito. Wala na siyang maramdamang kilig o kakaibang saya kapag nakikita niya ito at kasama niya ito. Her emotion had changed entirely.“Hinalikan ka lang sa pisngi, natulala ka na.”She shook her head the moment she heard that rude voice. Biglang tinambol ang puso niya nang masilayan ang seryoso at walang kababakasang ekspresyong mukha ng kanyang matalik na kaibigan. “M-Matt? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito. Ni hindi rin niya namalayang nakaalis na si Jester. Ni ang ginawang pag
“ARE WE going to share that one bed together?” Kunot-noong itinuro ni Jane ang single bed ng kinaroroonan nilang private room sa Sabaniko Beach Resort. It was almost one in the morning kaya’t napagpasyahan nilang magpaalam na at iwan ang iba pang nagkakasayahan sa ginaganap na bonfire party. Pareho na rin kasi silang pagod ng binata.Tumango si Matt. “Don’t worry, alam mo namang hindi ako malikot kaya’t hindi tayo mahuhulog diyan,” nakangiting sagot nito.“Sa tingin mo ba’y magkakasya tayo riyan? Look at how small the bed is. Pang-isahang tao lang yata `yan, eh. And look at how big and tall you are. `Goodness! Para na tayong sardinas diyan.”“Hindi ako mataba, Jane. Magkakasya tayo riyan.” Napailing ito.“Paano tayo makakakilos nang maayos diyan? Tingin ko pa lang ay masyadong masikip `yan para sa ating dalawa,” hirit pa niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang makatabi ang binata dahil natatakot siya. Natatakot siya hindi rito kundi sa sarili ni
“CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng
“TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b
'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos