“YOU HEARD it right, Matt,” nakangiting wika ni Jane sa kaibigang nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Dere-deretsong tinungga ni Matt ang coke, saka tinitigan siya sa mga mata habang nakatukod ang dalawang siko nito sa mesa. “Why should you do that?”“Because I wasn’t joking when I said na paghahandaan ko ang pagbabakasyon ni Jester. At bukas nga sisimulan ko na para masanay ako.”“Bakit naman `yon ang gagawin mo? Marami pa namang ibang paraan diyan,” seryosong pahayag ng binata.“Sige nga, sabihin mo kung ano ang ibang paraan?” hamon niya.Hindi muna ito umimik. Waring nag-isip ito. “Hmm… Ipagluto mo siya. Dalhan ng pagkain at—”“Sa tingin mo ba uobra `yon?” putol niya. “Kung sa hitsura ko pa nga lang hindi na ako type, paano pa kaya ang bigyan ako ng pagkakataong ipagluto ko siya at makipaglapit sa kanya? I don’t want him to see me again as ordinary as I am. I want him to see me already as an epitome of a woman he’d surely adore and love,” she said seriously.Nag-iwas ng tingin ang binata. “Kumain na nga lang tayo. Puro ka drama,” saad nitong sunod-sunod ang ginawang pagsubo.She shrugged then started eating again. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at kapwa nakatutok lamang sa kinakain.“So, kapag naka-teacher’s uniform ka na lang pala mukhang disente nito at kapag magsisimba rin,” kapagkuwan ay wika nito.Napakunot-noo siya at napatunghay sa kaibigang seryosong kumakain. May narinig siyang disgusto sa paraan ng pagsasalita nito kaya’t alam niyang hindi ito pabor sa nakatakda niyang gawin. Ganoon kasi si Matt kapag hindi nito gusto ang mga plano niya.“Ito naman, oh!” Pabiro niyang tinampal ang braso nito. “Suportahan mo na lang ako, best. Ayaw mo n’on? Magkaka-boyfriend na ako sa oras na mapansin ako ng pinsan mo,” aniya.“Your plan sucks, Jane!” Tinitigan siya nito nang masama.Natameme siya at napayuko na lang habang nilalaro-laro ang spaghetti sa styro. Alam niyang galit na ang kaibigan. At kapag galit na ito ay tila maamong tupa siyang hindi na lamang kikibo.“Look, Jane,” anito sa mahinahon nang tinig. “Try to put this in mind. Kung bigla ka na lang magbabago sa pananamit ay marami ang magtataka sa `yo. And what would be your explanation to Tito Conrad and Tita Zenaida?” Tukoy nito sa mga magulang niya.“They knew already. Sinabi ko na,” tipid niyang tugon. Totoong naikuwento na niya iyon sa ama’t ina niya.“And what were their reactions?”“It’s up to me daw. I can decide for my own. I’m no longer a minor. Noon lang naman sila mahigpit sa akin dahil nag-aaral pa ako.” She was the only daughter kaya’t bantay-sarado siya noon ng mga magulang. At si Matt nga ang ginawa ng mga ito na guwardiya de kampanilya niya. Malaki kasi ang tiwala ng kanyang tatay at nanay sa binata.Napahilamos ng mukha si Matt. “Bahala ka nga. Sabagay, tama sila. Malaki ka na at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo.” Wala sa mood na ipinagpatuloy nito ang pagkain.“Teka nga.” Nakakunot-noong napatunghay siya rito. “Why react that way? Akala ko pa naman wala akong magiging problema sa `yo,” pagtatampo niya. Hindi na lang siya nito suportahan sa gusto niyang gawin. Ngayon pa naman niya ito kailangan. “`Yong girlfriends mo nga halos lantad na ang kaluluwa kung manamit pero hindi ka naman ganyan makapag-react. Gustong-gusto mo pa nga `pag nagdadamit sila nang gan’on.”Tumigil ito sa pagsubo at tinitigan siya. “Because they’re different from you, Jane. Sanay sila sa ganoong getup, pero ikaw hindi. And besides, I’m just protecting you to those guys na halos hubaran na ang isang babae sa paraan ng pagtitig ng mga ito,” he explained.Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Matt didn’t just act as her best friend. He had been her protector and guardian, her elder brother so-to-speak. Kahit na may pagkapalikero ito ay sigurado siyang excluded siya sa gusto nitong biktimahin kahit pa sabihing may pustahan sila.“Don’t worry, Matt, masasanay rin ako n’on.” She sweetly smiled at him. “At nandiyan ka naman in case na may magtangkang mang-rape sa akin, `di ba? Ipapatikim mo sa kanila ang pinag-aralan mong taekwondo,” biro niya. Taekwondo player kasi ito n’ong college palang. At palagi itong nananalo noon tuwing may laban ang eskwelahan na pinasukan nito.“Okay sana kung palagi mo akong kasama. Kaso hindi, kaya’t walang kasiguraduhang magiging ligtas ka.”“Huwag kang mag-alala. Nothing will happen bad,” she assured. “Everything will be in its right trail dahil alam kong makikiayon sa akin ang tadhana. Sa gagawin kong pagbabago ay masusungkit ko ang atensiyon ng lalaking noon pa man ay crush na crush ko na.” Itinukod niya ang dalawang braso at nagsimula na namang mangarap nang gising.“So psychopathic of you, Jane.” Napailing ito.“Hoy, hindi ako retarded, `no!” kontra niyang pinandilatan ito. “Talaga lang na gumagawa ako ng paraan para mapansin niya at para na rin manalo ako sa pustahan natin.” Humaba ang nguso niya nang maalala ang deal nila.Humagalpak ng tawa ang kaibigan. “You’re really that worried about our deal, huh!” amused nitong saad at napasandal sa upuan habang panay ang subo ng fries at nakatitig sa kanya.“Siyempre naman. Loko-loko ka, eh. `Yon pa ang hiningi mong pusta sa akin.” Lumabi siya.Matt smirked. “I’m just helping you para naman mas lalo kang maging determinado sa mga plano mo. And as I can see, mukha ngang kina-career mo.”“Dapat lang! I’m afraid I’ll lose. `Cause if that happens, that would be the most horrible part of my entire life.” She grimaced with that thought.“Bakit naman horrible? Look at me thoroughly, Jane. Don’t you find me attractive? Pogi naman ako at hunk.” May naglarong pilyong ngiti sa mga labi nito. “And I could make you go wild with—”“Huwag na nga nating pag-usapan `yon,” namumula niyang saway. Alam niyang umandar na naman ang pagkaloko-loko at kapilyuhan ng best friend niya.Napahalakhak ang binata. “Innocent woman! Sa oras na ibahin mo ang pananamit mo, huwag ka nang umakto nang ganyan. Act like a seductive and liberated woman you portrayed you are.”Ngumiti siya nang matamis sa kaibigan. “I’d surely do.” Alam niyang wala na siyang poproblemahin pa kay Matt. She knew na payag na ito sa nakatakda niyang plano. ______________“FROM simple jeans and shirts to lure and enticing dresses.” Taas-noong pinagmasdan ni Jane ang sariling repleksyon habang nagpapaikot-ikot sa harapan ng life-size mirror sa kanyang kuwarto. Araw iyon ng Sabado at wala siyang pasok. She was currently wearing the navy blue dress she bought yesterday. Halos lahat ng mga pinamili niya ay isinukat niya para malaman kung kasya ba iyon at bagay sa kanya.“Goddamn!” Napangiwi siya nang dumako ang kanyang paningin sa tila nag-aanyaya niyang cleavage. She was expecting na plunging neckline iyon but not to the extent gaya ng nakikita niya ngayon. She deeply sighed. Sabagay, there was no doubt about it dahil “gifted” talaga siya sa “asset” na iyon. Kahit nga naka-loose T-shirt lang siya ay napaghahalata iyon.Napukaw ang pag-iisip niya nang makarinig ng katok sa pintuan ng silid. Walang pag-aatubiling naglakad siya patungong pinto sa pag-aakalang ang nanay lamang niya ang kumakatok.“`Nay—” Halos himatayin siya nang mapagbuksan ang tila nabato-balaning si Matt. Nagkulay-suka ang kanyang buong mukha at halos panawan ng ulirat habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanyang matalik na kaibigan.Bumaba ang paningin nito sa “asset” niya. She had seen him gradually swallowing his sputum. Tila hindi ito mapakali. It was the first time she had seen Matt acting like that. Animo’y hindi siya si Jane na matalik nitong kaibigan. Animo’y ibang Jane siya na kasalukuyan nitong tinititigan.She wrenched her long, straight hair aloft her bust to cover it, saka taas-noong hinarap ang binata. “W-what are you doing here?!” paangil niyang tanong. Pilit niyang pinaglabanan ang pamumula ng pisngi. Aaminin niyang si Matt ang unang nakakita sa kanya sa ganoong ayos. Dati kasi ay hindi naman ganoon ka-revealing ang mga isinusuot niyang formal dress.Tumikhim ito at tumingin sa mga mata niya. “You look different,” komento nito. Ang titig nito’y animo’y sinusunog ang kaluluwa niya.She laughed socially. Marahil dapat na niyang lubus-lubusin ang gagawing pagbabago. “Is it refreshing to see me wearing this dress, Mister Matthew Lancero?” Pinapungay niya ang mga mata, then socially swayed her hair back. To hell if he would be able to see her cleavage fully.Umarko ang sulok ng labi ng binata. Naging pilyo ang titig nito sa kanya. “Yes, Jane Destreza. You could drive every man crazy,” he huskily retorted, kasabay ng paglapit nito sa kanya.Napaatras siya. Bigla siyang kinabahan sa ginawa nito. “A-ano pala ang kailangan mo, Matt?” she fumbled habang patuloy ang pag-atras at pag-iwas dito.Matt didn’t answer. Instead, he continuously stepped forward.“K-kailangan ko palang magluto for lunch,” bigla niyang saad nang maramdamang wala na siyang uurungan pa.“Stay put,” halos pabulong nitong utos at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Matt leaned her closely towards the cabinet.“M-Matt, kailangan ko na ring magbihis.” She couldn’t understand why she was shivering that moment. Marahil dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataong ginawa iyon ng kaibigan niya. It was the first time, too, na may lalaking umakto nang ganoon sa kanya.Matt teasingly stared at her. “Bakit ka pa magbibihis? `Di ba, ganyan na ang plano mong pananamit?” His gaze slowly lowered beneath her cleavage at dahan-dahan ring bumalik sa nagkukulay-kamatis niyang mukha.“O-oo. Pero magbibihis ako ng pambahay,” kandautal niyang tugon. “I-iyong pinamili ko rin kahapon.”He wheezed. “Ah, yeah, I remember… those skirts, short shorts, sleeveless,” nakakalokong sabi ng binata.“O-oo, iyon nga.” Akmang itutulak niya ito. But Matt just held her hand at ipinatong iyon sa matikas na dibdib nito. “M-Matt, ano ba talaga ang kailangan mo?!” She tried to give off an annoyed look. Kinakabahan na talaga siya sa ginagawa nito.Hindi nagpatinag ang binata. She felt his palm gently caressing her cheek. “You are beautiful, Jane… very beautiful,” he huskily whispered. Naglakbay ang titig nito sa kabuuan ng kanyang mukha. Until it landed on her lips.Oh, my God! My best friend would kiss me! sigaw ng utak niya habang titig na titig sa binatang dahan-dahang bumababa ang mukha sa kanya.Before she could sift everything in head ay unti-unti na niyang ipinikit ang mga mata. Animo’y nawawala na siya sa sariling katinuan nang mga oras na iyon. She wanted Jester to be her first kiss ngunit hindi niya mawari kung bakit nandito siya ngayon at tila timang na naghihintay sa mga labi ng matalik niyang kaibigan.“More practice, Jane. More practice.”She abruptly opened her eyes when she heard Matt’s mocking voice. Her face turned red nang masilayan ang nakangising mukha ng binata. He was already conveniently leaning on the wall of her room with his arms crossed.“L-lumabas ka na. Magbibihis na ako,” she said annoyed. Pilit niyang iniwas ang mukha rito. Ayaw niyang makita nito ang pamumula niya. She absolutely felt mortified!“Masanay ka sa gan’ong treatment, Jane. There’s a possibility Jester would treat you like that or perhaps more than that. Kapag ganyan ang maging reaksyon mo ay mabibisto ka niya,” kaswal na saad nito.“O-oo.” She nodded. “And thanks.”“For what?”“F-for that practice we’ve made,” tugon niyang kunwari’y naghanap ng maisusuot na damit na nagkalat sa kama. Hindi pa rin niya kayang salubungin ang titig ng kaibigan. “At least, ngayon ay alam ko na ang gagawin ko dahil may kaunting natutunan ako. You helped me, somehow.” Bahagya niyang nilingon ito. She gave him a curt smile.Matt just shrugged. “No problem. You’re my best friend kaya’t dapat lang na tulungan kita.” He paused then cleared his throat. “Kung gusto mo’y palagian nating gawin `yon. We could practice more para masanay ka bago pa dumating si `insan.” May nahimigan siyang kapilyuhan sa tinig nito.Bigla siyang humarap sa binata. She gave off an unnatural look. Umandar na naman ang kalokohan nito. “No, thanks. That would be enough,” she briefly said, sabay upo sa gilid ng kama.“Why?”“Dahil ayoko lang. Tapos!” Hindi niya masabi na saglit siyang nawala sa katinuan dahil lang sa simpleng “practical test” na iyon.“Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw rin naman ang mamomoroblema niyan kung hindi ka magtagumpay,” ngingisi-ngising pahayag nito.She sighed. Matt was right pero marami pa namang ibang paraan. She would take any challenge, huwag lang ang ginawa nito kanina. “What would be the exact date of Jester’s arrival?” tanong na lamang niya.“First week of next month,” sagot nito. “He might be staying here for four to six months.”Nangislap ang mga mata niya sa narinig. Dati kasi ay mahigit isang buwan lang ang pamamalagi ng lalaki sa Pilipinas at agad din itong umuuwi kaya walang pagkakataong makita niya ito. Pero ngayon ay waring nakikiayon sa kanya ang tadhana. Apat hanggang anim na buwan ay sapat na para magawa niya ang pagpapa-impress dito at makuha ang atensiyon nito.“Grabe, magtatagal pala siya rito. I’m so excited!” bulalas niya sa matamis na pagkakangiti.Tumango si Matt at tinungo ang silyang kaharap ng computer desk niya. Umupo ito roon. “Aasikasuhin niya ang negosyo nila rito. Swap muna sila ni Uncle Regidor.” Tukoy nito sa ama ni Jester. “Si Uncle muna ang mamamahala sa States.”Tumango-tango siya. “Sa wakas, magkakaroon na ng katuparan ang mga pantasya ko,” aniyang nangingiting napatitig sa kawalan. Here she goes again—daydreaming.Napailing si Matt. “Huwag kang masyadong mangarap, baka lumagapak ka lang.”She blinked at napatitig sa kaibigan. “Bakit naman ako lalagapak? Kahit na kailan palagi mo talaga akong kinukontra.” Sumimangot siya.Matt intently stared at her. Animo’y may gusto itong sabihin ngunit nag-aalangan lang.“What?” she questioned. “Sabihin mo na `yan. I know there’s something you’d like to tell me.”He gasped an air bago nagsalita. “May isa pang rason kung bakit magpupunta rito si `insan.”“Ano `yon?” Hindi niya naitago ang kuryosidad sa tinig.“He’ll be coming because of a particular woman of her past,” sagot nito.“At ako ang babaeng iyon?” pilya niyang tanong. “Past naman kami. We knew each other since those past days of our lives.” Napahagikhik siya.Matt smirkingly snorted. “Yeah, but the two of you didn’t have any intimate moments nor relationship together.”Napatigil siya sa pagbungisngis at seryosong napatitig sa kaibigan. “What do you mean?” May nabubuo na siyang hinala kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit gusto pa rin niyang makatiyak.“A certain woman named Nadine had long caught his attention. Nagkaroon sila ng relasyon ng babaeng iyon. At `yon ang ipinahahanap niya sa pagbabalik niya rito.”“H-how did you know that?”“We talked over the phone to clarify if he’ll be coming, at naikuwento niya iyon,” sagot nitong titig na titig sa kanya. Animo’y inaarok nito ang magiging reaksyon niya.Nag-iwas siya ng tingin at napatitig sa puting pader ng kanyang kuwarto. She felt disappointed with what Matt told her. Mas lalo siyang nabahala na baka hindi talaga siya mapansin ni Jester dahil may Nadine na palang nakakuha ng atensiyon nito noon pa man.Subalit kung dahil lang sa nalamang iyon ay agad na siyang susuko, talagang walang mangyayari sa kanya. Tama! Hindi siya magpapaapekto roon.Mayamaya pa’y bumaling siya kay Matt na may imbing ngiti sa kanyang mga labi. “I won’t quit `til the time I succeed. Wala pa palang kasiguraduhan ang kung anumang nakaraan nila ng babaeng `yon kaya’t hindi pa rin ako susuko. I’m willing to do whatever the risk might be.”Napailing na lang si Matt sa sinabi niya. Tumayo ito at naglakad papuntang pinto. “Magbihis ka na. Magluto ka na raw ng tanghalian natin sabi ni Tita.”“Wow naman! At dito ka na naman kakain?”“Oo,” tugon nito at tuluyan nang isinara ang pinto ng kuwarto niya.Napailing na siya.“SAAN ba tayo pupunta, Jane?” kunot-noong tanong ni Matt habang hinihila niya ito sa parking lot ng condo. May sariling condominium ang binata sa Ortigas kung saan nagtatrabaho ito bilang Civil Engineer sa Extrecon Associates. Agaran niya itong sinugod nang Linggong iyon habang abala ito sa ginagawang draft para sa susunod nitong proyekto sa Extrecon.“Basta. Samahan mo ako,” sabi ni Jane nang nasa harapan na sila ng kotse nito.Napailing si Matt. “Hindi ka naman yata pupunta ng simbahan na ganyan ang suot mo. Mamaya’y maglabasan pa ang masasamang espirito sa ayos mong `yan.” Pinasadahan siya nito ng tingin habang binubuksan ang pinto ng kotse.“Oo na. Huwag nang pakialaman ang pananamit ko,” saad niyang nagpatiunang pumasok sa driver’s seat. Naiilang pa rin siya kung may pumupuna sa bagong getup niya. Tulad ngayon, naka-black leggings siya na binagayan ng backless na damit at pinarisan ng doll shoes. Inilugay lang din niya ang mahabang buhok with matching
“WHAT would be my first step?” tanong ni Jane sa sarili habang paroo’t parito na nagpapalakad-lakad sa loob ng kanyang silid. It was Saturday and that was the day she had been waiting for so long—ang pagdating ni Jester.“Ano kaya kung sumama ako kay Matt sa pagsundo sa pinsan niya?” tila timang na dugtong pa niya, saka marahas na umupo sa gilid ng kama. “Pero nakakahiya naman kung—” Natigilan siya at dahan-dahang napangiti. Kung si Jester ang tipo ng lalaking liberated ang gusto, ngayon na niya ipapakita iyon.“Tama! Tanggal ang hiya and go on with the flow. Aja, Jane!” she said full of determination then swiftly swayed her closed fist on air.She texted Matt without any hesitation para sabihin ditong sasama siya, saka dali-dali siyang nagbihis ng “oh-so-seductive” outfit that could definitely turn every eyes of men on her. _____________“MAUPO ka nga rito, Jane. Kanina pa ako nahihilo sa kakamasid sa `yo,” Matt commanded
“OH, MY God!” tili ni Jane at wala sa oras na napayakap nang mahigpit kay Matt nang eksaktong mapagbuksan siya nito ng pintuan ng condo. Holiday iyon kaya’t pareho silang walang pasok sa kanya-kanyang trabaho.“Hey, mukhang masaya ka yata.” Natatawang gumanti ito ng yakap sa kanya.“Thank you, best. You just don’t know how happy I am right now.” Kumalas siya at nakangiting tinitigan ito.“Why? Is there anything we need to celebrate?”“A lot, best! A lot!” bulalas niyang namimilog ang mga mata sa sobrang tuwa. “Pinasaya mo ako sa pagbibigay mo ng cell phone number ko kay Jester!” palatak niya.“Iyon lang pala. Wala `yon. Ginawa ko lang `yon dahil alam ko namang `yon ang gusto mo.” Waring nawalan ito ng gana subalit hindi niya pinansin. Sadyang napakasaya lang niya para punahin pa ito at tanungin.“Dahil doon, ililibre kita. Treat ko kahit saan mo gustong kumain at magpunta,” saad niyang hinila si Matt palabas.“Teka! Teka! Magbibihis muna ako,” anito nang bahagya na silang makalabas ng
'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos
“TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b
“CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng
“ARE WE going to share that one bed together?” Kunot-noong itinuro ni Jane ang single bed ng kinaroroonan nilang private room sa Sabaniko Beach Resort. It was almost one in the morning kaya’t napagpasyahan nilang magpaalam na at iwan ang iba pang nagkakasayahan sa ginaganap na bonfire party. Pareho na rin kasi silang pagod ng binata.Tumango si Matt. “Don’t worry, alam mo namang hindi ako malikot kaya’t hindi tayo mahuhulog diyan,” nakangiting sagot nito.“Sa tingin mo ba’y magkakasya tayo riyan? Look at how small the bed is. Pang-isahang tao lang yata `yan, eh. And look at how big and tall you are. `Goodness! Para na tayong sardinas diyan.”“Hindi ako mataba, Jane. Magkakasya tayo riyan.” Napailing ito.“Paano tayo makakakilos nang maayos diyan? Tingin ko pa lang ay masyadong masikip `yan para sa ating dalawa,” hirit pa niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang makatabi ang binata dahil natatakot siya. Natatakot siya hindi rito kundi sa sarili ni
“SALAMAT sa gabing ito,” nakangiting sabi ni Jester nang maihatid siya nito matapos ang date nila sa Imperial Hotel kung saan pawang mga prominenteng tao ang naroon.Tumango si Jane. “Salamat din, Jest.”“Sige, aalis na ako. I hope this isn’t the last time I’ll be dating you,” anito.Hindi siya tumugon. She just gave off a curt smile. She doesn’t want to conform sapagkat hindi na niya maarok ang dati niyang damdamin para rito. Wala na siyang maramdamang kilig o kakaibang saya kapag nakikita niya ito at kasama niya ito. Her emotion had changed entirely.“Hinalikan ka lang sa pisngi, natulala ka na.”She shook her head the moment she heard that rude voice. Biglang tinambol ang puso niya nang masilayan ang seryoso at walang kababakasang ekspresyong mukha ng kanyang matalik na kaibigan. “M-Matt? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito. Ni hindi rin niya namalayang nakaalis na si Jester. Ni ang ginawang pag
NAPANGITI si Jane habang hawak ang pregnancy kit. There were two red lines on it, indicating that it was positive, buntis na naman siya!Sa nakalipas na limang taon ng pagsasama nila ni Matt ay biniyayaan sila ng kambal. Isang babae at isang lalaki. Si First na siyang panganay, at mahigit na dalawang minuto lang ang tanda nito kay Avery na siya namang bunso.Nang magpakasal sila ni Matt ay buntis na siya noon. Oo, nabuntis siya agad nito noong unang beses pa lang na may mangyari sa kanila. Ganoon ka-healty ang egg cell at sperm cell nilang dalawa.She smiled with that thought habang hawak pa rin ang pregnancy kit. Lumabas siya sa comfort room ng kwarto nilang mag-asawa."Mommy, what is that?" Avery asked habang nakatunghay ito sa kanya. Ang mga mata nito ay nakatuon sa hawak niya."This?" Iminuwestra niya ang pregnancy kit, then she bent para magkalapit ang mga mukha nila. "Do you like to have a baby in the house, honey?" she whispered na ikinalaki ng mga mata ng anak niya.Alam niyang
“I’LL BE leaving for US.”Awtomatikong napabaling si Jane kay Jester nang marinig ang sinabi nitong iyon. Napahinto tuloy siya sa pagbubukas ng gate ng kanilang bahay at napaharap dito. Kakahatid lang kasi nito sa kanya galing paaralan. “Why? I thought, you’re staying here for good,” aniya. Minsan kasi ay sinabi iyon ng lalaki.Malungkot itong ngumiti. “That was supposedly my plan. Akala ko kasi’y magtatagumpay ako sa panunuyo sa `yo.”Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi pa naman niya ito binabasted pero bakit ganito na ang lumalabas sa bibig nito?“Kung matatawag mang katangahan `to, Jane, `yon na siguro ang itatawag ko sa sarili ko. `Cause the moment I fell for you sa maikling panahong pagkakasama natin, saka naman nawala ang dati mong pagtingin.” Ngumiti ito nang pagak. “I know how you felt for me before. It’s obvious, anyway. Pero pilit ko lang inignora dahil nga ayaw ko ng simple at inosenteng babae noon.” Jester held her face at pinakatitigan siya sa mga mata—matagal—na waring
“FOR HEAVEN’S sake!”Napabalikwas nang bangon si Jane nang umagang iyon nang marinig ang tila nagulantang na bulalas ng isang babae. Gayun na lamang ang pamumutla niya nang makita ang dalawang taong nakatayo sa nakaawang na pinto—ang mag-asawang Joseph at Madilou.Tutop ng huli ang sarili nitong bibig habang namimilog ang mga matang nagpapalipat-lipat ang titig sa kanila ng katabi niyang si Matt na parang wala lang na nakahalukipkip at nakasandig sa headboard ng kama.“I won’t ask kung ano ang nangyari. Alam ko na,” mayamaya’y sabi ni Madilou nang makabawi ito sa pagkabigla.Namula siya, at napayuko na lamang. She was staring at the stains of blood sa puting kumot na nakatakip sa hubad nilang katawan. Nahihiya siyang nahuli sila ng binata sa ganoong klase ng sitwasyon ng sarili nitong kapatid at bayaw.“Magbihis na kayo. We’ll talk about this sa baba,” dagdag pa nitong parang mga musmos lang silang pinagsasabihan, saka nagpatiuna na itong
KANINA pa napapansin ni Jane ang walang humpay na pagtungga ni Matt ng alak. Hindi naman niya ito masaway dahil may kasama at kaharutan itong sopistikadang babae. Marahil isa na naman iyon sa flings ng binata.Napabuntong-hininga siya. She felt a tremendous pain knowing na maraming babae sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.“Gusto mo pa ng cake, Jane?” narinig niyang masuyong tanong ng katabi niyang si Jester.“Hindi na. Tama na ito,” sagot niyang nginitian ang lalaki. Nang muli siyang mapasulyap sa kinaroroonan ni Matt ay huling-huli pa niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila.Iniiwas na lamang niya ang tingin dito at pasimpleng sumimsim ng sherry sa kopita. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagseselos ba ito? Pero bakit? Iyon ang katanungang tumimo sa kanyang isipan.Lihim din siyang nagpasalamat sapagkat walang nahahalata si Jester sa paraan
“SALAMAT sa gabing ito,” nakangiting sabi ni Jester nang maihatid siya nito matapos ang date nila sa Imperial Hotel kung saan pawang mga prominenteng tao ang naroon.Tumango si Jane. “Salamat din, Jest.”“Sige, aalis na ako. I hope this isn’t the last time I’ll be dating you,” anito.Hindi siya tumugon. She just gave off a curt smile. She doesn’t want to conform sapagkat hindi na niya maarok ang dati niyang damdamin para rito. Wala na siyang maramdamang kilig o kakaibang saya kapag nakikita niya ito at kasama niya ito. Her emotion had changed entirely.“Hinalikan ka lang sa pisngi, natulala ka na.”She shook her head the moment she heard that rude voice. Biglang tinambol ang puso niya nang masilayan ang seryoso at walang kababakasang ekspresyong mukha ng kanyang matalik na kaibigan. “M-Matt? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito. Ni hindi rin niya namalayang nakaalis na si Jester. Ni ang ginawang pag
“ARE WE going to share that one bed together?” Kunot-noong itinuro ni Jane ang single bed ng kinaroroonan nilang private room sa Sabaniko Beach Resort. It was almost one in the morning kaya’t napagpasyahan nilang magpaalam na at iwan ang iba pang nagkakasayahan sa ginaganap na bonfire party. Pareho na rin kasi silang pagod ng binata.Tumango si Matt. “Don’t worry, alam mo namang hindi ako malikot kaya’t hindi tayo mahuhulog diyan,” nakangiting sagot nito.“Sa tingin mo ba’y magkakasya tayo riyan? Look at how small the bed is. Pang-isahang tao lang yata `yan, eh. And look at how big and tall you are. `Goodness! Para na tayong sardinas diyan.”“Hindi ako mataba, Jane. Magkakasya tayo riyan.” Napailing ito.“Paano tayo makakakilos nang maayos diyan? Tingin ko pa lang ay masyadong masikip `yan para sa ating dalawa,” hirit pa niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang makatabi ang binata dahil natatakot siya. Natatakot siya hindi rito kundi sa sarili ni
“CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng
“TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b
'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos