Share

CHAPTER SIX

Author: Heaven Abby
last update Huling Na-update: 2023-12-01 00:12:38

“OH, MY God!” tili ni Jane at wala sa oras na napayakap nang mahigpit kay Matt nang eksaktong mapagbuksan siya nito ng pintuan ng condo. Holiday iyon kaya’t pareho silang walang pasok sa kanya-kanyang trabaho.

“Hey, mukhang masaya ka yata.” Natatawang gumanti ito ng yakap sa kanya.

“Thank you, best. You just don’t know how happy I am right now.” Kumalas siya at nakangiting tinitigan ito.

“Why? Is there anything we need to celebrate?”

“A lot, best! A lot!” bulalas niyang namimilog ang mga mata sa sobrang tuwa. “Pinasaya mo ako sa pagbibigay mo ng cell phone number ko kay Jester!” palatak niya.

“Iyon lang pala. Wala `yon. Ginawa ko lang `yon dahil alam ko namang `yon ang gusto mo.” Waring nawalan ito ng gana subalit hindi niya pinansin. Sadyang napakasaya lang niya para punahin pa ito at tanungin.

“Dahil doon, ililibre kita. Treat ko kahit saan mo gustong kumain at magpunta,” saad niyang hinila si Matt palabas.

“Teka! Teka! Magbibihis muna ako,” anito nang bahagya na silang makalabas ng pinto.

Napahinto siya at lumingon sa kaibigang binata. Dahan-dahang bumaba ang paningin niya sa mala-Adonis nitong katawan na natatabunan lamang ng white boxer shirt at black boxer shorts. Hindi niya napansin ang suot nito kanina dahil na rin sa sobrang excitement niya.

“Oh, goddamn!” bulalas niyang wala sa sariling napasinghap. Nanlalaki ang mga matang binitiwan niya ito at awtomatikong napatutop sa sariling bibig nang humimlay ang paningin niya sa “kaumbukan” nito. There she was, standing in front of a man carrying that “big blast package” covered beneath his boxer shorts.

Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok habang titig na titig pa rin “doon.”

“Sight-seeing, huh! Sabagay, free of charge naman `yan,” nakakalokong pahayag nito na napahalukipkip.

Pabigla siyang tumalikod. “M-magbihis ka na. Napaka-unethical mo. Dapat nagpalit ka muna ng damit o `di kaya’y nagpantalon bago man lang humarap sa bisita mo!” namumula ang pisnging sermon niya.

Matt chuckled. “Gagawin ko sana `yon. Kaso kung makapag-doorbell ka naman, parang wala nang bukas. So I managed to open the door. Akala ko kasi, importante ang sadya mo, `yon pala’y nonsense.”

“Oo na. Tama na ang diskusiyon. Magbihis ka na r’on. Hihintayin na lang kita sa sala.”

“Hindi mo ba ako pagmamasdang magpalit ng damit?” May himig ng kapilyuhan ang tinig nito.

Mas lalo siyang nagkulay-kamatis sa sinabi nito. “Kung sapakin kaya kita, Matthew! Ayoko ng mga ganyang biro.”

Napahagalpak ito ng tawa. “You may change your physical attributes but you can never change your innocent behaviour, Mary Jane,” wika nito sa papalayong tinig. Mayamaya pa’y sumigaw ito. “Maupo ka na sa sala! Hindi mo na makikita ang katawan kong pinagpapantasyahan mo!” Saka ito napahalakhak.

Siya nama’y napapikit at napabuga ng hangin nang marinig ang sigaw nitong iyon buhat sa kuwarto. Dali-dali siyang pumasok sa loob at hindi mapakaling umupo sa sofa ng sala ng binata.

____________

“HE CALLED me up yesterday evening. Medyo napahaba ang usapan namin. He told me lots of things about his life, and I did, as well. Grabe talaga, best, I never thought na nakakaaliw pala siyang kausap. I’d never seen nor encountered that kind of Jester before. Sabagay, hindi pa kasi niya ako napapansin dati—” Napatigil sa pagkukuwento si Jane nang mapansing tila hindi nakikinig si Matt. Panay lang ang subo nito ng kanin at pagpapak ng roasted chicken habang nasa isang food spot sila ng kinaroroonang mall. “Hey! Nakikinig ka ba, Matthew?” kunot-noo niyang tanong.

“Oo, nakikinig ako. Sige, `kuwento ka lang,” tugon nito sa pagitan ng pagnguya.

Sumimangot siya. “Nakakawalang ganang magkuwento kung wala namang reaksyon ang kausap mo. Ni ‘ha,’ ni ‘ho’ ay wala akong narinig buhat sa `yo.”

Huminto ito sa pagsubo at lumagok ng iced tea. “Pasensiya na, Jane. Nagugutom kasi ako kaya’t hindi ako makasabay sa pagkukuwento mo. But don’t worry, I’m listening,” parang wala lang na saad nito, saka ipinagpatuloy ang pagsubo.

Hindi na lamang siya umimik. Nawalan na siya ng gana sa pagkukuwento kaya’t tumutok na lang din siya sa kinakain.

“Matthew? Oh, my gosh! It’s you! It’s really you!” narinig nila ang maarteng bulalas ng isang babae.

Awtomatiko silang napatunghay sa taong may-ari ng maarteng boses na iyon. Bahagya siyang napakunot-noo. The sophisticated woman standing beside their table looked familiar. Hindi nga lang niya matandaan kung saan niya ito nakita.

“Laarni?” paninigurong tanong ni Matt.

Sosyal na tumawa ang babae. “Yes, dear. This is me, at wala nang iba.”

Biglang inilapag ng binata ang hawak na kutsara at kubyertos. Tumayo ito at nakalimutan ang kinakain. “Sit. Have a sit, Arnz.” Hindi magkandatutong inayos nito ang upuan para sa babae.

“No, thanks,” tanggi ng huli. “Papaalis na rin kasi ako, Matthew. I have an appointment with Terval Advertising Agency kung saan ako nagmomodelo. Alam mo na, kahit holiday ay talagang in-demand ang beauty ko,” proud at full of confidence nitong wika na abot hanggang tainga ang ngiti kay Matt. Nawala lang iyon nang bumaling sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito nang magtama ang mga mata nila.

'Ano kaya ang problema nito? Bakit parang galit `to sa akin?' piping tanong ng isip niya habang sinasalubong ang titig nitong mapang-uyam.

“By the way, Arnz. This is Jane, my best friend, remember her? Jane, si Laarni,” mayamaya’y pagpapakilala ni Matt. Napansin marahil nito ang hindi kaaya-ayang titig sa kanya ng babae.

“Hi,” malamig niyang bati. Kung hindi siya nito gusto ay mas lalo naman siya. Ayaw niya sa mga antipatika na katulad nito.

Hindi tumugon si Laarni. Mas lalo lang siya nitong tinaasan ng kilay, saka parang wala lang na nakangiti nang bumaling kay Matt. May kinuha ito sa golden pouch na dala at iniabot sa binata ang munting papel. “Matthew, baby, here’s my calling card. Tawagan mo ako at nang makapag-usap tayo,” makahulugan nitong wika na pinapungay pa ang mga mata.

“Sure, Arnz.” Todo-ngiti si Matt. Bahagya siya nitong sinulyapan na kasalukuyan nang nakakunot-noo habang nakatitig sa mga ito.

Mas lalong naningkit ang mga mata niya nang biglang halikan ng babae ang kanyang kaibigan. Isa iyong mariing halik sa mga labi na agad namang tinugon ni Matt. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang ganoong eksena sa pagitan ng binata at ng mga babae nito. Subalit ngayon lamang siya nainis. Naisip na lamang niyang marahil ay dahil sa harap-harapang pagpapakita ng disgusto sa kanya ni Laarni at sa komosyong namamagitan sa kanila kaya’t hindi niya ito gusto para sa kaibigan niya.

Mayamaya pa’y umalis na ang babae. At bago ito lumisan ay muli siya nitong tinaasan ng kilay.

Umupo si Matt sa silyang kaharap niya. “Hey, hindi mo ba siya nakilala?” narinig niyang tanong nito.

“Hindi. At wala akong balak na kilalanin siya,” matabang niyang tugon.

May naglarong imbing ngiti sa mga labi ng binata. “Laarni was my blockmate in college. Siya `yong girlfriend ko noon na ipinakilala ko sa `yo,” anito.

Napakunot-noo siya para alalahanin sa isip kung sino ba talaga si Laarni. Marami na kasing naipakilala sa kanya ang binata kaya’t nahihirapan na siyang mapagsino ang mga naging babae nito. Mayamaya pa’y naalala na niya. Si Laarni ang official girlfriend noon ni Matt. Isa itong campus queen sa Saint Bernard University kung saan nag-aral ang dalawa. Ipinakilala ito ni Matt sa kanya subalit isang beses lang niya itong nakita at hindi na nasundan pa.

“Gaya pa rin nang dati ang treatment ninyo. Mukhang hindi niyo gusto ang isa’t isa,” natatawang dugtong ng binata.

“Antipatika kasi siya.” Hindi niya naitago ang inis sa boses.

“Hindi naman, ah. Masyado nga siyang accommodating at approachable,” pagtatanggol nito.

Umasim ang mukha niya. “Sa `yo ay accommodating siya dahil isa `yon sa mga patay na patay sa `yo,” matabang niyang wika at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Marahang tumawa si Matt. Itinukod nito ang braso sa mesa at tinitigan siya. “What do you think, Jane, puwede na siguro siya para seryosohin, `di ba?”

Wala sa oras na nabilaukan siya sa narinig buhat dito kaya naman mabilis niyang kinuha ang baso ng pineapple juice at deretsong tinungga iyon.

“Ano sa tingin mo, Jane?” ulit nitong tanong nang matapos na siyang uminom.

“Ewan ko sa `yo,” aniyang halos umusok ang ilong sa inis, saka tumutok na naman siya sa kinakain.

“Napag-isip-isip ko lang na panahon na sigurong may seryosuhin ako. I’m not getting any younger. I’m turning twenty-eight by the end of the year. Maybe it’s time for me to look for a wife-material. At si Laarni, puwede naman siya sa tingin ko. Maganda siya, sexy, at may trabaho kaya’t pasado siya sa panlasa ko,” litanya nito at humalukipkip na sumandal sa upuan.

Hindi siya kumibo. Nanatiling nakatungo lang siya at halos nilalaro na lamang ang spaghetti na kinakain. May isang bahagi ng pagkatao niya na gustong magprotesta sa sinabi nito. Hindi dahil sa ayaw niya kay Laarni, kundi dahil animo’y lihim na kumukontra ang tuliro at ligaw niyang puso’t damdamin.

“Jane?”

“B-bahala ka. Buhay mo `yan. Wala akong karapatang pakialaman ka kung sinuman ang gusto mong mapangasawa. Kahit ayoko sa kanya para sa `yo, pero kung siya naman ang tipo mo, wala akong magagawa r’on," mapait niyang pahayag.

“May problema ba, Jane?” Umusog ito palapit sa mesang nakapagitan sa kanila at bahagyang itinaas nito ang baba niya.

“W-wala,” mahina niyang tugon na hindi ito tinitingnan. Nakatutok lang ang mga mata niya sa pagkaing nasa ibabaw ng mesa.

“Look at me. I know, may problema—”

“M-mas mainam nga sigurong ipagpatuloy mo ang plano mong `yan,” sabi niyang tinanggal ang kamay nito sa baba niya. “Malay natin, kung magkaroon na ng katuparan ang mga pantasya ko kay Jester, we could have a double wedding together.” Pilit siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain.

Dahil nakatungo siya ay hindi niya nasilayan ang pagdilim ng mukha ni Matt sa sinabi niyang iyon. Habang siya nama’y talagang naguguluhan sa nadarama ng damdamin niya ngayon.

___________

“SALAMAT, Jest,” sabi ni Jane nang maihatid siya ni Jester sa Mother Therese Laboratory School.

“Mamayang hapon, susunduin kita,” wika nito sa simpatikong pagkakangiti na tinanguan naman niya, saka nito ipinaharurot paalis ang sasakyan.

Maingat siyang naglakad papasok sa loob ng school ground. Nginitian pa niya ang naka-duty na guard nang batiin siya nito. Mahigit tatlong linggo na ring ginagawa ni Jester ang paghatid-sundo sa kanya magmula nang makuha nito ang mobile number niya buhat kay Matt. Paminsan-minsan din ay lumalabas sila ng lalaki para mag-date sa kung saan niya ibigin.

“See! Napansin ka na niya. `Di ba, effective `yong suggestion ko, Mary Jane?” maarteng bulalas ni Johanna. Pabigla na lamang itong sumulpot sa likuran niya.

“Nanggugulat ka naman. Para kang kabote na bigla na lang sumusulpot,” aniya, saka kaswal na ngumiti rito. “Oo nga, eh. Kaya ikaw ang tinanong ko noon dahil ikaw ang eksperto sa mga gan’ong bagay. Eksperto ka sa pagpapapansin. KSP ka kasi,” biro niyang napahagikhik.

Tumawa ito. “Lukaret! `Nga pala, nanliligaw na ba siya sa `yo?” pakiusyoso nito.

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Maybe yes, maybe no,” sagot niyang marahang tumawa. Sakto namang nakapasok na sila sa teacher’s office. Silang dalawa pa lamang ang naroon sapagkat sadyang napakaaga pa.

“Gosh! Hindi mo alam? Ano ba naman, sister!” bulalas nitong itinirik ang mga mata.

“Wala naman kasi siyang sinasabi. Hatid-sundo niya ako, sometimes we go on dating pero hanggang doon lang. Wala pa akong narinig na words of courtship mula sa kanya,” aniyang inilapag sa desk ang kanyang bag at ilang aklat na dala, saka umupo sa silya.

“Sabagay. Masanay ka na sa ganyan, sister, dahil para sa lalaking katulad niya na liberated ang mga tipo ay walang puro-formal talk diyan,” sabi nitong nasa sariling mesa na rin nito.

“What do you mean?”

“He sees you as his intimate partner, but he never sees you as his woman to be owned. In short, fling!” Johanna puts emphasis on the last word. Kinuha nito ang makeup kit at nagsimulang lagyan ng kolorete ang mukha.

“Ah, okay. I got your point,” kaswal niyang saad habang hinahanap sa bag ang susi ng kanyang drawer.

Huminto si Johanna sa paglalagay ng blush-on at tinitigan siya. “Iyon lang? Wala ba akong maririnig na any violent reaction? O `di kaya’y panlulumo mula sa `yo?”

Ngumiti siya rito. “Hindi lang muna ako magpapaapekto sa konklusiyon mong `yan. Ang mahalaga ngayon ay nakuha ko na ang atensiyon ng lalaking ultimate crush ko noon pa,” aniyang kinuha sa drawer ang test manuals na kakailanganin para sa araw na iyon.

“Nagbago yata ang ihip ng hangin, huh!” komento nitong ipinagpatuloy ang pagme-makeup. “By the way, hindi ko na nakikita ang Fafah Matthew ko. Hindi na siya nagagawi rito sa school.”

Bahagya siyang natigilan. Totoo ang sinabi nito. Madalang na kasi silang magkita ng binata magmula nang araw na na-encounter nila si Laarni. “Abala kasi `yon sa babaeng seseryosuhin na raw niya,” maasim ang mukhang sagot niya.

“Sinong babae?”

“Hindi mo kilala,” nakaismid na tugon niya. Sigurado siyang dahil kay Laarni kung bakit hindi na nagpapakita sa kanya ang “magaling” niyang kaibigan. Inis na ibinagsak niya ang manuals sa table. Hindi niya namalayang napalakas pala iyon.

“Oh, bakit nagdadabog ka? Hindi rin maipinta `yang mukha mong maganda.” May naglarong nanunuksong ngiti sa mga labi ni Johanna.

“Dahil ayoko sa babaeng `yon. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang magustuhan ng kaibigan ko kaysa sa antipatikang `yon!” gigil niyang pahayag. Pabalang na nilamukos niya ang scratch paper na nasa mesa at marahas na itinapon iyon sa basurahang nasa gilid niya. Iyon ang napagbuntunan niya ng inis.

“Ows, talaga? Mas gusto mo pa ako para kay Fafah Matt?” pilya nitong tanong.

“Oo.” Saka niya napansin ang kakaibang titig nito sa kanya. “Bakit ganyan ka kung makatitig?”

Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. May naisip lang ako.”

“Ano `yon?” curious niyang tanong.

Inilapag nito ang makeup kit. “Baka kasi ayaw mo roon sa babae kasi gusto mo ang sarili mo para sa matalik mong kaibigan,” wika nitong napahagikhik.

“That’s absurd, Joh.” She rolled her eyes as if disgusted. As much as possible, ayaw niyang mahalata nito na naapektuhan siya sa sinabi nito. Hindi pa rin niya maintindihan ang sarili niya magpahanggang-ngayon.

Tumayo ang kaibigan. “I’ll be going to the comfort room, Jane,” maarteng paalam nito, saka naglakad.

Tumango na lamang siya habang sinusundan ito nang tanaw.

Bigla itong huminto sa bungad ng pinto. “I just noticed, sister. Mukhang full of emotions pa ang reaksyon mo nang pag-usapan natin ang matalik mong kaibigang si Matt kaysa sa ultimate crush mong si Jester,” puna nitong bumungisngis. “I can smell something fishy,” dagdag nito, saka humahalakhak at tuluyan nang lumabas.

Naiwan naman siyang natitigilan. Bumuntong-hininga na lamang siya para pawiin ang pagkatuliro na nararamdaman.

Kaugnay na kabanata

  • Beat of My Heart   CHAPTER SEVEN

    'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos

    Huling Na-update : 2023-12-01
  • Beat of My Heart   CHAPTER EIGHT

    “TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b

    Huling Na-update : 2023-12-02
  • Beat of My Heart   CHAPTER NINE

    “CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng

    Huling Na-update : 2023-12-03
  • Beat of My Heart   CHAPTER TEN

    “ARE WE going to share that one bed together?” Kunot-noong itinuro ni Jane ang single bed ng kinaroroonan nilang private room sa Sabaniko Beach Resort. It was almost one in the morning kaya’t napagpasyahan nilang magpaalam na at iwan ang iba pang nagkakasayahan sa ginaganap na bonfire party. Pareho na rin kasi silang pagod ng binata.Tumango si Matt. “Don’t worry, alam mo namang hindi ako malikot kaya’t hindi tayo mahuhulog diyan,” nakangiting sagot nito.“Sa tingin mo ba’y magkakasya tayo riyan? Look at how small the bed is. Pang-isahang tao lang yata `yan, eh. And look at how big and tall you are. `Goodness! Para na tayong sardinas diyan.”“Hindi ako mataba, Jane. Magkakasya tayo riyan.” Napailing ito.“Paano tayo makakakilos nang maayos diyan? Tingin ko pa lang ay masyadong masikip `yan para sa ating dalawa,” hirit pa niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang makatabi ang binata dahil natatakot siya. Natatakot siya hindi rito kundi sa sarili ni

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • Beat of My Heart   CHAPTER ELEVEN

    “SALAMAT sa gabing ito,” nakangiting sabi ni Jester nang maihatid siya nito matapos ang date nila sa Imperial Hotel kung saan pawang mga prominenteng tao ang naroon.Tumango si Jane. “Salamat din, Jest.”“Sige, aalis na ako. I hope this isn’t the last time I’ll be dating you,” anito.Hindi siya tumugon. She just gave off a curt smile. She doesn’t want to conform sapagkat hindi na niya maarok ang dati niyang damdamin para rito. Wala na siyang maramdamang kilig o kakaibang saya kapag nakikita niya ito at kasama niya ito. Her emotion had changed entirely.“Hinalikan ka lang sa pisngi, natulala ka na.”She shook her head the moment she heard that rude voice. Biglang tinambol ang puso niya nang masilayan ang seryoso at walang kababakasang ekspresyong mukha ng kanyang matalik na kaibigan. “M-Matt? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito. Ni hindi rin niya namalayang nakaalis na si Jester. Ni ang ginawang pag

    Huling Na-update : 2023-12-07
  • Beat of My Heart   CHAPTER TWELVE

    KANINA pa napapansin ni Jane ang walang humpay na pagtungga ni Matt ng alak. Hindi naman niya ito masaway dahil may kasama at kaharutan itong sopistikadang babae. Marahil isa na naman iyon sa flings ng binata.Napabuntong-hininga siya. She felt a tremendous pain knowing na maraming babae sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.“Gusto mo pa ng cake, Jane?” narinig niyang masuyong tanong ng katabi niyang si Jester.“Hindi na. Tama na ito,” sagot niyang nginitian ang lalaki. Nang muli siyang mapasulyap sa kinaroroonan ni Matt ay huling-huli pa niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila.Iniiwas na lamang niya ang tingin dito at pasimpleng sumimsim ng sherry sa kopita. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagseselos ba ito? Pero bakit? Iyon ang katanungang tumimo sa kanyang isipan.Lihim din siyang nagpasalamat sapagkat walang nahahalata si Jester sa paraan

    Huling Na-update : 2023-12-08
  • Beat of My Heart   CHAPTER THIRTEEN

    “FOR HEAVEN’S sake!”Napabalikwas nang bangon si Jane nang umagang iyon nang marinig ang tila nagulantang na bulalas ng isang babae. Gayun na lamang ang pamumutla niya nang makita ang dalawang taong nakatayo sa nakaawang na pinto—ang mag-asawang Joseph at Madilou.Tutop ng huli ang sarili nitong bibig habang namimilog ang mga matang nagpapalipat-lipat ang titig sa kanila ng katabi niyang si Matt na parang wala lang na nakahalukipkip at nakasandig sa headboard ng kama.“I won’t ask kung ano ang nangyari. Alam ko na,” mayamaya’y sabi ni Madilou nang makabawi ito sa pagkabigla.Namula siya, at napayuko na lamang. She was staring at the stains of blood sa puting kumot na nakatakip sa hubad nilang katawan. Nahihiya siyang nahuli sila ng binata sa ganoong klase ng sitwasyon ng sarili nitong kapatid at bayaw.“Magbihis na kayo. We’ll talk about this sa baba,” dagdag pa nitong parang mga musmos lang silang pinagsasabihan, saka nagpatiuna na itong

    Huling Na-update : 2023-12-11
  • Beat of My Heart   CHAPTER FOURTEEN

    “I’LL BE leaving for US.”Awtomatikong napabaling si Jane kay Jester nang marinig ang sinabi nitong iyon. Napahinto tuloy siya sa pagbubukas ng gate ng kanilang bahay at napaharap dito. Kakahatid lang kasi nito sa kanya galing paaralan. “Why? I thought, you’re staying here for good,” aniya. Minsan kasi ay sinabi iyon ng lalaki.Malungkot itong ngumiti. “That was supposedly my plan. Akala ko kasi’y magtatagumpay ako sa panunuyo sa `yo.”Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi pa naman niya ito binabasted pero bakit ganito na ang lumalabas sa bibig nito?“Kung matatawag mang katangahan `to, Jane, `yon na siguro ang itatawag ko sa sarili ko. `Cause the moment I fell for you sa maikling panahong pagkakasama natin, saka naman nawala ang dati mong pagtingin.” Ngumiti ito nang pagak. “I know how you felt for me before. It’s obvious, anyway. Pero pilit ko lang inignora dahil nga ayaw ko ng simple at inosenteng babae noon.” Jester held her face at pinakatitigan siya sa mga mata—matagal—na waring

    Huling Na-update : 2023-12-21

Pinakabagong kabanata

  • Beat of My Heart   EPILOGUE

    NAPANGITI si Jane habang hawak ang pregnancy kit. There were two red lines on it, indicating that it was positive, buntis na naman siya!Sa nakalipas na limang taon ng pagsasama nila ni Matt ay biniyayaan sila ng kambal. Isang babae at isang lalaki. Si First na siyang panganay, at mahigit na dalawang minuto lang ang tanda nito kay Avery na siya namang bunso.Nang magpakasal sila ni Matt ay buntis na siya noon. Oo, nabuntis siya agad nito noong unang beses pa lang na may mangyari sa kanila. Ganoon ka-healty ang egg cell at sperm cell nilang dalawa.She smiled with that thought habang hawak pa rin ang pregnancy kit. Lumabas siya sa comfort room ng kwarto nilang mag-asawa."Mommy, what is that?" Avery asked habang nakatunghay ito sa kanya. Ang mga mata nito ay nakatuon sa hawak niya."This?" Iminuwestra niya ang pregnancy kit, then she bent para magkalapit ang mga mukha nila. "Do you like to have a baby in the house, honey?" she whispered na ikinalaki ng mga mata ng anak niya.Alam niyang

  • Beat of My Heart   CHAPTER FOURTEEN

    “I’LL BE leaving for US.”Awtomatikong napabaling si Jane kay Jester nang marinig ang sinabi nitong iyon. Napahinto tuloy siya sa pagbubukas ng gate ng kanilang bahay at napaharap dito. Kakahatid lang kasi nito sa kanya galing paaralan. “Why? I thought, you’re staying here for good,” aniya. Minsan kasi ay sinabi iyon ng lalaki.Malungkot itong ngumiti. “That was supposedly my plan. Akala ko kasi’y magtatagumpay ako sa panunuyo sa `yo.”Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi pa naman niya ito binabasted pero bakit ganito na ang lumalabas sa bibig nito?“Kung matatawag mang katangahan `to, Jane, `yon na siguro ang itatawag ko sa sarili ko. `Cause the moment I fell for you sa maikling panahong pagkakasama natin, saka naman nawala ang dati mong pagtingin.” Ngumiti ito nang pagak. “I know how you felt for me before. It’s obvious, anyway. Pero pilit ko lang inignora dahil nga ayaw ko ng simple at inosenteng babae noon.” Jester held her face at pinakatitigan siya sa mga mata—matagal—na waring

  • Beat of My Heart   CHAPTER THIRTEEN

    “FOR HEAVEN’S sake!”Napabalikwas nang bangon si Jane nang umagang iyon nang marinig ang tila nagulantang na bulalas ng isang babae. Gayun na lamang ang pamumutla niya nang makita ang dalawang taong nakatayo sa nakaawang na pinto—ang mag-asawang Joseph at Madilou.Tutop ng huli ang sarili nitong bibig habang namimilog ang mga matang nagpapalipat-lipat ang titig sa kanila ng katabi niyang si Matt na parang wala lang na nakahalukipkip at nakasandig sa headboard ng kama.“I won’t ask kung ano ang nangyari. Alam ko na,” mayamaya’y sabi ni Madilou nang makabawi ito sa pagkabigla.Namula siya, at napayuko na lamang. She was staring at the stains of blood sa puting kumot na nakatakip sa hubad nilang katawan. Nahihiya siyang nahuli sila ng binata sa ganoong klase ng sitwasyon ng sarili nitong kapatid at bayaw.“Magbihis na kayo. We’ll talk about this sa baba,” dagdag pa nitong parang mga musmos lang silang pinagsasabihan, saka nagpatiuna na itong

  • Beat of My Heart   CHAPTER TWELVE

    KANINA pa napapansin ni Jane ang walang humpay na pagtungga ni Matt ng alak. Hindi naman niya ito masaway dahil may kasama at kaharutan itong sopistikadang babae. Marahil isa na naman iyon sa flings ng binata.Napabuntong-hininga siya. She felt a tremendous pain knowing na maraming babae sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.“Gusto mo pa ng cake, Jane?” narinig niyang masuyong tanong ng katabi niyang si Jester.“Hindi na. Tama na ito,” sagot niyang nginitian ang lalaki. Nang muli siyang mapasulyap sa kinaroroonan ni Matt ay huling-huli pa niya ang matalim na tinging ipinukol nito sa kanila.Iniiwas na lamang niya ang tingin dito at pasimpleng sumimsim ng sherry sa kopita. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung nagseselos ba ito? Pero bakit? Iyon ang katanungang tumimo sa kanyang isipan.Lihim din siyang nagpasalamat sapagkat walang nahahalata si Jester sa paraan

  • Beat of My Heart   CHAPTER ELEVEN

    “SALAMAT sa gabing ito,” nakangiting sabi ni Jester nang maihatid siya nito matapos ang date nila sa Imperial Hotel kung saan pawang mga prominenteng tao ang naroon.Tumango si Jane. “Salamat din, Jest.”“Sige, aalis na ako. I hope this isn’t the last time I’ll be dating you,” anito.Hindi siya tumugon. She just gave off a curt smile. She doesn’t want to conform sapagkat hindi na niya maarok ang dati niyang damdamin para rito. Wala na siyang maramdamang kilig o kakaibang saya kapag nakikita niya ito at kasama niya ito. Her emotion had changed entirely.“Hinalikan ka lang sa pisngi, natulala ka na.”She shook her head the moment she heard that rude voice. Biglang tinambol ang puso niya nang masilayan ang seryoso at walang kababakasang ekspresyong mukha ng kanyang matalik na kaibigan. “M-Matt? Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito. Ni hindi rin niya namalayang nakaalis na si Jester. Ni ang ginawang pag

  • Beat of My Heart   CHAPTER TEN

    “ARE WE going to share that one bed together?” Kunot-noong itinuro ni Jane ang single bed ng kinaroroonan nilang private room sa Sabaniko Beach Resort. It was almost one in the morning kaya’t napagpasyahan nilang magpaalam na at iwan ang iba pang nagkakasayahan sa ginaganap na bonfire party. Pareho na rin kasi silang pagod ng binata.Tumango si Matt. “Don’t worry, alam mo namang hindi ako malikot kaya’t hindi tayo mahuhulog diyan,” nakangiting sagot nito.“Sa tingin mo ba’y magkakasya tayo riyan? Look at how small the bed is. Pang-isahang tao lang yata `yan, eh. And look at how big and tall you are. `Goodness! Para na tayong sardinas diyan.”“Hindi ako mataba, Jane. Magkakasya tayo riyan.” Napailing ito.“Paano tayo makakakilos nang maayos diyan? Tingin ko pa lang ay masyadong masikip `yan para sa ating dalawa,” hirit pa niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang makatabi ang binata dahil natatakot siya. Natatakot siya hindi rito kundi sa sarili ni

  • Beat of My Heart   CHAPTER NINE

    “CALL nor text him. And tell him you’re not going to go with him!” Matt commanded in an outbursting demanding voice. Hapon na iyon ng Sabado at pabigla na lamang itong sumugod sa bahay nila. Siya lamang ang tao roon sapagkat umuwi ng Iloilo ang kanyang mga magulang para dalawin ang kamag-anakan nila.“H-hindi kita maintindihan. Sino ba’ng tinutukoy mo?” maang-maangang tanong ni Jane. Kinakabahan siya sapagkat tila galit na naman ito.“Cancel your date with Jester,” mahina ngunit madiin nitong utos.Bahagyang umarko ang isang kilay niya. “Why should I?”“Dahil may pupuntahan tayo. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”“Hindi puwede,” angal niya. “May date ako. Nakakahiya kay Jester—”“Where’s your cell phone? I’ll be the one to text him kung hindi mo magawa.” Nagpalinga-linga ito na tila hinahanap ang mobile phone niya.Agad siyang naglakad patungong television stand at kinuha mula roon ang gadget na nasa harapan ng

  • Beat of My Heart   CHAPTER EIGHT

    “TOL, KUMUSTA?” Tinapik ni Jester ang balikat ni Matt nang eksaktong makalabas sila ng sasakyan.“Ayos lang, tol,” pormal na tugon ni Matt at pasimple siya nitong sinulyapan.Nag-iwas ng tingin si Jane. Kahit na may nararamdaman siyang pangungulila sa kaibigan ay naroon pa rin ang tampo niya rito.“Alam mo na siguro, tol, na hatid-sundo ko na si Jane. Siguro’y naikuwento na niya `yon sa `yo,” pahayag ni Jester. Waring wala itong kaalam-alam sa tunay na namamagitan sa kanila ni Matt.Matt gave off a stiff nod. “Uuwi na sa makalawa si Perry. Naikuwento ko na r’on ang ipinatatrabaho mo,” pormal na sabi nito.Hindi muna umimik ang huli. Animo’y natigilan ito at natuliro. Mayamaya pa’y tumango ito. “Sige, tol. Kami na lang ang mag-uusap. Tutal, may contact number naman ako sa kanya.”Tahimik lamang siyang nakikinig. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin si Jester. Muli ay tinapik nito sa b

  • Beat of My Heart   CHAPTER SEVEN

    'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos

DMCA.com Protection Status