Share

Chapter 2

Author: kriingkles
last update Last Updated: 2023-07-31 23:40:16

“Akira, tumigil ka muna sa pag-aaral. Hindi ko na kaya ang isa pang taon na pagpapaaral sayo. Balita ko rin ay mahal iyang thesis na iyan? Ang kapatid mo na lang muna ang pag-papaaralin natin.”

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ni Akira Lea Montero ang bawat salitang binitiwan ng kaniyang ina sa araw kung saan niya nalaman na hindi na siya magpapatuloy pa sa pag-aaral.

Napabuntong hininga na lang ito at pilit na ipinikit ang mga mata at saka siya tumayo at lumabas sa kubeta kung asan niya piniling magpahinga. Naglakad siya at pumasok sa sa isang kwarto.

Kaagad namang bumungad sakaniya ang iba pang mga dalaga na hindi magkaugaga sa pag-aayos ng kanilang mukha. May naglalagay ng make-up, may nag-aayos ng buhok at mga kuko, at nagbibihis ng maiigsing damit. Naupo si Akira sa kaniyang usual na pwesto at sinimulan ng hawakan ang brush at ang kaniyang make-up kit.

“Lea?” boses ng isang babae.

Lumingon si Akira at bahagyang ngumiti at itinaas ang kanang kamay na may hawak ng brush. “Tita Mila!” tawag nito pabalik upang makita siya ng manager ng club na kung tawagin nila ay si Tita Mila.

“Okay good,” kumento lang din naman ni Tita Mila. “Pagkatapos mong sumayaw mamaya sa table 6 ka, ha?” paalala niya.

Tumango si Akira. “Copy po!” sagot niya at ngumiti. Tinanguan siya ni Tita Mila bago ito lumabas ng pinto at saka rin naman nawala ang ngiti sa mga labi ni Akira.

“Girl,” tawag sakaniya ng kaniyang katabi at kasamahan sa club na si Apple. “Suking-suki ka talaga ano? Rinig ko eh bagets daw yung nasa table 6 na ‘yun,” saad niya na nakangisi at saka dinampi-dampi sa pisnge niya ang brush na hawak niya.

Napatawa na lang din si Akira bilang sagot. Hindi niya din naman kasi makita na isang magandang bagay iyon. “Ang sabihin mo sis, paano ba maging kasing ganda ni Lea?” turan naman ng isa pa nilang kasama.

“Mismo sis!” pagsang-ayon ni Apple sa sinabi ng isa at sabay na naghagikhikan.

“Tama na nga kayo,” mahinahong saad ni Akira at ipinagpatuloy ang paglagay ng kolorete sa mukha.

“Pero mga sis,” umpisa ni Apple na ikinatingin ng halos lahat sakanila maliban kay Akira na busy sa pag-aayos ng mukha at nakatingin sa salamin. “Balita ko eh may dadalhing mga babae sa Japan next month, ah?”

Bahagyang napatingin si Akira kay Apple at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. “Sus! Eh sa tingin mo ba sino ang dadalhin doon? Syempre nasa unahan na ang isang ‘to,” sabat ng isa at itinuro si Akira.

Umiling lang ang dalaga. Japan? Anong gagawin niya roon? Mas mabuti ng andito lang siya tutal nakakapagtrabaho pa rin naman siya kaysa roon sa ibang bansa at malayo pa sa pamilya niya.

Nakarinig ng palakpak ang mga babae at saka naman sila napalingon sa pinto. “Girls! Be ready na! Mag-o-open na tayo in ten minutes!” saad ng isa sa mga staffs ng bar.

Kaagad namang natigil ang pag-uusap at kaniya-kaniya na silang nagsipaghanda ng kanilang mga sarili. Natapos na ang lahat sa pag-aayos at naririnig na nga rin nila ang musika mula sa labas. Inihanda na ni Akira ang kaniyang sarili.

Heto na naman. Ilang beses mo na ‘tong ginawa Akira. Kaya mo na ‘to. Saad niya sa kaniyang sarili at huminga ng malalim.

Lumabas na ang ilang mga babae na didiretso na agad sa mga lamesa. Dalawa pang babae ang kasama ni Akira na sasayaw. Suot nito ay maikling palda na kaonting liyad ay makikita na ang puwitan nito. May suot na see-through na damit at kitang-kita ang bra sa ilalim nito. Mahabang itim na boots din ang suot niya sa paa na umabot hanggang tuhod.

Hindi nga naman talaga mapagkakaila na napakaganda ng kaniyang katawan. Balingkinitan, mahabang paa, mala-coca-cola na balakang, maputing balat, at napakaamo rin ng kaniyang mukha ani mo’y isang napakainosenteng tao.

Sa gabi-gabi ay ito ang trabaho ni Akira. Sanayan lang ‘yan. Iyan ang madalas niyang sinasabi sa kaniyang sarili para lang masikmura ang kaniyang trabaho na labag sa kaniyang kalooban. Sa umaga siya ay nagpapahinga ng kaonti at tumutulong sa gawaing bahay at pag-aasikaso sa mga kapatid, sa gabi naman ay busy sa bar.

Marami na siyang naririnig mula sa mga kapit-bahay ngunit hindi naman sila ang nagpapakain sakaniya kung kaya’t may paki-elam ba siya? Wala. Ang importante nakakalapag siya ng pagkain sa hapag-kainan.

Maayos naman sana ang takbo ng pera sa bahay at buhay nila ngunit isang araw habang papunta ng club si Akira ay nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang nakababatang kapatid. Isinugod daw sa ospital ang kaniyang nanay.

Dali-dali niyang itinungo an gang ospital kung asan ang ina nito. “Alisa!” tawag niya sa kaniyang kapatid, 17 taong gulang. “Ali, anong nangyari kay nanay!?” bulalas nito.

“I-inatake raw po siya sa puso, ate,” sagot naman ni Ali, ang mga kamay nito ay nanginginig sa takot kaya kaagad naman siyang niyakap ng ate niya.

“Magiging maayos din si nanay, ha?” pagkukumbinsi nito kahit maging siya ay hindi mapakali at hindi panatag ang loob.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-aantay ay may lumapit na sakanilang doktor. “K-kamusta po ‘yong nanay namin, dok?” nag-aalala at maluha-luhang tanong ni Akira.

Tumango muna ang doktor bago sumagot. “Wala namang kung anong complication sa nanay mo, ano? Sadyang sa init lang talaga ng panahon ay inatake ito sa puso. Ang problema lang dito ay dapat ng magbawas-bawas ng gawain ang nanay mo. Mas mainam na nasa loob na lang muna ito ng bahay. Halika sa opisina ko at magrereseta ako ng gamot at may ibibilin pa ako.”

Wala sa sariling sinundan ni Akira ang doktor. Nakinig naman siya sa mga payo ng daktor at laking ginhawa ng kaniyang sarili ng malaman na ligtas sa kapahamakan ang kaniyang ina. Ngunit, dito naman pumasok ang mga bayarin sa loob ng ospital at ang mga gamot pa.

Naitawid naman ni Akira ang bill sa ospital dahil hindi naman ganoon kamahal at tinulungan naman siya ng kaniyang kaibigan na si Aia Marie Santiago.

“Paano ‘yan? Edi mas dumagdag na gastusin mo ngayon, Beb?” ani ni Aia habang nasa loob ng inuupahang kwarto ni Aia, na kasalukuyang nagtatrabaho sa call center habang hindi pa regular na guro.

Napabuntong-hininga si Akira. “Alam mo,” umpisa niya at bahagyang kinagat ang ilalim na labi. “Naghahanap ng mga babaeng dadalhin yung boss namin sa Japan, dapat—“

“Hoy!” pagpigil ni Aia sakaniya. “Iniisip mo talagang magja-Japan ka, Akira!?” bulalas nito at nakataas pa ang isang kilay.

“Makinig ka nga muna sa’kin, puwedi?” pagpapahinahon naman ni Akira sa kaibigan. “Alam mo yun? Yung opportunity kasi? Napakasayang kasi, Beb. Ito lang naman yung paraan— hindi, ito na lang yung natitirang paraan para saakin, saamin,” saad nito.

Hinawakan ni Aia ang kamay nito at ngumiti. “Mahirap dun, Beb.”

“Alam ko,” sagot ni Akira at tumawa ng mahina. “Dito nga mahirap na, eh. Doon pa kaya?” Iniwas nito ang tingin dahil pakiramdam niya ay maluluha na siya. “P-pero mukha ba akong may choice na iba?”

Niyakap siya ng mahigpit ni Aia. Alam ng kaibigan niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan ngayon ni Akira at mabuti na nga lang ay naandiyan siya para sakaniya.

Napili nga si Akira sa isa sa limang babae na magtatrabaho sa Japan. Kaagad namang inayos ang mga papeles nito. Syempre, wala namang angal ang kaniyang ina. Kung tutuusin, mas gusto pa nga niya na umalis si Akira para magkapera. Hindi natin siya masisisi, siguro praktikal lang siya.

Hindi naging madali ang buhay sa Japan. Kailangan niyang magtipid, kailangan niyang maging matatag, at kailangan niyang maging matapang. Pilit na linulunok ang lahat at gagalingan ang pag-arte at pag-sayaw. Mahal ang bayad sakaniya, palibhasa magaling nga naman kasi siya talaga.

Umabot ng tatlong taon ang pagtatrabaho ni Akira sa Japan. Ang kaniyang kontrata ay hanggang limang taon. Dalawang taon na lang at makakauwi na rin siya. Sapat na rin ang kaniyang ipon at iba naman ang kaniyang ipinapadala sa Pilipinas.

“Lea?” tawag sakaniya ng kaniyang Manager na si Sozu. “You’re going to dance later, right?” tanong ng babae at halatang hindi pa ganoon kabihasa sa Ingles.

“Yes ma’am,” sagot naman ni Akira.

“We have a problem,” saad niya. “Hayaka will not go tonight but she has VIP customer. Can you do it tonight?” tanong niya.

“D-do? The VIP?” pag-uulit na tanong ni Akira.

“Yes. Yes. It’s been long time since you got a VIP and I think he will like you,” sagot nito sakaniya.

Napa-awang naman ang bibig ni Akira. Pagsinabi kasing VIP automatic ng mayayaman ang mga iyon ang problema halos lahat ng VIP ay myembro ng Yakuza, o mga sikat na mafia families ng Japan. Bukod sa sila ay mga sindikato, medyo magaspang rin ang mga kamay.

“Don’t worry, don’t worry,” kaagad na saad ni Sozu sakaniya ng mapansin niya ang pag-aalala sa mukha ni Akira. “It’s okay. Don’t worry,” sabi niya pa. “You will go there, okay? Room number 4.”

Palaging nakikita ni Akira sa mga Haponesang kasamahan niya na kada paglabas nila sa VIP room ay may mga sugat, namumula, at may mga pasa ang mga ito pero hindi nila iyon iniinda sapagkat malaki nga ang perang nakukuha nila.

Sumapit na nga ang gabi. Bagama’t kabado ay lumagok na lang si Akira ng tatlong shot ng alak bago pumasok sa VIP room. May kadiliman ang kwarto at iilang pulang ilaw lang ang nagpapaliwanag. Naaninag niya ang isang lalaking naka-upo sa couch at umiinom ng alak.

“Good evening, sir,” bati ni Akira sa lenggwahe ng mga Hapon.

“Good evening as well,” sabat ng lalaki sa salitang Ingles. Malalim ang boses nito, malamig, ngunit mahinahon din. Hindi makita ni Akira ang buong mukha nito dahil sa dilim ng kwarto pero alam niya na mas bata ito kesa sa mga parokyano ng club.

Tumango-tango si Akira at naglakad na papalapit sa kliyente. Umupo ito sa tabi niya at kaagad siyang inalokan ng lalaki ng baso na kaagad din namang inabot ni Akira.

“What should I call you?” tanong ng lalaki.

“Lea, sir,” sagot naman ni Akira.

Tinungga ng lalaki ang alak at iinumin na sana ito ni Akira ngunit may malaking kamay na pumigil sa kaniyang maliit na braso. “Wait a minute,” saad niya sa kaniyang sariling lenggwahe.

May kinuha siyang maliit na pakete mula sa lamesa at itinaktak ang laman nito sa baso. May ideya na ang babae kung ano iyon, hindi na bago ang droga sa trabahong ito. Itinikom na lang ni Akira ang kaniyang bibig at ng binitiwan na siya ng lalaki ay saka niya ito dahan-dahang inilapit ang baso sa kaniyang bibig at inilagok, ramdam nito ang pait ng alak na humahagod sa kaniyang lalamunan tungo sa kaniyang sikmura.

“Ang pait,” giit ni Akira at inilapag ang baso. Napatingin siya sa lalaki ng marinig nito ang mahinang pagtawa. “Ah, I’m sorry,” paghingi naman ng pasensiya ni Akira.

“Nothing,” sagot naman ng lalaki at lumagok na rin ng alak. “It’s been a while since I came here so I don’t really know you,” tumigil muna ito sa pagsasalita at hinawakan ang pisnge ni Akira habang ang hinlalaking daliri ay tila minamasahe and balat nito. “I wanna know how good you are…”

Napangisi naman si Akira sa turan ng lalaki. Hinawakan niya ang bote ng inumin at naglagay sa baso niya at walang ano-ano’t ininom ito. “I wouldn’t be here if I’m not good, sir.”

Kaagad na sinunggaban ng halik ng lalaki ang mga labi ni Akira at napahawak naman si Akira sa malalaking braso nito. Nagpatuloy ang paghalik hanggang sa umepekto na ang drogang ininom nito at hindi na namalayan pa ang mga sumunod na nangyare sa loob ng madilim na kwarto.

Related chapters

  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 3

    “Argh!” pag-ungol ni Akira matapos niyang ibukas ang mata niya. Kaagad niyang inilibot ang mga mata at nasa kama pa rin siya kung saan nangyare ang lahat. Hirap itong gumalaw, masakit ang buong katawan, at nahihilo rin ang kaniyang ulo. Tiningan nito ang sarili sa ilalim ng kumot at wala itong suot na damit. KItang-kita rin ang pasa at pamumula ng kaniyang hita. Napabuntong hininga na lang ito at pinilit na umalis sa kama para hanapin ang damit niya. Napansin niya rin ang sobreng nasa lamesa at kaagad niya itong kinuha. Namilog ang mga mata ng makita kung gaano ito kakapal. Itinago niya ito sa kaniyang likuran at saka na lumabas. Malapit na palang sumikat ang araw at nag-uumpisa na ring maglinis ang iba. May iilang bumati kay Akira at bahagya lang siyang ngumiti. Inayos nito ang mga gamit, nagpaalam at nagbigay ng komisyon sa manager niya at saka na umalis sa club. Nakarating ito sa kaniyang tinutuluyang maliit na apartment at saka napiling matulog na lang muna upang mas makapagpah

    Last Updated : 2023-07-31
  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 4

    “So, sino yung ama n'yan?” Napatahimik si Akira sa tanong ng kaniyang kaibigan na kauupo lang matapos siyang abutan ng maiinom. Mas pinili muna ni Akira na tumuloy sa bahay ni Aia kaysa dumiretso sa bahay mismo nila. “H-hindi ko alam…” halos bulong na ni Akira at lumagok ng kaonting tubig. “Anong—“ hindi na lang ni Aia ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin at mas piniling ibahin na lang ang usapan. "Sorry beb, ha?” “Ha? Bakit naman?” takang tanong ni Akira at nakita niyang naiiyak ito. “Hoy, ba’t ka naman ganiyan Beb,” naramdaman na rin ni Akira ang pag-init ng kaniyang mga mata. “Sorry kasi wala ako doon, eh. Sorry kasi ikaw lang mag-isa. I’m so sorry, Beb. Hindi mo talaga deserve to,” tuluyan nan gang naiyak ang dalawa. “Ano ka ba,” saad ni Akira at niyakap ang kaibigan. “Kakayanin ko lahat, Aia. Kakayanin ko ‘to. Ako na ‘to, eh,” pagbibiro pa nito at napatawa na lang din ng mahina si Aia. “Promise ko sayo, Aki. Andito lang ako. Promise ‘yan. Kahit anong mangyare, susuportahan

    Last Updated : 2023-07-31
  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 5

    “Good morning, ma’am. Hatid ko lang po si Azi.”“Ah yes, Ms. Akira. Good morning din,” bati rin sakaniya pabalik ng daycare teacher. “Hubarin yung sapatos, Azi ha? Tapos suot ng slippers, okay?” bilin nito sa bata na tahimik lang naman din nitong sinunod bago pumasok sa loob ng kwarto.“Ah ma’am, kamusta naman si Yuki dito sa school?” tanong ni Akira sa teacher ng bata.“Actually, may nakita akong changes kay Azi,” panimula nito. “Last school year during prep 1 niya, nakikipag-usap pa naman siya at nakikipaglaro sa mga classmates niya tapos active rin siya sa mga activitie pero ngayong prep 2 na siya, bigla na lang siyang tumahimik at mas pinipili niyang maging mapag-isa,” saad nito.Tumango-tango naman si Akira at tinanaw ang anak na mag-isa sa isang lamesa sa playing area at may hawak na krayola at papel na tila may sarili itong mundo.“Gan’on po ba?” napailing si Akira. “Sa bahay po kasi ganiyan rin siya sa ibang tao pero ‘pag kami lang dalawa eh nangingiti naman siya sa’kin,” saad

    Last Updated : 2023-07-31
  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 6

    “Is that my grandson, Lucas? Wow, you’re a grown as* man now, huh?”Ang mga tao sa loob ng venue hall ay napangiti at napatawa dahil sa saad ng isang kilalang businessman na si Mr. Nakamura; edad ay nasa mid-50s. “You grew up so well, Lucas and those smiles in your eyes never fade,” dagdag pa nito at tinapik ang balikat ng lalaking si Lucas.Ngumiti si Lucas, “It’s been awhile too, Mr. Nakamura. It’s nice to see you here,” sabat nito.“You know I’m always in your side,” saad ni Mr. Nakamura at kumindat pa. “See you around, kiddo. Job well done!” sigaw nito at tumatawang naglakad paalis.Kasabay ng pag-alis niya ay ang muling pagbati ni Lucas sa mga bisita at hinding-hindi mawawala ang ngiti nito sa mukha. Halatang mabuting tao, may paggalang, at marunong makisama.“Sir Lucas?” tawag ng kaniyang kaibigan at assistant na si Sebastian Marcelo.Lumingon naman si Lucas para tingnan ito. “He’s here?” tanong niya at tumango naman si Sebastian. “Let’s go,” saad niya at nauna ng maglakad palab

    Last Updated : 2023-08-15
  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 1

    “Tell me the truth Akira, is he my son?” Nanlaki naman ang mga ni Akira ng tanungin na siya ng lalaking nasa harapan niya. Ramdam na rin niya ang lamig ng pader na humahalik sa kaniyang likuran. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan at tila nakalimutan ng mag-salita pa. “A-ah…” hindi nito mahanap ang tamang isasagot. Napatayo naman ng matuwid ang lalaki at saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang suot na trouser at saka mataimtim na tinitigan ang natatakot na babae. “I just gave you the chance to be honest with me,” saad nito at napabuntong-hininga. “H-hindi mo siya anak,” pilit na tinatapangang sagot ni Akira kahit nanginginig na ang boses nito. Ikinuyom niya ang mga palad hanggang sa maramdaman niya ang mga kuko na bumabaon rito. “Patay na ‘yong ama niya,” dagdag pa nito. Bahagyang napatawa ang lalaki sa kaniyang itinuran. “Ah,” napatango ito, umaaktong kumbinsido. “Then how about the DNA result then? Ah, did the doctor forged it or something?” inosent

    Last Updated : 2023-07-31

Latest chapter

  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 2

    “Akira, tumigil ka muna sa pag-aaral. Hindi ko na kaya ang isa pang taon na pagpapaaral sayo. Balita ko rin ay mahal iyang thesis na iyan? Ang kapatid mo na lang muna ang pag-papaaralin natin.” Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ni Akira Lea Montero ang bawat salitang binitiwan ng kaniyang ina sa araw kung saan niya nalaman na hindi na siya magpapatuloy pa sa pag-aaral. Napabuntong hininga na lang ito at pilit na ipinikit ang mga mata at saka siya tumayo at lumabas sa kubeta kung asan niya piniling magpahinga. Naglakad siya at pumasok sa sa isang kwarto. Kaagad namang bumungad sakaniya ang iba pang mga dalaga na hindi magkaugaga sa pag-aayos ng kanilang mukha. May naglalagay ng make-up, may nag-aayos ng buhok at mga kuko, at nagbibihis ng maiigsing damit. Naupo si Akira sa kaniyang usual na pwesto at sinimulan ng hawakan ang brush at ang kaniyang make-up kit. “Lea?” boses ng isang babae. Lumingon si Akira at bahagyang ngumiti at itinaas ang kanang kamay na may hawak ng brush. “Ti

  • Bearing The Psychopath's Son   Chapter 1

    “Tell me the truth Akira, is he my son?” Nanlaki naman ang mga ni Akira ng tanungin na siya ng lalaking nasa harapan niya. Ramdam na rin niya ang lamig ng pader na humahalik sa kaniyang likuran. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan at tila nakalimutan ng mag-salita pa. “A-ah…” hindi nito mahanap ang tamang isasagot. Napatayo naman ng matuwid ang lalaki at saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang suot na trouser at saka mataimtim na tinitigan ang natatakot na babae. “I just gave you the chance to be honest with me,” saad nito at napabuntong-hininga. “H-hindi mo siya anak,” pilit na tinatapangang sagot ni Akira kahit nanginginig na ang boses nito. Ikinuyom niya ang mga palad hanggang sa maramdaman niya ang mga kuko na bumabaon rito. “Patay na ‘yong ama niya,” dagdag pa nito. Bahagyang napatawa ang lalaki sa kaniyang itinuran. “Ah,” napatango ito, umaaktong kumbinsido. “Then how about the DNA result then? Ah, did the doctor forged it or something?” inosent

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status