Share

Bayani: Katutubong Diyos
Bayani: Katutubong Diyos
Author: Axys

Prologo

Author: Axys
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mula sa pananampalataya, kumukuha tayo ng lakas, at sa ating pananampalataya, sila ay nabubuhay.

Totoo ang mga Diyos na ating sinasamba at pinaniniwalaan. Ang salitang Diyos ay titulo na ibinibigay sa mga makakapangyarihan at maraming taga-sunod. Gaya na lamang ng mga Diyos sa iba't ibang dako ng mundo, ang ating bansa ay mayroon ding Katutubong Diyos. Hindi nga lamang natin sila gaanong kilala dahil hindi nila nais magpakita sa atin. Subalit, lumipas man ang panahon, nandiyan pa rin sila at tumutulong sa atin.

Ang mga nasabing Katutubong Diyos ay naninirahan sa lugar na kung tawagin ay “Kawalhatian”, at mula rito ay patuloy silang gumagabay sa kanilang nasasakupan at taga-paniwala. Maging ang mga Diyos ay may sinusunod na mga alituntunin, at dahil sa Kasunduan ng mga Diyos ay nanatili sila sa Kawalhatian.

Isa na nga sa mga Katutubong Diyos na nananahan sa Kawalhatian ay si Bathala. Si Bathala, kilala rin bilang Abba at Bathalang Maykapal, ay ang pinakamataas sa lahat ng Katutubong Diyos, at siyang lumikha sa lahat. Pinagmamasdan at pinapangalagaan niya ang mga tao mula sa kaniyang tahanan, ang Kawalhatian, kasama ng iba pang Diyos. Nagpapadala rin siya ng mga Anito para gabayan at tulungan ang mga tao. Mabuti si Bathala, madali siyang matuwa lalo na kung sinusunod ang mga patakaran at ipinag-uutos niya, kaya naman ginagantimpalaan niya ang mga tao. Subalit, malupit siya kung magalit, pinapaulanan niya ng kidlat ang sinumang magkasala at lumabag sa pinapagawa niya.

Isang araw ay nagpatawag ng pagpupulong ng mga Diyos si Bathala. Ginawa niya ito dahil may nakita siyang nakababahala sa lupain ng mga tao. Lahat ng Katutubong Diyos, anuman ang posisyon at katayuan, ay inaasahang dumalo. Subalit hindi lahat ay makikita sa nasabing pagpupulong.

“Tila iilan lamang ang dumalo sa pagpupulong, gayong natitiyak ko na aking sinabi na lahat ng Katutubong Diyos ay kailangang dumalo!” nagngangalit na sambit ni Bathala.

“Ipagpaumanhin niyo po Bathala,” tugon ng isa pang Diyos, “subalit hindi makakadalo ang ilang Katutubong Diyos dahil sa kaguluhan sa kanilang lupain. Ang iba naman ay hindi matukoy ang lokasyon at nananatiling nawawala, at may ilan hindi na sapat ang kakayahan para makapunta sa Kawalhatian.”

Kawalhatian nga ang tahanan ng mga Katutubong Diyos subalit hindi sila laging narito. Ang ilan ay naglalakbay sa iba't ibang lugar. Ang ilan ay nagbabalat-kayo, nakikihalubilo sa mga normal na tao, at minsan pinagmamasdan nila ang kanilang nasasakupan mula sa kanilang sariling mata at karanasan.

“Gaya nga ng aking ikinababahala,” usal ni Bathala, “tuluyan nang nawawala at nababawasan ang kapangyarihan ng mga Diyos ng Kaluwalhatian. Sapagkat, ang mga Diyos ay nabubuhay at nagmumula ang kapangyarihan sa pananampalataya at paniniwala ng mga tao sa kanila. Kung maaalala ninyo ang dahilan ng ating paglikha sa Bahaghari, ito ay dahil ang mga tao sa Mundo ay unti unti na tayong nalilimot, kaya naman bumuo tayo ng lugar kung saan ang mga naniniwala at nakakakilala pa sa atin ay sama-samang mamumuhay ng payapa. At tila hindi na sapat ang kapangyarihan na maibibigay ng Bahaghari para sa ating lahat.”

Sa kalagitnaan ng pagpupulong ay biglang nagdilim ang paligid. Nabalot ng makapal at maitim na mga ulap ang kabuuan ng Kawalhatian. Inikot nito ang lugar ng ilang beses hanggang sa tuluyang itong nagtungo sa bulwagan at lokasyon ng pagpupulong ng mga diyos.

Ilang sandali lamang ay nagbago ng wangis ng itim na ulap. Ang nilalang ay nag-anyo bilang isang matandang lalaki na may kulay abong buhok. Nakasuot din ng itim na damit ang kanilang panauhin at may dalang itim na baston. Sa dulo ng baston ay isang bilugang bagay na gawa sa itim na usok, at patuloy ito sa paggalaw at pag-ikot.

“SITAN! Anong ginagawa mo dito?” sigaw ng isang Diyos.

“Huwag ka naman ganyan Apolaki,” sagot ni Sitan, “isa itong pagpupulong ng mga Katutubong Diyos, nakalimutan mo na bang Diyos din ako?”

Si Sitan ang Diyos na namamahala ng Kasanaan, ang lugar kung saan pinahihirapan ang mga makasalanan. Pagdating sa kapangyarihan ay kapantay siya ni Bathala. Si Sitan ang simbolo ng kasamaan at pagpaparusa.

Mula sa likuran ni Sitan at nagpakita na rin ang iba pang Katutubong Diyos na namamalagi sa Kasanaan, sila ang mga alagad ni Sitan. Ang una ay si Mangagaway, siya ang Diyosa ng mga Karamdaman. Mayroon siyang suot na isang kwintas na gawa sa mga bungo ng tao, at bigkis na gawa sa mga pinutol na kamay at paa ng tao. Nag-aanyong tao siya at gumagala sa lupain ng mga tao, nagpapanggap bilang isang manggagamot, subalit sa halip na kagalingan ay masamang karamdaman ang kaniyang ibinibigay.

Ang ikalawang alagad ni Sitan ay si Mansisilat, ang Diyosa ng Pagkasira ng Tahanan. Pinaka-ayaw niya ang makakita ng isang masayang tahanan kaya naman pipilitin niya itong sirain. Gaya ni Mangagaway ay gawain niya na magpanggap bilang mangagamot o pulubi para makapasok sa tahanang nais niyang sirain. Gamit ang kaniyang kapangyarihan, nagagawa niyang maging magkagalit ang mga mag-asawa.

Ang ikatlong alagad ni Sitan at tanging lalaki ay si Mankukulam. Ang kaniyang gampanin ay ang gumawa ng sunog tuwing gabi, lalo na kung madilim ang paligid at masama ang panahon. Katulad ng ibang alagad ni Sitan, siya ay nagbabalat-kayo rin bilang isang manggagamot. Kapag napasok na niya ang bahay dito na niya sisimulang sunugin ito, kapag agarang naapula ang sunog, buhay ng naninirahan dito ang magiging kapalit.

At ang huling alagad ni Sitan ay si Hukluban, ang Diyosa ng Kamatayan. Siya ang pinakamakapangyarihan sa mga alagad ni Sitan. Nagagawa niyang magpalit anyo sa kung ano man ang kaniyang naisin. May kakayahan din siyang bawiin ang buhay ng isang tao sa isang kumpas lamang ng kaniyang kamay, at magagawa din niyang pagalingin ang isang tao ng walang kahirap-hirap. Bukod pa dito, kung ano man ang kaniyang sambitin ay magkakatotoo.

“Bathala, alam mong unti unti nang naglalaho sa kaisipan ng mga tao ang presensya nating mga Katutubong Diyos. Alam mo ang mangyayari sakaling wala nang nakakakilala sa mga Diyos,” paliwanag ni Sitan. “Ilang libong taon na ang nakaraan nang paghatian natin ang mga lupain. Nangako ako na babalik ako upang kunin ang iyong kapangyarihan at pinamumunuan, ngayo'y nandito ako at nagbabalik upang hamunin ka.”

“Subalit hindi maaaring maglaban ang mga Diyos,” sagot ng isa pang Diyos.

“Kailanman ay hindi naisusulat sa Kasunduan ng mga Diyos na hindi maaaring maglaban ang mga Diyos,” pahayag ni Sitan. “May mga alituntunin at panukala na dapat tayong sundit. At batid kong alam mo ang aking tinutukoy.”

“Hayaan ninyong ipaliwanag ko sa mga tulad ninyong mabababang Diyos ang nilalaman ng Kasunduan ng Diyos,” pagpapatuloy ni Sitan. “Hindi lamang maaaring maglaban ang Diyos kung hindi sila magkapantay ng kapangyarihan. Subalit maaari mo silang pahinain gamit ang bilang ng mga naniniwala sa kaniya. Gaya na lamang ng nangyari ilang daang taon, nang mabahag ang iyong buntot, noong sinubukan kang talunin ng isang Diyos mula sa ibang lupain. Sa halip na ipaglaban mo ay nagtago ka sa bago mong lupain at hindi na kasing lakas ng dati.”

“Subalit ibahin mo ako dahil hindi kita hahayaang tumakbo kung saan. Kaya naman sa mga susunod na araw, papakawalan ko ang aking mga alagad, maging ang mga nilalang ng Kasanaan. Sakaling magapi ng mga pinamumunuan ninyo ang aking mga nilikha, tatanggapin ko ito bilang patunay na higit ang lakas at kapangyarihang taglay ni Bathala. Ngunit, kapag hindi kayo nagtagumpay, magpapaalam na kayo sa Kawalhatian, at ang lahat ng inyong kapangyarihan at nasasakupan ay magiging sa akin na. Hiling ko lamang na seryosohin ninyo ito, at kayo ay maghanda upang hindi kayo kaagad na magapi. Sa ganitong paraan ay magiging kapapanabik ang digmaang magaganap sa pagitan ng mga Diyos. Hanggang sa susunod nating pagkikita.”

Namayani ang malagim na paghalakhak ni Sitan. Muling nabalot ng kadiliman ang Kawalhatian. Ilang sandali lamang at ito'y naglaho gayundin naman si Sitan at alagad dito.

“Apolaki,” pahayag ni Bathala, “magpadala ng pahayag sa lahat ng kampo ng Bayani. Sabihan na palakasin ang lahat ng hukbo at sumailalim sa matinding pagsasanay. Ipagbigay alam sa kanila ang darating na panganib, subalit tiyakin mo na pawang mga Bayani lamang ang makaka-alam at ang mga may matataas na posisyon. Hindi na dapat ito magdulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan. Higit sa lahat, kakailanganin natin ng pinakamalalakas na Bayani ng bagong panahon.”

Related chapters

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 1

    Isang binata ang nagising sa isang hindi kilalang gusali. Nakahiga siya sa isang kama, at ang pagkakaayos ng mga kagamitan dito ay nahahawig sa isang ospital. Subalit, masyado itong makaluma para tawaging isang ospital, at walang anumang aparato na ginagamit para sa mga pasyente ang makikita. Maging ang mga kagamitan ay sinauna, gaya na lamang ng kaniyang hinihigaan, isa lamang itong matigas na papag, sa halip na isang malambot na kama na mas komportable higaan para sa mga pasyente. Kapansin-pansin din na maraming mga higaan ang makikita na nakapaligid sa kaniyang kinatatayuan, ngunit wala ni isa man ang makikita rito, lahat ito ay bakante.Pinilit niyang bumangon ngunit hindi kinaya ng kaniyang katawan. Napasigaw na lamang ang binata dahil sa sakit na naramdaman mula sa sikmura, maging sa mga braso. Pinagmasdan niya ang sarili at nakita na ang mga ito ay nababalot ng mga benda.Sa kaniyang sigaw ay nagising ang isang lalaki, hindi niya namalayan na may nakahiga sa upuan sa kaniyang ta

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 2

    Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 3

    • Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 4

    Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

Latest chapter

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 10

    Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 9

    Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 4

    Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 3

    • Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 2

    Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng

DMCA.com Protection Status