Share

Kabanata 3

Author: Axys
last update Last Updated: 2021-07-12 08:00:00

• Ilang oras bago ang paglilitis •

“Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan.

“Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.”

“Anong paraan ito?” tanong ni Earvin.

“Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.”

“Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.”

“Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tutulong sa atin. Siya ang lalaban para sa iyo.”

“Pero wala naman akong ibang kilala dito sa lugar na ito. Paano tayo hahanap ng lalaban para sa akin at wala na din tayong oras para maghanap pa.”

“Huwag kang mag alala dahil nakahanap na ako ng lalaban para sa iyo.” pahayag ni Alan, “At natitiyak ko na magagawa niyang ipanalo ang laban.”

“Talaga? Paano? Kailan? Sino?”

Tumawa ng mahina si Alan. “Nakilala mo na ang Bayani na tinutukoy ko.”

“Sigurado ka? Wala naman akong ibang nikalala dito maliban sa—” Natigilan sa pagsasalita si Earvin nang malaman niya ang tinutukoy ni Alan. “Weh?! Di nga?! Seryosa ka?”

“Bakit tila pinagdududahan mo ang aking kakayahan.” tugon ni Alan, “Nais ko lamang ipaalala sa iyo na ako ang siyang nagligtas sa iyo mula sa kapahamakan.”

“Sige kung yan ang sabi mo.” sambit ni Earvin, “Pero siguraduhin mo na hindi ako mamamatay.”

“Huwag kang mag alala, ako muna ang masasawi bago pa ikaw.” biro ni Alan, “Kaya naman ganito ang iyong gawin. Una kailangan mong sumunod at tumugon ng maaayos sa lahat ng itatanong at sasabihin ng mataas na hukom. Hayaan mong tawagin at tanungin nila ang testigo, at kasama na ako doon, ako na ang bahalang magsalita na isailalim ka sa isang paglilitis gamit ang pakikipaglaban.”

Sumang-ayon naman si Earvin sa sinabi ni Alan. Wala na siyang maaaring asahan kundi si Alan at ang kaniyang naisip na plano. Ang kailangan na lamang niya ay sundin ang kanilang napagkasunduan.

***

“Nais ko ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban!” Nang banggitin ni Earvin ang mga katagang ito ay ikinabigla ng lahat. Lalo naging mainit at kapapanabik ang paglilitis matapos magpamalas ng lakas ng loob ang manlalakbay. Maging si Earvin ay nabigla sa kaniyang sinabi, hindi niya alam kung saan niya nakuha ang kaniyang katapangan ng sandaling iyon.

“Kung iyan ang iyong nais! Masusunod!” Buong lakas ding tugon sa kaniya ng mataas na hukom. Marahil hindi ito ang napagkasunduan na gagawin nina Earvin at Alan subalit ang kinalabasan ay pareho lamang din kaya naman masasabi nilang matagumpay pa rin ang plano.

“Earvin, ano ang iyong ginagawa?” bulong ni Alan sa sarili, “Hindi magandang galitin ang mataas na hukom. Isa pa hindi ito ang ating napagkasunduan, masyado kang nagmamadali.”

“Nasaan ang Bayaning nagdala sa manlalakbay na ito dito!” saad ng mataas na hukom.

Nabigla si Alan sa pagkakatawag sa kaniya. Agad naman siyang tumayo at nagbigay ng tugon.

“Ako po si Alan,” pagpapakilala niya, “ako po ang siyang nagligtas sa buhay ng binatang si Earvin at ang siyang nagdala sa kaniya sa Bahaghari. Dinala ko po siya dito dahil siya ay nag-aagaw buhay na. Naisip ko na ito lamang ang lugar na maaaring magligtas sa kaniya at nakita ko namang tama ang aking naging desisyon.”

“Tinanong ko lamang kung sino ang nagdala sa kaniya. Ang kailangan mo lamang gawin ay magpakilala subalit agad ka namang nagpaliwanag.” pangaral ng mataas na hukom, “Sagutin mo lamang ang aking mga katanungan at wala nang iba!”

“Masusunod po!” tugon ni Alan.

“Napakinggan mo naman ang ninanais ng manlalakbay. Sa iyong palagay maaari ba siyang sumailalim sa paglilitis gamit ang pakikipaglaban?”

“Opo! Subalit sa kaniyang kalagayan ngayon ay makabubuti na may humalili at lumaban para sa kaniya. Malubha ang natamo niyang sugat at hindi pa siya lubasang gumaling. Kaya naman kung mamarapatin ninyo ay ako na lamang—”

“Tahimik!” Utos ng mataas na hukom na agad naman niyang ginawa. “Malinaw na ipinahayag ko kanina na sagutin lamang ang aking mga katanungan! Hindi ko kailangan ng paliwanag! Maliban pa riyan, ang manlalakbay na mismo ang nagnais ng pamamaraan ng paglilitis kung saan siya sasailalim. Nararapat lamang na pangatawanan niya ang kaniyang naging desisyon.”

Hindi na tumugon pa si Alan dahil sa kaniyang kahihiyang natanggap. Ang tanging nagawa na lamang niya ay manahimik at bumalik sa kaniyang pagkaka-upo. Tiningnan niya si Earvin at ninais niya na magpatawad.

“Patawarin mo ako at wala akong magawang laban sa mataas na hukom.” Ito ang nasa isipan ni Alan habang nakatitig kay Earvin. “Ako ang nagdala sa iyo sa kinatatayuan mo, ako ang siyang nakaisip ng paglaban subalit hindi ko magawang gampanan ang responsibilidad ko sa iyo. Binigo ko ang pagtitiwalang binigay mo.”

Maging si Earvin ay nakatitig kay Alan at tila may nais din siyang iparating.

“Alam ko kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasi naman hindi ko mapigilan itong bibig ko. Deserve ko ito dahil sinira ko ang plano mo. Don't worry, I'll find a way out of this mess.” Pahayag ni Earvin sa kaniyang isipan habang nakatingin kay Alan.

“Maaari ba akong magtanong?” sambit ni Earvin, “Maaari ko bang malaman ang patakaran ng aking magiging laban.”

“Madali lamang ang patakaran ng iyong magiging laban.” tugon ng mataas na hukom, “Dahil sugatan ka pa at hindi pa tuluyang gumagaling ay bibigyan ka namin ng kalamangan. Kung magagawa mong manatiling nakatayo sa loob ng tatlong minuto ay ikaw ang hihiranging panalo. Maaari mong gamitin ang kahit anong armas na iyong naisin at ang iyong makakalaban ay tanging mga kamao ang gagamitin. Maaari ka ring sumuko kung nanaisin mo, dahil dito magiging mabilis at walang sakit na kamatayan ang iyong dadanasin.”

“Malinaw na ba sa iyo ang patakaran?” tanong ng mataas na hukom, “Kung gayon ay mamili ka na ng sandata at mamimili na din kami ng iyong makakalaban.”

“Bago natin simulan, nais ko munang kunin ang aking kagamitan na kinuha ninyo kanina. Mayroon akong sandatang nakahanda sa bag ko.”

“Habang hinahanda namin ang iyong kagamitan, mayroon ba dito na nais labanan ang manlalakbay.” tanong ng mataas na hukom.

Agad namang nagtaas ng kamay ang isa sa mga pintados na nanonood.

“Kung ganoon ay ikaw na ang siyang lumaban sa kaniya.”

Mula sa kinatatayuan nito kung saan nakaupo ang karamihan sa mga Pintados, sa itaas na bahagi ng malaking bulwagan, tumalon siya patungo sa ngayong sentro ng entablado ng gaganaping laban, sa harapan mismo ni Earvin. Kahit na malayo ang pinanggalingan ay tila hindi man lamang ito nasaktan. Nang makita niya ang kaniyang kaharap ay naalala niya ang sinabi ni Alan, ang mga Pintados ay ipinanganak na mandirigma at ang Batuk at marka sa katawan ng mga ito ay sagisag ng kanilang kagalingan at katapangan.

Kahit na halos hindi nagkakalayo ng pisikal na kaanyuan ang dalawa, makikita ang kalamangan ng Pintados. Kung titingnan niya ay kasing taas lamang niya ang kaharap, maging pangangatawan nila ay nahahawig, subalit ang nagbigay ng pangamba sa kaniya ay ang katawan nito na puno ng Batuk mula sa dibdib, braso, tiyan at sa mga hito. Ito ay mga indikasiyon ng pagiging sanay sa pakikipaglaban ng kaniyang katunggali. Noong nasa ibang bansa pa si Earvin ay nag aral siya ng self defense at kaunting taekwondo subalit hindi ito sasapat dahil kailanman ay di pa niya ito nagamit sa isang tunay na laban. Ang tanging pag asa na lamang niya ay ang natatagong sandata sa kaniyang bag.

Naghanda na ang dalawang magkatunggali, tumayo sila ng maayos at ginawa ang kanilang pormang panlaban, tanging hudyat na lamang ang kanilang hinihintay at makakapagpalitan na sila ng mga kamao. Matapos ibigay ang hudyat ng paninimula ng mataas na hukom ay agad na kumilos ang dalawa. Ang Pintados ang siyang naunang gumawa ng pagsugod, isang suntok ang agad niyang pinakawalan.

Marahil minamaliit siya ng kaniyang katunggali kaya naman tila mabagal ang suntok na binigay nito. Kaya naman nagawa niya itong ilagan at gamit ang natutunan niya, sinipa niya sa kaniyang hita ang Pintados upang patumbahin at pagbagsakin ito. Subalit, kung ano mang uri ng pagsasanay ang ginagawa ng Pintados, tiyak na nakatulong ito na maging kasing-lakas at tibay ng bato ang kaniyang hita.

Dahil sa pagkabigla ay naibaba ni Earvin ang kaniyang depensa, agad naman siyang tinuhod ng kalaban sa kaniyang sikmura. Matinding sakit ang kaniyang naramdam na nagpaluhod sa kaniya. Ang lakas ng tuhod na kaniyang natanggap ay limang beses na hihigit sa naranasan niya ng gabing sugurin ng isang aswang. Subalit kung sakit ang pagbabasihan, wala nang tutumbas sa sakit na naranasan niya ng kainin ng buo ng aswang ang kaniyang braso. Marahil sasabihin nila na walang katotohanan na naputol ang kaniyang kamay pero wala din namang ilusyon ang magbibigay sa kaniya ng ganoong sakit. Dahil dito, kahit na malakas ang natanggap niya hindi ito sapat para tanggalan siya ng malay. 

Sinabunutan siya ng Pintados na kaniyang kalaban at pinatingala siya. Nakita niyang itinaas nita ang kaniyang kamao at naghahanda ng isang suntok. Naiisip ni Earvin na kailangan niyang maglaro ng madumi upang manalo siya. Inihanda niya ang kaniyang dalawang daliri sa kanang kamay at buong lakas na itinaas patungo sa mata ng kalaban. Naging matagumpay ang kaniyang pagsugod at nabitawan siya ng kalaban. 

Nang makatayo siya ay agad niyang sinipa ang kalaban, sa maselang bahagi ng katawan nito. Dahil dito ay napaluhod ang kaniyang kalaban, marahil naging matibay at matigas ang lalaki dahil sa kaniyang pagsasanay subalit kapag ang maselang bahagi na ng lalaki ang nasaktan ramdam ito ng buong katawan. Sinamantala niya ang pagkakataon at tumakbo papalayo si Earvin. Ang tanging paraan na tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon para manalo ay ang ubusin ang lahat ng oras na kaya niya.

Nang makabawi ng lakas ang kaniyang kalaban ay tinitigan siya nito masama. Nakita niya ang namumula nitong mga mata dahil sa galit at sa ginawa niyo dito. Hindi na nagsayang ng oras ang kaniyang kalaban, agad itong tumakbo papalapit kay Earvin. Mabilis itong tumakbo papunta sa kaniya, mas mabilis ang kaniyang pagkilos ng dalawa o tatlong beses na higit kumpara sa ipinamalas niya kanina. Sapagkakataong ito ay nakita nita ang totoong kakayahan ng kaniyang katunggali, matapos nitong masaktan ay nagseryoso na kaagad ito.

Ilang sandali lamang ay nasa harapan na siyang muli ni Earvin. Sa porma ng kalaban ay tila magpapakawala siya ng suntok kaya agad namang dinepensahan ni Earvin ang kaniyang sarili. Ginamit niya ang kaniyang mga braso bilang pananggalang sa sarili. Subalit hindi siya nakatanggap ng kahit anong suntok sa alinmang bahagi ng kaniyang katawan at nang ibaba niya ang kaniyang panangga ay hindi na niya makita ang kaniyang kalaban, tila naglaho ito ng tuluyan. Mula sa kaniyang likuran isang braso ang dumaan sa harapan niya at matapos nito ay sinakal siya ng kaniyang kalaban na nasa kaniyang likuran. Sinamantala pala ng Pintados ang sandaling natakpan ng kaniyang sariling braso ang kaniyang paningin, agad siyang nagtungo sa likuran ni Earvin upang sakalin ito.

Pilit na nagpupumiglas si Earvin upang makawala sa pagkakasakal sa kaniya subalit higit na mas malakas ang kaniyang katunggali. Kahit anong paraan ang gawin niya upang makalaya ay hindi ito sapat. Sinubukan niya na din na kagatin ang lalaki subalit tila di na ito nakararamdam ng sakit, at sa bawat paglaban niya ay lalo lamang siyang nanghihina.

“Kung sasabihin mong sumusuko ka na ay pakakawalan kita,” bulong sa kaniya ng lalaki, “huwag mo nang pahirapan ang sarili mo dahil kitang kita naman na natin kung sino sa atin ang mananalo.”

Unti unti nang nawawalan ng malay si Earvin at nahihirapan na din siyang huminga. Subalit hindi pa rin siya sumusuko dahil naniniwala siya na mananalo pa rin siya. At kung sakali man na sumuko siya ay magiging katapusan na ito ng kaniyang buhay. Sisiguraduhin niya na makakauwi pa siya at makahihingi ng tawad sa kaniyang ina, hindi niya hahayaan na ang pagtatalo nila ang magiging huling sandaling kapiling niya ang kaniyang ina at ang huling pag-uusap nila.

Naisip niya na ito na ang pagkakataon para ilabas at gamit ang kaniyang huling alas. Kaya naman kahit nahihirapan ay ipinasok niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bag at kinuha ang natatagong sandata. Inilabas niya ang taser na kaniyang nagamit na din sa isang Aswang, naisip niya na kung ang nilalang na iyon ay tinablan ng kaniyang sandata tiyak na gagana din ito sa kaniyang kalaban. Isinaksak niya ang taser sa hita ng lalaki at nakita siya na gumagana ito subalit sadyang matibay ang kaniyang kalaban dahil hindi ito natitinag sa kaniyang nararamdaman. Dahil dito ay nilakasan at dinagdagan pa ni Earvin ang boltahe hanggang sa kung saan ang kaya nito. Mabuti na lamang at hindi naipapasa sa taong hawak nito ang kuryenteng nararamdaman kung hindi tiyak na hindi kakayanin ni Earvin ang ganoon kalakas na boltahe.

Ilang sandali pa ay tila tuluyan nang nawalan ng malay ang kaniyang kalaban. Nakawala na si Earvin sa pagkakasakal sa kaniya at ang lalaki naman ay bumagsak na sa lupa. Dahil sa takot na maulit ang nangyari ng gabing iyon, kung saan muling nakabangon ang nilalang na ginamitan niya ng taser, muli niyang sinakasak ang kagamitan sa ngayong walang malay na Pintados hanggang sa tuluyan ng maubos ang karga nito.

Isang nakabibingi at mahabang katahimikan ang namayani sa bulwagan. Hindi lubos maisip ng mga tao kung ano ang kanilang nasaksihan, isang manlalakbay ang nagawang talunin ang isang Pintados. Iilan lamang ang manlalakbay na nakapagpahanga sa mga mamamayan ng Bahaghari at loob ng higit isang dekada si Earvin ang ikalawa sa listahan. Makikita sa mukha ng lahat ang pagkabigla at tila pagtigil ng mundo, subalit ang isa sa kanila kakaibang emosyon ang pinamamalas. Si Alan, na siyang nagligtas kay Earvin, ay di matago ang pagkalak sa kaniyang nakita. Malaki ang tiwala niya kay Earvin na maipapanalo niya ang laban subalit higit ito sa kaniyang inaasahan.

Si Earvin na ang siyang bumasag ng katahimikan. “Nanalo ako!” habol hiningang sigaw ni Earvin, “Ngayon maaari na ba akong umuwi sa aking lupain?”

Hindi nakasagot ang mataas na hukom sa katanungan ni Earvin. Hindi maipagkakaila na siya talaga ang nagwagi sa laban na ito subalit kung papayagan naman agad niyang makauwi si Earvin ay magdadala ito ng kapahamakan sa Bahaghari. Nananatili pa rin ang pangamba niya na maaaring kalaban nila si Earvin at ipinadala siya upang magmanman. Subalit kung tunay na inosente nga ito at hindi nila kalaban, hindi sila nakatitiyak na hindi magkukuwento si Earvin sa kaniyang mga kakilala ng tungkol sa lupaing kaniyang napuntahan. Maliban dito ay may isa pang natatagong dahilan ang mataas na hukom kung bakit ayaw niyang paalisin ang binata.

“Mataas na Hukom, kung inyo mong mararapatin, may nais akong imungkahi.” Sambit ng isang babae at agad namang pinahintulutan ng mataas na hukom. “Ako po si Yajaira Josefa Maquiling IV, isa sa mga representatibo ng mga Bayani at ng pamilya Maquiling. Hindi ko nais na takutin ang mga mamamayan ng Bahaghari subalit gusto ko pong ipagbigay alam na sa mga nakaraang araw ay dumarami ang bilang ng mga aswang at masasamang nilalang at hindi na rin sapat ang bilang ng mga Bayani na nagpoprotekta sa dalawang lupain. Kung magpapatuloy pa ito, marahil ay kailanganin na namin ang tulong ng mga Pintados.”

“Mula sa ating nasaksihan, hindi natin maipagkakaila na may kakayahan ang ating manlalakbay.” Pagpapatuloy ni Yajaira. “Subalit batid nating lahat na hindi natin siya maaaring pakawalan dahil mangangahulugan ito ng kapahamakan sa Bahaghari. Kaya naman iminumungkahi ko na sumailalim sa pagsasanay upang maging Bayani ang lalaking iyan. Hindi niya mapapalitan ang bilang ng Bayani na nabawas sa ating pangkat pero karagdagan pa rin siya at sa paaraang ito mababantayan siyang maigi ng mga Bayani sakaling may gawin siyang ikasasama ng lupaing ito.”

“Subilat may pagdududa pa rin po ako sa kakayahan niya.” pahayag ng babae, “Kaya naman kung gagawin ninyo ang aking mungkahi nais ko na sumailalim siya sa pagsusulit at sa tamang proseso. Ang pagsusulit ay gagawin sa mga susunod na araw, dito malalaman natin ang hangganan ng kaniyang kakayahan.”

“Ang manlalakbay na nagngangalang Earvin ay sasailalim sa pagsusulit upang makapasok sa Tribu Alibata at magsanay na maging isang Bayani. Kapag hindi siya nagtagumpay ipapadala siya sa Maca, kung siya ay nararapat sa lugar na iyon. Ito ang aking pagpapasiya!” sambit ng mataas na hukom, “Dito na natatapos ang paglilitis kay Earvin, maaari na kayong umuwi at gawin ang inyong mga gampanin.”

Ito na ang pagwawakas ng paglilitis sa kaniya. Unti unti na ding nag-aalisan ang tao, subalit namamayani sa kanilang isipan ang kaganapan sa bulwagang ito. Tiyak na magiging usap-usapan ang ginawa ng manlalakbay sa mga darating pang mga araw. Si Earvin naman ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng kaniyang paglilitis. Hindi niya nagawang magsalita at tumutol man lamang dahil sa pagod niya sa pakikipaglaban at sa pagkabigla na din. Tuluyan nang naubos ang mga tao sa bulwagan, tanging si Earvin na lamang ang naiwan at nahiga siya sa kalagitnaan ng lugar.

Related chapters

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 4

    Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka

    Last Updated : 2021-07-15
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

    Last Updated : 2021-07-19
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

    Last Updated : 2021-07-25
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

    Last Updated : 2021-08-30
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

    Last Updated : 2021-08-31
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 9

    Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B

    Last Updated : 2022-09-16
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 10

    Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

    Last Updated : 2022-09-16
  • Bayani: Katutubong Diyos   Prologo

    Mula sa pananampalataya, kumukuha tayo ng lakas, at sa ating pananampalataya, sila ay nabubuhay.Totoo ang mga Diyos na ating sinasamba at pinaniniwalaan. Ang salitang Diyos ay titulo na ibinibigay sa mga makakapangyarihan at maraming taga-sunod. Gaya na lamang ng mga Diyos sa iba't ibang dako ng mundo, ang ating bansa ay mayroon ding Katutubong Diyos. Hindi nga lamang natin sila gaanong kilala dahil hindi nila nais magpakita sa atin. Subalit, lumipas man ang panahon, nandiyan pa rin sila at tumutulong sa atin.Ang mga nasabing Katutubong Diyos ay naninirahan sa lugar na kung tawagin ay “Kawalhatian”, at mula rito ay patuloy silang gumagabay sa kanilang nasasakupan at taga-paniwala. Maging ang mga Diyos ay may sinusunod na mga alituntunin, at dahil sa Kasunduan ng mga Diyos ay nanatili sila sa Kawalhatian.Isa na nga sa mga Katutubong Diyos na nananahan sa Kawalhatian ay si Bathala. Si Bathala, kilala rin bilang Abba at Bathalang Maykapal, ay ang pinakamataas sa lahat ng Katutubong Diy

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 10

    Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 9

    Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 4

    Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 3

    • Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 2

    Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng

DMCA.com Protection Status