Share

Kabanata 4

Author: Axys
last update Last Updated: 2021-07-15 08:00:00

Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan.

Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkakataong ito naisip niya na huwag na itong labanan, iniisip niya marahil mas mabuti na mamamatay na lamang siya talaga ng tuluyan kaysa magdusa pa.

“Ikaw ang nanalo subalit bakas sa iyong mukha ang pagkadismaya.” sambit ni Alan, “Dahil ba hindi mo naipakita ang tunay mong lakas? Sa totoo lamang ay nahigitan mo ang inaasahan ko. Natatandaan mo ba na sinabi ko sa iyo na ako ang makikipaglaban para sa iyo, kitang kita naman natin na hindi mo na kailangan ang tulong ko.”

“Tama ka! Hindi ako natutuwa.” Bumangon si Earvin at hinarap si Alan. “Sino ba naman ang matutuwa sa lahat ng nangyari sa akin. Pakikipaglaban, paglilitis at ngayon nais nila akong maging Bayani upang iligtas at pagsilbihan ang lugar kung saan lahat ng mamamayan ay nagdududa sa aking kinikilos at ninanais na mawala na lamang ako. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko matutuwa ka ba?”

“Nakatitiyak ka diyan.” sagot ni Alan, “Ang pagiging isang Bayani ang pinakamataas na karangalan na maaaring makuha at matamasa ng mga mamamayan ng Bahaghari. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging Bayani o ang payagan na kumuha ng pagsusulit upang makasama sa pangkat ng mga Bayani kaya naman natitiyak ko na marami ang siyang naiinggit sa iyo ngayon. Kapag ikaw ay naging isang Bayani tiyak na maganda ang iyong kinabukasan.”

“Gusto mong mag-usap tungkol sa magandang kinabukasan?” pahayag ni Earvin, “Hindi ko din alam kung bakit naisipan kong umuwi sa Pilipinas kaya minalas tuloy ako. Ang stepfather ko ay may ari ng isang IT company at sinabi na niya na tutulungan niya akong magkaposisyon sa kumpanya niya. Kung nanatili na lamang ako doon tiyak na maganda ang magiging kinabusakan ko. Kahit na hindi ko tanggapin ang offer niya, kaya ko namang pumasok sa kahit anong university sa states. Pwede akong maging lawyer, doctor, architect, anchor, engineer or scientist, kahit ano kakayananin. Hindi man lamang naisip na isang malaking pagkakamali ang pag uwi ko sa Pilipinas.”

“Pero Earvin—”

“Stop!” sambit ni Earvin, “Alam kong sasabihin mo na hindi mo nauunawaan ang sinasabi ko. At alam ko din na ipagpipilitan mo na ang pagiging Bayani ay isang napakalaking karangalan. Wala namang magbabago magpapaulit-ulit lang tayo. Wala din naman na akong magagawa kaya sige tinatanggap ko na. Magsasanay na ako para maging Bayani, pero hanggang mapatunayan lang nila na hindi ako masamang tao at magawa kong makahanap ng daan papauwi.”

“Sige na, sabihin mo na sa akin Alan. Alam kong may alam ka nanaman na hindi sinasabi sa akin. Sige na, anong plano mo para sa pagsusulit na sinasabi nila.”

“Nakausap ko na si Yajaira at sinabi na niya kung kailan at saan gaganapin ang pagsusulit.” paliwanag ni Alan.

“Si Yajaira, yung epal na babaeng hindi nagawang pigilin ang bibig at manahimik na lamang? Yung babaeng magulo ang kaisipan,  minungkahi niya na sumailalim ako sa pagsasanay pero wala pala siyang tiwala sa akin? Yung babaeng nagdagdag ng pagdurusa at paghihirap sa malas kong buhay?” tanong ni Earvin, “Nasaan na ba siya? Dapat ko siyang pasalamatan sa napakagandang ideya at mungkahi niya.”

“Umalis na siya.” tugon ni Alan, “Marami silang dapat gawin kaya naman nagmamadali siyang umuwi.”

“Ha!? Seryoso ba siya?” singhal ni Earvin, “Matapos ng ginawa niya sa akin, hindi man lamang niya ako binati.”

“Si Yajaira ay mula sa pamilya ng Maquiling, isa sa makapangyarihang pamilya sa Bahaghari. Walang mabuting idudulot kapag nakipagtalo ka sa pamilya nila.”

“Wala akong pakialam kung saang pamilya pa siya nagmula!” sambit ni Earvin, “Paumanhin Alan, naging mainit ang ulo ko at napagtaasan kita ng boses. Mas mabuti pa siguro na huwag na lamang natin siyang banggitin at ibahin na lamang natin ang ating pinaguusupan. May isang bagay na hindi ako nauunawaan sa sinabi ng mataas na hukom. Ano ang sinasabi nilang Maca?”

“Ang Maca isang lugar ng walang hanggang kasiyahan at kapayapaan.” sabat ng isang boses.

“Magandang lugar naman pala ang Maca. Siguro mas makabubuti na doon na lamang ako magtungo kaysa maging isang Bayani.” ani Earvin, “Sandali lamang, ito ay isang lugar kung saan may walang hanggang kasiyahan at kapayapaan. Parang may narinig ko na ang lugar na iyon. Huwag mong sabihin na ito ay—”

“Tama, nangangahulugan itong kamatayan.” Nilingon nila ang pinagmulan ng tinig at nakita ang isang Pintados. “Kung mabuti ang iyong kalooban sa Maca ikaw magtutungo kapag ikaw ay lumisan. Sa aking pagkakatanda ay Kalangitan ang tawag niyo dito o Paraiso. Subalit kung ikaw ay naging masama at walang mabuting kalooban ay alam mo na kung saan ka magtutungo.”

“Kamatayan nanaman. Napakamalas talaga ng buhay ko. Wala na akong mapagpipilian kung hindi ang ipasa ang pagsusulit.”

“Nakatutuwa naman na hindi lamang may magaling na kakayahan ang iyong nakita Alan.” pahayag ng Pintados. “Matapang din siya, malakas ang loob at may mataas na kompiyansa sa sarili. Inaasahan ko na magiging maganda ang kalalabasan ng pagsusulit ngayon.”

“Bakit ka nga pala naririto at hindi ka nagbabantay sa mataas na hukom?” usisa ni Alan.

“May mensaheng nais iparating ang mataas na hukom sa manlalakbay.” tugon nito, “Nais ka niyang makausap ng mag-isa sa kaniyang silid.”

“Mukhang nagalit siya sa at akin dahil sa ginawa ko kanina.” sambit ni Earvin.

“Huwag kang mag-alala, hindi nagtatanim ng personal na galit ang mataas na hukom.” natatawang tugon ng Pintados, “Ang mataas na hukom ay mabait sa lahat. Subalit ito ang tandaan mo, hindi niya gustong pinaghihintay siya.”

Nang marinig nila ang sinabi ng Pintados ay agad silang kumilos. Sumakay sila sa isang kalesa at nagtungo sa kinaroroonan ng Mataas na Hukom. Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa kanilang patutunguhan.

Hindi makapaniwala si Earvin ng makita niya ang lugar na tinutuluyan ng mataas na hukom. Natatangi at naiiba ang gusaling ito sa mga kabahayan na kaniyang nakita. Ang mga tahanan ng maralita at mahihirap na kaniyang nakita ay gawa sa kahoy at mukhang bahay kubo. Sa maharlika at mayayaman naman ay mga bahay na gawa sa bato at mga kahoy. Subalit ang nasa harapan niyang gusali ang siyang higit na nakakuha ng kaniyang atensyon.

Ito ay isang tatlong palapag na gusali at kulay puti. Naiiba ito sa mga kabahayan dahil hindi ito galing sa makalumang mga disensyo ng Pilipinas. Hindi rin naman makabago ang disensyo ng gusali na kaniyang nakikita. Kung kaniyang alalahanin ang kaniyang napag-aralan, Neoclassical na arkitektura ang siyang disenyo ng gusali. Ang itaas na bahagi nito at bubong ay hindi patilos o tatlusok gaya ng ibang bahay kung hindi isang patag na ibabaw. Bago siya makapasok ay may mga hanay ng bilugang haligi sa harapan ng gusali. Masasabi niyang nahahawig ang disenyo ng labas nito sa Manila City Hall. May nakasulat din sa harap nito na mga Baybayin, ang sinaunang sulatin at letra ng Pilipinas. Hindi man siya marunong magbasa at sumulat ng Baybayin, hula niya na ang nakasulat dito ay nalalapit sa “tanggapan ng mataas na hukom” o “sanggunian ng hustisya”.

Nagpatuloy sila at pumasok sa gusali. Kamangha mangha din naman ang pagkakadisenyo sa loob ng tanggapan. Pagkapasok sa unang palapag ay makakita ka ng mahabang lamesa, marahil ito ang kanilang reception table. May ilang mga bakanteng upuan rin at iba pang mga silid. Sa pader ng gusali nakakapit ang ilang mga larawan at painting, maging mga tropeyo at sertipiko ay kanilang pinapakita. Nakatitiyak siya na kung sino man ang may gawa ng gusaling ito ay may kaalaman sa lupaing kaniyang pinanggalingan.

Sa ikalawang palapag naman ay may ilang silid din na matatagpuan. Agad naman silang umakyat sa ikatlo at huling palapag ng gusali. Walang ibang makikita sa huling palapag kung hindi ang isang silid lamang. Nasisigurado niya na ito ang silid ng mataas na hukom.

“Nais ka niyang makausap ng mag-isa.” pahayag ng Pintados na nagsilbing gabay nila, “Hihintayin ka na lamang ni Alan sa baba. May ilang bagay lang din kaming pag-uusapan.”

Pagpasok niya sa silid ay agad niyang nakita ang lamesa ng mataas na hukom. Nakita niya ang ilang bagay na nakalagay dito, mga papel at pluma at ang ngalan ng mataas na hukom.

“Augustus Kristean Daquilla X”

Inilibot niya ang mata sa paligid upang makita ang kabuuan ng silid. Ang sahig ng silid ay isang maganda at malaking carpet na kulay pula. Sa kaliwang bahagi ng silid ang isang book shelf na puno ng mga aklat. Sa kanang bahagi naman matatagpuan ang aparador at isang maliit na mesa na may mga tsaa at tasa na nakapatong.  Sa itaas na ng mesa ay nakasabit ang isang espada na pinagigitnaan ng dalawang painting na nakakuha ng kaniyang atensyon.

Sa unang painting makikita ang isang lalaki na may hawak na espada. Nakatayo ang lalaki sa itaas ng isang bundok at sa kaniyang likuran makikita ang isang malaki at napakandang ibon. Ang ibon na ito ay kakaiba sapagkat ang mga pakpak, buntot at kabuuan nito ay naglalagablab at nag-aapoy. Tila gabay ng lalaki ang malaking ibon at sa wari niya ay isa itong Phoenix.

Sa ikalawang painting muli makikita ang isang lalaki na may hawak na espada. Subalit sa pagkakataong ito ang lalaki ay nakikipaglaban sa isang malaking ibon. Hindi ito ang ibon na nakita niya sa unang larawan, malaki rin ito subalit kakaiba ang kulay. Kulay asul ang kabuuan ibon na ito, ang palong ay matitilos at kulay dilaw na tila isang korona at mga kukong napakatilos. Sa larawan makikita ang galit ng ibon gayundin ng kalikasan. Ang karagatan ay may nagtataasang mga alon at ang kalangitan ay madilim na may kasamang kidlat.

Magkaiba ang mga pangyayari na pinapakita sa dalawang larawan. Subalit may isang bagay na napansin si Earvin. Ang espada na makikitang gamit ng dalawang lalaki ay iisa lamang. At kahit na nasa lalagyan pa lamang ang sandata, nakatitiyak siya na ang espada na nakasabit sa gitna ng mga painting at ang mga nasa larawan ay iisa lamang. Dahil dito napaisip siya kung totoo ang mga nasa larawan at kung ang mataas na hukom ba ang lalaking makikita dito.

“Ang tagal ng aking hinintay upang makausap ka.” sambit ng mataas na hukom.

“Hala! Matagal ka nang naghihintay? Hindi namin kasalanan yon, mabagal magpatakbo ng kalesa ang Pintados na pinadala mo.” tugon ni Earvin subalit ito ay sa kaniyang isipan lamang.

Nakita niya ang mataas na hukom na nakatayo sa may bintana. Nakatalikod ito sa kaniya at nakatingin sa magandang tanawin sa labas. Ilang sandali lamang ay nagpatuloy ito sa pananalita. 

“Labing anim na taon ang aking hinintay upang makita kita ng malapitan, makausap at makilala.”

“Naku ang OA naman ng matandang ito! Masyadong exaggerated magsalita. Labing anim na taon pero ilang oras pa lang ang nakararaan nang magkita na kami sa bulwagan. Hindi ba siya marunong tumingin ng oras?” Muli lahat ng ito ay sa isipan lamang binabanggit ni Earvin. Sa katotohanan ay nananatili siyang nakatayo at tahimik upang hindi siya magkamali at makagawa ng bagay na lalong ikagagalit ng mataas na hukom.

“Siguro dapat ay maupo ka muna.” sambit ng mataas na hukom.

Itinuro nito ang isang upuaan at agad naman niyang sinunod ang mungkahi nito. Ang upuan ay gawa sa kahoy subalit laking gulat niya ng maramdaman niyang malambot ang kaniyang inupuuan. Isa lamang pala itong ilusyon at panlilinlang, ang panlabas na hitsura at disenyo ng upuan ay kahoy pero sa katunayan isa pala itong sofa. Nang makita ng mataas na hukom ang kaniyang reaksiyon ay natawa ito.

“Pinagawa ko talagang ganiyan ang sofa na iyan para hindi agad mapansin ng iba kong bisita. Mukha lamang siyang kahoy na upuan sa labas subalit isang malambot na sofa talaga siya. Bihira lamang naman ang umuupo kapag nagtutungo sila sa office ko kaya hindi ito nalalaman ng iba.” pahayag ng mataas na hukom, “Gusto mo ba ng tsaa o kape?”

Nagtungo ang mataas na hukom sa kaniyang mesa at tila may kinuha ito. Nang magbalik ang mataas na hukom ay nanlaki ang mata ni Earvin sa nakitang hawak nito.

“Electric Kettle!” sigaw ni Earvin.

“Ito ba?” tugon ng mataas na hukom, “Itinatago ko talaga ito para nga hindi malaman ng iba.”

Kinuha din ng mataas na hukom ang mga tasa at inilagay ito sa mesa sa harap ni Earvin. Matapos ay nagtungo ito sa aparador na makikita sa silid.

Muling ikinabigla ni Earvin ng buksan ng mataas na hukom ang aparador. Hindi mga damit ang makikitang laman nito at ang loob nito ay naglilinawanag. Hindi tiyak ni Earvin kung ano mismo ang nilalaman ng aparador subalit isang bagay ang sigurado siya, isa itong refrigerator na nasa anyong aparador lamang sa panlabas nito. Muli isa nanaman itong pamamaraan ng mataas na hukom upang itago ang bakas ng modernisasyon sa gusaling ito.

“Ano ba ang gusto mo soft drinks o juice?” tanong ng mataas na hukom.

“Soft drinks na lang po.” tugon ni Earvin.

“Mabalik ako sa sinasabi ko.” sambit ng mataas na hukom, “After 16 years makakapagpakilala na ako sa iyo, hindi bilang ang mataas na hukom, kung hindi bilang lolo mo.”

“Ha?!” Napatayo si Earvin dahil sa narinig niya ang sinabi ng mataas na hukom. “Lolo? Paano naman nangyari iyon?”

“Alam ko na hindi ka maniniwala sa sasabihin at magiging mabilis ang pagpapaliwanag kung magpapakita na lamang ako ng mga ebidensya.” Nagtungo ang mataas na hukom sa bookshelf at kinuha ang isang libro. Isa itong photo album at ang mga larawan ay kinuha sa lupaing sinilangan ni Earvin.

“Tingnan mo itong larawan na ito, hindi ba ina mo ito?” Nakita ni Earvin sa larawan na pinakita sa kaniya ng mataas na hukom ang kaniyang ina. Sa larawan makikita ang kaniyang ina nung siya ay dalaga pa, masaya siya at may kasama siyang lalaki na hindi kilala ni Earvin.

“Ang lalaking iyan ang iyong ama, ang aking anak.” Muling nagpakita ng ibang larawan ang mataas na hukom. Sa unang larawan ay ang kaniyang ina at ang lalaki na ikinakasal. Nakita din niya sa larawan ang mataas na hukom noong hindi pa maputi ang buhok nito. Sa ikalawang larawan ay ang kaniyang ina na nagbubuntis sa kaniya. Sa ikatlong larawan ay ang kaniyang ama na karga ang sanggol at sa huling larawan ay ang mataas na hukom ang may hawak sa bata. “Ikaw yan noong bata ka pa. Ang liit mo pa dati pero ngayon ang laki mo na. At nakuha mo ang pagiging palaban at katapangan ng iyong ina.”

Lahat ng larawan na pinakita sa kaniya ng mataas na hukom ay patunay na may koneksiyon nga sila ng mataas na hukom. Subalit may mga bagay ang hindi niya maintindihan, kung talagang lolo niya nga ang mataas na hukom bakit inilihim ito ng kaniyang ina. At nais din niyang malaman kung bakit naman siya gustong mamatay ng mataas na hukom.

“Siya nga pala alam na ng iyong ina na nandito ka at pumapayag na din siya na manatili ka muna dito ng ilang araw.”

Tumayo ang mataas na hukom at tila may hinahanap siya sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang isang kagamitan, ito ay ang kaniyang cellphone at may ipinakita kay Earvin.

“Basahin mo, iyan ang pinag-usapan namin ni Linda.”

Nang makuha ni Earvin ang cellphone ay kaagad niyang binasa ang mga text messages dito.

ME:

Linda kamusta ka na? Nabalitaan ko na ikinasal ka na daw ulit. Bakit hindi mo man lamang ako inimbitahan.

Linda:

Pa, matagal na tayong walang koneksiyon. Magmula ito ng iwan kami ng anak ninyo. Nagawa ko ding palakihin ng mag-isa ang anak ko. Kaya pakiusap hayaan niyo naman akong lumigaya.

ME:

Hindi lang pala iyon ang nalaman ko. Narinig ko din na nagpunta ng Pilipinas ang apo ko, si Earvin. Siguro naman ay pwede ko siyang makita?

Linda:

Huwag na huwag mong magawang lumapit kay Earvin. Hindi niya na kailangang malaman at masangkot pa sa mga gawain mo. Hinding hindi ko pa nalilimutan ang ginawa mo sa pamilya ko. 

Linda:

Kung hindi dahil sa iyo at sa buhay na mayroon ka, hindi sana nasira ang pamilya namin. Nang ipakita mo sa asawa ko ang mundong kinabibilangan mo, nawalan ng ama si Earvin. At maging ako ay nagdusa at naghirap. Hindi ko hahayaang kunin mo din sa akin ang anak ko at danasin niya ang hirap at kamalasan na dala mo.

ME:

Linda huwag ka sanang mabibigla pero nandito na ang anak mo. Inatake siya ng isang aswang at kritikal ang kalagayan. Pero don't worry, ligtas na siya ngayon. Nakita ko mismo na magaling na siya. Tutal nandito na din naman siya siguro ay magpapakilala na ako sa kaniya.

Linda:

ANONG SINABI MO!? MAY NANGYARING MASAMA SA ANAK KO. Sinasabi ko na nga ba na kamalasan lamang ang dala mo. At nangyari lahat ng yan dahil bigla kang nagparamdam.

Linda:

HINDI! HINDI AKO MAKAKAPAYAG! PAUWIIN MO SIYA! KUNG AYAW MO AKO MISMO ANG PUPUNTA SA IYO!

ME:

Huwag kang mag-alala nasa mabuti siyang kalagayan. Walang masamang nangyayari sa kaniya dito. Gustong gusto nga siya ng mga tao dito at sabi niya gusto niya din na dito daw muna siya ng ilang araw, possibly years.

Hindi pa man natatapos basahin ni Earvin ang usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay biglang namatay ang cellphone. Naubusan na ng karga ang baterya nito at hindi na niya nalaman kung ano ang mga sunod na sinabi ng kaniyang ina. Natitiyak niya na hindi basta papayag ang ina niya dahil matagal din bago niya nakumbinsi ito sa pag-uwi niya sa Pilipinas. 

Subalit dahil sa text messages na ito may ilang bagay siyang nasiguro. Una, ang kamalasan niya ay dahil sa mataas na hukom na kaniyang lolo at ang pagiging sangkot dito ay magdudulot lamang sa kaniya ng problema. Ikalawa, gumagana at nakakagamit ng teknolohiya sa lugar na ito. At ikatlo may paraan upang makauwi siya sapagkat hindi na niya nanaisin na magtagal pa sa magulong lupain na ito.

Related chapters

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

    Last Updated : 2021-07-19
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

    Last Updated : 2021-07-25
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

    Last Updated : 2021-08-30
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

    Last Updated : 2021-08-31
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 9

    Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B

    Last Updated : 2022-09-16
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 10

    Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

    Last Updated : 2022-09-16
  • Bayani: Katutubong Diyos   Prologo

    Mula sa pananampalataya, kumukuha tayo ng lakas, at sa ating pananampalataya, sila ay nabubuhay.Totoo ang mga Diyos na ating sinasamba at pinaniniwalaan. Ang salitang Diyos ay titulo na ibinibigay sa mga makakapangyarihan at maraming taga-sunod. Gaya na lamang ng mga Diyos sa iba't ibang dako ng mundo, ang ating bansa ay mayroon ding Katutubong Diyos. Hindi nga lamang natin sila gaanong kilala dahil hindi nila nais magpakita sa atin. Subalit, lumipas man ang panahon, nandiyan pa rin sila at tumutulong sa atin.Ang mga nasabing Katutubong Diyos ay naninirahan sa lugar na kung tawagin ay “Kawalhatian”, at mula rito ay patuloy silang gumagabay sa kanilang nasasakupan at taga-paniwala. Maging ang mga Diyos ay may sinusunod na mga alituntunin, at dahil sa Kasunduan ng mga Diyos ay nanatili sila sa Kawalhatian.Isa na nga sa mga Katutubong Diyos na nananahan sa Kawalhatian ay si Bathala. Si Bathala, kilala rin bilang Abba at Bathalang Maykapal, ay ang pinakamataas sa lahat ng Katutubong Diy

    Last Updated : 2021-06-21
  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 1

    Isang binata ang nagising sa isang hindi kilalang gusali. Nakahiga siya sa isang kama, at ang pagkakaayos ng mga kagamitan dito ay nahahawig sa isang ospital. Subalit, masyado itong makaluma para tawaging isang ospital, at walang anumang aparato na ginagamit para sa mga pasyente ang makikita. Maging ang mga kagamitan ay sinauna, gaya na lamang ng kaniyang hinihigaan, isa lamang itong matigas na papag, sa halip na isang malambot na kama na mas komportable higaan para sa mga pasyente. Kapansin-pansin din na maraming mga higaan ang makikita na nakapaligid sa kaniyang kinatatayuan, ngunit wala ni isa man ang makikita rito, lahat ito ay bakante.Pinilit niyang bumangon ngunit hindi kinaya ng kaniyang katawan. Napasigaw na lamang ang binata dahil sa sakit na naramdaman mula sa sikmura, maging sa mga braso. Pinagmasdan niya ang sarili at nakita na ang mga ito ay nababalot ng mga benda.Sa kaniyang sigaw ay nagising ang isang lalaki, hindi niya namalayan na may nakahiga sa upuan sa kaniyang ta

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 10

    Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 9

    Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 8

    Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 7

    Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 6

    Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 5

    Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 4

    Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 3

    • Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu

  • Bayani: Katutubong Diyos   Kabanata 2

    Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status