Isang binata ang nagising sa isang hindi kilalang gusali. Nakahiga siya sa isang kama, at ang pagkakaayos ng mga kagamitan dito ay nahahawig sa isang ospital. Subalit, masyado itong makaluma para tawaging isang ospital, at walang anumang aparato na ginagamit para sa mga pasyente ang makikita. Maging ang mga kagamitan ay sinauna, gaya na lamang ng kaniyang hinihigaan, isa lamang itong matigas na papag, sa halip na isang malambot na kama na mas komportable higaan para sa mga pasyente. Kapansin-pansin din na maraming mga higaan ang makikita na nakapaligid sa kaniyang kinatatayuan, ngunit wala ni isa man ang makikita rito, lahat ito ay bakante.
Pinilit niyang bumangon ngunit hindi kinaya ng kaniyang katawan. Napasigaw na lamang ang binata dahil sa sakit na naramdaman mula sa sikmura, maging sa mga braso. Pinagmasdan niya ang sarili at nakita na ang mga ito ay nababalot ng mga benda.Sa kaniyang sigaw ay nagising ang isang lalaki, hindi niya namalayan na may nakahiga sa upuan sa kaniyang tabi. Sa pagtayo ng lalaki ay agad siyang sinuri ng binata, nakita niya na kakaiba ang pananamit nito. Nakasuot ang lalaki ng maliit na baluti at short na gawa sa balat ng hayop, at mga botang gawa sa fur. Nakita niya ang naglalakihang mga braso at dibdib ng lalaki, maging ang bahagi ng tiyan na hindi nasasakop ng baluti, bagama't may benda at kaunting dugo, ito ay kakikitaan ng kakisigan. Hindi lamang dito siya may sugat, ang ilang bahagi ng kaniyang mga hita at braso, maging sa kaniyang mukha, ay may mga marka at sugat mula sa mga matutulis na kagamitan.“Mabuti naman at nagising ka na,” sambit ng lalaki, “Ako nga pala si Alan. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ka napunta dito. Bakit hindi mo subukang alalahanin ang mga nangyari sa iyo.”“Pasensya na Alan ngunit wala akong maalala,” tugon ng binata, “Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit ako naririto.”“Marahil ay dapat simulan natin sa iyong pagkakakilanlan,” kaniyang tinuran, “Ano ang ngalan na ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang, marahil ay hindi mo naman ito nalilimot?”“Earvin,” pakilala ng binata, “Earvin Mendoza.” Sinubukan niyang makipagkamay ngunit hindi magawang kumilos ng kaniyang katawan dahil sa sakit.“Ikinagagalak ko na malaman na taglay mo ang karangalan ng iyong pamilya.”Dahil sa sinambit ni Alan ay naguluhan ang binata. Hindi naman ito naitago ng binata kaya naman agad nagpaliwanag si Alan.“Mendoza, ang karangalan na nagpapatunay na nabibilang ka sa pamilyang iyong binanggit.”“Ibig mong sabihin ay apelyido?”“Tama, apelyido,” sambit ni Alan, “Malaki kasi ang pagkakaiba ng mga salitang ginagamit sa aming lupain kung ikukumpara sa inyo. Sa lupaing ito ay napakalaki ang karangalan at benepisyo na matatanggap kapag taglay mo ang ngalan at sagisag ng inyong pamilya. Halimbawa, ang mga pamilya na nabibilang sa mataas na antas at unang sangay ng pamilya, ang nagkakaroon ng pinakamagandang katungkulan, gaya ng pagmamay-ari ng mga lupain o pamumuno ng isang lugar. Ang mga ikalawa at ikatlong sangay naman ang nagsisilbi para sa pamilya ng unang sangay, sila ang mga tagapangalaga ng lupain at iba pang gawain. Ang ikaapat at ikalimang sangay ay ang mga pangkaraniwang mamamayan lamang.”“Kung ganoon saang sangay ka nabibilang Alan?”“Hindi ako nabibilang sa anumang sangay,” malungkot niyang tugon, “isa akong Bastardo, hindi lehitimong anak, anak sa labas o kung tawagin ng iba ay isang pagkakamali.”“Hindi ba dapat kahit na anak ka sa labas ay maaari mong gamitin ang apelyido ng iyong ina?”“Gaya ng sabi ko, naiiba ang lupain na ito kaysa sa inyo. Kahit na ikaw ay nasa pinakamataas na sangay ka nabibilang, kapag isa kang Bastardo, wala kang karapatan na magtaglay ng ngalan ng inyong pamilya. Maliban na lamang kung tatanggapin ka ng pinuno ng pamilya.”“At kapag isa kang Bastardo ay makatatanggap ka ng mga pang-aapi, pangungutya at pang-aalipusta,” dagdag pa ni Alan, “Subalit huwag kang mag-alala sapagkat kapag ikaw ay nakabilang sa mga Bayani, mas mataas na karangalan pa ang iyong matatanggap.”“Kung ganoon isa kang bayani?” usisa ni Earvin, “Pero kung bayani ka bakit wala ka sa mga history books o kahit isa mang records.”“Dahil nga naiiba ang lupain namin sa inyo,” natatawang sambit ni Alan, “Ang mga bayani na iyong binabanggit ay yaong mga nagsilbi sa bayan at inialay ang kanilang buhay para sa kalayaan. Ang mga Bayani sa lupaing ito ay mga mandirigma na nagtataglay ng basbas ng mga Diyos. Kami ang nagbabantay at nagpoprotekta sa mga mamayan ng dalawang lupain mula sa mga nilalang na nagdadala ng kapahamakan.“Sandali lamang, kanina mo pa inuulit ang salitang lupain? Ano ba ang ibig mong sabihin na magkaiba at dalawang lupain?”“Marahil ay dapat ito ang una kong binigyang linaw at ipinaliwanag sa iyo,” sabi niya, “Ikaw ngayon ay nasa Bahaghari, lugar na naiiba sa inyong lupain. Wala ka sa lupain na tinatawag niyong Mundo o sa bansang Pilipinas. Ang Bahaghari ay matatagpuan sa gitna ng mga lupain at pinangangalagaan ng mga Diyos sa Kawalhatian.”“Ano!? Ibig mong sabihin na malayo ako ngayon sa amin!? At hindi basta malayo kung hindi nasa sa ibang mundo ako!? H-hindi, hindi ito maaari.” Sandaling tumahimik si Earvin para mag-isip. “Nauunawaan ko na. Ang galing mo Alan muntik mo na akong maloko. Kaya pala paggising ko, parang may kakaiba na akong naramdaman. Isa lang itong prank, alam kong may nakatagong camera na nagrerecord sa akin ngayon.”“Lumabas na kayo diyan! Bistado na kayo! Alam kong prank lang ito kaya naman huwag na kayong magtago,” paulit ulit na sinisigaw ni Earvin, “Masasabi kong napakagaling nitong aktor na kinuha ninyo, muntik niyo na akong mapaniwala.”“Huminahon ka ginoong Mendoza. Wala akong alam sa sinasabi mo, at lahat ng aking nabanggit ay puro katotohan lamang. Wala akong ginawang masama sa iyo, naririto ka ngayon dahil iniligtas ko ang iyong buhay.”“A-anong ibig mong sabihin na katotohanan. Kahit saang anggulo mo tingnan, napaka-imposibleng mangyari lahat ng sinasabi mo.”“Ginoo, alam kong ikaw ay naguguluhan, ngunit kung ikaw ay magiging mahinahon at pahihintulutan mo akong magpaliwanag ay tiyak na malilinawan ka.”“Sabihin na nga natin na may katotohanan ang mga sinasabi mo. Ano namang kinalaman ko dito at napunta ako sa lupain niyong ito?”Sinubukan ni Earvin na huminahon at paniwalaan ang sinasabi niya. Naisip niya, sakaling may sira lamang sa ulo ang lalaking kausap niya, tatakas na lamang siya. Subalit, naalala niya na siya ay sugatan, at ang sakit na kaniyang nararanasan ay hindi gawa-gawa lamang. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa kaniya. Napagtanto din niya na hindi siya makakalayo at makakilos dahil sa kaniyang kalagayan ngayon. Kung magawa nga niyang makagalaw at subukang tumakbo, may posibilidad na si Alan ang may gawa nito sa kaniya, at kapag ginalit niya ito ay tiyak na mapipigilan agad siya ng lalaki, maaari na madagdagan pa ang sakit na nararanasan niya. At kung magtagumpay man siyang makatakas, maaaring maligaw lamang siya dahil hindi niya alam kung nasaan talaga siya, at kung saan siya maaaring pumunta upang humingi ng tulong. Huminga siya ng malalim at pinahintulutan na lamang si Alan na magpaliwanag.“Dalawang araw ang nakararaan, unti unting lumakas ang masasamang nilalang at nagsimulang lumusob sa iba't ibang bayan. Kaunti lamang kami pero nagawa naming gapiin ang mga masamang nilalang, ngunit hindi namin ito kaagarang natapos. Marami rin ang naging sugatan sa pangkat naming mga Bayani. Dagdag pa rito, bigla na lamang naming nalaman na may isang grupo pa ng nilalang na nanggugulo sa ibang lugar. Kaya naman lubos kaming nahirapan at nagresulta sa pagbubuwis ng buhay ng ilan naming kasamahan.”“Teka ano ba itong nilalang na sinasabi mo?” putol ni Earvin.“Ito ay ang mga Aswang—”“ASWANG!?” gulat na tugon ni Earvin, “totoo ang mga ito!?”“Oo at isang malakas na aswang ang nakaharap namin ng gabing iyon.”Sa pagkakabanggit ng salitang aswang ay unti unting nagbalik ang ala ala ni Earvin. Ito ay isamg gabing madilim at malalim, at ang liwanag ng buwan ang gabay niya sa paglakad. Ito rin ang gabing tinutukoy ni Alan.Nang gabing iyon, pauwi na si Earvin sa kaniyang boarding house mula sa isang part-time job. Nagtatrabaho siya sa isang fast food chain at may panghapong duty, dahil sa umaga siya ay nag-aaral. Hindi naman kulang sa pera si Earvin para kailanganin niyang magtrabaho, sa katunayan ang kaniyang ina ay nasa Canada. Dati ay doon siya nag aaral at naninirahan, ngunit kamakailan lamang ay nagpakasal ang nanay niya sa kaniyang Canadian boyfriend na may mga anak na din. Hiniling na lamang ni Earvin na makabalik sa Pilipinas, pero nangako na babalik na lamang sa Canado kapag nakatapos siya ng sekondarya.Tuwing gabi ay napipilitan siyang dumaan sa isang eskinita na napakadilim,o kung minsan sa lugar na maraming tambay na mapagbiro. Dahil dito gabi gabi ay handa siya, at kahit papaano ay may dalang proteksiyon para sa sarili.Walang ilaw sa lugar na kaniyang dinaanan, ngunit nang gabing iyon ang buwan ay nagtataglay ng napakaraming liwanag, kaya naman kahit malayo ay tanaw niya ang isang lalaki. Maging sa likuran niya ay may isa pang lalaki na tila sumusunod sa kaniya.Kahit kaunti ay marunong siya ng self-defense, kaya naman hindi siya gaanong nangangamba na mapahamak. Ngunit dahil ayaw niyang magkaroon ng 'di inaasahang pakikipag-away ay nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Naisip din naman niya na masama ang manghusga ng kapwa.Sa ilang segundo ng pag iisip ay nakalimutan niya ang kaniyang depensa. Kaagad na nakalapit sa kaniya ang lalaki, at mula sa likuran ay hinawakan siya sa kaniyang balikat. Sa pagkabigla ay agad niyang kinuha ang kaniyang stun gun at ginamit sa lalaki. Epektibo ang paggamit niya sa stun gun dahil napabagsak agad niya ang lalaki.Mula sa kaniyang likuran, mabibilis na pagtakbo ang kaniyang naririnig, at sa kaniyang pagharap isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natanggap. Kailanman ay hindi pa nakakaranas ng pakikipag-away si Earvin, kaya naman halos masuka at agaran siyang bumagsak. Habang hawak ang namimilipit sa sakit na sikmura, pinagsisipa siya ng kasamahan ng lalaking nasaktan niya. Walang duda na pagnanakaw ang motibo ng mga lalaki dahil kaagad na hinanap ng mga ito ang kaniyang wallet.Bigla na lamang tumigil ang mga lalaki sa ginagawa nilang pananakit kay Earvin. Sa sandaling ito, kahit na nahihirapan siya ay pinilit niyang tumayo at harapin ang mga magnanakaw. Nakabaling ang lahat ng atensyon nila sa kung anuman ang nasa likuran ng binata. Nanlalaki ang mga mata at hindi magawang gumalaw ng mga magnanakaw dahil sa kanilang tinititigan, nakita pa ni Earvin na ang isa sa kanila ay may tumutulong likido sa kaniyang pantalon, kaya naman hindi niya napigilang mapangiti at tumawa ng kaunti.Saka lamang niya na napansin na tila dumilim sa lugar na iyon. Naisipan niyang tingnan ang nasa likuran niya, at nalinawan siya kung bakit hindi makagalaw at naihi sa pantalon ang mga magnanakaw. Mula sa pinagbagsakan ng lalaking kaniyang nasaktan, nakatayo ang isang malaking tila aso o lobo na nilalang.Kitang kita niya ang nanlilisik na kulay dugong mga mata na nakatitig sa kaniya. Ang naglalakihang pangil at ngipin, maging ang mga laway na tumutulo mula sa bibig at takam na takam sa lamang nakikita. Ang matutulis na mga kamay at kuko na kayang tumagos at makasira ng iyong mga buto. Maging ang katawan nito ay puno ng balahibo, napaka-kapal na tila hindi tatablan ng anumang sandata.Tulad ng mga magnanakaw ay hindi na siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nagpakawala naman ng isang malakas na alulon ang halimaw, nangangahulugan lamang na hindi ito nag-iisa at kaniyang tinatawag ang mga kasama. Dahil dito ay nagsimulang magtakbuhan ang mga magnanakaw, ngunit si Earvin ay naiwan at patuloy na nakatitig sa mga mata nito, kung saan kitang kita ang repleksyon ng isang binatang namumutla sa takot dahil sa nalalapit sa kaniyang kamatayan.Matapos ng mahabang alulon ay ang katahimikan. Katahimikan na nagbigay kakayahan kay Earvin na marinig ang tibok ng kaniyang puso, malakas at mabilis, halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib. Sa wari niya, sa lakas ng tibok ng puso niya, ay naririnig din ito ng halimaw at dahilan para lalong matakam sa kaniya.Dumating na nga ang dalawa pang halimaw na tumugon sa tawag ng kaniyang kasamahan. Agad naman siyang kinalmot sa katawan, at kinagat ang kabuuan ng kaniyang braso. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng binata habang unti unting bumabaon sa kaniyang laman ang mga pangil hanggang sa kaniyang buto. Nagpumiglas siya at tuluyan ngang nakawala, subalit nabigla siya nang makita ang dahilan kung paano niya nagawang kumalas sa halimaw, ang kaniyang kaliwang kamay ay wala na.Nakita niya ang pagkain ng halimaw sa nawalang bahagi ng katawan, at ang kaniyang malakas na pagdurugo. Bumagsak ang kaniyang katawan dahil sa sakit at hindi na siya nakakilos. May dumating namang mga lalaki, nagsimula ang mga ito na makipaglaban sa mga halimaw. Kasunod nito ang unti unting pagkawala ng kaniyang malay. Dahil na din sa sakit at pagkaubos ng dugo, hindi na niya napagtuunan ng pansin ang naglalaban. Bago pa man siya tuluyang nawalan ng malay, nakita niya ang pagbagsak ng halimaw sa harapan niya at nakipagtitigan pa ito sa kaniya, tila tinitimbang ang kaniyang kaluluwa. At ang pagtalsik ng isang duguang ulo, ulo ng isa sa mga tumulong sa kaniya at bumagsak sa pagitan ng kaniyang mga hita.Mula sa nakakatakot na tagpong ito, natapos ang ala-ala ni Earvin. Hanggang dito na lamang ang natatandaan niyang nangyari dahil agad siyang nawalan ng malay. Ang hula niya ay si Alan ang siyang nagligtas sa kaniya, at dinala siya sa lugar na ito oara magpagaling.“Maraming naging sugatan, ngunit ikaw ang pinakamalala, kaya naman ikaw ay mabilis kong dinala dito,” paliwanag ni Alan, “Ito ay dahil wala akong alam na hospital sa lupain ninyo. At kung sakali man na madala kita sa hospital, hindi naman nila tuluyang mauunawaan kung ano ang nangyari sa iyo, sapagkat iilan na lamang sa inyo ang mga taong nakakaalam at naniniwala sa mga nilalang na gaya namin at sa mga Aswang. Hindi naman kita pwedeng pabayaan dahil ikamamatay mo kung wala kang matatanggap na tulong.”Unti unting nagbalik sa realidad si Earvin, napahawak siya sa kaniyang kaliwang braso at ikinagalak na ito ay nakadikit pa sa kaniya.“Kayo ba ang may gawa nito? Kung ganoon may kakayahan din kayo na ibalik ang nga nawalang bahagi sa katawan ng tao,” usisa niya habang nakaturo sa kaniyang kaliwang balikat.“Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko naiintindihan ang iyong tinuran.”“Itong balikat at braso ko, paanong nabalik ito?”“Napakaimposible naman ng iyong sinasabi,” tugon ni Alan, “Matapos naming matalo ang dalawang aswang, kaagad ka naming tinulungan. Napakatindi ng iyong tinamong sugat at himalang ikaw ay nakaligtas, ngunit maaalala namin kung may bahagi ng katawan na nawala sa iyo. At kahit gaano kagaling ang aming medisina at dasal sa mga Diyos ay hindi nito kayang magbalik ng nawalang bahagi ng katawan.”“Pero—” nagtatakang tugon ni Earvin, “At sinabi mo rin bang dalawa lang yung halimaw. Tandang tanda ko na tatlo sila.”“Marahil ay kailangan mo pang magpahinga,” natatawang tugon ni Alan, “Iiwanan muna kita dahil alam kong nabigla ka pa sa mga pangyayari. Kukuha muna ako ng ating makakain.”Matapos iwan si Earvin ay umayos siya ng paghiga at nag isip isip. Maaaring hindi eksakto ang mga bagay naaalala niya. Ngunit ang katotohanan na muntik na siyang mamatay at ngayon ay nasa ibang lugar na ay hindi na magbabago. Mahirap man itong paniwalaan, dahil ang mga pangyayaring ganito ay sa libro at pelikula lamang niya makikita, kailangan niya itong tanggapin sapagkat ito ang katotohanan, at ito na ang kaniyang bagong kapalaran.Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng
• Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu
Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka
Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti
Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P
Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang
Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am
Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B
Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil
Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B
Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am
Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang
Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P
Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti
Si Earvin na lamang ang siyang natitira sa bulwagan. Patuloy niyang pinag-iisipang maigi ang kaniyang napakasama at malas na kapalaran. Una ay napahamak siya nang makaharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Aswang at dahil dito ay nalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Nagawa man niyang lampasan ang kamatayan subalit di niya naisip na may kasunod pang problema, ito ang paglilitis na maaaring maghantong muli sa kaniyang kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan niya itong mangyari subalit para magawa ito ay kailangan niyang itaya ang kaniyang buhay sa isang labanan. Nang magawa niyang manalo hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap dahil nais nila na siya ay sanayin upang maging tagapagtanggol ng dalawang lupain at isakripisyo ang buhay para sa bayan. Mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari, puro na lamang pagdurusa at paghihirap ang kaniyang naranasan. Tila ba may isang malakas na pwersang nagnanais na maglaho sa mundong ito ang binata. At sa pagkaka
• Ilang oras bago ang paglilitis • “Huwag kang mag alala Earvin may naisip na akong paraan upang hindi ka nila hatulalan ng kamatayan basta gawin mo lamang lahat ng sasabihin ko at sumunod ka sa plano masisigurado ang kaligtasan.” pahayag ni Alan. “Kung pag-iisipan mong maigi ay malalaman mo na anunang depensa at kasagutan ang sabihin mo sa hukom ay tiyak na magreresulta sa iyong kamatayan.” paliwanag ni Alan, “Subalit may isang paraan para matiyak ang iyong kaligtasan, manganib subalit siguradong gagana ito.” “Anong paraan ito?” tanong ni Earvin. “Ito ang paghingi ng paglilitis gamit ang pakikipaglaban.” “Hindi ba laban hanggang kamatayan ang iyong sinasabi?” sabi ni Earvin, “Siguradong mas ikamamatay ko kapag nangyari iyan.” “Huwag kang mag alala, sa kalagayan mo ngayon hindi kita papayagang lumaban.” sambit ni Alan, “Gagamitin natin bilang dahilan ang pagiging sugatan mo. Kaya naman hahanap tayo ng isang magaling na mandirigma na tu
Ilang araw na ang nakalipas mula ng dumating si Earvin sa Bahaghari at mahaba na rin ang kaniyang naging pahinga. Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng sakit at nabangon at nakakatayo na rin siya. Mabilis siyang gumaling subalit kailangan pa rin siyang obserbahan at mag ehersiyo ng kaunti para tuluyan na siyang gumaling. “Ginoo, naririto na po ang gamot na kailangan ninyong unumin.” pagpapaalala ng babaeng nagbabantay sa kaniya. Hindi pa kilala at nagagamit sa Bahaghari ang mga makabagong medisina o iyong mga tabletang gamot, maging kagamitan at aparatong pangmedikal ay hindi matatagpuan dito. Sa halip ang lupain ay naka asa sa mga halamang gamot, dasal at mga natural na pamamaraan ng pagpapagaling. Dalawang uri ng medikasyon ang isinasagawa sa kaniya, una ay ang pag inom ng isang halamang gamot na pinakuluang maigi at ipinagdasal sa Diyosa ng mga Halamang Gamot na si Dihas at Diyos ng Pagpapagaling na si Kilubansa. Ang pangalawa naman ay ang pagpapahid sa kaniya ng