Bayani: Katutubong Diyos
Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno.
Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain.
Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan.
Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang.
Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Read
Chapter: Kabanata 10Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil
Last Updated: 2022-09-16
Chapter: Kabanata 9Hindi pa man nagbubukang liwayway ay naghahanda na sina Alan at Earvin sapagkat ngayong araw gaganapin ang pagsusulit na lalahukan ng binata. Isinasaayos nila ang mga bagay na gagamitin ni Earvin sa pagsusulit.Ayon kay Alan aabutin ng ilang araw ang pagsusulit kaya mahalaga na pag isipang mabuti ang kaniyang dadalhin dahil maaari itong makatulong o makasira sa kaniya. Una ay ang paglalagyan ng gamit niya. Sa lupain ni Alan ay wala pang backpack at tanging bayong at basket lamang ang nagsisilbing bag para sa kanila. At dahil hindi ito ang naaangkop na gamitin sa pagsusulit ay gumawa na lamang sila ng sariling bag nila. Ito ay isa lamang tela na tinahi ni Lola Linda at nilagyan tali para madaling dalahin.Pagdating naman sa kasuotan, hindi na sana padadalhan ni Alan ng damit si Earvin dahil ipadadala naman na ito kung lugar ng B
Last Updated: 2022-09-16
Chapter: Kabanata 8Malalim ang naging paghinga ni Earvin habang nakahiga siya sa lupa. Si Alan naman ay nakaupo sa kaniyang tabi. Katatapos lamang ng kanilang laban at dahil nagawang tamaan ni Earvin si Alan ay tinupad niya ang kaniyang pangako. “Ako at labinlima pang bata ang naninirahan sa bundok Al-an. Hindi kami magkakapatid pero pamilya ang turing namin sa isa't isa. Lahat kami ay wala ng pamilya, ang ilan ay inabandona, binenta o hindi naman kaya ay naulila dahil sa mga laban. Siyempre may mga taga pangalaga kami, sila ang tinuring naming mga magulang at nakatatandang kapatid.” “Subalit ang masaya naming pamumuhay ay hindi nagtagal dahil sinundan kami ng kaguluhan. Nang araw na iyon may mga mangangaso na naligaw sa bundok. Nakatago ang aming tahanan at hindi madaling makita pero may ilang bata ang naglaro ng apoy at nagsiga. Dahil sa usok ay madaling natuntun ng dalawang lalaki ang aming tahanan.” “Noong una ay tinanggap namin sila, binigyan ng makakain at pinatuloy sa am
Last Updated: 2021-08-31
Chapter: Kabanata 7Nagising si Earvin ng may marinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya makita si Alan sa loob ng bahay at napansin niya na maliwanag na kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Nagulat siya dahil ang pinagmumulan pala ng ingay ay si Alan habang hila hila nito ang isang malaking puno. “Magandang umaga kaibigan,” bati nito sa kaniya, “Hindi na kita ginising dahil naisip ko na mas kakailanganin mo ang iyong pahinga. Hindi natin alam baka iyan lang ang pagkakataon mo na makapagpahinga.” Binitawan ni Alan ang dala niyang puno at naramdaman ni Earvin ang kaunting pagyanig nang bumagsak ang puno sa lupa. “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ating gagawin. Mula sa pahayag at impormasyon na ibinigay sa akin ni Yajaira, ang pagsusulit ay gaganapin sa kagubatan ng Aliwe. Nanganaghulugan lamang na aabutin ito ng ilang araw.” “Wala naman akong nakikitang problema dito.” “Pabago bago ang pagsusulit na isinasagawa para sa Bayani. At kung lakas lamang at labanan ang
Last Updated: 2021-08-30
Chapter: Kabanata 6Naging tahimik ang paglalakbay nina Alan at Earvin. Walang sinuman sa kanila ang nais banggitin ang bagay na napag-alaman nila sa tanggapan ng mataas na hukom. Napansin ni Earvin na tila hindi ito ang daan na kanilang tinahak noong sila ay papunta dito. Kanina ay nagdaan sila sa kabahayan na gawa sa mga bato at kasunod nito ay mga bahay na gawa sa kahoy. Subalit sa kanilang dinadaanan ngayon tanging mga puno at kagubatan lang ang kaniyang nakikita. Iilan lamang din ang mga bahay na natatanaw niya at mga tao. “Sandali Alan, parang hindi ito ang dinaanan natin kanina.” sambit ni Earvin. “Tama ka.” tugon ni Alan, “Hindi nga ito ang daan na tinahak natin kanina sapagkat hindi na tayo babalik sa pagamutan. Una hindi na natin kailangan ang lugar na iyon kaya hindi na tayo babalik at ikalawa ay wala na din akong salapi na maipangbabayad para sa pagpapagamot mo. Kaya naman sa ibang lugar na tayo tutungo.” “Saan na tayo tutuloy?” “Sa aking tahanan.” “P
Last Updated: 2021-07-25
Chapter: Kabanata 5Matapos basahin ni Earvin ang pinag-usapan ng mataas na hukom at ng kaniyang ina ay lalo lamang siyang nagduda sa matanda. Totoo na patunay ito na apo nga siya ng mataas na hukom subalit kapansin-pansin din ang ginawang pagsisinungaling nito. “Sabi mo pumayag ang aking ina na dito muna ako sa pangangalaga mo.” sambit ni Earvin, “Pero kung makikita mo dito halata naman na galit na galit siya at hindi siya pumapayag.” “Ah, yan ba?” tugon ng mataas na hukom, “Masasabi mo na ito ay on process pa. Pero kung titingnan mo naman ay doon din ito papunta. Kaya naman it's safe to assume na pumapayag na siya. At saka kailangan ko na lamang naman na kausapin siya, tiyak naman ako na papayag yon.” “Hindi pwede! Sinabi niya na mismo na hindi ako mananatili dito. Isa pa ayaw ko din dito kaya mas mabuti pa na umalis na ako. Sabi mo maraming natutuwa sa akin dito pero sa katotohanan wala ni isa ang gusto na nandito ako, mas gusto nila na mawala ako kaya naman makabubuti
Last Updated: 2021-07-19