POV- Aria.
Ngayon sana ang araw ng paghahanap ko ng trabaho, dahil sa sunod na linggo na simula ng klase ko sa kolehiyo wala pala akong resume. Isinama ko ang tatlo kung kapated sa computer shop para magpagawa ng resume, madali lang naman gawin ang resume kaya mabilis lang din kami natapos. Habang pauwi kami nakita kung may nakasulat na hiring sa Jollibee kaya tumawid ako ng kalsada kasama ang tatlo kung kapated iniwan ko lang mona sila sa tabi ng nakatayo na Jollibee sa labas. "Kuya guard hiring pa po ba ng waitress dito?" Tanong ko. "Sorry miss hindi na sila hiring wala ng bakante." sagot ng guard sa akin. "Bakit po may nakapaskil pa na hiring po sila?" Tanong kung muli. "Nakalimotan lamang nila yan tanggalin. Pagkakaalam ko kase kahapon pa sila nag stop hiring." sagot muli ni kuyang guard sa akin. "Kahit Janitress po ba hindi na sila hiring." Bakasakali kung tanong ulit. "Wala na talaga miss. Sa iba kana lamang mag apply baka hiring pa sila." Sagot muli ni kuyang guard. "Sege na po kuyang guard baka po hiring pa dito. Kahit Janitress lang, kelangan ko lang po talaga ng trabaho, para may maipakain lang ako sa mga kapated ko." "Miss umalis kana lang baka mapagalitan pa ako ng manager dito sa pinagtatrabahuhan ko mawalan pa ako ng trabaho." Pagtataboy na sa akin ni kuya guard. "Eh kuya baka pwede akong mag iwan na lang saiyo ng resume kapag nag hiring sila pakitawagan na lang ako." wika ko. "Bawal kami magtanggap ng resume kapag stop hiring na, pasensya na talaga." Saad ni kuyang guard. "Ganun ba". Laglag ang aking balikat sa sagot ni kuyang guard sa akin. "Anong ingay ito kuya Edwin? Anong pinag uusapan ninyo? Tanong ng magandang babae. "Eh ma'am nagpupumilit na magpasa ng resume eh ang sabi ko stop hiring na dito." Paliwanag ni kuyang guard. "Pasensya na po ma'am kung nagpupumilit ako na mag iwan dito ng resume kailangan ko lang po talaga ng trabaho ngayon. "Ate umuwi na tayo, nagugutom na po kami." Paglapit sa akin ni Floriza. "Ganun ba sege tara na, Alis na po kami pasensya na po ulit." paalam ko sa babae at kay kuyang guard. "Nasaan na ang resume mo? Tanong sa akin ng babae pero inulit ko pa, baka mali lang ang aking pagkarinig. "Ano po ulit?" tanong ko. "Ibigay mo sa akin ang resumes mo ako na ang bahalang kumausap sa manager dito." wika ng babaeng lumapit sa akin. Agad ko naman kinuha sa aking envelope na hawak ang isang piraso kung resume at iniabot ko sa kanya. "Ito po ma'am." wika ko. "Hintayin mo na tawagin ka. pumasok kayo s loob isama mona rin ang mga kapatid mo, mainit dito sa labas." Saad ng babae. Tuwang-tuwa naman ako sa sinabe sa akin ng babae kaya agad kung inaya ang tatlo kung kapated. "Tara sa loob doon na mona daw tayo maupo sabi ng babae. "Segurado kaba ate baka mapagalitan tayo don, hindi naman tayo kakain dahil wala naman tayong pera. "Basta sumunod na lang kayo sa akin, baka mapagalitan pa tayo kapag hindi ko sinunod si madam lalong hindi ako matanggap sa trabaho kaya h'wag ng makulit okay." Wika ko sa tatlo kung kapated. "Okay po ate." sagot ng tatlo sa akin. "Tiisin nyo na lamang yong amoy ng pagkain ng chicken at spaghetti, h'wag nyo narin pag masdan ang mga kumakain para hindi kayo mainggit at magutom dahil sa amoy," saad kung muli. Ng makapasok kami sa loob agad akong naghanap ng mauupuan. May nakita ako sa sulok bakante yong upuan tamang tama sa aming apat kaya agad kong inaya sa sulok ang aking tatlong Kapatid at naupo na kami habang naghihintay na tawagin ako. "Ate sana matanggap ka sa trabaho para makakain naman kami dito sa loob ng Jollibee." Wika ni Floriza. "Hayaan n'yo kapag natanggap ako hindi lang sa Jollibee ko kayo dadalhin pati narin sa Mcdo at chowking." Saad ko sa kanila. "Totoo ate!" tanong ni Frederick. "Oo pramis ko iyan sainyo kaya ipagdasal ninyo na sana matanggap ako." Sagot ko. "Yehey! Ang baet talaga ng ate ko. Sana papa Jesus matanggap ang ate ko dito para makakain kami ng masarap." tuwang-tuwa na saad ni Floriza. Mga ilang sandali pa ay may lumapit sa amin na waitress. "Ma'am ano ang order ninyo?" Tanong ng waitress. "Pasensya na po hindi po kami oorder wala kaming ibabayad, hinihintay ko lang po na tawagin ako para sa interview ko." Sagot ko sa waitress. "Ah ma'am napag utusan lang po ako, umorder lang daw po kayo ng gusto ninyo lalo na ang mga bata at pwede pa daw po kayo mag take out si ma'am na daw po ang bahala sa lahat ng maooder ninyo." Saad ng waitress. "Ganun po di po kaya nakakahiya sa kanya. Eh sino po ba iyong ma'am ninyo na manlilibre sa amin, baka nagkamali lang kayo ng nilapitan." sagot ko. "Hindi po' kayo po talaga ang itinuro sa akin sabihin ko na lang daw po sainyo, siya po yong kumuha ng resume n'yo sa labas at nagpapasok dito kapag nagtanong kayo sa akin." Paliwanag ng waitress. " S'ya ba pakisabe maraming maraming salamat kamo sa kanya sobra na po iyong naitulong n'ya sa akin." Saad ko. "Sege po sasabihin ko po sa kanya. pero ano po mona oderin ninyo? Tanong muli nya kaya naman ang aking mga kapated ang pinaorder ko. "Ito ang akin at tsaka po ito?"Turo ni Floriza sa waitress. "Gusto mo ba iyong may kasamang laruan? tanong ng waitress. "Meron po ba non? baka po mahal mapagalitan pa kami nong babae? Saad naman ni Ford. "Naku! hindi. Ang kabilin bilinan n'ya sa akin bago s'ya umalis ay ibigay ko lang daw kung ano ang mga gusto ninyo kahit magtake out pa kayo ay sya na ang bahala." Sagot ng waitress. "Umalis na s'ya paano iyong resume ko?" Tanong ko. "H'wag kang mag-alala may sinabi naman po s'ya sa akin kapag tapos na daw po kayong kumain at ng mga kapated mo ay tsaka ka tatawagin ng manager namin para sa interview." Saad ng waitress. "Ganun po ba, Salamat. Ford, pili na kayo ng gusto ninyo. Ikaw Floriza ano ang gusto mo? Ikaw Frederick pili kana rin? Tanong ko sa kanila. Pagkatapos pumili ang mga kapatid ko kung ano ang gusto nilang kainin at ang dadalhin namin ok pag-uwi ay umalis na ang waitress. "Ate sa wakas makakain narin kami dito tapos makakapag uwi pa tayo para kina nanay at tatay." Wika ni Floriza. "Mag behave lang kayo ha! para hindi tayo mapagalitan dito." Wika ko. "Opo ate," sabay na wika ng tatlo kung kapated. Mga ilan sandali pa ang aming paghihintay ay bumalik ang waitress na may kasama pa na may dalang pagkain namin. "Ito na po yong inorder ninyo ma'am." Wika ng waitress. "Salamat po." Saad ko. " Enjoy your meal ma'am." wika ng waitress bago kami tinalikuran. "Dahan dahan naman wala kayong kaagaw." Sita ko sa tatlo. " Eh ate ang bango bango kase ate hindi na ako makapag hintay na hindi tikman." Sagot ng bunso naming si Floriza. "Grabe naman yang pamilya nayan daig pa na ngayon lang sila nakapasok at nakakain dito sa Jollibee." Wika ng babae. "Oo nga daig pa nila ang aagawan ng pag kain." Wika naman ng isang babae. Tiningnan ko lamang sila at nginitian diko na pinatulan ang mga pinagsasabe nila sa amin. "Ate bakit ganun sila ang sasama ng ugali nila? mabulunan sana sila sa kinakain nila." Inis na wika ni Frederick. "Bibig mo Fred. Kumain na lang kayo h'wag na ninyo patulan ang mga sinasabi ng mga aso na yan, mga mahihilig seguro sila kumain ng hilaw na ampalaya kaya mapait din ang lumalabas sa bunganga nila." Saad ko. "Ate bibig mo din." Sita din sa akin ni Ford nagkatawanan na lamang kaming magkakapatid habang kumakain. Ang dalawang babae naman na mukhang tiyanak ay masama ang pagkakatitig sa amin kaya sa isip isip ko pakialam ko sa pagmumukha ninyo. Tumayo ang babae at lumapit sa amin. "Anong sabi mo? Sinong aso at mahilig kumain ng hilaw na ampalaya?" Tanong sa akin ng babae na hindi ko naman pinansin. "Kain lang kayo ng kain h'wag na ninyo pansin ang poste na nagsasalita na nakatayo dito sa harapan natin." Wika ko kaya naman ang babae ay kulang na lang umusok ang ilong sa galit dahil sa sinabi ko, ng hindi parin ako sumasagot ay sinabuyan ako sa aking mukha ng soft drinks na nasa table namin. "Ate!" sabay na wika ng mga kapatid ko. "Tinatanong kita hindi ka sumasagot!" bulyaw sa akin ng babae. "Bakit mo sinabuyan ng drinks namin si ate ko?" inis na tanong ng kapatid kung bunso na si Floriza at sinabuyan din nya ng kanyang soft drinks ang damit ng babae, m*****a din talaga ang kapatid kona ito "Tarantada kang bata ka bakit binuhusan mo ako ha. Anong pakialam mo kung sabuyan ko sa mukha ang ate mo ng soft drinks n'yo! sigaw ng babae. "Hoy mukhang piko na mangga, wala ka din pakialam kung binuhusan kita ng drinks ko." Palaban na sagot ni Floriza. "Aba't sumasagot ka pang bata ka!" gigil na wika ng babae na akmang kukutusan si Floriza na agad ko naman nahawakan ang kanyang kanang kamay at binitawan ko ng pabalya kaya napasalampak ito sa sahig. "Subukan mong saktan ang kapatid ko kung ayaw mong balatan ko ang hugis piko mong pagmumukha. Ang pangit pangit mo na nga ang sama pa ng pag uugali mo?" Sagot ko sa babaeng piko na ito. "Aba't sumasagot ka pa din hindi n'yo ako kilala pwede ko kayong ipakulong!" Gigil na sigaw ng babaeng piko habang itinatayo ng kanyang kasamang babae. "Ipakulong mo! Takot ko lang saiyo at tsaka hindi naman talaga ka namin kilala special kaba na tao." Sagot ko. "Pamangkin lang naman ako ng isang Presidente ng Pilipinas." Sagot sa akin ng babae. "Si Jeran ba supot naman yang tito mo." Bulong ko sa babae. "Anong sabi mo?" Galit na wika ng babae sabay hawak ng madiin sa aking braso. "Bitawan mo ako! Di porket mayayaman kayo mamatamatahin n'yo lang kami at hahayaan na saktan nyo lang eh sa ngayon ko lamang naipasok ang mga kapated ko dito masama ba iyon." Galit kung sigaw. "Ma'am tama na po yan pag aaway ninyo. Tama naman po si ma'am dapat hindi kayo nagmamaliit ng tao kahit kayo pa ang pinakamayaman na tao kung ngayon lang sila nakapasok o ngayon lamang sila nakakain dito may mga bagay lang po seguro na mas dapat n'yang unahin kaysa kumain sa ganitong lugar." Wika ng waitress ang babae naman ay natameme at napahiya. "Seguro aalis na lamang kami nakakahiya na dito ang daming ng nakapanuod. Seguro naman hindi na ako tanggap dito dahil sa attitude na pinakita ko ngayon. Tara na Ford, Fres, Flor" Saad ko. "Ma'am wait lang itong mga pagkain ninyo!" Pigil sa akin ng waitress. "Oo nga pala sayang naman kung hindi namin ito dadalhin libre pa naman ito sa amin ng babae na mabaet kanina. Tumabi ka nga d'yan babaeng piko." Saad ko. Palabas na kami ng Jollibee ng may pumigil sa aking braso. "Ms Aria Zelle Dugangers tanggap kana sa iyong trabaho, pwede kana magsimula bukas." Wika ng babae na pumigil sa aming paglabas. "Ano po? Tanggap na ako sa aking trabaho?" Tanong ko na hindi ako makapaniwala. "Oo tanggap kana, pero h'wag na sana maulit yong nangyari kanina. Kapag may ganyan na naekwentro kayo tawagin ninyo lamang kami." Saad ni Manager Elizabeth. "Sege po pasensya narin po kayo sa pangyayari kanina, maraming salamat po yaan po ninyo pagbubutihin ko po ang aking trabaho." Saad ko. Umuwi na kami ng aking mga kapated na dala ang magandang balita sa aming magulang kahit may mga kaganapan kanina sa Jollibee. "Nanay! tatay! may dala po kaming pasalubong Nina ate at kuya magugustuhan po ninyo ito!" Sigaw ni Floriza ng malapit na kami sa aming barung barong na bahay. "Floriza dahah dahan naman baka madapa ka," saway ko sa aking kapatid. "Nay! tay! tsarann!!!!" Masayang masaya na tawag ni Floriza kina nanay at tatay. "O mga anak ko! Saan naman nanggaling ang mga Yan?" Tanong ng aming ina. "Doon po sa babaeng mabaet pinakain po kami ng marami at masasarap na pagkain sa Jollibee at pinagtake out pa po kami para sainyo." Sagot ng madaldal kung kapated. "At tsaka po nay may trabaho narin po si ate, makakain na tayo ng masarap sa Jollibee." Pagmamalaki ni Fred. "Totoo ba ang mga sinasabe ng kambal na ito Aria na may trabaho kana nga ba?" Tanong ng aking ina ulit sa akin. "Opo nay! nag apply po ako kanina don sa Jollibee ng makita ko na hiring sila. At yan naman pong pagkain na dala namin ay bigay po sa amin ng babaeng kumuha ng resume ko pinakain narin po nya kami don. Mabuti na lamang po tinanggap ako kahit hindi na sila hiring." Sagot ko sa aking ina. "Mabuti naman kung ganun hindi kana mahihirapan maglabada kina aling Dolores." wika ni nanay. "Paano naman anak ang pag aaral mo? Kaya mo bang pagsabayin ang trabaho mo at pag aaral mo anak?" Tanong ni tatay sa akin. "Para po sa kinabukasan natin nay' tay ay gagawin ko ang lahat para sa atin ang maiahon ko kayo sa hirap, maitara ko kayo sa maayos na lugar maayos na tahanan at kapaligiran." Sagot ko. "Yan ang ate mabaet na maganda pa at wonder woman pa handa kaming ipagtanggol kahit kanino kapag kami ay inaapi." pambobola sa akin ng bunsuan namin. "Nambola nanaman po si patsutsay." Wika ni Ford. "Halina na kayo nay at tay kain na kayo, may inorder akong spaghetti and fries at chicken para sainyo." Ani ko. "Salamat nak! Kayo ba kumain naba ng ganito?" wika ni nanay. "Kumain na po kami nay don sa Jollibee." Sagot ko. Natapos ang buong maghapon na kahit may naganap kanina sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi ito naging sagabal sa amin. Ngayon naman ay inaasikaso ko ngayon ang susuotin ko para sa trabaho ko bukas. Mabuti na lamang ay nakahiram ako ng white t-shirts sa kapitbahay namin si Ziri na matalik kung kaibigan. Kinabukasan maaga akong nagising paraag asikaso ng pagkain namin mag sasaing sana ako ng makita ko pa ang tirang spaghetti at fried chicken buti na lang hindi nasira wala pa naman kaming refrigerator. "Oh nak ang aga mo naman nagising?" Wika ni nanay ng makita ako dito sa masikip naming kusina na isang tao lang ang kasya. "Eh nay, wala po kaseng tubig ang drum ng kasilyas natin mag iigib pa po ako sa puso nina aling Marietha." Sagot ko. Ng matapos kona ang pang araw araw na ginagawa ko dito sa munting tahanan namin at natapos narin ako sa aking pag gayak sa aking sarili ay nagpaalam narin ako. "Nay alis na rin po ako! Kain na lang po kayo mamaya." Saad ko. "Sage nak mag iingat ka pagbutihin mo ang una mong araw pagpasok sa iyong trabaho." Sagot ni nanay kaya ako naman ay sumakay na sa tricycle at nagpahatid na sa aking trabaho.POV- ARIA.Ilan araw na akong nagtatrabaho sa inaplayan ko bilang isang janitress. Madali lang naman ang ginagawa ko, libre pa pagkain at pwede pa ako mag take out kapag kpag may sobra sa inventory ng bawat shifting o kaya naman kapag may birthday na don ginaganap.Ngayon nagbago na ang oras ng pasok ko, twing pagkatapos na lang ng aking klase. Dalawang araw na akong pumapasok at mayroon narin akong mga mababaet na bagong kaibigan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil pare pareho kaming mga kalog."Sa ibang araw na lang ako sasama sainyo! kelangan ko ng umuwi dahil si tatay inataki nanaman seguro ng kanyang sakit. Nandyan ang mga kapated ko sa labas. Kabilin bilinan ko kase na kapag sinumpong ng sakit ang tatay ay sunduin lamang nila ako at uuwi ako agad. Mauna na ako sainyo," nagmamadaling paalam ko sa kanila at tumakbo na ako palabas."Ate!! Sabay sabay na tawag sa akin ng tatlo kung kapated."Anong nangyari kay tatay? Tanong ko agad."Wala ate gusto lang ka lang namin sunduin
POV- ARIA.Lumipas ang anim na buwan. Kalahating taon na ako nag aaral sa Don Bosco Technical College. Maraming mga masasayang pang yayari sa mga nagdaan na buwan na kasama ko ang mga bago kung kaibigan na sina Isadora, Szarina, Marian, Rasselle at Chyrll mga kaibigan ni Anthony. At nakilala ko rin ang lalaking walang kasing kapal ang pagmumukha na si Mr. Fucklers na walang tigil kakakulit sa akin. Ang mga batang nang aaway sa tatlo kung mga kapated ay kaibigan na rin nila, kundi ko pa tatakutin na ipapakain ko sila sa pating ay hindi hihingi ng sorry. Mabuti na lamang ang mga magulang ng bata ay mababaet at humingi pa ng pasensya sa akin. Pagkatapos ng anim na buwan na puro kami saya ang naranasan namin may hindi inaasahang pangyayari ang aming pamilya. Sinugod ang aking tatay sa hospital at kailangan itong operahan sa puso sa madaling panahon kaya ang matagal ng nag aalok sa akin na magtrabaho sa bar ay pinatos kona kahit labag sa aking kalooban."Segurado ka ba na hindi nila ako e
POV- ARIA Nasa loob ako ng kapelya ng Hospital kasama si nanay, taimtim na nagdarasal na sana maging successful ang operation ni tatay. Hindi ko kakayanin kapag kinuha s'ya samin ng panginoon, s'ya lamang ang kinikilala kung ama. Pinagbigyan ako ni Mr. F. na h'wag mona ako pumasok sa club. Pagkatapos ko ng duty sa fast food chain ay dito ako dumiritso, araw naman ng sabado kaya mamaya na ako uuwi sa bahay para tingnan ang mga kapatid ko. "Nak! Balik na tayo don.... Kumain ka mona? Pwede kana rin umuwi para makapagpahinga kana, namamayat kana anak ko. Pag pasensyahan mona kami ng iyong tatay, Ikaw pa ang nag iisip ng paraan para maoperahan ang tatay ninyo, hiyang hiya na ako saiyo anak ko." Madamdaming saad ni nanay. Ano kaba? Nay' Okay lang po yon sa akin. Ako pa nga po ang dapat magpasalamat sainyo dahil kung hindi sainyo ni tatay baka wala po ako sa mundong ibabaw, kaya h'wag nyo pong sasabihin na nahihiya kayo sa akin. Bilang isang itinuturing ninyong anak ay gagawin ko an
POV- FUCKLERS Habang pinagmamasdan kung kumakanta sa stage ang kaibigan ng aking kaibigan na si Eutanes ay manghang mangha ako. Nang malaman ko ang dahilan ng pag apply ng trabaho dito sa akin ay hindi ako nagdalawang isip na tulongan ito. Nag pakilala nalang ako ng Mr. F. Dahil ayaw kong maiilang s'ya sa akin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ito lumapit sa mga kaibigan niya eh mayayaman naman sina Rasselle at Chyrll pero kung ano man ang dahilan n'ya ay wala na akong karapatan na alamin pa. Gusto ko ang pag uugali ni Aria na nagpakilala na Gergerlyn Moe Lang. Isa siyang matatag, responsable at mapagmahal na anak. Sinundan ko sya ng araw mismo na ooperahan ang kanyang tatay. Awang awa ako sa kanya ng makita ko s'ya na nakasalampak at nakatingin sa sahig sa loob ng kapilya ng hospital. Nagtaka ng makita niya ako. Nalaman ko din na minamaltrato ng patago ang kambal nitong kapatid ng isang Ginang na nag ngangalang Dolores. napag alaman ko din na binuhusan ng kaning baboy ang
POV- FUCKLERS Hinimas ko ang aking ulo ng sumakit ito. Kumikirot talaga ang aking ulo sumasabay pa ang katigasan ng aking kapatid na si Gina. Si Adora naman ay sumakay na sa chopper, Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan nararamdaman n'ya seguro kung ano gagawin ko sa kanila sa Pulo. "Kuya ano ba! Hindi ako sasama, Adoravina! Bumaba ka diyan. Alam ko kung ano ang gagawin natin sa Isla na iyon..... Akala mo ba kuya hindi ko alam ang Pulo Island na iyon. Dadalhin mo kami don para magbasa ng magbasa ng bible, Oh my gosh! naman kuya, hindi kami nababagay don, kung gusto mo don! bat di ikaw nalang ang pumunta idadamay mo pa kami ni Adora." Pagwawala ni Regina at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Wilfred at ni Eman. "Wilfred alam mona ang gagawin mo." Saad ko na agad naman sumunod. "Yes Amo." "Erhm!! Eirhmm!!!" Ilan second lang ay nakatulog na ang aking kapatid. Binuhat na ni Eman ang kapatid ko at isinakay sa chopper. Ilan sandali pa ay nasa himpapawid na kami
POV- ARIA Isang buwan na ang nakalipas ng maoperahan si tatay. Nakalabas narin ng Hospital at unti unti na s'yang gumagaling. Ang problema ko na lamang ay ang pang maintenance na gamot ni tatay. Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho ko bilang isang Janitress sa Jollibee. Dahil hindi ko narin kaya, baka ako naman ang magkasakit, Paano naman ang pamilya ko kung sakali. Sinabe ko na lamang kay nanay ng magtanong s'ya sa akin na sa call center ako nagtatrabaho. Tumawag sa akin ang mga bago kung kaibigan na may padjama party kami pero hindi na ako pumunta sinabe ko na lamang na kailangan ako ni nanay katuwang sa pag aalaga kay tatay. "Segurado kaba? Aria na tatanggap kana ng costumer kapag gusto ka nilang e table at ilabas. "Oo, ate Lilly kailangan ni tatay ng maintenance saan naman kami kukuha ng pambili kung hindi ako gagawa ng paraan, Ang dami naming gastosin sa Bahay, hindi narin si nanay nakakapag angkat ng kakanin para itinda sa palengke. Ayaw ko naman maging pabigat sa mga kaib
POV- ARIA. Dalawang linggo na akong tumatanggap ng costumer para ma e table at mailabas. Lalong nabweset sa akin si Hiwaga. Kasalanan ko pa ba na ako ang mabenta kaysa sa kanya. "Naku! Aria, nararamdaman ko na ikaw na ang magiging Queen of the night ng Paraiso Aliwan na ito sa katapusan ng buwan, dahil saiyo lalong lumakas ang club ni Master F. Kabogera kana talaga ngayon daig mo pa si Angel khang ng Vivamax Queen. "Naku! ate Lilly manahimik ka nga baka marinig ka ni Hiwaga, Alam mo naman yon laging nag aalburoto ang pwet kapag nakikita ako, ayaw ko pa naman ng may kaaway dito, baka dahil sa ganyan mawalan pa ako ng trabaho, kaya kanya na yang trono na yan wala akong balak na agawin pa sa kanya dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay pera." Sagot ko. "Sus! S'ya lang naman ang mahilig mang away sa atin dito noh. Kapag sumanib sa akin muli ang kaibigan kung diyablo ay baka mapatay ko na ang baliw na yan. "Hala s'ya ate Lilly patayin agad as in Tsugi. Di ba pwedeng unti untiin bago
POV- FUCKLERS. "Hello Boss, May sakit si Regina dalawang araw na. Hindi na alam ang gagawin ni Adora, kaya tumawag na po ako saiyo. Hindi naman ako makalapit dahil nga po sa bilin ninyo sa akin na kahit anong mangyari hindi ako lalapit sa kanila. "Papuntahin ko d'yan si Emanuel ngayon, Alam na n'ya ang gagawin, H'wag kang lalapit sa kanila, Kilala ko si Regina lahat gagawin makaalis lang sila sa Isla na yan. "Sege po boss masusunod. Pakisabi na lang po kay Eman na dalhan ako ng lotion para sa lamok, Grabe boss ang lamok dito ang lalaki, hindi ako makatulog sa gabi. "Hindi mo seguro nilinis ang tree house bago ka natulog diyan. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Wilfred ay si Eman naman ang kinausap ko. Ayaw pa sana akong sundin dahil ayaw n'ya akong iwan. "Naandito naman sina Boyet, Scotch at Brite sila na lang mona ang kasa kasama ko kung saan ako magpunta, kayo na ang bahala sa dalawa kung kapatid, kung itong tatlo naman ang iiwan ko don ay baka maisahan pa ng dalawa, uto
POV- Fucklers Nasa meeting ako ng tumawag sa akin si Scotch. Si Scotch mona ang pansamantala ang nagbabantay sa quadro habang wala pa akong nakikitang makakatuwang ng asawa ko sa kambal, kaya si Mary Ann mona ang katuwang nito habang nasa trabaho ako. Nasa prinsipal office daw ang aking apat na anak at pinapatawag daw ang magulang ng mga bata. Kinder na ang Quadro sa public school, gusto ko sanang sa exclusive school sila dito sa Manila pag-aralin kaso ayaw pa ng asawa kong umalis ng Siniloan Laguna. Napakamot naman ako ng aking kilay, ito na seguro ang simula ng delubyo ng aking buhay dahil sa apat kong mga anak na lalaking pasaway, tatlong araw pa lamang sila na pumapasok ay nakipag away na kaagad itong anak kong si Aslan sa kanyang ka klase. Hindi naman pwedeng ang asawa ko ang papuntahin don dahil baka mabenat ito, dalawang linggo pa lamang ito buhat ng manganak sa anak naming kambal na babae. Pagkatapos ng meeting namin ay nagmamadali na akong nagpaalam sa mga kasosyo ko sa ne
FUCKLERS POINT OF VIEW. Pagkatapos ng isang linggong honeymoon namin sa France ay umuwi kaagad kami at dito na kami dumiritso ng uwi sa Siniloan Laguna. Dito na kami sa Siniloan pansamantala naninirahan habang pinagbubuntis ng mahal kong asawa ang kambal naming anak, hindi pa namin alam ang gender ng mga ito, pero sana ay mga babae na, ayaw ko ng madagdagan ang sakit ng ulo na ibibigay sa akin ng Quadro kong anak na puro lalaki kapag sila ay mga binata na.. Lumuluwas lang ako ng Maynila kapag may mahalagang meeting sa kumpanya, hindi na rin mona ako pumupunta sa organization na sinalihan ko dahil gusto ko sa pagkakataong ito ay makasama ko ang mahal kong asawa habang nagbubuntis ito, gusto kong bumawi sa kanya ngayon dahil nong pinagbubuntis niya ang quadro hanggang sa maisilang niya ito ay wala ako sa kanyang tabi. Pinagmamasdan ko ang aking mag-iina habang nagdidilig ng mga halaman. Mamaya na ako makikisali sa kanila pagnaubos kona ang iniinum kong kape dahil ayaw na ayaw ng asaw
Third Person. Ang lahat ay nasa reception na, lahat sila ay abala sa pagsasalo-salo. Pagkatapos kumain ang lahat ng mahahalagang tao, mga kaibigan, magulang at kapatid ng mag-asawa ay nagbigay ng maiksing mensahe para sa bagong kasal... Ngayon ay may inihandang sorpresa ang quadro para sa kanilang mommy at daddy. Napuno ng palakpakan ng nasa gitna na ang mga bata. "Mommy, Daddy. Mahal na mahal po namin kayo, kaya po ay may ginawa po kaming magkakapatid na sorpresa para sainyo. Music maestro." Pagsalita ni Adam na panganay sa quadro. Gwapong gwapo sila sa suot nila. Sinalang na nga ang kantang 'Totoy Bibo' ni Vhong Navarro. Lahat ay napapahanga sa sayaw ng quadro, halos maiyak naman si Aria dahil sa sorpresa ng mga anak nila sa kanila, hindi nya alam na may ganito pa lang talent ang mga anak niya. Nasa kalagitnaan na ang pagsayaw nila ng lapitan nila si tatay Florante, at si Daddy Juanito, Lolo Delfin. Wala ng magawa ang tatlong Lolo ng dalhin sila ng mga apo nila sa gitna para sum
Bumukas muli ang bulwagan ng simbahan ng kaninang sinarado itong muli. Niluwa nito si Aria na napakaganda sa suot nitong wedding gown. Mula sa pwesto ng pari ay may lumipad na belo papunta kay Aria kaya ang mga tao sa loob ay humahangang nakatingin. Hawak ni Aria ang microphone at sinimulang kantahin ang 'I Choose You' habang naglalakad papasok ng loob ng simbahan. Ito ang napili niyang kantahin para ihandog sa magiging kabiyak niya. You're my always You're my forever You're my reality You're my sunshine You're my best times You're my anomaly And I'd choose you In a hundred lifetimes, I'd choose you In a hundred worlds, I'd find you Nagulat si Fucklers sa sorpesa sa kanya ni Aria. Panay ang punas niya sa kanyang luha dahil sa kantang inihandog sa kanya ng babaeng mamahalin nya habang buhay. Kinuha nito ang laylayan ng suot na tuxido ni Jeran at walang sabi sabing siningahan niya ito. Akala kase niya ay may nangyaring masama sa magiging kabiyak niya, mabuti na lamang
"POV- Aria Ngayon ang araw ng kasal namin ni Fucklers Dax Montefalco. Hindi ko akalain na darating ang pinaka masaya at importanteng araw sa buhay ko, seguro mas sasaya ako ngayon kung kasama kong maglalakad sa loob ng simbahan ang mama ko kung buhay pa nga ba ito. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakaharap sa salamin na tinitingnan ang aking kabuoang itsura. "Madam, Ganda. Ang lalim naman naman po yata ng pagbuntong hininga ninyo? parang ang hirap abotin." Nakangiti na tanong sa akin bg baklang nag ayos sa akin. Simpleng ngiti ang ginawad ko sa kanya bago ko siya sinagot. "Masaya lang ako ngayong araw dahil matutupad na ang pangarap ko na maikasal sa taong pangarap ko at mahal na mahal ko." Sagot ko kay Paula, ang mga kasama naman nitong mag aayos ay nililigpit na ang ilan nilang kagamitan. "Napaka swerte nyo nga po ma'am dahil bukod sa gwapo na ang magiging husband mo ay mabait pa. At mukhang malaki pa ang kanyang, alam mona madam Ganda." Kinikilig pang paghanga ng bakla
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko a
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari