Aria- POV.
"Ate!!! ate Aria si tatay! ate si tatay nawalan ng malay!" umiiyak na tawag sa akin ng aking kapatid na si Ford. "Anong nangyare kay tatay? Nasaan na ang kambal na sina Frederick at Floriza? Bakit hindi mo kasama ang dalawa? Sunod sunod kung tanong sa Kapatid kung si Ford. "Nasa bahay binabantayan si tatay." Sagot ni Ford sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa ibang bahay naming si aling Dolores naglalabada ako. Si nanay naman ay nasa palengke naglalako ng kakanin sa umaga hanggang tanghali, kaya ang tatlo ko pang kapatid na maliliit ang tanging kasama ni tatay sa barung barung naming tahanan. "Nay Dolores! pwede po bang umuwi mona ako sa bahay namin, si tatay po kasi inatake nanaman ng kanyang sakit." Tawag ko kay nay Dolores. "Paano naman itong labahin mo kung uuwi ka sainyo? Sagot sa akin ni nay Dolores. Kahit kailan talaga napakasama ng ugali ng matandang huklubang ito. Dangay kailangan ko lamang ng pera ngayon pambili ng bigas at ulam kaya pumayag akong maglabada sa kanila na kahit nuknukan ng manyakis ang anak nitong binata na may gusto sa akin. "Bukas ko na lamang po tatapusin kailangan po talaga ako ng aking tatay ngayon!" Sagot ko. "Aba hindi pupwede! akin na ang tatlong daanh piso ko sa iba ko na lamang papalabada." wika ni nay Dolores. "Ate si tatay! tawag muli sa akin ni Ford. "Naibili ko na po ng bigas at tuyo! alis na po ako." nagmamadali kung paalam sa kanya. "Aria! ibalik mo ang tatlong daang piso ko! Mandurugas ka talaga kahit kailan babae ka!" sigaw ni nay Dolores sa akin. Hindi kona lang pinansin ang pagtawag sa akin ni nay Dolores sa aking pangalan. Kahit pinag titinginan na kami ng aking kapatid ng mga kapitbahay naming tsesmosa ay patuloy lamang ang aming pagtakbo. Pagkarating ko agad sa aming tahanan ay agad kung binuksan ang pinto at hinanap ng aking mata si tatay. "Tay! tatay! agad kung nilapitan si tatay at sinandal sa aking at diniinan ng aking daliri ang ilalim ng kanyang ilong. Mabuti na lamang kahit papaano ay marunong ako sa mga ganitong paunang lunas sa sakit na high blood. "Ford kuha ka ng tubig na maiinum ni tatay at asin bilisan mo!" utos ko kay Ford na agad naman sumunod. "Ate! ito na po ang tubig," wika ni Ford. "Lapag mo lang diyan sa sahig. Frederick, Floriza doon mona kayo sa tabi h'wag nyong harangan si tatay sa electric fan." Utos ko sa dalawa na umiiyak ng madatnan namin habang dinidiinan ko parin ang ilalim ng ilong ni tatay. "Uhmmm!" ungot ni tatay. "Tay! tiis lang" wika ko na naiiyak na. Ito ang ayaw ko aatakihin ng high blood si tatay mawawalan ng malay kapag ganitong sobrang init ayaw naman n'ya magpadala sa hospital dahil ang kanyang katwiran walang pera na pambayad. Isang beses namin sinugod si tatay sa hospital, ng magising nalingat lamang si nanay ay tumakas ito nagulat na lamang kami na nasa bahay na namin. "Anong nangyayari dito? Bakit umiiyak ang kambal? Diyos ko po mahabagin ang asawa ko! Florante! Kaya mo paba asawa ko!" nagmamadaling lapit ni nanay sa amin. "Nay okay na si tatay! kaunting pahinga lang magiging okay na s'ya." Sagot ko. Awang awa na talaga ako sa kalusugan ng aking tatay kailangan ko pa ng extrang trabaho dahil malapit na akong bumalik sa aking pag aaral sa Kolihiyo. Mabuti na lamang sa pagkakataong ito na pagkuha ko ng exam para sa scholarship ng Don Bosco Technical College ay nakapasa ako. Ang poproblemahin ko na lamang ay ang pang kain namin dito araw araw at pang maintenance na gamot ni tatay. "Nay! kayo na po mona ang bahala kay tatay magluluto lang po ako ng pananghalian natin." wika ko. "O sege anak! nakaubos ako ng paninda kaya nakabili ako ng isang kilong bigas at gulay na pang pakbet ilaga mona lang sa asin, sibuyas at bitsen. Hindi na kasi ako nakabili ng mantika dahil sakto lang ang pera ko sa pagtitinda ko ng kakanin ni kumareng Josie dahil binili ko pa ng gamot ng tatay ninyo." sagot ni nanay. "Ate nakapag luto na ako ng kanin at ulam, niluto ko iyong binili mo kanina ng bigas at tuyo." wika ni Ford. Mabuti na lamang kahit papaano ngayon ay may nakakatuwang kami ni nanay kapag wala kami dito sa bahay dahil sa edad ni Ford na sampung taong gulang ay marunong na ng gawaing kusina maasahan ng magluto. "Salamat Ford! Halinga kayong tatlo kay ate Aria, payakap naman ako sa mga kapated kong mababaet, napakaswerte ko talaga dahil kayo ang pamilya ko." wika ko. Isa isa namang naglapitan ang mga kapated ko sa akin. "Ate! ang swerte din naming tatlo sayo dahil napaka buti mo po sa aming lahat, hindi mo po kami pinapabayaan." wika ni Frederick. "Oo nga ate Aria kami ang mas higit na maswerte dahil wala kang isang katulad." wika ni Ford. "Ikaw ang the best ate sa buong mundo." wika naman ni Floriza. "Ang babaet naman, kumain na nga tayo baka mag iyakan pa tayo dito." sagot ko. Natawa na lamang ang tatlo kung kapated. "Saan naman galing ang pera mo anak?" Tanong ni nanay sa akin. "Ay oo nga pala bilisan natin kumain, dahil umuusok lalo ang tumbong ni nay Dolores sa akin dahil iniwan ko ang labada ko." Saad ko. "Florentina! nasaan ang magaling mong anak! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yan." tawag ni nay Dolores kay nanay. "Pasok po kayo aling Dolores," wika ni nanay. "Di bali na lang! ayaw ko mahawaan ng sakit ng asawa mo." sagot ni nay Dolores. Hindi na lamang sumagot si nanay sa sinabi ni huklubang Dolores. "Mauna na kayong kumain, tapusin ko lang ang paglalabada ko sa damit ng hukluban na iyan." wika ko sa mga kapated ko. "Sege po ate mag-iingat ka po." sabay sabay nilang sagot. "Nay si tatay pakainin n'yo na lamang po para makainum ng kanyang gamot." bilin ko. "Sege anak! habaan mona lamang ang pasensya mo kay aling Dolores ganun talaga ugali non. Hindi pa nakakamove on sa tatay ninyo." Saad ni nanay. Natawa na lamang kami sa itsura ni tatay dahil sa sinabi ni nanay. "Sege po nay, tay! alis na po ako." paalam ko. Iniwan ko ang aking mga kapated na kumakain sa lapag namin at sumunod na lamang kay nay Dolores, mahirap na baka ipabaranggay pa ako nito dahil sa tatlong daang peso. "Ayusin mo paglalaba mo ng damit ng aking anak ha! mahal pa iyan sa buhay mo!" wika ni nay Dolores. "Oo na po! nay Dolores." Sagot ko na lamang para manahimik na. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalaba ng pumasok si Erickson na may dalang pagkain, tamang tama gutom na ako. " Ate Aria mag meryenda kana mona," Alok nya sa akin. Mabuti pa itong bunsong anak ni nay Dolores mabaet naalala pa na pag meryendahin pa ako. "Salamat Erickson tamang tama hindi pa ako kumakain ng pananghalian, hindi kaya magalit ang nanay mo saiyo kapag nakita n'ya na kumakain ako." Saad ko. "Wala dito ang mommy ko ate Aria. Tinawag s'ya ng mga ka klase n'ya sa madjongan sa kabilang bayan mamaya pa ng gabi iyon uuwi kaya malaya kang makakain dito." wika ni Erickson. "Mabuti naman kung ganun." Sagot ko. "Teka ate Aria, kung hindi kapa kumakain ng tanghalian h'wag itong tinapay ang kainin mo? Halika sa kusina maraming pinaluto si mommy na ulam iyon ang kainin mo tsaka ipagbabalot kita para maiuwi mo sa mga kapated mo." Saad ni Erickson. "Naku! Tama na itong pakakainin mo ako ng kanin at ulam, baka malintikan pa tayo ng mommy mo baka bilang n'ya ang bawat hiwa ng karne at sukat ng sabaw ng ulam ninyo." sagot ko. "Hindi ate Aria, Ako ang bahala saiyo sagot kita. Isusumbong ko si mommy kay Daddy na nagmamadjong nanaman s'ya kapag pinagalitan ka nya." Saad muli ni Erickson. "Sabi mo iyan ha! kapag nalintikan ako ng mommy mo, hindi na tayo bati." Sagot ko. "Hindi yan ate Aria, maniwala ka sa akin." wika ni Erickson. "Okay! Sabi mo eh!" wika ko. Habang kumakain ako sa hapag nila Erickson ay pinagbabalot naman n'ya ako ng ulam. "Ito ate Aria e uwi mo sa bahay ninyo." wika ni Erickson. "Salamat! Erickson." Pasasalamat ko. "Hi! Aria, Sabi ko naman saiyo na sagotin mo lang ako at aalukin kita agad ng kasal para hindi kana maglalabada dito sa bahay at gagawin kitang reyna ko." sabat ni Euric na sumulpot na lamang na parang kabote dito sa kusina. "Wala akong panahon mag asawa Euric kaya kung maari sa iba mona lamang ibaling ang pambobola mo sa akin dahil may malaki pa akong obligasyon sa pamilya ko." Sagot ko sa kahambugan ni Euric sa akin. "Aria kailanman! Hindi kita binobola lahat ng sinasabi ko saiyo ay totoo alam ng pamilya ko kung gaano kita kagusto." Wika ni Euric. "Wala akong panahon sa ganyan bagay Euric dahil may mas mahalaga pa akong uunahin kaysa ang makipag relasyon. Alam mo naman seguro na may mga kapated pa akong pinag aaral at may sakit pa ang aking tatay at may balak din ulit akong mag aral dahil nakapasa ako sa scholarship ng Don Bosco Technical College kaya malaking NO ang sagot ko saiyo." paliwanag ko kay Euric. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa damuhong adik na ito. Minadali ko na ang aking pagkain para matapos na ako sa aking paglalaba baka dumating pa ang nanay nilang hukluban hindi ko pa maeuwi ang ulam na ibinalot sa akin ni Erickson. Tamang tama iyon sa hapunan namin para bukas iyong gulay na pinakbet na pinagbintahan pa ni nanay sa pagtitinda ng kakanin ay bukas ko na lamang lulutuin. "Erickson tapusin ko na iyong paglalaba ko, salamat sa masarap na pagkain." wika ko. "Sege ate Aria akyat na rin ako sa kwarto ko. Ikaw kuya Euric iwan mona si ate Aria dito h'wag monang kulitin pa." Saad ni Erickson. "Oo na. Umakyat kana don, araw araw na lamang akong basted diyan kay ate Aria mo." Sagot ni Euric. Pagkaalis ng dalawang magkapatid ay pinagpatuloy kona ang aking paglalaba, kakaunti na lamang naman ito. Alas tres ng hapon ako natapos sa aking paglalabada. Tinawag ko lamang si Euric para magpaalam. "Euric! alis na ako. Pakisabi na lamang kay nay Dolores na salamat, iyong mga damit ay natiklop kona rin ilalagay na lang sa damitan ninyo at pakisabe kay Erickson salamat dito sa ulam na bigay n'ya." Paalam ko kay Euric. "Sege Aria, salamat. Wala ba talaga akong kapag a pag asa saiyo? wika ni Euric. Hindi ko na lamang pinansin ang tanong sa akin ni Euric at tumalikod na ako. "Aria!" Tawag muli ni Euric sa pangalan ko. "Bye! salamat sa ulam," tanging sagot ko na lamang. Pagkalabas ko sa bakuran ng bahay nila nay Dolores ay nagmamadali akong tumawid sa kalsada at pumasok sa eskinita. Palagi na lamang sa tuwing hapon ay may nag iinuman dito sa tindahan ni aling Tasing. "Hi Aria! Lalo kang gumaganda sa aking paningin," bungad sa akin ni mang Tasyo. "Hi naku! mang Tasyo tigil tigilan mona ako sa pang aasar ninyo sa akin dahil malapit na akong mapikon saiyo." sagot kung pabiro kay mang Tasyo. "Hindi kana mabiro Aria, hindi kapa nasanay sa akin." sagot ni mang Tasyo. "Biro lang din po yon mang Tasyo, hindi narin kayo nasanay sa mga sagot ko sainyo." wika ko. Nagkatawanan na lamang kami sa mga asaran namin. Ganito kami palagi dito sa eskinita kahit pangit ang lugar, dikit dikit ang bahay ay hindi naman kami nag away away. Ewan ko ba kay nay Dolores kung bakit nagagawa pa nya akong sugurin dito minsan sa bahay namin puro naman reklamo kisyo makati sa lugar na ito. "Ano ba ang atin Aria? Tanong ni aling Tasing. "Pagbilan nga ako ng kape at asukal aling Tasing iyong hindi nauubos." Sagot ko. "Puro ka kalokohan Aria, wala namang ganung hindi nauubos." natatawang sagot ni aling Tasing sa akin. "Magkano po lahat?" Tanong ko. "47 lahat." wika ni aling Tasing. Pagkabayad ko ng binili kung asukal at kape ay umalis narin ako. "Bye sainyo mang Tasyo at mang Kaloy. Umuwi narin kayo tirik na tirik ang araw nag iinum kayo." Paalam ko sa kanila. "Sege Aria ingat ka baka madapa ka." sagot ni mang Kaloy. Pagkarating ko sa bahay ay hinanap ko ang tatlo kung kapated. "Nandito na ako! may pasalubong akong dala." wika ko. "Oh nak saan naman galing ang dunkin donut na ito? Tanong ni nanay sa akin. "Bigay po ni Erickson nay, tsaka pinagbalot din po ako ulam para sa hapunan po natin." sagot ko kay nanay. "Hindi ba nagalit si aling Dolores saiyo? Tanong niyang muli. "Umalis si nay Dolores tinawag sa kabilang bayan ng kanyang mga kaibigan para maglaro ng madjong kaya nakakain ako ng tanghalian don at nakapag balot pa ng ulam." sagot kung muli. "Ganun ba nak! mabuti naman makakatikim ulit ng masarap na ulam ang mga kapated mo." Wika ni nanay. "Ford, Frederick, Floriza may pasalubong ako sainyo, sege kapag hindi kayo lumabas uubusin namin ito nila nanay at tatay." pananakot ko sa tatlo. "Yehey!! may pasalubong si ate Aria sa atin," biglang sulpot ni Floriza sa kanyang pinagtataguan. "Floriza! lumabas agad, napaka takaw mo talaga." Reklamo ni Frederick sa Kanyang kambal. "Paano kung ubusan ako ni nanay at ni tatay, eh di hindi ako nakakain ng donut." Sagot ni Floriza. "Tumigil na nga kayong dalawa, nag aaway nanaman kayong dalawa, magpasalamat na lang kayo sa ate Aria ninyo na may pasalubong sainyo na dunot." Saway ni tatay sa dalawang kambal. "Sorry po tatay! Salamat ate sa pasalubong mo" wika ng dalawang kambal. "Okay lang iyon. Ikaw tay! kumusta na ang pakiramdam mo? Baling kung tanong kay tatay Florante. "Maayos na ang aking pakiramdam, salamat anak." Sagot ni tatay sa akin. "Mabuti naman po kung ganun. Halina po kayo ni nanay dito sabayan nyo na pong kumain ang mga bata," Pag aya ko kay nanay at tatay. "Pabayaan mona lang sa kanila yan, h'wag mona kami alalahanin ng iyong nanay." Sagot ni tatay sa akin. Masaya kami kahit ganito lamang kami, iyong minsan lang makakain ng masarap. "Ate bakit po ikaw hindi kumakain mauubusan na po kita? Tanong sa akin ni Floriza. "Busog ako bunso pinag meryenda ako kanina ni Erickson sa bahay nila kanina." Sagot ko. "Sa kanya po ba ito galing, Pakisabe po sa kanya kapag nagkita kayo ulit, salamat sa donuts at tsaka crush ko po s'ya kapag dalaga na ako gusto ko ligawan n'ya ako at sasagotin ko agad s'ya." wika ng kapated kung madaldal. "Ang bata bata mo pa Floriza crush agad ang nasa isip mo ni hindi kapa nga marunong mag hugas ng pwet mo." wika ni Ford. "Oo nga naman kambal mag aral ka mona mag hugas ng pwetan mo bago ka magka crush kay kuya Erickson." wika naman ni Frederick sa kanyang kakambal. Natawa na lamang kami nila tatay at nanay sa dalawang kambal na nagtatalo nanaman sa harapan namin.POV- Aria.Ngayon sana ang araw ng paghahanap ko ng trabaho, dahil sa sunod na linggo na simula ng klase ko sa kolehiyo wala pala akong resume. Isinama ko ang tatlo kung kapated sa computer shop para magpagawa ng resume, madali lang naman gawin ang resume kaya mabilis lang din kami natapos. Habang pauwi kami nakita kung may nakasulat na hiring sa Jollibee kaya tumawid ako ng kalsada kasama ang tatlo kung kapated iniwan ko lang mona sila sa tabi ng nakatayo na Jollibee sa labas."Kuya guard hiring pa po ba ng waitress dito?" Tanong ko."Sorry miss hindi na sila hiring wala ng bakante." sagot ng guard sa akin."Bakit po may nakapaskil pa na hiring po sila?" Tanong kung muli."Nakalimotan lamang nila yan tanggalin. Pagkakaalam ko kase kahapon pa sila nag stop hiring." sagot muli ni kuyang guard sa akin."Kahit Janitress po ba hindi na sila hiring." Bakasakali kung tanong ulit."Wala na talaga miss. Sa iba kana lamang mag apply baka hiring pa sila." Sagot muli ni kuyang guard."Sege na po
POV- ARIA.Ilan araw na akong nagtatrabaho sa inaplayan ko bilang isang janitress. Madali lang naman ang ginagawa ko, libre pa pagkain at pwede pa ako mag take out kapag kpag may sobra sa inventory ng bawat shifting o kaya naman kapag may birthday na don ginaganap.Ngayon nagbago na ang oras ng pasok ko, twing pagkatapos na lang ng aking klase. Dalawang araw na akong pumapasok at mayroon narin akong mga mababaet na bagong kaibigan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil pare pareho kaming mga kalog."Sa ibang araw na lang ako sasama sainyo! kelangan ko ng umuwi dahil si tatay inataki nanaman seguro ng kanyang sakit. Nandyan ang mga kapated ko sa labas. Kabilin bilinan ko kase na kapag sinumpong ng sakit ang tatay ay sunduin lamang nila ako at uuwi ako agad. Mauna na ako sainyo," nagmamadaling paalam ko sa kanila at tumakbo na ako palabas."Ate!! Sabay sabay na tawag sa akin ng tatlo kung kapated."Anong nangyari kay tatay? Tanong ko agad."Wala ate gusto lang ka lang namin sunduin
POV- ARIA.Lumipas ang anim na buwan. Kalahating taon na ako nag aaral sa Don Bosco Technical College. Maraming mga masasayang pang yayari sa mga nagdaan na buwan na kasama ko ang mga bago kung kaibigan na sina Isadora, Szarina, Marian, Rasselle at Chyrll mga kaibigan ni Anthony. At nakilala ko rin ang lalaking walang kasing kapal ang pagmumukha na si Mr. Fucklers na walang tigil kakakulit sa akin. Ang mga batang nang aaway sa tatlo kung mga kapated ay kaibigan na rin nila, kundi ko pa tatakutin na ipapakain ko sila sa pating ay hindi hihingi ng sorry. Mabuti na lamang ang mga magulang ng bata ay mababaet at humingi pa ng pasensya sa akin. Pagkatapos ng anim na buwan na puro kami saya ang naranasan namin may hindi inaasahang pangyayari ang aming pamilya. Sinugod ang aking tatay sa hospital at kailangan itong operahan sa puso sa madaling panahon kaya ang matagal ng nag aalok sa akin na magtrabaho sa bar ay pinatos kona kahit labag sa aking kalooban."Segurado ka ba na hindi nila ako e
POV- ARIA Nasa loob ako ng kapelya ng Hospital kasama si nanay, taimtim na nagdarasal na sana maging successful ang operation ni tatay. Hindi ko kakayanin kapag kinuha s'ya samin ng panginoon, s'ya lamang ang kinikilala kung ama. Pinagbigyan ako ni Mr. F. na h'wag mona ako pumasok sa club. Pagkatapos ko ng duty sa fast food chain ay dito ako dumiritso, araw naman ng sabado kaya mamaya na ako uuwi sa bahay para tingnan ang mga kapatid ko. "Nak! Balik na tayo don.... Kumain ka mona? Pwede kana rin umuwi para makapagpahinga kana, namamayat kana anak ko. Pag pasensyahan mona kami ng iyong tatay, Ikaw pa ang nag iisip ng paraan para maoperahan ang tatay ninyo, hiyang hiya na ako saiyo anak ko." Madamdaming saad ni nanay. Ano kaba? Nay' Okay lang po yon sa akin. Ako pa nga po ang dapat magpasalamat sainyo dahil kung hindi sainyo ni tatay baka wala po ako sa mundong ibabaw, kaya h'wag nyo pong sasabihin na nahihiya kayo sa akin. Bilang isang itinuturing ninyong anak ay gagawin ko an
POV- FUCKLERS Habang pinagmamasdan kung kumakanta sa stage ang kaibigan ng aking kaibigan na si Eutanes ay manghang mangha ako. Nang malaman ko ang dahilan ng pag apply ng trabaho dito sa akin ay hindi ako nagdalawang isip na tulongan ito. Nag pakilala nalang ako ng Mr. F. Dahil ayaw kong maiilang s'ya sa akin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ito lumapit sa mga kaibigan niya eh mayayaman naman sina Rasselle at Chyrll pero kung ano man ang dahilan n'ya ay wala na akong karapatan na alamin pa. Gusto ko ang pag uugali ni Aria na nagpakilala na Gergerlyn Moe Lang. Isa siyang matatag, responsable at mapagmahal na anak. Sinundan ko sya ng araw mismo na ooperahan ang kanyang tatay. Awang awa ako sa kanya ng makita ko s'ya na nakasalampak at nakatingin sa sahig sa loob ng kapilya ng hospital. Nagtaka ng makita niya ako. Nalaman ko din na minamaltrato ng patago ang kambal nitong kapatid ng isang Ginang na nag ngangalang Dolores. napag alaman ko din na binuhusan ng kaning baboy ang
POV- FUCKLERS Hinimas ko ang aking ulo ng sumakit ito. Kumikirot talaga ang aking ulo sumasabay pa ang katigasan ng aking kapatid na si Gina. Si Adora naman ay sumakay na sa chopper, Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan nararamdaman n'ya seguro kung ano gagawin ko sa kanila sa Pulo. "Kuya ano ba! Hindi ako sasama, Adoravina! Bumaba ka diyan. Alam ko kung ano ang gagawin natin sa Isla na iyon..... Akala mo ba kuya hindi ko alam ang Pulo Island na iyon. Dadalhin mo kami don para magbasa ng magbasa ng bible, Oh my gosh! naman kuya, hindi kami nababagay don, kung gusto mo don! bat di ikaw nalang ang pumunta idadamay mo pa kami ni Adora." Pagwawala ni Regina at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Wilfred at ni Eman. "Wilfred alam mona ang gagawin mo." Saad ko na agad naman sumunod. "Yes Amo." "Erhm!! Eirhmm!!!" Ilan second lang ay nakatulog na ang aking kapatid. Binuhat na ni Eman ang kapatid ko at isinakay sa chopper. Ilan sandali pa ay nasa himpapawid na kami
POV- ARIA Isang buwan na ang nakalipas ng maoperahan si tatay. Nakalabas narin ng Hospital at unti unti na s'yang gumagaling. Ang problema ko na lamang ay ang pang maintenance na gamot ni tatay. Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho ko bilang isang Janitress sa Jollibee. Dahil hindi ko narin kaya, baka ako naman ang magkasakit, Paano naman ang pamilya ko kung sakali. Sinabe ko na lamang kay nanay ng magtanong s'ya sa akin na sa call center ako nagtatrabaho. Tumawag sa akin ang mga bago kung kaibigan na may padjama party kami pero hindi na ako pumunta sinabe ko na lamang na kailangan ako ni nanay katuwang sa pag aalaga kay tatay. "Segurado kaba? Aria na tatanggap kana ng costumer kapag gusto ka nilang e table at ilabas. "Oo, ate Lilly kailangan ni tatay ng maintenance saan naman kami kukuha ng pambili kung hindi ako gagawa ng paraan, Ang dami naming gastosin sa Bahay, hindi narin si nanay nakakapag angkat ng kakanin para itinda sa palengke. Ayaw ko naman maging pabigat sa mga kaib
POV- ARIA. Dalawang linggo na akong tumatanggap ng costumer para ma e table at mailabas. Lalong nabweset sa akin si Hiwaga. Kasalanan ko pa ba na ako ang mabenta kaysa sa kanya. "Naku! Aria, nararamdaman ko na ikaw na ang magiging Queen of the night ng Paraiso Aliwan na ito sa katapusan ng buwan, dahil saiyo lalong lumakas ang club ni Master F. Kabogera kana talaga ngayon daig mo pa si Angel khang ng Vivamax Queen. "Naku! ate Lilly manahimik ka nga baka marinig ka ni Hiwaga, Alam mo naman yon laging nag aalburoto ang pwet kapag nakikita ako, ayaw ko pa naman ng may kaaway dito, baka dahil sa ganyan mawalan pa ako ng trabaho, kaya kanya na yang trono na yan wala akong balak na agawin pa sa kanya dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay pera." Sagot ko. "Sus! S'ya lang naman ang mahilig mang away sa atin dito noh. Kapag sumanib sa akin muli ang kaibigan kung diyablo ay baka mapatay ko na ang baliw na yan. "Hala s'ya ate Lilly patayin agad as in Tsugi. Di ba pwedeng unti untiin bago
POV- Aria. Nakahinga ako ng maluwag ng madala agad ang babaeng higad na iyon sa hospital at naging okay na ito. Na sobrahan yata ako sa reaksyon ko na makita ko ang dalawa sa ganoong posisyon. Ang sabe ni Fucklers ay sya na ang bahala sa lahat at huwag kong pakaisipin ang nangyari sa babaeng higad na iyon. Sinamaan ko lang sya ng tingin kung hindi niya dinala ang babaeng higad na iyon dito ay hindi ako magagalit ng ganito at makaramdam ng konsensya, paano na lang ang mga anak ko. At baka tuwang tuwa pa ang lalaking iyon na makulong ako at sya ay magpapakasawa sa kandungan ng kung sino sinong babae. Dadalhin daw ako ni Fucklers sa secret hide out nila sa Pagsanjan Laguna. Nong una nagulat pa ako ng sabihin nya kung anong pangalan ng lugar, dahil ang lugar ng Pagsanjan ay ilan baranggay lang ang pagitan nito sa Siniloan Laguna. Pumasok si Fucklers sa aking silid at tinanong ako kung tapos na ba ako sa aking pag gayak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa hideout niya, basta daw ay
POV- Aria. "Mahal, buksan mo ang pinto. Please! Kahit 5minutes lang makaraos lang ako." Pagmamakaawa sa akin ni Fucklers sa labas ng pinto ng banyo, napangiti naman ako habang sinasabon ko ang makinis kong balat. "Aria!" Tawag pang muli sa akin ni Fucklers. Napatakip na ako ng aking bibig kahit may sabon pa ang aking kamay dahil hindi kona mapigilan ang hindi tumawa. "Lalabas lang ako dito sa banyo kapag pinaalis mo ang babaeng higad na iyon."Seryuso kong sabi sa kanya. "Ala una na ng madaling araw, baka tulog na iyon." Sagot nito sa akin na ikinasimangot ko. "Okay."Tipid kong sagot sa kanya. "Bubuksan mona ang pinto." Sagot ni Fucklers. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Fucklers. "Hindi, bahala ka sa buhay mo. Isang buwan kang walang rasyon ng tahong." Nag ngingitngit sa inis na sagot ni Aria. "Ano!?" Anong sabi mo mahal?" Kunot noo na tanong ni Fucklers sa labas ng banyo ng hindi nya marinig ang sinabi ni Aria sa loob ng banyo, akala nya seguro ay mapapasok na ny
POV- Aria Tatlong araw at dalawang gabi ng hindi umuuwi si Fucklers dito sa kanyang mansyon. Sobrang miss na miss kona ang mga anak ko, gustuhuin ko mang tumakas muli ay natatakot na ako na baka tuloyan ng hindi sa akin ipakita ang mga anak ko. Habang nagpapatuyo ako ng aking buhok ay may narinig akong babaeng tumatawa na parang kinikiliti. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding dito sa loob ng aking silid, mag 12 na ng hating gabi. Lumabas ako ng aking silid para silipin ko kung sino ang tao sa labas. Napahawak ako sa aking dibdib ng makita kong may kahalikang babae si Fucklers sa living room. Mayroong kirot sa puso ko na aking naramdaman. Nasasaktan ako na makita syang may kahalikang ibang babae. Tatalikod na sana ako ng tinawag ako nito sa galit nitong boses. "Aria! Bakit gising kapa!?" Tanong nito sa akin na galit. "Hindi po ako makatulog sir, pasensya na po kung nagambala ko kayo." Hingi kong paumanhin sa kanya ng nakayuko ako, hindi ko kayang tingnan sya sa mga m
POV-Fucklers. Sakay ng aking sasakyan ay tinatahak nanamin ang daang patungong Masinloc Zambales... Isang oras ang itinagal ng aming byahe. Agad akong bumaba ng aking dalang sasakyan, lumapit sa akin si Arnold at binigay sa akin ang hawak nitong binocular. "Boss, maraming tauhan si Joana na nakapalibot sa buong paligid ng bahay na pinagtataguan nila." Wika ng aking tauhan. Kinuha ko naman ang binocular. Halos hindi kona makilala ang mukha ni Tita Avvielle dahil sa natamo nito na pagsabog sa sinakyan nilang bus. Tiningnan ko pa ang ilang mga tauhan ni Joana na nakabantay sa paligid. Napailing na lang ako ng aking ulo dahil halos mga kabataan ng Fraternity niya ang mga tauhan, ano ba ang nangyari saiyo Joana? Bakit ka nagkaganyan? Pati ang kapatid ko na si Regina ay nagawa mong mahikayat na sumali sa Frat. na binuo mo.. Napabuga ako ng malalim na hininga at tumingin sa mga tauhan ko na naghihintay lang ng go signal ko. "Magsihanda na kayo, hanggat maaari ay wala tayong kalaban na m
POV- FUCKLERS "Bosing, Nakumpirma ni Eduardo na ang Ex-Girlfriend mo nga ang nag-uutos na ipapatay kayo. Napaamin din nila si Mateo Suarez, iyon nga lang ay hindi pa nila tinatapos ang buhay nito." Pagbalita sa akin ni Scotch paglabas ko ng aking Mansyon. Papunta kami ngayon ng Pagsanjan, dahil kailangan kong puntahan ang mga anak ko. Hindi ko pwedeng isama pa si Aria hanggat hindi ko parin naibabalik ang tiwala ko sa kanya kaya magtiis sya sa mga kalupitan ko. Sa sunod na buwan pa naman ang kaarawan ng mga bata kaya may araw pa na baka maawa ako sa kanya o kaya ay magbalik na ang tiwala ko. "Magsihanda kayo dahil paghahandaan natin ang pagsugod sa kanila... Ikaw Boyet maiwan ka mona dito at bantayan mong mabuti si Aria, h'wag na h'wag ka sa kanya lalapit para hindi s'ya makapangulit saiyo na kung nasaan ang mga bata." Bilin ko kay Boyet bago ako sumakay ng aking sasakyan. "Masusunod Bosing." Sagot nito sa akin. At umalis na nga kami. "Sa asawa ni Don Juanito, may balita na ba
POV- ARIA Alas singko pa lang ng madaling araw ay gumising na ako para magluto ng almusal ni Fucklers, handa akong mag tiis kapalit ng makasama ko lang ang aking mga anak. Suot ko ang uniform ng pang katulong ay lumabas na ako ng aking silid sa maids quarter. Wala naman sa akin na problema kong sa kwarto ako ng mga katulong matutulog, mas okay nga sa akin iyon dahil makakatulog ako ng maayos na walang gagapang sa akin sa tuwing tulog ako. Lumabas na ako ng silid ko, paglabas ko ay nagulat ako. "Fucklers!" Sambit ko sa pangalan n'ya. Nakasuot ito ng pang alis, sa tingin ko ay kakauwi lang nito. Saan naman ito galing, kahapon pagkatapos naming dalawa mag usap at magkasundo sa gusto n'ya ay lumabas na ito ng silid. Sinabe lang din nya sa akin na sa silid ako ng mga katulong matutulog. "Bakit? Ngayon ka lang gumising, nagugutom na ako wala kapa ring luto na almusal ko!" Galit na wika nito sa akin. Malay ko ba na gising s'ya ng ganitong oras. "Sorry!" Nakatungo kong sagot sa kanya.
POV- ARIA. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko na nagmumula sa glass wall. Nilibot ko ang kapaligiran kong nasaan ako. Napalikwas ako ng bangon ng makilala ko ang silid. Nasa silid ako ni Fucklers, paano ako napunta dito? Biglang kumirot ang ulo ko at nakaramdam ako ng hilo, babangon sana ako ng makapa ko ang katawan ko na wala ako ni isang saplot sa katawan at puro kiss mark pa. Lumingon ako sa gilid ko ng may gumalaw, nakita ko si Fucklers na hubad baro na nakadapa na nakaharap sa akin at mahimbing na natutulog. Sunod sunod na luha sa aking mata ang dumaloy sa aking pisngi. Tinakpan kong muli ang aking hubad na katawan at nahiga akong muli at tumalikod kay Fucklers, umiyak ako ng umiyak. Naramdaman kong may bumangon sa aking likuran at nagmumura ng malutong, nagising seguro sa aking pag iiyak si Fucklers. "Bumangon kana d'yan at itigil mo yang pag iyak iyak mo. Mag bihis kana dahil kailangan nating mag usap na dalawa." Seryusong sabe nito sa akin ng bumangon ito a
POV- FUCKLERS. Sobrang taas ng lagnat ni Aria at nangangaligkig ito sa lamig. Nagawa niyang magtiis sa labas ng gate ko habang malakas ang buhos ng ulan para makasama n'ya lang ang mga bata. Kung gusto n'ya talagang makasama ang mga anak namin ay mag tiis s'ya kung anong klase at gagawin kong pakikitungo sa kanya. Kakausapin ko s'ya kapag magaling na s'ya. Dapat sundin n'ya kung ano ang ipapagawa ko sa kanya. Lumabas ako ng silid ko tumungo sa gasebo, nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si Austin at kinumusta ang mga bata, okay naman sila lalo na si Asher na may lagnat. Kailangan kong makausap si Don Juanito tungkol sa nangyari sa amin ni Red kanina, ayaw kong magkaroon kami ng samaan ng loob. Hindi ko gustong saktan ang kanyang kapatid, gusto ko lang turuan ng leksyon si Aria. Oo masakit makita na sinasaktan ang iyong kapatid, baka makapaty din ako. Mabuti naman ay tanggap agad ni Red Simon ang kanyang kapatid na si Aria.. Mapagma
POV- FUCKLERS. Kailangan kong pumunta ng mansyon sa Caloocan, dahil isang araw at isang gabi na daw nakikiusap si Aria na pinipilit papasukin s'ya sa loob ng Mansyon at sisigaw ang pangalan ng mga anak namin.. Hindi pa ito alam ni Don Juanito kung ano ang ginawa ko sa anak n'ya hindi n'ya ako masisisi dahil iniisip ko lang ang kaligtasan ng mga anak ko, kahit bogbogin pa ako ni Red kapag nalaman n'ya ang ginawa ko sa kanyang kapatid. Binibigyan naman nila ng pagkain si Aria yon nga lang hindi n'ya tinatanggap kaya nakaramdam nanaman ako sa kanya ng inis, Lalo lang niya dinagdagan ang kasalanan nya sa akin. "Mga anak, kailangan kong bumalik pansamantala sa Mansyon natin sa Kalookan dahil may nakalimotan akong dokumento na kailangan kong permahan." Paalam ko sa aking anak. Kailangan ko ulit magsinungaling sa kanila, bumaba na ang lagnat ng anak ko. Napakiusapan kona rin si Austin na kung pwede ay h'wag munang umuwi, e monitor mona ang anak ko. "Daddy, sana po pagbalik ninyo ay kasa