Share

Chapter 3 Balyena daw

POV- ARIA.

Ilan araw na akong nagtatrabaho sa inaplayan ko bilang isang janitress. Madali lang naman ang ginagawa ko, libre pa pagkain at pwede pa ako mag take out kapag kpag may sobra sa inventory ng bawat shifting o kaya naman kapag may birthday na don ginaganap.

Ngayon nagbago na ang oras ng pasok ko, twing pagkatapos na lang ng aking klase. Dalawang araw na akong pumapasok at mayroon narin akong mga mababaet na bagong kaibigan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil pare pareho kaming mga kalog.

"Sa ibang araw na lang ako sasama sainyo! kelangan ko ng umuwi dahil si tatay inataki nanaman seguro ng kanyang sakit. Nandyan ang mga kapated ko sa labas. Kabilin bilinan ko kase na kapag sinumpong ng sakit ang tatay ay sunduin lamang nila ako at uuwi ako agad. Mauna na ako sainyo," nagmamadaling paalam ko sa kanila at tumakbo na ako palabas.

"Ate!! Sabay sabay na tawag sa akin ng tatlo kung kapated.

"Anong nangyari kay tatay? Tanong ko agad.

"Wala ate gusto lang ka lang namin sunduin dito para may makasabay ka sa pag uwi." Sagot ni Floriza.

" Kayo talaga pinakaba n'yo naman ako. Akala ko kung napano nanaman si tatay. Kaya ko naman ang sarili ko sana si tatay na lang ang binantayan n'yo don pagkatapos ng klase nyo." Wika ko sa mga kapated ko.

"Baka kasi ate Aria may mang away din saiyo dito katulad ng ginawa sa amin kanina sa school inaway nanaman kami mga patay gutom daw kami kaya ka namin sinundo." Saad muli ni Floriza.

"Totoo ba iyon Ford?" Tanong ko.

"Totoo po ate. Nilapitan nila kami ng kumakain kami tirang spaghetti ng Jollibee kahapon. Sabi nila napulot lang daw namin yon sa basurahan kaya kami mayroon noon. Tapos tinapon nila sa basurahan ang spaghetti na tira namin para sa recess namin sa hapon." sumbong ni Ford sa akin.

"Ito ang palagi ninyong tatandaan kahit sino pa ang umapi sa atin o mag maliit kung ano ang estado natin sa buhay ay h'wag na h'wag nyo silang papatulan. Dahil kapag pinatulan natin sila, wala narin tayong pinagkaiba sa ugali nila...... Okay .... Ako na ang bahala na kumausap sa mga teacher ninyo at ibigay n'yo sa akin ang pangalan ng batang nagtapon ng pagkain at kakausapin ko ang magulang n'ya." Saad ko.

"Sege po ate. Sobrang bait nyo po talaga." wika ni Fred.

"Tara na nga. Ihatid kona kayo sa bahay dahil may trabaho pa ako sa Jollibee." Pag aya ko sa mga kapated ko.

"Ate sana may pasalubong ka ulit na Jollibee mamaya." Wika ni Floriza.

"Flor mahiya ka naman kay ate Aria. Kahit kailan talaga napaka takaw mo." Saad naman ni Fred na kakambal n'ya.

"Tumigil na nga kayong dalawa baka mag away pa kayo." Saway ko sa dalawa kung kambal na kapated.

Nakarating kami ng bahay na naririnig namin na tinatawag ang mga kapated ko ni nanay.

"Ford, Fred, Flor!! Nasaan naba kayong mga bata kayo?" Tawag ni nanay sa tatlo kung kapated.

"Nay! Nanay!! Naandito po kami sinundo po namin si ate sa school." Sabay sabay na sagot ng tatlo habang tumatakbo papasok sa loob.

"Dahan dahan sa pagtakbo baka madapa kayo!!!" Habol kung saway sa mga kapated ko.

"Kayo talagang mga bata kayo ang kukulit ninyo." Sita ni nanay.

"Mano po nanay. Kumusta po kayo ni tatay." Saad ko.

"Okay lang kami. Nag meryenda na ba kayo?" Tanong ni nanay..

"Sa trabaho na lang po nay. Kailangan kung pumasok ng maaga." Sagot ko.

Pagkahatid ko sa mga kapated ko ay nag palit na rin ako ng pang trabaho ko.

"Nay, tay alis na po may pang ulam pa naman po kayo dito." Saad ko.

"Sege nak mag iingat ka." wika ni nanay at ni tatay.

Pagkarating ko ng aking trabaho ay nag simula na agad ako. Mababaet ang mga katrabaho ko lalo na ang manager namin....... Natapos na ang trabaho ko at nilalakad ko lang ito kapag uwian na, wala naman nagtatangkang gumawa ng pagkakamali sa akin dahil mukha pa akong maton na babae.

"Aria!!! Ikaw pala sakay kana ihatid na kita sainyo, gabi na dilikado na ito sa mga katulad mong babae na naglalakad sa gabi." Tawag sa akin ni Euric na bigla na lang tumigil sa gilid ko.

"Ikaw pala Euric. Di bale na lang mas may tiwala pa ako sa mga taong nakakasalubong ko kaysa sayo." Pagtataray ko na biglang bukas naman ng bintana ng sasakyan at dumungaw si Erickson.

"Oo nga naman ate Aria sumakay kana, kami na ang maghahatid sainyo. Ako na ang bahala kay kuya hindi ka nya babastosin kapag kasama ako.

"Hayaan nyo na yan s'ya. Ang kuya mona nga ang nagmamagandang loob pag isipan pa ng masama... Hoy babae hindi ka nababagay sa anak ko at lalong hindi kita gusto para sa anak ko napaka cheap mo." Mataray din na wika ng balyenang nanay nila.

"Ma' H'wag na nga kayo magtaray d'yan sumbong na talaga kita kay daddy na nagmadjong ka nanaman kasama ang mga kumare mo." Wika ni Erickson.

"Hindi ko rin naman gusto ang anak n'yo at lalong ayaw ko magkaroon ng byenan na may pagka Anabelle Rama ang pag uugali at hindi ko hilig ang magpalagay ng bangs para lang bumagay sa panlasa ninyo mas di hamak na mas cheap kayo kaysa sa akin babaeng balyena." Sagot ko....Aba nakakapuno na ang balyenang ito sa akin akala n'ya seguro hindi ko s'ya papatulan ngayon kahit kaharap pa n'ya ang mga anak n'ya.

"Ate sakay na, h'wag mo ng intindihin ang bunganga ni mommy." Saad ni Erickson.

"Mabuti kapa Erick mabaet sa akin." Pag puri ko kay Erickson at sumakay na ako. Tama na yong kaartihan ko kuno hahaha. Sayang ang pagkakataon na ito makakauwi ako ng maaga at makakapag pahinga din ng maaga." Natatawa kung kausap sa aking sarili.

"Mabaet naman ako sayo Aria hindi mo lang binibigyan ng pansin dahil sa nagawa kung pambabastos saiyo nong mga bata pa tayo." Wika ni Euric na inirapan kona lamang. Hindi ko makakalimotan ang ginawa nya sa akin noong bata pa kami. Mahilig si Euric noon dumayo ng laro sa amin at ako palagi ang gusto n'yang kalaro. Naglalaro kami noon ng patintero, kami ang magkakampi dinaganan nya ako noon nang magkabongguan kami hinalikan n'ya ako sa labi at kunwaring mag asawa na kinakadyot kadyot ako sa harapan ng mga kalaro namin. Simula noon hindi na ako nakikipaglaro sa kanya kahit humingi na sya sa akin ng tawad...

"Ate nandito na tayo sa eskinita na dinaraanan ninyo." Saad ni Erickson nasubrahan yata ako sa pagbaliktanaw ko nong kabataan pa namin.

"Ayaw ng bumaba, nawili sa sasakyan natin. Palibhasa ngayon lang nakasakay sa ganitong uri ng sasakyan na mamahalin." pagtataray muli ng balyenang nanay nila na hindi ko na lang pinansin at nagpasalamat na lang ako kay Erickson sa pangungulit sa akin na magpasakay.

"Salamat sa paghatid Erickson."

"Wala yon ate. Mag ingat ka h'wag mo ng intindihin pinagsasabe ni mommy sayo." Wika ni Erickson.

"Ano kaba? Sanay na ako sa mga ganyan na pang aalipusta sa pagkatao ko at sa pamilya ko, bato na ang puso ko sa ganyan.... Ikaw din mag ingat..." Saad ko at tumalikod na ako at pumasok sa maliit na eskinita.

"Kapag yumaman talaga ako, who you kayong lahat sa akin hindi ko kayo papansin kahit magmakaawa pa kayo sa akin..... Hmmm ano kayo lang may karapatan mag taray, haler marunong din ako noh..... mas bagay pa nga sa akin ang magtaray at manglait sa kapwa dahil ubod ako ng ganda kaysa sa kanila na sinumpa ang pagmumukha mga pasniyang nilalang...

"Hoyyyyy babaeta bubulong bulong kana naman na parang bubuyog sino naman ang nakaaway mo d'yan pwede ng sabitan ng kaldero ang nguso mo babaeta." Wika ng aking matalik na kaibigan na si Ziri na biglang sumulpot na parang kabote sa harapan ko.

"Alam mo panira ka kahit kailan. Saan ka nanggaling bigla bigla kana lang sumusulpot na parang kabote na ihi ng aso." Asar kung sagot.

"Ang ganda ko naman na kabote. Kanina pa ako dito nakaupo sa tindahan ni aling Tasing hindi mo lang ako napansin dahil tulala ka nanaman. Sinong malas na lalaki ang pinapantasya mo sa madumi mong isip ha." Pang aalaska sa akin ni Ziri.

"Umuwi kana nga lang sa inyo. Gabing gabi sinisira mo lalo ang gabi ko." Pagtataboy ko kay Ziri.

"Kung galit ka sa mundo kaibigan, h'wag mo akong idamay. Ano ba kase ang dahilan kung bakit kulang na lang sabitan ng kaldero yang nguso mo? Ka trabaho ba, jowa wala namang malas na lalaki ang papatol saiyo o si aling Dolores nakasalubong mo. Pili ka sa tatlo.

"Ang huli mong nabanggit, Hindi lang nakasalubong kundi nakasakay pa ako sa kotse daw nilang mamahalin." Sagot ko.

"Hahaha ang nanay ng magkapatid na isang anghel at isang demonyo. Aling Dolores wala ng bago d'yan. Kahit hindi mo pa Yan makasalubong o makita, marinig mo lang ang boses at pangalan n'ya nakakasira naman talaga ng araw. Sarap ihagis sa Antarctica at ipakain sa pating dahil sa nuknukan ng sama ng ugali. Pero beshy matanong ko lang, may pating ba sa Antarctica?" Saad ni Ziri.

"Saakin kapa nagtanong, e g****e mo." sagot ko.

"Wala akong load." Sagot ni Ziri.

"Problema mona yan. Tumabi kana nga gusto ko ng magpahinga may pasok pa ako sa school bukas." Wika ko.

"Sabi ko naman sayo h'wag ka ng mag aral at maghanap na lang tayo sa dating sight ng Afam." Wika ni Ziri.

"Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ko.

"Oo naman, ako ang matalik mong kaibigan na si Ziri.Nakalimotan mona ba. Bakit mayroon ka pa bang iba bukod sa akin." Sagot ni Ziri.

"Hi naku Ziri d'yan kana nga, Ang pangit mong kausap." Napipikon kung sagot at iniwan ko na lang sya na wala parin tigil kakatawag sa pangalan ko.

"Aria!! Balik ka dito hanap na lang kase tayo ng Afam mabilis pa tayong yayaman. Sabi nga nila kung gusto mo agad yumaman hanap ka lang ng Afam dahil nasa kanila daw ang kasagotan sa pagbilis yumaman. Kadaku na kwarta daku din ang sawa, saan pa tayo" Sigaw ni Ziri.

"Tse!!! Abnormal ka talaga Ziri, matulog kana nga ng tumalino ka. Sabihin ko na talaga kay Euric na may gusto ka sa kanya matagal na kapag hindi ka tumahimik!" sigaw ko habang naglalakad ako pauwi.

"Hoy ang ingay n'yong dalawa, kung wala kayong balak matulog, aba magpatulog naman kayo. Ikaw Ziri umuwi kana sainyo." Sita ni aling Tasing sa amin.

"Bunganga mo Aria!! ayan napagalitan tuloy tayo" Sagot sa akin ni Ziri habang nagpapadyak. Natawa na lang ako sa reaksyon nya ako pa talaga sinisisi sya naman yong napakaingay kanina. Dumiritso na ako ng uwi.

Si Ziri ay noon pa na may gusto kay Euric, hindi lang pinapansin dahil sa akin may gusto ang crush n'ya. Maganda naman si Ziri kaunti lang lamang ko sa kanya hindi lang talaga s'ya gusto ng taong gusto n'ya.

Nang makauwi ako ng alas nuebe ng gabi ay tulog na ang mga kapated ko si nanay na lang ang gising.

"O nay bakit gising kapa?" tanong ko.

"Hinihintay kita anak ko..... Kumain kanaba? pinagtira kita ng ulam na sardinas may isang piraso pa d'yan." Sagot ni nanay.

"Kumain na po ako doon bago umuwi. Bukas ko na lang po ng umaga kakainin.... Bakit pala wala tayong ilaw na pundi po ba kaya espirma gamit natin?" Tanong ko.

"Pinutulan tayo ni Aling Dolores ng kuryente anak. Hindi ako nakabayad sa kanya. Binili ko ng gamot at bigas kanina." Sagot ni nanay. Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit hindi sa akin sinabi kanina ng balyena na iyon sa kotse nila, ginagalit n'ya talaga ako. Hindi na naawa sa tatay ko na may sakit.

"Hayaan n'yo po nay pakiusapan ko na lamang si Aling Dolores bukas na kung pwede sa sweldo ko na lang tayo magbayad sa kanya." Saad ko.

"Sana naman pumayag nak." Malungkot na wika ni nanay.

"Ako na po ang bahala bukas nay, matulog na po tayo." Saad ko.

Pagkatapos naming mag usap ni nanay ay natulog na sya at ako naman ay pinasadahan ko ng basa ang lesson namin kanina bago matulog. Pagkatapos kung mag review ay natulog na ako.

Nagising ako sa alarm clock ko. Mabuti na lang nakapag charge ako ng cellphone don. Ang cellphone na gamit ko ay bigay ng kababata ko na at matalik ko pang kaibigan na si Ziri, hindi man bago na binigay sa akin ang mahalaga may magagamit ako kahit papaano pang research sa mga theses namin sa school...... Bumangon na ako para magluto ng almusal namin. Kailangan tipirin ang bigas namin hanggang sa pagsahod ko kaya lugaw lang lulutuin ko ngayon ang mahalaga may laman ang tiyan namin bago pumasok sa umaga lalo na sa tatlo kung kapated. Magtiis mona sila na walang baon ngayon sa school, tatlong araw na lang naman may unang sweldo na ako sa trabaho ko. Pagkaluto ko gigisingin ko na ang tatlo kung kapatid, paglabas ko ng kusina ay nakita ko si nanay na gising na.

"Nay kain na po tayo, nagluto po ako ng lugaw. Gisingin ko lang po ang tatlo ko pang kapated." Saad ko.

"Sege nak' gisingin ko lang ang tatay mo." Sagot ni nanay. Pumasok na nga ulit ako sa kwarto namin magkakapatid, sama sama na kaming matulog sa lapag na tanging banig lang ang sapin at lumang manipis na isang kumot ang pinagsasaluhan namin kapag tag lamig.

"Ford, Fred, Flor gising na. Kakain na tayo." Gising ko sa tatlo. Si Ford at Fred ay bumangon na itong si Flor talaga ang mahirap gisingin sa takaw tulog talaga.

"Ate limang minuto na lang po babangon na ako." Antok ba sagot ni Flor.

"Naka dalawang limang minuto na tayo. Kapag hindi kapa bumangon, uubusan ka namin ng almusal sege ka magugutom ka." Pananakot ko. epektib naman.

"Sege na nga." Sagot ni Flor at bumangon na nga at dumiritso na sa kusina.

"Ate lugaw nanaman ang almusal natin," Reklamo ni Floriza.

"Anak' H'wag ka ng maghanap pa ng iba. Kumain kana lang." Sermon ni nanay, para ganahan kumain ay inuto ko ito.

"Yaan mo sa sunod na araw susweldo na si ate makakain na tayo ng masarap na almusal." Wika ko.

"Talaga ate!" Tuwang tuwa na tanong ni Flor.

"Oo kapag inubos mo ang lugaw mo." Sagot ko. Kaya naman at sunod sunod ang subo nya.

"Dahan dahan naman baka mabilaukan kapa ng lugaw." Awat ko sa kanya.

Natapos na nga kaming mag almusal lahat. At tapos na rin kaming maligo at mag gayak ng damit, sabay sabay na kaming papasok sa school.

"Nay, tay pasok napo kami." Paalam namin.

"Sege mag ingat kayo mga anak, mag aral ng mabuti." Sagot ni nanay.

Inihatid kona ang mga kapated ko sa school.

"Ford sinong studyante ang nang away sainyo dito, kakausapin ko ang guro n'yo.

"Wala pa po sya ate. Pero si ma'am Roxas nasa room na po yon ng ganitong oras." Sagot sa akin ni Ford.

"Sege mamaya na lang akong tanghali babalik dito." Sagot ko at pumasok na sila sa loob.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bernadette
ang oa ng kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status