POV- ARIA
Nasa loob ako ng kapelya ng Hospital kasama si nanay, taimtim na nagdarasal na sana maging successful ang operation ni tatay. Hindi ko kakayanin kapag kinuha s'ya samin ng panginoon, s'ya lamang ang kinikilala kung ama. Pinagbigyan ako ni Mr. F. na h'wag mona ako pumasok sa club. Pagkatapos ko ng duty sa fast food chain ay dito ako dumiritso, araw naman ng sabado kaya mamaya na ako uuwi sa bahay para tingnan ang mga kapatid ko. "Nak! Balik na tayo don.... Kumain ka mona? Pwede kana rin umuwi para makapagpahinga kana, namamayat kana anak ko. Pag pasensyahan mona kami ng iyong tatay, Ikaw pa ang nag iisip ng paraan para maoperahan ang tatay ninyo, hiyang hiya na ako saiyo anak ko." Madamdaming saad ni nanay. Ano kaba? Nay' Okay lang po yon sa akin. Ako pa nga po ang dapat magpasalamat sainyo dahil kung hindi sainyo ni tatay baka wala po ako sa mundong ibabaw, kaya h'wag nyo pong sasabihin na nahihiya kayo sa akin. Bilang isang itinuturing ninyong anak ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya makabawi at magdagdagan ang buhay ni tatay." Sagot ko sa aking ina. Pinaintindi ko sa kanya na kahit hindi nila ako tunay na anak ay kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan na naging pabigat sila sa akin. "Mauna na po kayo Nay. Kumain na po kayo dahil busog pa po ako, Pinakain po ako ng manager namin kanina bago ako umalis. Teka po pala may ibinigay po sila ng kaunting tulong para sa operasyon ni tatay." Dagdag kung ani at iniabot ko sa kanya ang isang puting sobre na may perang laman. Tinanggap naman ito ng aking ina. Malaking tulong na ito sa amin. Hindi na ako nahihiyang tanggapin ang ibinibigay nila sa akin ng mga taong gustong tumulong sa amin. Dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang buhay ng aking tatay kaysa sa dignidad ko. Pagkaalis ni nanay dito sa kapelya ay para akong kandila na unti unting nauupos. Gusto ko ng umiyak sa harapan ni nanay pero pinigilan ko lang ang aking sarili dahil ayaw kong panghinaan siya ng loob at sisihin ulit ang kanyang sarili. Gusto kung makita nila ako na matibay ang aking loob na kahit Anong daguk ang dumating sa aming buhay ay kayang gawan ng paraan kahit gaano pa kahirap. Pero hanggang saan ang pagtatago ng aking tunay na nararamdaman, hanggang kailan ko ito sisikilin. Tanging ang panginoon na lamang ang gagabay sa akin sa hamon ng aking buhay, Siya lamang ang aking sandigan bukod sa aking pamilya. May tumayo sa aking harapan isang sapatos na mamahalin na panlalaki. Ganun na lamang ang aking gulat ng tumingala ako para tingnan kung sino ang nakatayo sa harapan ko. "Mr. F! Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko at napaupo ako ng tuwid ng makilala ko ito. Katulad ng dati nakamaskara parin ito kapag kaharap ako. Umupo s'ya sa aking tabi ng walang sabi sabi na isinandig ang aking ulo sa kanyang balikat na ikinagulat kong muli. "Pwede kang umiyak sa aking balikat kapag hindi mona kaya pang pigilan ang iyong luha saiyong mga mata." Ani ni Mr. F. sa akin. "Okay lang po ako Mr. F. Kaya ko po naman pigilan ang aking luha. Magiging okay din naman po ang lahat at matatapos din po ang pagsubok na ibinigay sa akin o sa aming pamilya ng Panginoon. Ang lahat naman po ay may dahilan kaya nararanasan ko ito, seguro may nagawa akong hindi mabuti sa aking kaya binigyan ako ng kaparusahan na pagsubok. At ito iyon." Ani ko. "Ikaw ang bahala, naandito lamang ang aking balikat nakahandang maghintay na gawin mong sandalan." Ani nito at tumayo na. Pinagpag nito ang kanyang pwetan at nagpaalam na sa akin. Hindi n'ya sinagot ang kanina ko pang tinatanong sa kanya. Naiwan na ako dito mag isa sa Kapelya. Tumayo narin ako at nagtungo sa labas ng silid kung saan inooperahan ang aking tatay. Nakaupo lang ako nag aantay matapos ang operasyon. Natapos ang oras ng operasyon ni tatay ng successful. "Salamat, Dra. Marfil." Pasalamat ko. "Walang anuman iyon. Ginawa ko lamang ang trabaho ko at abot ng aking makakaya. Kung may mga kailangan ka pa h'wag kang mahihiya na lumapit sa akin at magsabi." Saad ni Dra. Nakahinga ako ng maluwang matapos ibalita sa akin ni Dra. Marfil na ligtas na ang aking tatay. Ang nanay ko naman ay walang tigil kakapasalamat sa Panginoon dahil sa magandang resulta ng operasyon ni tatay. Ilan minuto lamang ay inilipat na si tatay sa maayos na silid na s'ya lamang ang pwede. May limit lamang ang pwede sa loob. Kaya ng mailipat si tatay ay ako mona ang pumasok tiningnan ko lang s'ya sa ilang hakbang lang ang layo dahil natatakot ako na mahawaan ko s'ya ng dumi kahit na hospital protection gown ako. Pagkatapos ko ay lumabas na ako. "Nanay, uwi lang ako sa bahay naten. Ikaw na po mona ang bahala kay tatay." "Sege anak ng makapagpahinga kana at makakain ng maayos. Pagkatapos namin mag usap ng aking nanay ay umalis na ako. "Ate!" Tawag sa akin ni Floriza ng makita n'ya akong papasok sa masikip naming tahanan. "Nasaan ang Kuya Ford at ang kakambal mo? Tanong ko. "Nag iigib po ng tubig." Sagot sa akin ni Floriza. Napatapik ako sa aking noo. Nakalimotan kong ipatanggal ang pagkakapadlock. Kinandado nga pala ni Aling Dolores ang gripo namin na kunektado sa kanila. "Kanina paba sila umalis? "Kakaalis lang po nila, bago ka po ate dumating. Bakit po?. "Tawagin mona sila, bunso pwede po ba! Sabihin mo na umuwi na sila dahil pupunta ako kina Aling Dolores para alisin na n'ya ang padlock dahil magbabayad na ng tubig na dalawang buwan nating utang sa mangkukulam na iyon. Pesteng mangkukulam na iyon. Hindi makaintindi na wala pa ako sa kanya ibabayad, dahil inuna kung bilhin ang maintenance na gamot ni tatay. Patayan ba naman kami ng tubig habang nililigo ako sa banyo namin. "Sege po ate. "Mag ingat ka sa aso ni Mang Kaloy ha." Bilin ko sa bunso namin bago ako umalis para pumunta sa kabilang kalsada pagkalabas dito sa eskinita. "Tao po! Tao po! ..........." Walang sumasagot. Sino naman impakto ang nag papatugtog ng ganun kalakas sa loob ng bahay ni Dolores mangkukulam. Yan na na ang tawag ko sa kanya ng mangyari ang insedenting yon. "Tao po!....." Tawag kung muli. "Anong masamang hangin ang nagpadpad saiyo dito babaetang Tingting." Saad ni Aling mangkukulam ng sumulpot sa likuran ng bahay nila. "Yong mabahong hininga nyo po na kasing baho ng pag uugali mo." Sagot ko sabay irap ko kanya. "Bastos ka!" inis na ani ni Mangkukulam. "Wala ng mas babastos pa sa pagkatao mo Aling Mangkukulam.. "Ano bang ipinunta mo ditong walang mudo ka. "Alisin mo ang pagkakapadlock ng gripo namin. "Bakit ko naman aalisin?Aber! May pambayad kaba? "Gamitin mo naman yang mindset mo Aling Mangkukulam. Pupunta ba ako dito at uutusan ka na alisin ang padlock kung wala pa akong pambayad saiyo." Ani ko... Ayaw gagamitin ang utak, Paano puro pagmamadjong at paglalaskwtsa ang ginagawa." Dagdag ko pang ani. "Hindi mona ako iginagalang Aria. Akin na mona ang pambayad mo sa utang mong dalawang buwan sa tubig." "Masakit ba Aling Dolores ang masagot kita ng masasakit na salita. Wala pa yang nararamdaman mong sakit kumpara sa pang aalipusta mo sa pamilya ko!. Nakakapagtaka ba ha, na sinasagot sagot na kita ng sobra ngayon... Kulang pa yan, makakahanap ka din ng makakatapat mo Aling Dolores. H'wag sana mangyari saiyo na humihingi ka ng tulong sa iba na tatalikuran ka lang. Pasalamat na lang ako sa anak mo kahit tinalikuran mo kami na makisakay sa kotse mo ng makita mo kaming buhat buhat ang aking tatay na wala kaming masakyan ay dumating ang anak mong si Erickson, kung hindi dahil sa kanya wala na seguro ang tatay ko ngayon." Madamdaming kung saad. "Ang drama mo naman Aria. Akala mo naman madadala mo ako sa mga ganyang style mo, Luma na yan, pirated na. Nabenta na yan sa Quiapo. Panahon pa ni Emilda Marcus yang drama mo. Akin na ang isang libong piso at tatlong daan at lumayas kana sa harapan ko mga letse kayo sa buhay kong mahihirap kayo, mga hampaslupa, mga patay gutom! Galit na saad ni Aling Dolores. "Napakasama talaga ng ugali mo Aling Dolores!" "Wala akong pakialam, Hindi naman ako magkakapera kahit magpakabaet pa ako saiyo at sainyo!" "Ito! I*****k mo sa p**i mong maluwang." Sagot ko sa kanya. Sabay talikod. Letse ka din. Tumalikod na ako pakaabot ko ng bayad sa dalawang buwan namin pagkakautang. "Ate, Tawag sa akin ni Frederick ng makita nya ako na nakaupo sa sahig namin. "Magbihis kana. Baka sipunin kapa." Saad ko. Pagdating ko dito sa bahay ay naliligo si Fred. Si Ford naman ay inutusan kung bumili ng meryenda namin at sumama si Flor may gusto daw siyang bilhin sa tindahan ni aling Tasing. "Ate! Ate! Umiiyak na tawag sa akin ni Floriza. Kaya naman ay napatakbo ako ng mabilis sa labas. "Bakit? Bakit umiiyak si bunso, Ford? Tanong ko. "Eh ate, ang mahal mahal kase ng tinuturo n'ya, Ang Sabi ko sa kanya na kapag binili pa natin yon ay baka mawalan na tayo ng makakain natin." Paliwanag ni Ford. "Magkano ba iyon? "100 pesos po ate Aria." Sagot muli ni Ford. "Ang mahal nga bunso, kailangan natin magtipid dahil sa gamot at pambayad natin sa bill ng hospital ni tatay, Pwede ba sa pag sahod ko na lang ulit, bunso." "Sege po ate. Pero kailan po iyong pagsahod mo? " Sa katapusan bunso. Pasensya na ha, kung hindi mona maibili ni ate mo yong gusto mo. Iniisip ko lang ang tatay pagkalabas n'ya sa hospital. Marami tayong babayaran." Pagpapaunawa ko sa aking kapated. "Tahan na bunso. Makinig ka kay ate Aria. Hindi kaba naaawa sa kanya. Tingnan mo si ate pagmasdan mo, gusto na n'yang magpahinga pero inuuna n'ya tayong asikasohin. Kaya h'wag matigas ang ulo mo."Pangaral ni Ford. Ginulo ko ang buhok ni Ford. Sa murang edad ay matured na mag isip. "Tara na sa loob, dahil inaantok na ako." Pag aya ko. "Sorry po ate!" Wika ni Flor. Niyakap ko ito ng mahigpit na tinugunan naman nya. "Hayaan mo po ate kapag lumaki na ako at nakapagtapos na ng pag aaral ay tutulongan ko po kayo sa paghahanap buhay. "Ang bait naman ng Kuya namin." Sulpot ni Frederick sa aming likuran. "Kaya mag aral kayo ng mabuti, dahil yan na lamang ang maitutulong ko sainyo ang pag aralin kayo at mapagtapos para makahanap kayo ng magandang trabaho. "Opo ate!" Sabay na wika ng tatlo. Dito lang kayo at magluluto ako ng ulam para mamaya nating hapunan. Kainin nyo na yang tinapay. Ubusin nyo yan ha. Habang nagluluto ako. Iniisip ko si Mr. F. Bakit kaya naka suot na maskara iyon ng abuhin na Bungo ng tao. Pangit kaya s'ya, maraming tigidig sa mukha, o maraming sugat na hindi gumagaling o baka naman ay bungi, sungki sungki ang ngipin tapos malalaki pa at pango Ang ilong na daig pa ang sinagasaan ng bulldozer. Napapilig ako ng aking ulo sa mga naiisip ko kay Master F. sa kanyang itsura. Tumunog ang cellphone ko may pumasok na text messages. Kinukumusta ako ng Unknown number na textmate ko. Gusto nyang magpadala ng pera, para tulong daw sa gamot ni tatay o mga kailangan dito sa loob ng masikip naming tahanan. "Ikaw ang bahala. Alam mo naman na ang buong pangalan ko at address. (Message sent) "Sege, punta lang ako ng Palawan pera Padala.(Message received) Hindi kona nireplayan at nagpatuloy ako sa aking pagluluto. "Aria!. Ford dumating naba ang ate?" Boses ni Ziri na matalik kung kaibigan na selosa. Pinagselosan ba naman ang mga bago kung kaibigan sa university. "Naandito po ate Ziri, nasa kusina po si ate Aria nagluluto ng aming hapunan." Magalang na sagot ni Ford. "Ganun ba, sege puntahan ko nalang." Saad n'ya akala seguro nya ay hindi ko s'ya naririnig. "Anong amoy ng hangin ang nagpapunta sayo dito sa amin?" Tanong ko sa matalik kung kaibigan na ang laki ng pagkakangiti ng makita niya ako. "Yang hininga mo." natatawang sagot nito sa akin. "Sira ka talaga. Anong kailangan mo? Bakit ka naandito? tanong ko sa kanya habang pinupusod ko ang aking buhok na lampas baywang ang tuwid na tuwid at makapal, maitim kung buhok. "Bisita mo ako Aria. Kaya h'wag mo akong tinatarayan diyan, baka makatikim ka sa akin ng kurot sa singit. "Tadyakan naman kita diyan. "Maiba nga tayo, kumusta na ba si Tiyo Florante? Nakiusap sa akin si Inay na ako mona ang magbantay kay T'yong. Pero kahit hindi naman makiusap sa akin si Inay ay kusa akong magbabantay, naunahan lang ako." "Okay na ang tatay, sana magtuloy tuloy na, naging maayos naman ang operasyon ni tatay.... Salamat naman, para makapagpahinga si nanay ilan gabi narin siyang puyat kakabantay kay tatay, Hindi ko naman magawang palitan, dahil alam mona may trabaho pa ako....... "Mabuti naman kung ganon, umiiyak na nga si nanay dahil hindi n'ya manlang mapuntahan at madamayan si tiyang Tina dahil bawal siyang umabsent sa trabaho. Sana nga sa katapusan ng buwan na ito ay payagan siyang umuwi dahil miss na miss kona si Inay. Ang nanay ni Tina at nanay ko ay matalik na magkaibigan tulad naming dalawa. Wala lang siya dito dahil nagtatrabaho ito bilang isang Mayordoma sa isang malapalasyong bahay sa Imus Cavite ng isang sikat na Artista. "Okay lang naman yon, Ano kaba? may ibang araw pa naman na pwedeng bumisita si tiyang Emely. "Paano ba yan.. Uuwi na ako, hinahanap na ako ni Itay. Ihahatid pa n'ya kase ako sa hospital at bibisitahin na rin daw n'ya si T'yong." Saad ni Ziri at pinakita n'ya sa akin ang text message ni T'yong Berto. "Sege mag ingat ka, H'wag ka ng malungkot uuwi din naman si T'yang. Umuwi na si Ziri, hayst salamat kahit papaano makakapagpahinga si nanay kahit isang gabi lamang. Bukas naman ng umaga ako ang papalit kay Ziri sa pagbabantay kay tatay. "Ate, Kelan po uuwi dito si tatay? tanong ng bunso namin. "Kapag pwede na siyang pauwiin ng doctor ay maaari na s'ya umuwi dito sa atin kaya kung ako sainyo maglinis kayo dito palagai dahil bawal kay tatay ang marumi at maalikabok.... Okay," Saad ko. "Sege po ate, araw araw po kaming maglilinis dito sa bahay natin." Sabay na sagot ng tatlo. "Naubos na ba ninyo ang meryenda ninyo? "Opo ate, busog na busog nga ako eh." sagot ni Floriza. "Ganun ba. Sege iligpit n'yo na yan, pupunta lang ako kay aling Tasing, naubusan tayo ng uling bibili lang ako ng limang balot. "Sege po ate. Lumabas na ako ng bahay, para bumili ng uling at bigas narin pala, Wala narin pala kaming bigas. Itong natitirang sweldo ang ibibili ko mona. Pagdukot ko sa aking bulsa ay limang daan peso na lang pala ang natira, Ang iba nga pala ay pinambayad ko sa tubig. "Aling Tasing! pagbilan nga po ako ng limang balot na uling at limang kilong bigas.POV- FUCKLERS Habang pinagmamasdan kung kumakanta sa stage ang kaibigan ng aking kaibigan na si Eutanes ay manghang mangha ako. Nang malaman ko ang dahilan ng pag apply ng trabaho dito sa akin ay hindi ako nagdalawang isip na tulongan ito. Nag pakilala nalang ako ng Mr. F. Dahil ayaw kong maiilang s'ya sa akin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ito lumapit sa mga kaibigan niya eh mayayaman naman sina Rasselle at Chyrll pero kung ano man ang dahilan n'ya ay wala na akong karapatan na alamin pa. Gusto ko ang pag uugali ni Aria na nagpakilala na Gergerlyn Moe Lang. Isa siyang matatag, responsable at mapagmahal na anak. Sinundan ko sya ng araw mismo na ooperahan ang kanyang tatay. Awang awa ako sa kanya ng makita ko s'ya na nakasalampak at nakatingin sa sahig sa loob ng kapilya ng hospital. Nagtaka ng makita niya ako. Nalaman ko din na minamaltrato ng patago ang kambal nitong kapatid ng isang Ginang na nag ngangalang Dolores. napag alaman ko din na binuhusan ng kaning baboy ang
POV- FUCKLERS Hinimas ko ang aking ulo ng sumakit ito. Kumikirot talaga ang aking ulo sumasabay pa ang katigasan ng aking kapatid na si Gina. Si Adora naman ay sumakay na sa chopper, Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan nararamdaman n'ya seguro kung ano gagawin ko sa kanila sa Pulo. "Kuya ano ba! Hindi ako sasama, Adoravina! Bumaba ka diyan. Alam ko kung ano ang gagawin natin sa Isla na iyon..... Akala mo ba kuya hindi ko alam ang Pulo Island na iyon. Dadalhin mo kami don para magbasa ng magbasa ng bible, Oh my gosh! naman kuya, hindi kami nababagay don, kung gusto mo don! bat di ikaw nalang ang pumunta idadamay mo pa kami ni Adora." Pagwawala ni Regina at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Wilfred at ni Eman. "Wilfred alam mona ang gagawin mo." Saad ko na agad naman sumunod. "Yes Amo." "Erhm!! Eirhmm!!!" Ilan second lang ay nakatulog na ang aking kapatid. Binuhat na ni Eman ang kapatid ko at isinakay sa chopper. Ilan sandali pa ay nasa himpapawid na kami
POV- ARIA Isang buwan na ang nakalipas ng maoperahan si tatay. Nakalabas narin ng Hospital at unti unti na s'yang gumagaling. Ang problema ko na lamang ay ang pang maintenance na gamot ni tatay. Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho ko bilang isang Janitress sa Jollibee. Dahil hindi ko narin kaya, baka ako naman ang magkasakit, Paano naman ang pamilya ko kung sakali. Sinabe ko na lamang kay nanay ng magtanong s'ya sa akin na sa call center ako nagtatrabaho. Tumawag sa akin ang mga bago kung kaibigan na may padjama party kami pero hindi na ako pumunta sinabe ko na lamang na kailangan ako ni nanay katuwang sa pag aalaga kay tatay. "Segurado kaba? Aria na tatanggap kana ng costumer kapag gusto ka nilang e table at ilabas. "Oo, ate Lilly kailangan ni tatay ng maintenance saan naman kami kukuha ng pambili kung hindi ako gagawa ng paraan, Ang dami naming gastosin sa Bahay, hindi narin si nanay nakakapag angkat ng kakanin para itinda sa palengke. Ayaw ko naman maging pabigat sa mga kaib
POV- ARIA. Dalawang linggo na akong tumatanggap ng costumer para ma e table at mailabas. Lalong nabweset sa akin si Hiwaga. Kasalanan ko pa ba na ako ang mabenta kaysa sa kanya. "Naku! Aria, nararamdaman ko na ikaw na ang magiging Queen of the night ng Paraiso Aliwan na ito sa katapusan ng buwan, dahil saiyo lalong lumakas ang club ni Master F. Kabogera kana talaga ngayon daig mo pa si Angel khang ng Vivamax Queen. "Naku! ate Lilly manahimik ka nga baka marinig ka ni Hiwaga, Alam mo naman yon laging nag aalburoto ang pwet kapag nakikita ako, ayaw ko pa naman ng may kaaway dito, baka dahil sa ganyan mawalan pa ako ng trabaho, kaya kanya na yang trono na yan wala akong balak na agawin pa sa kanya dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay pera." Sagot ko. "Sus! S'ya lang naman ang mahilig mang away sa atin dito noh. Kapag sumanib sa akin muli ang kaibigan kung diyablo ay baka mapatay ko na ang baliw na yan. "Hala s'ya ate Lilly patayin agad as in Tsugi. Di ba pwedeng unti untiin bago
POV- FUCKLERS. "Hello Boss, May sakit si Regina dalawang araw na. Hindi na alam ang gagawin ni Adora, kaya tumawag na po ako saiyo. Hindi naman ako makalapit dahil nga po sa bilin ninyo sa akin na kahit anong mangyari hindi ako lalapit sa kanila. "Papuntahin ko d'yan si Emanuel ngayon, Alam na n'ya ang gagawin, H'wag kang lalapit sa kanila, Kilala ko si Regina lahat gagawin makaalis lang sila sa Isla na yan. "Sege po boss masusunod. Pakisabi na lang po kay Eman na dalhan ako ng lotion para sa lamok, Grabe boss ang lamok dito ang lalaki, hindi ako makatulog sa gabi. "Hindi mo seguro nilinis ang tree house bago ka natulog diyan. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Wilfred ay si Eman naman ang kinausap ko. Ayaw pa sana akong sundin dahil ayaw n'ya akong iwan. "Naandito naman sina Boyet, Scotch at Brite sila na lang mona ang kasa kasama ko kung saan ako magpunta, kayo na ang bahala sa dalawa kung kapatid, kung itong tatlo naman ang iiwan ko don ay baka maisahan pa ng dalawa, uto
POV- Aria. "Run! baby! run! wahahahaha!" malademonyong tawa ni Fucklers. Ginoo ko mahabaging emhrie tulongan mo po ako sa pashneang ito. Panalangin ko kunwari nasa encantadia ako. "H'wag mo ng tangkain pang tumakas Ms. Aria a.k.a Gergerlyn Moe Lang. Akala mo maiisahan mo akong babae ka. Galingan mong magtago at seguraduhin mo lang na makakatakas ka sa akin, dahil kapag nahuli kita alam mona ang mangyayari saiyo sa mga bisig ko hahahaha." wika ni Fucklers na nakakaloko. "Hayop na lalaki na iyon malunok mo sana ang dila mo! Bweset na yan natiklo pa ako. Bakit kasi sa dinadaming lalaki na mag titable pa sa akin eh yong sobrang manyakis pa na iyon. Naman oh akala ko ako na ang pinakamatalino may mas matalino pa pala sa akin. Saan na ako nito dadaan?" Kausap ko sa aking sarili. Ehhh! nangingilabot ang aking katawan na may dumapong ipis sa braso ko. Pesteng ipis na ito mahuhuli ako ng dahil sayo!. "Boss! wala dito baka natakasan kana. Ang hina mo naman bossing isang babaeng maganda lan
POV- Aria Nagising ako na masasakit ang aking katawan, babangon sana ako ng mapansin ko na may nakapatong na mabigat na hita sa aking tiyan at nakayakap na braso sa aking dibdib. Nilingon ko ito ang pagmumukha ni Fucklers ang bumungad sa akin. Sunod sunod na patak ng luha ang lumandas sa aking pisngi. Hindi ko akalain na magagawa nya ito sa akin. Kilala n'ya pala kung sino ang nasa likod ng nakatagong maskara ay nagawa pa niyang kunin ang aking iniingatan na dangal, ito na lang ang natitira pero parang bula na naglahong bigla sa isang gabi lang na aking pagkakamali. Sa dinadaming lalaki sa mundo si Fucklers pa ang lalaking sisira sa pangarap ko, Paano na lamang ang aking pamilya kapag nabuo ang isang gabi na ito na hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ngayon guguho na ang mundo ko, Wala na akong mukha na ihaharap sa pamilya ko kapag nalaman nila ito. Ngayon pa lamang ay nandidiri na ako sa aking sarili lalo na dito sa aking katabi. "Demonyo ka Fucklers! demonyo ka! demonyo ka! Sina
POV- ARIA "Ano ba! Fucklers nasasaktan ako! Ano bang problema mo ha!?" Sigaw ko dito ng kaladkarin ako palabas ng event hall ng may lumapit sa aking gwapong lalaki at nakipagkilala ito sa akin. Wala naman akong ginagawang masama, pero ganun na lamang ang reaksyon niya. "Ano ang nakasulat sa pinirmahan mong kontrata? Ano!?" Sigaw din nito sa aking pagmumukha habang hawak n'ya ng mahigpit ang aking palapulsuhan na nakataas. "Nasasaktan ako Mister Montefalco!" Galit at seryuso ko ding sagot sa pagmumukha niya. " H'wag na h'wag mo akong sinisigawan at binabastos sa mga kasosyo mo sa negosyo mo, dahil hindi mo ako kapatid, kaibigan na kapag nagagalit ka ay sisigaw sigawan mo lang sa harapan nila at sasaktan ako ng ganito, at ito pa tandaan mo hindi mo ako pag aari o asawa. Oo at may pinirmahan akong putang-na na kontrata na yan saiyo ay gaganyanin mo lang ako. Wala kang karapatan kahit bayad mo ang serbisyo ko sayo. Tandaan mo ito mister Montefalco kinuha mong pilit ang pagkababae ko
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari
POV- Fucklers. "Oh sweetheart! Bakit naman ganyan ang itsura ng mukha mo? May problema kaba sa Opisina mo?" Salubong sa akin ng Mahal ko ng pumasok ako sa silid namin. Kailangan kong mag inarte ngayon, nangangamba kase ako na baka hindi nga matuloy ang kasal namin dalawa sa sunod na araw, lalo pa at may hinahanap pa kaming tao. Pilit ang ngiti na nginitian ko sya at hinalikan sa kanyang labi. "Sumakit ang ulo ko sa tauhan kong si Bright, Mahal." Tipid kong sagot sa kanya. "Bakit naman? Ano naman ginawa ni Bright saiyo na kinasakit ng ulo mo?" Tanong ulit sa akin ng mahal ko. Inakbayan ko siya habang patungo kami sa sofa. Naupo ako habang ang mahal ko ay hinuhubad ang suot kong pang opisina ko na damit at ang aking sapatos. Pero bago ko sinagot ang tanong niya ay hinanap ko mona ang mga bata. "Nasaan ang mga bata? Bakit walang mga batang makukulit sa akin ngayon na nangungulit?" Tanong ko sa mahal ko na hinanap ko ang mga bata. "Pinatulog ko ng maaga dahil pupunta dito si Lolo
POV- Fucklers. Napaangat ako ng ulo ko ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at ang galit na galit na sekretarya ko ang bumungad sa akin. "Anong problema mo Cassy? Bakit ganyan ang itsura mo? Kulang na lang ay lunukin mo ako ng buhay?" May problema kaba sa akin na hindi ko alam? Tanong ko sa dalagang sekretarya ko na namumula sa galit. "Sir, ang bastos ninyong tauhan na si Bright ay bigla na bigla na lang pong nagnanakaw ng halik! Ninakaw niya ang first ko!!!" Galit na galit nitong pagsusumbong sa akin. Ako naman ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat, matagal ko ng sekretarya si Cassy at napakabait nito, masipag pang pumasok. Kahit manang itong magsuot ng damit at kahit may makapal na suot na salamin sa mata ay may tinatago naman itong taglay na ganda. Mahiyain ito at hindi marunong magalit, tapos heto at naghuhurumintado dahil ninakaw ng tauhan ko ang kanyang first kiss. Napalunok pa ako ng laway ng makita kong nakasalampak si Bright sa sahig na sapo ang kanyang kanang pi
POV- Fucklers. "Boss, hindi parin namin mahanap ang babaeng pinapahanap ninyo sa amin." Pag report sa akin nila Boyet." Inaasahan kona rin ito, kahit sina Emman at Wilfred at mga ilan na taong inutusan ni Red na tumulong sa paghahanap ay iisa lang ang sinasabi nila. Tatlong linggo na namin hinahanap ang babaeng iyon, kahit sa cctv footage ay hindi nakikisama ni isa sa poste ay walang nakakabit, pati sa mga karatig baranggay ay walang makita, lahat ng mga taong pulubi na dinala at pinakita kay Aria ay ni isa sa kanila ay walang naramdaman si Aria. "Maghanap lang kayo, huwag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita ang babaeng yon. Makikita nyo rin sya." Utos ko sa mga tauhan ko, lumabas narin ang mga ito sa aking opisina. Hinihintay ko na lamang ang pagpunta dito ni Jeran dahil may ipapakiusap pa ako sa kanya na mahalaga, hindi pwedeng hindi nya ilabas sa pagtatago si Szarina dahil malalagot talaga ako sa mahal. Base sa nakita naming itsura ng babae ay nakasuot ito ng punit punit
POV- Fucklers. Dahil narin sa pagod at sa biglaang pangyayari ay, nakatulog muli ang pinakamamahal ko pagkarating namin ng mansyon. Malakas ang kutob ko na isang taong mahalaga sa buhay ni Aria ang nakita niya kaya sya nagkakaganon kanina. Kailangan mahanap namin siya bago sumapit ang kasal naming dalawa, para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat lahat ng pagkukulang at pananakit ko sa kanya noon. Mahal na mahal ko si Aria kaya lahat ng aking makakaya ay gagawin ko mapasaya ko lamang sya, hinding hindi kona sya sasaktan at gagawin ko pa siya na reyna ng aking mansyon. Kailangan ko pang kausapin si Jeran dahil sa kundisyon sa akin ng mahal ko, baka totohanin niya ang banta nya sa akin na hindi matutuloy ang kasal naming dalawa kapag wala si Szarina sa pa bridal shower ni Marian sa kanya.." Ani ng aking isipan habang mahimbing ang pagkakatulog ng aking mahal. Lumabas akong muli sa aming silid at tumungo ako sa aking library, hindi pa man umiinit ang aking pwetan sa upuan ay may kumak
POV- Aria. Ngayon ang uwi namin ng Pilipinas, dalawang linggo lang ang inilagi namin dito sa New York. "Paano po Nay, Tay, pasok na po kami sa loob anomang oras po ay aalis narin kami." Paalam ni Fucklers kina nanay at tatay at sa mga kapatid ko. Inihatid kase nila kami dito sa Airport ng New York. "Sege hijo, mag iingat kayo, sa kasal nyo na lamang kami uuwi ng Pilipinas ng mga anak ko para saksihan ang pag iisang dibdib ninyo ng anak naming si Aria." Saad ni Tatay kay Fucklers "Bye po Lolo, lola, auntie Florisa at uncle Ford, uncle Fred." Paalam ng mga anak ko at yumakap sa kanila. "Bye mga kiddo, magpapakabait kayo don ha." Bilin ni Florisa sa mga anak ko. "Opo, auntie." Magalang na sagot ng mga bata. "Sege po nay, ingat din po kayo sa pag uwi ninyo. Ikaw Florisa, huwag mona magboboyfriend ha. Ford at Fred bantayan nyo itong prinsesa natin baka may nanliligaw na dyan." Bilin ko sa mga kapatid ko. Sinimangutan naman ako ni Florisa. "Ate naman eh." Reklamo ng kapatid ko. "