Share

Chapter 4 Master F

POV- ARIA.

Lumipas ang anim na buwan. Kalahating taon na ako nag aaral sa Don Bosco Technical College. Maraming mga masasayang pang yayari sa mga nagdaan na buwan na kasama ko ang mga bago kung kaibigan na sina Isadora, Szarina, Marian, Rasselle at Chyrll mga kaibigan ni Anthony. At nakilala ko rin ang lalaking walang kasing kapal ang pagmumukha na si Mr. Fucklers na walang tigil kakakulit sa akin. Ang mga batang nang aaway sa tatlo kung mga kapated ay kaibigan na rin nila, kundi ko pa tatakutin na ipapakain ko sila sa pating ay hindi hihingi ng sorry. Mabuti na lamang ang mga magulang ng bata ay mababaet at humingi pa ng pasensya sa akin. Pagkatapos ng anim na buwan na puro kami saya ang naranasan namin may hindi inaasahang pangyayari ang aming pamilya. Sinugod ang aking tatay sa hospital at kailangan itong operahan sa puso sa madaling panahon kaya ang matagal ng nag aalok sa akin na magtrabaho sa bar ay pinatos kona kahit labag sa aking kalooban.

"Segurado ka ba na hindi nila ako e ta table kapag isinalang nila ako sa entablado." Paninigurado ko. "Ano kaba? Hindi naman dancer ang inaplayan mo dito kundi singer ka dito sayang naman ang ganda ng boses mo kung hindi mo pakinabangang yan kahit dito lang..... Pero kung gusto mo pa ng extra na pagkakakitaan para hindi kana mahirapan sa maintenance na gamot ng tatay mo ay pwede kang sumayaw sa gitna at tumanggap ng costumer for dating outside at baka ikaw pa ang tanghaling bagong Queen of the night sa Paraiso Aliwan. Bagay pa naman saiyo ang title na iyon dahil sa angkin mong ganda. Mapalitan mo ang laos na si Hiwaga tiyak na paldo paldo ang bulsa mo gabi gabi kapag nagkaganun." Paliwanag ni ate Lilly sa akin. "Parang hindi ko yata kaya yong ang gumiling na ang suot ay kakapirasong tela sa harapan ng mga kalalakihan." Sagot ko kay ate Lilly. "Sa una lang naman yon na maiilang ka sa mga tao na nanunuod sayo pero kapag nasanay kana parang sisiw na lang yan saiyo. Wala naman yan pinagkaiba kapag nagsimula ka ng kumanta sa entablado." Paliwanag ulit sa akin ni ate Lilly. "Pag isipan ko po ate Lilly, sapat na po yong paunang bayad sa akin ni Master F. na pambayad sa pagpapaopera kay tatay. Sa maintenance naman na gamot seguro ay okay na yong trabaho sa Jollibee total malapit na rin naman magbakasyon malaki narin ang sweldo ko tuwing kinsenas at katapusan." Sagot ko kay ate Lilly. "Ikaw ang bahala, pero kapag nagbago na isip mo h'wag kang mahiya na magsabi sa akin ha." wika ni ate Lilly. "Ate Lilly yong usapan natin ha. H'wag mo sana mababanggit ito sa mga kapated ko at kay Ziri alam mo naman yon napakadaldal at sa iba ko pang kaibigan lalong lalo na kay nanay at tatay ayaw ko naman na dagdagan pa ang isipin nila dahil alam kung malaking tutol ito sa kanilang ginagawa ko." Saad ko kay ate Lilly. " Oo naman tayong dalawa lang ang nakakaalam nito.... Tanggapin mo itong kaunting halaga makakatulong ito sa pang araw araw ninyo sa bahay.... Pakisabe narin kay nanay Tina na h'wag masyadong mag isip baka s'ya naman ang magkasakit tatagan n'ya ang loob sa awa ng diyos makakaraos din naman kayo at malalampasan n'yo din ang pagsubok na ito." Wika ni ate Lilly. "Maraming salamat talaga ate Lilly tatanawin kong utang na loob ito saiyo." Saad ko. "Ano kaba sino-sino pa ba ang magtutulongan kundi tayo-tayong magkakapitbahay!... Halika na dito aayusan na kita dahil malapit ng magsimula ang trabaho natin. Dahil pagkatapos ni Hiwagang sumayaw at ang mga kampon nitong demonyo ay ikaw naman ang sasalang na kakanta dapat galingan mo ha dahil ito ang kauna-unahang nagkaroon ng kakanta dito sa Paraiso Aliwan. Huwag mo ako ipapahiya kay Master F. dahil ako lang ang nagpumilit na ganitong show dito para saiyo." Saad ni ate Lilly at umupo naman ako sa upuan at humarap sa vanity mirror na sinimulan na akong ayusan. "Oo ate Lilly Ibibigay ko ang pinaka best ko mamaya." Sagot ko.

Si ate Lilly ay isang dayo lang dito sa Mandaluyong para makipagsapalaran ng trabaho. Katulad ko din s'ya na tanging inaasahan ng pamilya na hindi nila alam na ganito pala ang trabaho n'ya dito tapos sila pasarap buhay na parang mayaman pasyal dito pasyal doon ni hindi manlang nila makamusta at matanong na ate kumain kana ba okay ka lang ba.. Mabaet si ate Lilly kaya sya inaabuso ng kanyang pamilya pero hindi sya nagboboyfriend sakit lang daw sa ulo. Pagkatapos daw dilaan at tikman pagsawaan ang tahong mo ay iiwan kana kana lang daw sa isang tabi na parang isang basahan na marumi. Kaya ako sa edad kong bente ay hindi pa ako nagkakaboyfriend ayaw ko naman yong babaeng panay ang post ng hugot sa social media na kesyo sinaktan mo ang puso ko kaya ako ngayon ay nababaliw sayo, pagkatapos hiwalayan ng kasintahan...Mga ilang sandali pa na pag aayos sa akin ni ate Lilly ay natapos na kami.

"O diba napaka ganda mo, simple lang ang ayos ko saiyo pero mas umangat yang ganda mo kay Hiwaga na wala namang ganda laos pa." Saad ni ate Lilly. "Matanong kita ate Lilly bakit parang kumukulo ang dugo mo kay Hiwaga napapansin ko naman hindi ka naman nya inaano?" wika ko. "Hi naku! H'wag mo ng alamin mahabang kwento baka antokin ka lang kapag sinabi ko sayo." Sagot sa akin ni ate Lilly. "Ganun po ba. Mukha naman s'yang mabaet." Saad ko. " Tsaka ko nalang sasabihin sayo kapag mahaba ang oras nating dalawa.... Ito suotin mona itong itim at pula na maskara baka may pumasok pa dito makilala kapa nila." Saad ni ate Lilly.

Mabuti na lamang ng makausap ko ang may ari ng Paraiso Aliwan na ito kanina ay nakasuot ako ng facemask at may harang pang black glass sa harapan naming dalawa. Hindi n'ya rin pinatanggal ang aking facemask dahil tatakpan ko rin naman daw ang aking mukha kapag nakasalang na ako sa entablado basta daw panalo sa boses at hindi s'ya malulugi sa akin.

"Ang ganda naman ng maskara na ito kumikinang kinang pa. Pwede ko ba itong isanla pagkatapos ng kontrata ko dito mukha kase sya na may mamahaling ginto na nakalagay." Saad ko. "Sira ka talaga, Nabili ko lang yan kanina sa Divisoria pagkatapos ng pag uusap natin kaninang umaga." Saad ni ate Lilly.

Isinuot kona nga ang maskara at tumayo ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa vanity mirror. Para sa pagpaopera mo tatay ay gagawin ko ang lahat para hindi na si nanay pa mag isip kung paano ka n'ya dudugtungan ng buhay... Hindi naman ako magtatagal dito kapag natapos ko ang kontrata ko ng isang taon at mabayaran ko ang perang inutang ko kay Mr. F ay aalis ako sa Paraiso Aliwan na ito..... Kaya ko ito..... Kaya ko ito... Kaya ko ito..." Bigkas ko sa huli habang ang dalawang kamao ko ay nakakuyom na nakaharap ako sa salamin. "Tama Aria para sa pamilya lahat ay gagawin at kakayanin natin kahit labag ito sa kalooban natin ang ganitong trabaho. Tibay ng loob at sikmura lang ang puhunan natin dito at talino at higit sa lahat ganda ng mukha. Tamo ako hanggang ngayon andito parin dahil natanggap kona sa aking sarili na ito na talaga ang kapalaran ko sanay nadin ang sikmura ko." Saad ni ate Lilly.

"Tama na ang drama Lilly, magkaiyakan pa kayo ng alaga mong bagets." Saad ni Hiwaga ng bigla nalang sumulpot dito sa harapan namin at tumingin sa akin tinanong ulit ang pangalan ko na hindi naman pinatulan ni ate Lilly.

"Gergerlyn Moe Lang. Pero tawagin mona lang akong Gerlyn." Pagpapakilala ko ulit.

"Kilala mona rin naman ako mabilis lang naman tandaan ang pangalan ko." Wika ni Hiwaga. "Umalis kana dito Hiwaga na kupas at laos pa. Alam mo kung ako saiyo umuuwi na lang ng probinsya at magpahinga o kaya naman pumunta sa home for the aged hindi kana nababagay dito sayang lang ang binabayad sayo ni Master F." Pagtataboy ni ate Lilly kay Hiwaga. "Bweset ka Lilly may araw ka din sa akin!" Gigil na sagot ni Hiwaga at lumabas na ng kwarto namin. Kami naman ni ate Lilly ay nagkatinginan at natawa na lang kami.

"Pikon." Saad ni ate Lilly. "Mapang asar ka pala ate Lilly." Natatawa kong wika. "Alam mo Aria pagdating kay Hiwaga at sa mga kampon n'yang demonyo h'wag na h'wag ka sa kanila matatakot lumaban ka. Dahil kapag nakikita ka nilang mahina, kakawawain ka lang nila at aalipustain na akala mo kung umasta sila ay anak mayaman at hindi nagtatrabaho sa ganitong lugar." Paliwanag ni ate Lilly..

"Lilly! Okay na ba yang alaga mo?" Tanong ng manager dito sa club na bigla na lang ding sumulpot, uso pala dito ang kabote..

"Yes ma'am Janice nakahanda na s'ya. Susunod na sya kay Hiwaga pagkatapos ng perform ng mga kampon n'yang demonyo" Saad ni ate Lilly.

"Hi! bati sa akin ni ma'am Janice. "H'wag mo ng intindihin ang huling sinabe ni Lilly mortal enemies n'ya kase ang mga yon." Dagdag na wika ni ma'am Janice at ngumiti sa akin na ginantihan ko din ng ngiti.

Natapos ang pag perform nila Hiwaga at ako na ang susunod. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ba, kanina lang determinado akong gawin pero ngayon parang gusto kona lang umuwi.

"Ate Lilly! Kinakabahan ako." Ani ko. "Ano kaba? Sa una lang iyan. Ganyan na ganyan din ako dati hanggang sa nasanay na lang ako sa ginagawa ko. Inhale at exhale ka mona para iyong kaba mo ay medyo mawala kahit papaano. Isipin mo lang ang tatay at nanay mo mga kapated mo kapag nasa entablado kana na para sa kanila itong ginagawa mo pangit man sa paningin ng ibang tao pero dahil sa trabahong ito mapapaoperahan mo ang tatay mo hindi na sya mahihirapan indahin ang sakit nya.... okay.... kaya mo yan Aria... Kaya mo yan.." Payo ni ate Lilly sa akin na pampalakas ng loob ko. "Salamat ate Lilly." Ani ko.

"Next! next!!... Lilly nasaan na ang alaga mo. Ihatid mona yan sa bukana ng entablado.... Ikaw babae kung pahina hina ka dito bukas ang pinto pwede ka ng umuwi kung hindi mo masekmura ang gagawin mo. Kakanta ka lang naman sa entablado pero nag iinarte kapa d'yan." Saad ng baklang masungit.

"Ito na si mamita ihahatid kona. H'wag mo ng tarayan ang alaga ko alam mo naman na unang beses lang n'ya ito gagawin, alisin ko yang dalawa mong bayag sa gitna ng hita mo." Sagot din ni ate Lilly... " O s'ya,. s'ya lumarga na kayo ang dami pang sinasabi." Pagtataray ng baklitang payatot na mukhang kabayo ang haba pa ng baba.

"Ganito Aria. Pagkatapos kong ipakilala kita sa gitna, kapag tinawag ko ang pangalan mo tsaka ka palang lalabas ha sa ngayon maiwan mona kita dito sa bukana." Paliwanag sa akin ni ate Lilly. Tumalikod na nga sa akin at pumunta sa gitna na hawak ang microphone.

Pagkatapos sabihin ni ate Lilly na may ibang kaganapan simula ngayon gabi ay tinawag na ang aking pangalan.

"Gergerlyn Moe Lang!!!!!!! Palakpakan po natin s'ya!" Anounce ni ate Lilly. Ako naman ay unti-unti ng humahakbang ang mga paa ko na animo ay sumasayaw habang hawak ang microphone at nag simula ng umawit...

Give it to me Timbaland.

Is it going, is it going, is it going, is it going?

I don't know what you're looking for Oh, yeah, boy C'mon

I'm the type of girl that'll look you dead in the eye, eye

I'm real as it comes, if you don't know why I'm fly

I seen ya try to switch it up, but, girl, you ain't got to

I'm the Wonder Woman, let me go get my rope

I'm a supermodel, and, mami, si mami

Amnesty International, got Bangkok to Montauk on lock

Love my ass, and my abs in the video called Promiscuous

My style is re-dic-dic-diculous, 'ulous, 'ulous

Patuloy parin akong umaawit habang umiindak ang aking katawan. Ang mga taong naandito ngayon ay pumapalakpak at naghihiyawan na sinasabayan din akong umiindak

"Whoah!!! Nice! nice!!" Sigaw ng isang foreigner na lalaki at sumasayaw sayaw din habang sinasabayan nya akong umawit. medyo nawala ang aking kaba. Natapos ang una kong perform dito sa stage at humihirit pa ang iba.

"More!! more!! sigaw ng iba kaya naman pinagbigyan ko at tuwang-tuwa sila. Matapos ko silang pagbigyan ay nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat dahil nagustuhan nila ang boses ko at ang inawit ko.

"Wow!! Aria ang galing galing mo. Sana susunod na araw ay mas pagbutihin mo pa. Ang daming nagbigay ng tip para saiyo pandagdag na rin ito sa gastosin ninyo sa hospital." Saad ni ate Lilly. "Hayst ate Lilly kinabahan talaga ako kanina dahil pag labas ko ay natahimik sila tapos bigla bigla na lang silang tatayo at sasabayan akong umiindak." Masaya kung sagot kay ate Lilly.

"Congratulations Gergerlyn grabe yong audience imfact mo kanina. Hindi mo naman ako na inform na may pasabog ka ngayong unang gabi mo sana magtuloy tuloy. Matutuwa si Master F sa report ko sa kanya mamaya sana bigyan ka nya ng bunos." Masayang bati sa akin ni ma'am Janice. "Maraming salamat po." Tanging sagot ko na lamang dahil medyo naiilang pa ako sa kanya. Kay ate Lilly lang ako sanay dahil magkapitbahay kami nito sa lugar namin.

"Galing ng alaga mo Lilly baka naman pwedeng majabalato kahit 1k lang." Biglang sulpot ni Hiwaga. "Naandito ka nanaman Hiwagang kabote h'wag mong sirain ang gabi namin dahil pauwi na kami, baka pwedeng ipagpabukas mona lang yan parang awa mona. Wala na kaming time sa pang aasar mo." Napipikon na sagot ni ate Lilly.

Ng matapos ang trabaho ko dito sa Paraiso Aliwan ay umalis na ako at nagbihis lang at dumiritso na sa hospital para maoperahan ng maaga si tatay.

"Nak! saan ka naman kumuha ng pambayad sa pagpapaopera mo sa tatay mo?" Nag aalalang tanong sa akin ni nanay.

"Sa bago ko pong extra na trabaho sa gabi at sa mga kaibigan ko po, binigyan po nila ako ng kaunting tulong." Pagsisinungaling ko sa aking ina habang ang aking kamay ay kinukurot ang hita ko. Ngayon lang ako nagsinungaling sa tanan buhay ko sa aking ina nakokonsensya tuloy ako.

" Ganun ba nak' Pakisabe sa mga kaibigan mo maraming salamat sa tulong nila sa atin." Wika ni nanay.

"Ito nga pala po nay pinapaabot ni ate Lilly kunting tulong at pinapasabi nya rin po na h'wag nyo ng kaisipin ang gagastosin dito sa hospital baka kayo naman ang magkasakit." Saad ko.

"Pakisabe kay Lilly maraming salamat kamo." Ani ni nanay.

Pagkatapos namin mag usap ni nanay ay asikasohin ko naman ang operation ni tatay, ng matapos kona napag alaman ko na si doc Andrea Sophia Marfil ang nakatalaga na mag oopera kay tatay kaya ang laki ng pasasalamat ko kahit nakakahiya dahil yong babayaran namin dito sa hospital ay nabawasan na kahit kaunting halaga sobrang malaking bagay na iyon sa amin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Regina Amaro
boring at ang oa ng mga character
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status