Share

Chapter 6, Twin Sister Regina Becca at Adoravina

POV- FUCKLERS

Habang pinagmamasdan kung kumakanta sa stage ang kaibigan ng aking kaibigan na si Eutanes ay manghang mangha ako. Nang malaman ko ang dahilan ng pag apply ng trabaho dito sa akin ay hindi ako nagdalawang isip na tulongan ito. Nag pakilala nalang ako ng Mr. F. Dahil ayaw kong maiilang s'ya sa akin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi ito lumapit sa mga kaibigan niya eh mayayaman naman sina Rasselle at Chyrll pero kung ano man ang dahilan n'ya ay wala na akong karapatan na alamin pa.

Gusto ko ang pag uugali ni Aria na nagpakilala na Gergerlyn Moe Lang. Isa siyang matatag, responsable at mapagmahal na anak. Sinundan ko sya ng araw mismo na ooperahan ang kanyang tatay. Awang awa ako sa kanya ng makita ko s'ya na nakasalampak at nakatingin sa sahig sa loob ng kapilya ng hospital. Nagtaka ng makita niya ako.

Nalaman ko din na minamaltrato ng patago ang kambal nitong kapatid ng isang Ginang na nag ngangalang Dolores. napag alaman ko din na binuhusan ng kaning baboy ang mga kapated nito ay agad kung tinuruan ng leksyon. Dalawang beses na pala itong ginawa sa mga kapatid ni Aria, nong una hindi na lang pinatulan dahil kailangan nila ng tubig, at ang pangalawa ay hindi na nito alam habang naglalakad ang dalawang kambal na bata na galing sa eskwelahan ay tinawag nya ito, ang kapated nilang si Ford ay iniwan nila sa school, Umuwi ang kambal na umiiyak tinatanong sila ng mga taong kapitbahay nila sa eskinita ay hindi sila nagsasalita dahil sa takot sila sa pagbabanta nito sa kanila kaya't natakot na magsumbong ang magkapatid na kambal sa kanilang ate. Masama talaga ang pag uugali nito dahil nalaman ko na pinagpodlakan pala sila ng grupo ilang araw ng nakalipas bago ang insedente na binuhusan ulit ng kaning baboy ang kambal ng pumunta si Aria sa bahay ng Dolores para magbayad ng dalawang buwan na tubig. Pag alis ni Aria non ay pinapuntahan ko kaagad sa aking tauhan ang bahay nito. Pinakita ng aking tauhan ang mga videos na kuha sa kanya kung ano ang ginawa niya sa kambal. Matakot ito at nangakong hindi na mauulit. Pero ako si Fucklers demonyo akong magalit kaya pinalayas ko sila sa sariling lugar nila, Bahala na siya magpaliwanag sa kanyang pamilya...

Kinuha ko ang coat ko sa aking upuan at pupunta ako sa aking kapatid sa Laguna. Napaka tigas talaga ng ulo ng dalawa kung kapatid na babae sina Regina Becca at Adoravina puro na lang sakit ng ulo ang binibigay sa akin. Simula ng mamatay ang aming magulang dahil sa airplane crash na patungong Brazil para sana sa itatayo na negosyo namin don, ay ako na ang tumayong ina at ama sa Kapatid kung kambal. Tinawagan ko ang aming katiwala sa bahay.

"Nasa loob na po ako ng sasakyan yaya Isyang. Sege na po yaya magpahinga na po kayo, h'wag nyo na akong hintayin pa dahil seguro na 1am na ng madaling araw ako makarating diyan. Basta iyong sinabe ko po na h'wag aalisin ang padlock ng kwarto ng dalawa kung sutil na kapatid kahit magwala pa sila.

Pagkatapos kung kausapin ang katiwala ng aming mansyon sa Pagsanjan Laguna ay pinaharurot kona ang aking sport car Ford Mustang model. Ang iba kong tauhan ay pinauna ko na at ang nag iisang best bud'z ko na si Emanuel Jeremiah Bermudez ang tanging kasama ko na nasa aking hulihan. Hindi ako iniiwan kahit saan ako magpunta.

Nasa parteng lugar na ako ng Victoria Laguna Alas Onse na ng gabi ng may mahagip ang aking mga mata na isang babaeng naglalakad na walang saplot sa kadiliman ng tabing kalsada at may pasak na kung anong bagay sa pagkakababae nito.

Nilampasan namin ito, Dahil hindi ko kayang tingnan ang ginagawa n'yang pangbababoy sa kanyang katawan. Nakita ko sa side mirror ng aking sport car na may dalawang lalaki na hindi gagawa ng masama. kaya pasimple kung pinarada ang aking sasakyan sa madilim at hindi kalayuan sa kanila at ganun din ang ginawa ni Eman.

Bumaba kaming pareho at kinuha ang Smith & Wesson Map with a purple gun ko sa aking safety box.

Papalapit na kami sa kanila na hindi nila nararamdaman.

"Ako si Marilyn Altamirano hehehe..... Ako si Marilyn Altamirano hehehe....." paulit ulit na salita.

"Sumama ka sa amin at kami na ang bahalang magtutuloy niyang ginagawa mo sa pagkababae, hindi ka maliligayahan sa dildo na yan...

"Ako si Marilyn Altamirano.... Ako si Marilyn Altamirano hehehe.." Ani muli ng babae habang nilalaro parin ang kanyang pagkababae na ang dildo na hawak nito.

"Bitawan ninyo ang babae na Yan, kung ayaw ninyong ipasundo ko kayo kay San Pedro ngayon mismo!"Banta ko sa dalawang lalaki at Tinutukan ko sila ng baril. Hinubad ko ang suot kung coat at sinuot ko sa babae. Sobrang baho nito hindi ko kaya ang amoy kaya ang amoy, naninigas na ang kanyang buhok.

"Eman, Ikaw na ang bahala sa kanya, dalhin mo sya kung saan s'ya nararapat. Mauuna na ako saiyo baka wala na akong maabotan na Mansyon namin sa Pagsanjan.

"Hintayin mona ako Amo, tawagan ko lamang ang pinsan ko na malapit dito hindi kita hahayaan na umalis mag isa, dahil ang buhay mo ay buhay ko din. Sila na ang bahalang tumulong dito, tsaka kilala ko ang babaeng ito. Iniwan ito ng kanyang asawa dahil burara, puro sugal lang ang ginagawa. Hindi nya matanggap na iniwan s'ya kaya hito at nasiraan na ng ulo. Pinabayaan ng mga magulang kapated at kamag anak dahil sa bukod sa pagsusugal ay nag aadik pa ito.

"Mahal ko s'ya, mahal na mahal! hehehe... Rafael balik kana sa akin." Ani ng babae na umiiyak na, kanina lang ay tumatawa pa.

Dumating nga ang pinsan ni Eman. Sumakay narin kami ng aming sasakyan at pinagpatuloy na ang byahe.

Eksaktong alas tres ng madaling araw kami nakarating ng Mansyon ng namayapa ng aming magulang. Pagkapasok mo bulwagan ay napatingala ako.

"Boooog...." Booog.." Mga tunog ng gamit na pinagbabato.

"Tsssskk... Tssskk.... Mga pasaway talaga.

Umakyat ako sa 2nd Floor ng aming Mansyon. Kinuha ko ang susi sa lapag at binubuksan ko ang pinto.

"Sino yan!! Yaya alisin mo ang padlock sa pinto!! Kung ayaw mong mawalan ng trabahong matanda ka!!!! Sigaw nito na galit na galit may pagbabanta pang sinasabi, Simula ng mamatay ang aming magulang nagbago ang ugali ni Gina hindi n'ya matanggap ang pagkawala nila naging pasaway at sakit ng ulo ang ibinibigay sa akin hanggang sa ginagaya na siya ni Adora.

"Kuya Fu ikaw na ba yan? Boses ni Adora

Napapailing na lamang ako ng aking ulo ng makita ko kung anong itsura ng kwarto ni Gina ng mabuksan ko ito. Hindi naman ako nagkulang sa kanila ng paalala,pag aalaga at bilang nakakatandang Kapatid at pagtayo ko bilang isang magulang sa kanila.

"Kuya!" Sabay na wika ng kambal kung kapated at lumapit sa akin at yumakap.

"Ano nanaman bang kalokohan ang pinag gagawa ninyo Regina Becca, Adoravina!?" Sermon ko sa dalawa

"Kuya namiss ka namin." Saad ni Adora sabay tingala niya sa akin. Si Gina naman ay yumakap lang Lalo ng mahigpit sa akin. Hinalikan ko ang mga ulo nila.

"Hindi n'yo pa sinasagot ang tanong ko. Anong problema? Ikaw Gina hindi ko nagugustuhan yang pagbabanta mo kay Yaya Isyang." Sermon ko ulit sa dalawa ng kumalas sila sa aking pagkakayakap at umupo ako sa sofa.

Hindi parin ako sinasagot ng dalawa, nakatungo lang sila na naupo sa kama habang pinaglalaruan ang kanilang mga daliri.

"Bukas tayo mag usap tatlo pagkagising ninyo. Matulog na kayo, alas kwatro na ng madaling araw.

Nahiga na ang dalawa, natulog na magkatabi. Pinatay kona ang ilaw, napapailing na lang ako ng ulo ng pinagmasdan ko ang mga basag na vase at mga unan na sira sira. Lumabas na ako ng silid ni Regina, Pumasok ako sa aking silid. Hinubad ko ang lahat ng aking kasuotan, Wala akong itinira na kahit ano at pumasok ako sa banyo. Binuksan ko ang gripo at itinapat ko sa aking ulo ang dutsa, isinandal ko ang aking dalawang palad sa ding ding ng banyo habang patuloy na pumapatak ang tubig sa aking buong katawan.

Hindi ko na alam kung anong pag didisiplina pa ang gagawin ko sa kambal lalo na kay Gina. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ko na ang aking pagligo. Lumabas ako ng banyo na naka roba at pinupunasan ko ng puting towel ang aking Hanggang balikat na buhok. Nagbihis ako ng padjama pagkatapos ay tumungo ako sa aking terasa at pinagmamasdan ko ang buong kapaligiran ng aming bakuran. Alas kwatro na ng madaling araw ang iilan kung tauhan ay nag change duty na, nagkakape na ang iba. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo sa hawak kung kahon, at sinindihan ko ito ilan hithit lang ay pinatay kona ito tinapon sa ashtray. Bumaba ako ng hagdan tumungo ako sa kusina, nagtimpla ako ng aking kape.

Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na si yaya Isyang.

"Good morning hijo. Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"

"Iniisip ko lang yaya na kung buhay pa ang aming magulang hindi seguro magiging ganito ang mga kapatid ko.

"Pabayaan mo anak, kakausapin ko ulit si Gina at Adora. Mabaet naman ang mga batang iyon. Seguro naman sa pagkakataong ito ay makikinig na sila sa payo ko.

"Salamat po yaya. Salamat po sa lahat na hindi mo kami iniiwan ng mga kapated ko simula ng mamatay ang magulang namin na kahit tinatarayan ka ng mga kapatid ko kapag pinagsasabihan mo sila.

"Anak na ang turing ko sainyo. Masakit sa akin na iwan ko kayo, tsaka wala naman ako asawa at anak kayo na lamang angpamilya ko.

Niyakap ko ng mahigpit si yaya.

Ilan sandali pa ang aming pag uusap ni yaya Isyang ay nagpaalam na ako na lalabas mona saglit bago matulog.

"Wilfred, Kumusta ang pagsusubaybay mo sa Kapatid kung si Regina?.

"Amo, Confirmed si Miss Regina Becca ay kasapi sa isang Queen Zeta Fraternity . At ito pa Amo, Si Adora ay gusto din sumali sa Fraternity.

Nagpupuyos ako sa galit ng malaman ko kung ano ang pinag gagawa sa buhay ng aking mga kapated, buo na ang desisyon ko, kailangan dalhin ko sila sa Pulo Island at don ko sila patitirahin kailangan mabigyan ko sila ng leksyon para magtanda sila para malaman din nila na mali na ang ginagawa nila, Bawal ang anumang gamit ng mga cellphone at kung ano pa na magagamit sa social media, tanging sa loob lamang sila ng kombeto na hindi sila makakalabas.

"Maghanda kayo mamayang hapon, ihahatid natin ang dalawa kung kapatid sa Pulo Island. Ikaw ang iiwan ko don na magbabantay sa kanila bawat kilos nila na kakaiba kahit maliit na bagay ay erereport mo sa akin. Bawal kang dumikit sa kanila, tanawin mo lang sila sa malayo, Dahil hindi pwede nilang malaman na may kasama sila don. Ang pagkain mo ay ako na ang bahala magpahatid don linggo linggo. Hindi mo maaring bigyan sila, Hindi ka maaaring maawa sa kanila. Isang linggong pagkain lamang ang iiwan ko sa kanila, sabon at shampoo at personal hygiene lang iiwan ko ng pang isang taon, bahala na sila gumawa ng paraan kung paano sila mabubuhay sa Isla kapag naubos nila ang pagkain nila. Dapat matuto sila sa mga katangahan na pinag gagawa nila.

"Masusunod amo.

Pagkatapos kong kausapin si Wilfred ay bumalik na ako sa aking silid ay natulog na ako.

Apat na oras lamang ang aking itinulog, bumangon ako na masakit ang aking ulo dahil sa puyat seguro. Naligo ako, pagkatapos ay bumaba ako sa unang palapag, Nagpatimpla lang ako ng kape kay yaya at dalhin sa library. Pumasok ako sa loob ng library ng naiwan kung magulang. Tiningnan ko ang mga lumang display na nakasabit, Ang tagal ko na palang hindi nakakauwi dito halos tatlong buwan na dahil sa sobrang busy ko sa trabaho sinabayan pa ng problema ng aking kaibigan dahil sa asawa n'ya.

Pinagmasdan ko ang larawan naming noong kompleto pa kami.

Lumingon ako sa nakasaradong pinto.

"Hijo hito na ang kape mo at gamot sa sakit ng ulo." Ani ni yaya ng pagbuksan ko ito.

"Salamat po yaya.

"Walang anuman hijo.... Iyon silid nga pala ng kapatid mong si Gina. Paano yong mga nasirang gamit."

"H'wag nyo na pong intindihin yon yaya. Tatawag na lang po ako bukas ng maglilinis sa mga nasirang gamit sa silid.

"Bakit bukas pa? pwede naman ngayon na alam mo naman ang kapatid mong iyon ay napakaselan ayaw ng makalat at maalikabok ang silid.

"Bukas na lang po yaya, dahil mamayang hapon ay dadalhin ko sila sa Pulo Island. Doon ko mona sila patitirahin pansamantala para magtino ang mga kapatid ko yaya. Hindi kona alam ang gagawin ko sa kanila. Tanongin nga kita yaya. Masama ba akong kuya para hindi nila ako sundin?Lahat naman bilang nakakatandang kapatid ay hindi ako nagkulang sa kanila.

"Hindi ka nagkulang sa mga kapatid mo hijo. Naging mabuti kang kapatid sa kanila. May mga bagay lang talaga dito sa mundo na mahirap maintindihan. Darating din ang araw na mauunawaan ka din nila. Kaya kung ano man ang plano mo sa kambal mong kapatid para matauhan sila ay hindi ako tututol sa magiging desisyon mo.

"Salamat po yaya.

"Sege na pagkatapos mong magkape ay inumin mo ang gamot mo para hindi na sumakit ang ulo mo.

Tumango lang ako kay yaya. Sinarado niyang muli ang pinto. Humigop ako ng kunting kape at pinagmasdan kung muli ang masaya naming larawan. Kuha pa ito nong mag seventh birthday ang kambal.

Naubos ko ang kape at kinuha ko na ang isang tableta na gamot sa sakit ng ulo, binuksan ko ito at ininum.

Lumabas ako ng silid aklatan. Nakarinig ako ng ilang katok sa kwarto ng aking kapatid at tinatawag nila ako.

"Kuya Fu! buksan mo ang pinto." Boses ni Gina.

Umakyat ako at binuksan ko.

"Ayusin ninyo ang mga gamit ninyo may pupuntahan tayong Isla. Dalhin ninyo ang mga mahahalagang gamit ninyo, mga personal ninyong gamit sa katawan. Dahil magtatagal tayo don.

"Anong gagawin natin kuya sa Isla? at saan naman iyon? Tanong ng kapatid kung si Adora.

"H'wag ng maraming tanong, sundin ninyo kung ano ang sinabi ko." Maawtorid kung utos, si Gina naman ay hindi na makatingin sa akin pero ramdam ko na may pumapasok na sa isip nito. Kilala ko ang kapatid kung ito. Magaling itong magtago at tumakas. Kaya bago ako natulog kagabi ay nagmessage ako kay Wilfred at Emanuel na bantayan ang lahat ng sulok at pwedeng madaanan ni Gina. Sa pagkakataong ito hindi mo ako matatakasan, kailangan maging mahigpit na ako sainyo kahit labag sa aking kalooban.

Palabas na ako ng silid ay nagsalita ang kapatid kung pasaway.

"Kung ano man ang binabalak mo kuya, Hindi ka magwawagi.

"Sa pagkakataong ito Gina, Hindi kona palalampasin pa ang mga ginagawa mo. Ako ang kuya mo ako nakakatanda ninyong kapatid kaya kung ano ang ginagawa ko para sainyo, iyon ay para sa kabutihan ninyong dalawa.

Tuloyan na akong lumabas ng silid at sunod sunod na mura ang aking pinakawalan.

J.C.E CLEOPATRA

Hello po sainyo. Ngayon lang po nakapag Update....

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status