"Boyet, si Aria nasaan? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ko agad pagkatapos kung magpaalam sa mga dumalo sa anibersaryo ng aking kompanya. "Boss, hindi ko naabotan biglang sumakay ng taxi." Sagot ni Boyet. "Ano!? Bakit hindi mo sinundan, anak ng, Bakit hindi mo ako tinawagan manlang!" Galit kung turan. " Boss , nakailang tawag ako sainyo hindi mo sinasagot. Pasensya na bossing." Paliwanag ni Boyet ng hindi makatingin sa akin at kakamot kamot na lamang ng batok. Napamura ako ng malutong ng pagtingin ko sa aking cellphone ay maraming missed call sa akin si Boyet. "Scotch at Brite, kayong dalawa kunin ninyo ang mga gamit namin ni Aria sa silid sa loob ng hotel. Mauuna kaming umuwi sainyo ni Boyet, sumunod na lang kayong dalawa sa amin sa Manila. Tiyak na nakaalis na si Aria." Kalmado kung wika, hindi pwedeng pairalin ang galit ko ngayon. Nauna na kaming pumunta ni Boyet sa airport. "Bullshit! Bakit dito ko pa kami sa airport lumanding, pwede naman sa Luxury Hotel ko." Ani ko sa
"Kuya, Popoy." Tawag sa akin ni Adoravina. Nilapitan ko ito at niyakap. Lumuhod ako sa harapan ni Regina habang s'ya ay nakahiga. "Patawarin mo ang kuya, Regina. Uuwi na kayo ngayon, ipapagamot kita kapatid ko." Wika ko habang hinahaplos ko ang likod ng palad n'ya. May tumulong butil ng luha sa pisngi ni Regina. "Kuya!" Naiiyak na tawag sa akin ni Regina. "Kuya patawarin mo ako, hindi ko alam na magbubunga ang ginawa namin ng aking boyfriend na si Ralph Asuncion." Dagdag nitong turan. "Tahan na. H'wag ka ng umiyak, makakasama sa kalagayan mo kapag umiiyak ka. Tumango naman ito ng kanyang ulo bilang sagot sa akin. Pinunasan ko ang mga takas na luha sa kanyang mata. Tsaka ako ngumiti sa kanya. Aalis na tayo. Bubuhatin kana ni kuya, Okay. Sa hospital na tayo dideretso." Wika ko sa aking kapatid sabay buhat ko sa kanya. "Adora dalhin mo ang mahahalagang gamit n'yo dito. Mauna na ako, sumunod kana lang." Wika ko. Lumabas na ako ng malaking bahay buhat ang aking kapatid.
POV- ARIA. Isang linggo na kaming naninirahan dito sa Baay Labo Camarines Norte. Hindi naman seguro ako o kami ni Szarina mahahanap ng mga siraulong iyon. Dito ko narin pag aaralin ang mga kapatid ko. Mabuti na lamang ay mabaet ang teacher ng aking mga kapatid sa Mandaluyong at sila narin ang bahalang gumastos sa pag papa LBC ng mga mahahalagang papel na kailangan sa pagtransfer sa school. Isang buwan na lang din naman ay bakasyon na kaya pumayag na rin sila na mag online class ang tatlo kung kapatid. Ako naman ay huminto na. Ngayon ay babalik kami ni Szarina sa bayan dahil ngayon ang simula ng aming trabaho bilang isang kasambay sa bayan mismo ng Labo. Kada katapusan ng buwan ay pwede kaming umuwi para mabisita sina nanay at tatay. Si tatay ay magaling na, kaya panatag na ang kalooban ko kahit kada day off lang kami makakauwi. "Tay, Nay, Alis na po kami ni Szai. Baka po maiwan kami ng Jeep ni Kuya Marjon." Paalam ko sa aking magulang. "Mag ingat kayo don anak ha. Umuwi kaagad
Napalikwas ako ng bangon ng may naamoy akong hindi ko nagustuhan. Dali dali akong tumungo sa loob ng banyo. Sumuka ako ng sumuka ng wala naman akong mailabas, Pakiramdam ko nanghihina ako kaya napaluhod ako, Ganun na lamang ang gulat ko ng si Aria ay nanghihina din na nakaupo sa sulok, Hindi ko napansin na naandito din s'ya sa loob. "Szai, Anong ginagawa mo? Anong nangyari saiyo?" Tanong ko sa nanghihina kung boses. "Nagising ako sa mabahong amoy." Sagot n'ya din sa akin sa mahinang boses. Tumayo kami ni Szai at humarap sa salamin ng pareho kaming namumutla. "Mauna ka ng maligo Aria, mamaya na ako pagkatapos mo," Wika ni Szai, pagkatapos ay lumabas na ito ng banyo. "May sakit ba ako, kaya ba maputla, anemic naba ako? Hindi naman ako nagpupuyat palagi akong nasa tamang oras ng pagtulog ko." Kausap ko sa aking sarili habang nakasapo ang dalawang palad ko sa aking pisngi. "Hihingi na lang ako ng gamot kay Manang Doreng para hindi na lumala pa ang nararamdaman namin ni Szai." Dagd
POV- ARIA "Napakasama talaga ng ugali n'yang mangkukulam na yan. Kunting kunti na lang mauubos na ang pasensya ko sa kanya ang dami n'yang ganap sa buhay. Pasabugin ko itong Mansyon nila eh. Grrrr!!!" Galit na galit na maktol ni Szai. "Pabayaan na lang natin, kailangan natin ng trabaho para makapag ipon tayo bago pa lumubo at mahalata ang tiyan natin kung talaga ba na buntis tayo, mamaya paglabas ko bibili ako ng pregnancy test para malaman natin kung buntis nga ba talaga tayo." wika ko naman. "Yan pa ang iniisip ko kanina pa, dalawang linggo na akong delayed, ngayon lang nangyari ito sa akin. Buwan buwan naman ay nagkakaroon ako ng buwanang dalaw pero ngayon hindi na." Sagot sa akin ni Szarina."Kaya nga bibili ako mamaya ng dalawang pregnancy test." Sagot ko na lamang. Pumasok na kami sa loob at naligo na lang baka magkasakit pa kaming dalawa. Pagkatapos naming maligo ay pumunta kami sa kusina para gumawa ng tsaa para mainitan ang aming sikmura. "Ang bango talaga ng tsaa
POV- ARIA "Sir Juanito!" Bigkas ko sa pangalan ng asawa ni Doña Avvielle, Bakit sya naandito? Anong ginagawa n'ya dito ang alam ko nasa ibang bansa sya. Nakita kong tinapik s'ya sa balikat ng isang hindi naman katandaan na lalaking nakasuot ng uniform ng isang doctor. Lumapit sa akin si sir Juanito. Tiningnan nito ang kasama kung driver ni Doña Avvielle, Tumango lang ang kasama ko at ang tinatawag nilang Oli, Nagtitigan lang sila na parang nag uusap ay nagkaintindihan na sila. Sinundan ko ng tingin ang dalawa, na paupo ng sofa. Ang nakapang doctor na lalaki ay tinapik s'ya sa balikat at nagpaalam na. "Alis mona ako Juanito babalik na lang ako sa makalawa." Ani ito, tumango naman si Sir Juanito. Tatawagin ko sana ang kasama kung driver ng magsalita si Sir Juanito. "Kumusta kana Hija?" Tanong n'ya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot dahil pakiramdam ko ngayon ay mawawalan ako ng ulirat, dahil sa nararamdaman ko ngayon ng tinanong nya ako. Huminga ako ng malalim bago ko s'ya sinago
POV- FUCKLERS "Regina! Regina!!!!" Umiiyak na sigaw ni Adora ng maabotan ko itong umiiyak sa silid nito ng hospital. "Kapatid ko, Regina, buhayin n'yo ang kakambal ko! buhayin n'yo! Ano ba! Ano pang tinatanga tanga ninyo? Magsikilos kayo! Mga wala kayong silbi lahat!!!!!" Nagwaawa na sigaw ng aking kapatid. Lumingon ito sa akin ng makita n'ya akong nakatingin kay Regina na wala ng buhay na nakahiga sa hospital bed. "Kuya, si Regina iniwan na nya tayo." wika ni Adora ng makita n'ya ako. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Tahan na, wala na tayong magagawa pa, bumigay na ang katawan n'ya hindi na n'ya kaya ang paghihirap, Hanggan dito na lamang seguro ang buhay n'ya. Kailangan natin tanggapin kahit masakit." Pag alo ko sa aking kapatid."Hindi ko kayang tanggapin kuya, Hindi ko kaya.... Regina kapatid ko, bakit ngayon pa kung kelan kaarawan natin ngayon." Umiiyak parin na wika ni Adora. Kumalas ako sa pagkakayak ko sa aking kapatid at pinunasan ko ang mga luha n'ya sa na lumandas sa kanya
"Anak, kelan ka pa dumating?" Tanong sa akin ni yaya Isyang ng makita n'ya ako dito sa kusina na nagtitimpla ng kape. "Kanina pa pong tanghali, Nakita kung natutulog ka sa silid mo, hindi na kita ginising pa... Kumusta naman po kayo dito?" Tanong ko kay yaya Isyang."Okay lang naman ako Hijo, nalulungkot lang ako kapag naalala ko ang nangyari kay Regina." Madamdaming wika ni Yaya. "Wala na po tayong magagawa pa yaya, Hanggang doon na lamang ang buhay nang kapatid ko." Sagot ko.Maiwan mona kita dito yaya, akyat mona po ako." Dagdag kung ani."Sege Hijo, magluto lang ako ng hapunan natin, ipagluluto kita ng paborito mong ulam.Pagkatapos ng mag usap ni yaya, ay umakyat na ako sa aking kwarto. Binaba ko ang tinimpla kung kape sa lamesita dito sa terrace, kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo sa pakete na nasa bulsa ng aking maong na pantalon na suot. Tumunog ang cellphone ko, Nakita kung tumatawag si Jeran."Hello! dude, Balita ko nakauwi kana. Pwede ka bang pumunta ngayon dito sa ba
POV- Fucklers Hindi ako natuwa ng sa mansyon nila Red si Aria at ang mga bata mamalagi ng isang linggo bago ang kasal namin. Bwisit na Red yan may nalalaman pang pamahiin, may araw din sa akin yang sira ulong yon. Namimiss ko na sobra ang asawa at ang mga anak ko kahit dalawang araw pa lang na hindi ko nakikira, isang beses tinangka kong umakyat ng bakod para sana akyatin ang terasa ng kwarto ni Aria. Ang siraulong Red, matalino alam niya seguro na gagawin ko kaya nanigurado. May asong malalaki ang nakabantay sa loob ng bakud at hinabol ako ng hinabol at kinahulan ng malaking aso hanggang sa magising si Red nakita akong nakikipagpatintero ng takbo sa alaga niyang mga aso. Imbis na tulongan ako sa alaga niyang aso ay pinakawalan pa niya ang isa pang aso kaya halos masubsob ang mukha ko sa semento kakatakbo, nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon ng sira ulo kong kaibigan. "Seguro naman ngayon ay magtatanda kana, isang linggo mo lang hindi makikita ang kapatid ko a
POV- Aria. Sa makalawa na ang kasal namin ni Fucklers. Naandito kami ngayon ng mga anak ko sa Mansyon ng kuya Red ko kasama si Yaya Mary Anne. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang buwan ay bumalik kaagad sa mansyon ni Fucklers, pero huwag ka di naman sya gaano makapal ang pagmumukha humiling sya sa akin na kunh pwede ay gawin ko syang isa sa mga abay ko at si Boyet ang kanyang partner nariyan naman daw si yaya Isyang na mag aalaga ng mga anak namin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil unang beses daw niya itong mararanasan na mag abay sa kasal, malapit na daw siya mabura sa kalendaryo kaya daw kinapalan na niya ng mukha na magsabi sa akin. Halos magwala si Fucklers sunduin kami ni kuya Red sa mansyon ni Fucklers, ayon daw yon sa kasabihan ng matatanda na dapat bago ang araw ng kasal ay dapat hindi kami magkita sa loob ng isang linggo. Pumayag na lang din ako para kahit papaano ay makasama ko kahit isang linggo ang kapatod ko at sina Daddy at Lolo Delfin. Masaya ang
POV- Aria. Pagkauwi ko ng mansyon ay agad akong dumiritso sa kwarto namin ni Fucklers upang kalagan kona ito. Nakukonsensya na ako sa pagposas ko sa kanya. "Mahal," tawag nito sa akin. Gising pa ito at talagang hinintay pa ako, dalawang oras lang naman ako nawala kaya hindi naman nangalay seguro ang sweetheart ko. "Sorry, sweetheart. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko saiyo. Bwisit kase yang kaibigan mo ang lakas makademonyo." Hinging paumanhin ko kay Fucklers at dali dali ko itong kinalagan, hindi naman ito umihi sa bote ng coke na tinali ko sa kanyang baywang. Salamat naman. "Ayos lang ako mahal ko, basta ikaw nanginginig pa ang tuhod ko hindi ako magagawang magalit saiyo. Dapat nga binitin mo pa ako para makaseguro ka lalo na hindi ko mabigyan ng warning ang kaibigan kong siraulo." Sabi sa akin ni Fucklers napangiwi naman ako sa kanyang sinabi, mukhang sumama pa ang loob sa akin ng sweetheart ko dahil sa ginawa kong pag posas sa kanya. "Sa sunod na lang sweetheart, kapag
POV- Aria. Galit na galit ako ng malaman ko na wala na sa puder ni Jeran ang kaibigan namin. Pagkatapos ng pinagsaluhan namin ay sinabe sa akin ni Fucklers kung ano ang pinag-usapan nila ni Jeran kaya heto ako ngayon, nagmamadaling nagbihis ng damit at nag video call ako sa group chat naming magkakaibigan at sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Fucklers kaya naman sila ay umuusok din ang ilong sa galit dahil hindi namin makakasama ang kaibigan naming isa sa araw ng kasal ko. Pareho na nga kaming wala nung kasal ni Issa pati ba naman sa akin hindi parin kami kumpleto. "Naku! Ginagalit talaga ako ng ulikba na yon! Humanda siya sa akin bukas paparusahan ko siya! Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!" Galit na turan ni Marian. "Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman natin gawin ngayon." Sagot ko naman. "Support kita diyan kapatid, sabihin mo lang sa amin kung ano ang gagawin natin kay Jeran na ulikba na yon." Turan naman ni Rasselle sa sinabi ni Mari
POV- Fucklers. "Oh sweetheart! Bakit naman ganyan ang itsura ng mukha mo? May problema kaba sa Opisina mo?" Salubong sa akin ng Mahal ko ng pumasok ako sa silid namin. Kailangan kong mag inarte ngayon, nangangamba kase ako na baka hindi nga matuloy ang kasal namin dalawa sa sunod na araw, lalo pa at may hinahanap pa kaming tao. Pilit ang ngiti na nginitian ko sya at hinalikan sa kanyang labi. "Sumakit ang ulo ko sa tauhan kong si Bright, Mahal." Tipid kong sagot sa kanya. "Bakit naman? Ano naman ginawa ni Bright saiyo na kinasakit ng ulo mo?" Tanong ulit sa akin ng mahal ko. Inakbayan ko siya habang patungo kami sa sofa. Naupo ako habang ang mahal ko ay hinuhubad ang suot kong pang opisina ko na damit at ang aking sapatos. Pero bago ko sinagot ang tanong niya ay hinanap ko mona ang mga bata. "Nasaan ang mga bata? Bakit walang mga batang makukulit sa akin ngayon na nangungulit?" Tanong ko sa mahal ko na hinanap ko ang mga bata. "Pinatulog ko ng maaga dahil pupunta dito si Lolo
POV- Fucklers. Napaangat ako ng ulo ko ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at ang galit na galit na sekretarya ko ang bumungad sa akin. "Anong problema mo Cassy? Bakit ganyan ang itsura mo? Kulang na lang ay lunukin mo ako ng buhay?" May problema kaba sa akin na hindi ko alam? Tanong ko sa dalagang sekretarya ko na namumula sa galit. "Sir, ang bastos ninyong tauhan na si Bright ay bigla na bigla na lang pong nagnanakaw ng halik! Ninakaw niya ang first ko!!!" Galit na galit nitong pagsusumbong sa akin. Ako naman ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat, matagal ko ng sekretarya si Cassy at napakabait nito, masipag pang pumasok. Kahit manang itong magsuot ng damit at kahit may makapal na suot na salamin sa mata ay may tinatago naman itong taglay na ganda. Mahiyain ito at hindi marunong magalit, tapos heto at naghuhurumintado dahil ninakaw ng tauhan ko ang kanyang first kiss. Napalunok pa ako ng laway ng makita kong nakasalampak si Bright sa sahig na sapo ang kanyang kanang pi
POV- Fucklers. "Boss, hindi parin namin mahanap ang babaeng pinapahanap ninyo sa amin." Pag report sa akin nila Boyet." Inaasahan kona rin ito, kahit sina Emman at Wilfred at mga ilan na taong inutusan ni Red na tumulong sa paghahanap ay iisa lang ang sinasabi nila. Tatlong linggo na namin hinahanap ang babaeng iyon, kahit sa cctv footage ay hindi nakikisama ni isa sa poste ay walang nakakabit, pati sa mga karatig baranggay ay walang makita, lahat ng mga taong pulubi na dinala at pinakita kay Aria ay ni isa sa kanila ay walang naramdaman si Aria. "Maghanap lang kayo, huwag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita ang babaeng yon. Makikita nyo rin sya." Utos ko sa mga tauhan ko, lumabas narin ang mga ito sa aking opisina. Hinihintay ko na lamang ang pagpunta dito ni Jeran dahil may ipapakiusap pa ako sa kanya na mahalaga, hindi pwedeng hindi nya ilabas sa pagtatago si Szarina dahil malalagot talaga ako sa mahal. Base sa nakita naming itsura ng babae ay nakasuot ito ng punit punit
POV- Fucklers. Dahil narin sa pagod at sa biglaang pangyayari ay, nakatulog muli ang pinakamamahal ko pagkarating namin ng mansyon. Malakas ang kutob ko na isang taong mahalaga sa buhay ni Aria ang nakita niya kaya sya nagkakaganon kanina. Kailangan mahanap namin siya bago sumapit ang kasal naming dalawa, para kahit papaano ay makabawi ako sa lahat lahat ng pagkukulang at pananakit ko sa kanya noon. Mahal na mahal ko si Aria kaya lahat ng aking makakaya ay gagawin ko mapasaya ko lamang sya, hinding hindi kona sya sasaktan at gagawin ko pa siya na reyna ng aking mansyon. Kailangan ko pang kausapin si Jeran dahil sa kundisyon sa akin ng mahal ko, baka totohanin niya ang banta nya sa akin na hindi matutuloy ang kasal naming dalawa kapag wala si Szarina sa pa bridal shower ni Marian sa kanya.." Ani ng aking isipan habang mahimbing ang pagkakatulog ng aking mahal. Lumabas akong muli sa aming silid at tumungo ako sa aking library, hindi pa man umiinit ang aking pwetan sa upuan ay may kumak
POV- Aria. Ngayon ang uwi namin ng Pilipinas, dalawang linggo lang ang inilagi namin dito sa New York. "Paano po Nay, Tay, pasok na po kami sa loob anomang oras po ay aalis narin kami." Paalam ni Fucklers kina nanay at tatay at sa mga kapatid ko. Inihatid kase nila kami dito sa Airport ng New York. "Sege hijo, mag iingat kayo, sa kasal nyo na lamang kami uuwi ng Pilipinas ng mga anak ko para saksihan ang pag iisang dibdib ninyo ng anak naming si Aria." Saad ni Tatay kay Fucklers "Bye po Lolo, lola, auntie Florisa at uncle Ford, uncle Fred." Paalam ng mga anak ko at yumakap sa kanila. "Bye mga kiddo, magpapakabait kayo don ha." Bilin ni Florisa sa mga anak ko. "Opo, auntie." Magalang na sagot ng mga bata. "Sege po nay, ingat din po kayo sa pag uwi ninyo. Ikaw Florisa, huwag mona magboboyfriend ha. Ford at Fred bantayan nyo itong prinsesa natin baka may nanliligaw na dyan." Bilin ko sa mga kapatid ko. Sinimangutan naman ako ni Florisa. "Ate naman eh." Reklamo ng kapatid ko. "