Главная / Всё / Baleleng / CHAPTER 3: MR. ALALAY

Share

CHAPTER 3: MR. ALALAY

Aвтор: EscapingYdaleam
last update Последнее обновление: 2021-06-18 00:30:26

Trigger warning: includes thoughts of self-harming/ suicidal thoughts.

I am lost for words.

Napakaraming naging tanong ni Mang Romulo sa akin, lahat ay tungkol sa kasal. Naikwento ko tuloy sa kaniya ang tungkol kay Ynigo Romualdez.

Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko kaya naidetalye ko ata lahat ng nangyari sa akin.

Iyong mga nangyari bago, habang at pagkatapos ng kasal. Kinakantiyawan tuloy niya ako ng sobrang tindi. Muntik na akong mapikon.

Sana raw hindi ko na pinakawalan pa si Romualdez.

Hindi ko pa nga mapalaya iyong sarili ko kung saan ako galing tapos bubuo na naman ako ng panibagong kulungan? Panibagong rason ng pagiging lugmok ko?

Sabi ko noon, noong kami pa ni Oli, okay lang na paulit-ulit kong maranasan ang sakit, pait, pagluha, at pagtangis basta siya ang kasama.

Basta ba, kaming dalawa pa rin hanggang dulo.

Kaysa naman sa bumuo ako ulit ng panibagong masasayang ala-ala kasama ang ibang tao.

I rather have bad times with him than good times when someone else. Another punch line na hinugot sa paborito kong kanta ah? Copypaste talaga kahit kailan!

So, as I was saying,

Masasaktan at masasaktan pa rin naman ako kahit na ibang tao na ang kasama ko, kahit mag-umpisa ako ulit. Life is full of ups' and downs, conflicts are the plot twist, not the climax.

Kaya ba hindi ako umaasa na mapupunan ng isang simpleng Ynigo Romualdez, Paulo Constancia o kahit sino pang lalaki ang buhay ko.

"Huwag ka na mag-isip nang kung ano-ano, Denice," pagsingit ni Kuya Romulo sa moment ko, medyo natatawa pa rin.

Napansin niya na natulala ako matapos niyang itanong kung naka-move-on na ako sa ex kong makapal ang mukha.

How can I move on when I'm still inlove and into him?

Wow, lakas maka-'Man who can't be moved' ng buhay ko ah.

Inihinto ni Manong Romulo ang kotse sa tapat mismo ng company. Hindi na siya nag-park pa dahil kailangan niya pang mamili ng daily stock of foods para sa bahay.

Bago ako bumaba ng kotse ay may naisip akong tanong. Random question lang na maibabato ko rito kay Manong Romulo.

"Paano po kung hindi na kayo magkita ni Manang Lorna? Paano kung paghiwalayin kayo ng tadhana?"

Hindi ko rin alam kung bakit naisip kong itanong ang bagay na iyon. Epekto na ito ng pagiging broken.

Manong Romulo became serious because of my question. "Katulad nang sinasabi sa kantang 'Baleleng', ang puso ko'y maghihintay pa rin sa kaniya. Kahit anong mangyari. Kahit pa nasa gitna kami ng daluyong at hindi mahanap ang isa't isa. Siya lang naman ang mahal ko kaya alam kong magtatagpong muli ang landas namin."

I heard the word 'baleleng' again. It sounds like endearment of magsing-irog.

It's so sweet to listen to.

"Tungkol naman sa tadhana na maaaring maghiwalay sa amin, wala akong ideya. Ang mahalaga, magkasama kami ngayon," dagdag pa niya.

I nodded. "Thank you po," saad ko saka lumabas ng kotse. I don't know how to express how confused am I today lalo na sa sagot sa akin ni Mang Romulo.

Hihintayin niya pa rin daw at ng puso niya si Manang Lorna kahit pa nasa gitna sila ng isang daluyong at walang planadong daan para magkita sila ulit.

He's not considering fate as one of the hindrances to express their love for each other, but I do. Paano niya napaniniwalaan ang ganoong bagay?

Bakit gano'n na lang ang pagsugal nila sa pag-ibig kahit na wala naman pa lang tiyak na patutunguhan at walang kasiguraduhan na magtatapos ang lahat sa happy ending? Na magtatapos na parang isang fairytale scene?

Pahingi nga ako ng isang baleleng diyan, oh!

Oliver sana iyong pangalan.

Kidding, I don't want to be hurt by another Oliver.

"Welcome home, Denice!" bati agad ni Joycelyn nang makapasok ako ng kumpanya. Para siyang may alarm clock kapag darating ako. "I miss you so much!"

Ang bilis niyang makatunog at napakalakas ng radar niya kaysa sa alaga naming aso. Mas nauuna pa siyang bumati sa akin kaysa sa mga guards na nagbabantay sa labas nitong company.

"Kamusta naman ang Cebu?"

Bakit kaya Cebu lagi ang tinatanong nila sa akin? Kung maayos lang ba o kamusta ang Cebu? Wala bang makakaisip na kamustahin ako?

"Cebu pa rin," bored kong sagot gaya ng sagot ko kay Mang Romulo. Kabadtrip ang mga tao rito.

Ako iyong nandito pero iba naman ang hinahanap. Lintik na iyan.

Tawang-tawa ang bruha. "Gaga, I mean, anong mayroon sa Cebu? Any interesting places or persons?" pagtatama niya pero hindi ko pa rin talaga ma-gets. Ano ba talagang gusto niyang malaman tungkol sa Cebu?

Eh hate niya kaya ang pagta-travel.

Patuloy niya pa rin akong kinukulit habang papunta ako sa opisina ko. How annoying?!

Susme, kung hindi ko lang siya kaibigan, siguradong nabangasan na ang mukha ng isang ito sa akin. Nauubusan ako ng pasensya at tumataas ng husto ang dugo ko sa pag-intindi sa kaniya.

"May nahanap ka na bang boylet doon?"

Tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko, probably to annoy me.

Ugh! I hate this day. Pare-pareho lang sila nang tinatanong at wala akong balak sumagot. Interview ba ito? No comment!

"Good afternoon, Miss Denice," bati ng mga nakakasalubong kong empleyado.

Ang mga empleyado rito ang nag-comfort sa akin sa mga panahong lugmok na lugmok ako.

Inaya nila akong mag-inom at masarap talaga ang alak lalo na kapag broken-hearted ka. Mailalabas mo talaga lahat lahat!

Pati mga kinain mo, lalabas din.

Inilapag ko ang hand bag ko sa gilid ng glass table at umupo sa swivel chair. Umupo naman sa wooden chair si Joyce, na nakaharap sa akin.

"Sagutin mo na ako!" aniya, nagpupumilit pa ring magkwento ako. "Bilis na!"

"Ligawan mo muna ako," pamimilosopo ko.

Napapapadyak ang loka-loka sa sahig dahil sa pagkabanas sa mga sagot ko sa kaniya.

"Ano bang ganap do'n sa Cebu, ha? Nakakita ka na ng papalit sa pwesto ni Oliver?" usisa niya na parang hindi kinokonsidera ang nararamdaman ko sa naging katanungan niya.

"Get out," malumanay kong utos. Okay na sana eh, kaso narinig ko na naman iyong pangalan na ikasasakit ng damdamin ko.

"P-Pero..."

"I said 'Get out'," malumanay pa rin na pag-uutos ko sa kaniya pero mas may awtoridad na.

We're bestfriends, yeah. But it's office hours. May trabaho kami. At isa rin ako sa mga naniniwala na hindi dapat mahaluan ng personal issues ang trabaho.

Bago ako mapunta sa pagiging head journalist ng kumpanya namin, nag-umpisa ako sa pagiging janitress 'no! Simply because, gusto ko lahat ng bagay ay pinaghihirapan ko.

Step-by-step.

Para pagdating ng araw, hindi utang na loob ang isasampal sa mukha ko ng mga magulang, kapatid at kapwa ko empleyado na nagtatrabaho rin dito.

Dapat malaman nila na nandito ako sa posisyon ko, hindi dahil anak ako ng may-ari ng kumpanya, kung hindi dahil, pinagsumikapan ko lahat nang natamo ko.

I heard some knocks at the door.

"You may come in," sigaw ko. Bakit ba kasi malayo ang table ko sa may pinto nitong office ko? Hassle.

"Good afternoon, ma'am," bati ng employee na ngayon ko lang nakita. "I'm Janna, the organizer of this year's company celebration event," pagpapakilala niya.

I mouthed the letter 'O' when she introduced herself.

Itinuro ko sa kaniya ang upuan sa harap ko na inupuan kanina ni Joycelyn.

"What's the plan?" I asked then turn my gaze into my paper works. Hindi ako sanay na nakikipag eye-to-eye contact sa mga kausap ko lalo na kapag wala akong masyadong koneksyon sa plano nila.

"Mr. and Mrs. Juaneza given a thought that it should be celebrated at a resort. Ang sabi po nila sa akin, tanungin ko raw po kayo."

Bumalik ang tingin ko sa babaeng organizer pala ng event this year. Binitawan ko ang mga papel na hawak ko at sumandal sa aking kinauupuan.

May ganap pala ako rito.

"I believe, you're a great organizer," papuri ko sa kaniya.

Bigla siyang tumayo at yumuko sa may harap ko na parang nagpapasalamat. I just praised her!

Sinenyasan ko siya na umupo and I'm glad, sinunod niya naman kaagad ako. Nakakailang ang ginawa niya. I feel like she's too shy seeing me, or she's nervous because of my presence.

"Dahil alam kong magaling ka, I will give you all my trusts about the event, Miss Janna. Follow what Mr. and Mrs. Juaneza have ordered you," saad ko.

Yeah, I never call my parents as 'Mama' or 'Papa' once I sit in my chair as the head journalist.

"Ipakita mo na lang sa akin ang plano mo once na natapos mo na," dagdag ko pa. "I'll give your work constructive criticisms once you're done."

Ngiting-ngiti ang babae sa mga sinasabi ko sa kaniya. I think I have boost her confidence as the organizer.

Inayos ko ang mga papel ko. Kailangan ko lang bumili ng pagkain sa personal cafeteria nitong company at babalik din kaagad ako sa trabaho.

Hindi ko masyadong na-enjoy ang niluto ni Manang Lorna dahil nagmamadali na ako kanina sa pag-aayos ng sarili ko.

Besides, lunch break na naman.

Papunta na ako sa cafeteria nang biglang may bumangga sa akin!

Take note! Hindi iyon basta aksidente. Ramdam kong sinadya talaga ang bagay na iyon.

Mahinhin itong tinawanan ako. "Oh, ang bride na iniwan sa mismong kasal niya," bati sa akin ni Roxie—head officer ng photo journalism at matinding kaaway ko sa larangang ito.

Gustong-gusto niyang inoopen-up ang issue na iyon. Wala naman siyang alam. Mas bitter pa siya sa akin at sa ampalaya.

Magkaaway talaga kami.

I mean, siya lang naman ang nagtuturing sa akin bilang kakompetensiya. Eh, nasa iisang kumpanya lang naman kami nagtatrabaho at pumapasok kaya imposibleng maiwasan ko siya ng gano'n-gano'n lang.

"I don't have much time talking nonsense with you, Ms. Roxie Orcales Valeria," saad ko, badtrip na rin.

"Balita ko, wala ka masyadong maisulat ngayon ah? Kulang ka ng idea o inspirations?" aniya. "Hayaan mo akong bigyan ka ng idea.

Sinamaan ko siya ng tingin pero wala iyong epekto sa kaniya.

Humalakhak siya. "Why don't you write something interesting or about yourself to catch up the media?"

Tch, I know this woman. Aasarin niya lang ako.

"Try to write about your runaway groom. I think it would be fun and interesting. Ako ang mauunang magbasa ng journalism piece na iyon once na naglabas ka ng ganoong article," pamimikon niya.

Tatalikuran ko na sana siya para hindi na lumala ang gulo sa pagitan namin pero bigla niyang hinigit ang braso ko na parang na-offend siya sa pagtalikod ko sa kaniya.

"Wow, kung talikuran mo ako parang napakarami mo nang ibubuga ah," aniya saka tinaasan ako ng drawing niyang kilay. "Kaya ka lang naman nandito dahil anak ka ng may-ari."

"Ano naman kung anak ako ng may-ari nitong pinagtatrabahuan mo? Mayroon naman talaga akong ibubuga, kumpara sa iyo," pagmamataas ko.

Isinigaw ko pa iyon para marinig ng lahat ng narito ngayon sa cafeteria. Alam nilang mortal kaming magkaaway nitong si Roxie. Iniiwasan ko na nga siya pero siya naman itong lapit nang lapit sa akin.

"Ugh! I hate you!" sigaw niya.

Magw-walk-out na siya pero bigla naman siyang bumalik para harapin akong muli. She's so bothered about me. Hindi ata siya mabubuhay kapag hindi ako nakaaway.

Hinablot niya ang kamay ko at saka pinagsasampal ang kaniyang sarili gamit iyon.

"Hoy, Roxie! Baliw ka na ba? Anong ginagawa mo?!"

Binabawi ko ang kamay ko pero mas lalo niya lang iyong hinahawakan at sinasaktan niya ang sarili niya gamit ang kamay ko.

Ano na naman kayang ganap ng isang ito?

Dahil sa sobrang pagkainis ko sa kaniya, itinulak ko na lang siya para mapalayo. Accidentally, she fell down the floor.

"Denicery Juaneza!"

Umalingawngaw ang sigaw sa buong cafeteria. Pati ako ay nagulantang sa sigaw na iyon. Nagsialisan lahat ng empleyado liban na lang sa amin ni Roxie.

"P-Pa," bulong ko. "Mr. Juaneza..."

"I'm so disappointed in you," may riin niyang sabi na dismayadong-dismayado talaga sa nakita niya. But what he saw... I have no idea about that. Wala akong ginawa!

"Umalis lang kaming dalawa ng Mama mo, ganito na ang nangyari?" aniya. "Lagi kong sinasabi sa iyo na ihiwalay mo ang personal issues mo sa trabaho natin!"

Namuo ang luha sa mata ko. I don't want my tears to fell down from my eyes lalo pa at nasa harap ko ang mga magulang ko. Papagalitan lang ako lalo ng Tatay ko.

Naiiling naman si Mama sa akin, I can see that she's also disappointed.

Si Roxie, hayan at nakaupo pa rin sa sahig na parang tanga. Paawa effect pa siya. Kaya niya pala sinaktan ang sarili niya, dahil alam niyang parating ang mga magulang ko at makikita ang sitwasyong iyon.

Best actress of Photo Journalism Department, 2021!

Galing, awardee!

"Nasaktan ka ba, hija?" alalang tanong ni Papa kay Roxie saka tinulungan ito sa pagtayo. Ang bruhang Roxie tumango-tango rin at kunwaring nag-inda ng sakit ng katawan dahil 'kuno' sa ginawa ko sa kaniya.

Kung totoong ako ang nananakit sa kaniya, baka nilumpo ko pa siya. Tss, I will never lower myself para lang pumatol sa bruhang iyon!

Pinahatid ni Mama si Roxie sa hospital. Really? Hospital agad? Mamamatay ba siya sa pamamagitan ng pananakit at pananampal niya sa sarili niya?!

"Let's talk seriously, Denicery," ani Mama. Naubusan na ata ng lakas si Papa para sermonan ako kaya si Mama na lang.

Pumunta kami sa opisina ko.

Nawala ang pagkagutom ko. Kakain dapat ako eh!

"Bakit?" panimula ni Mama, tanong kaagad.

"Anong 'Bakit?' Ma?" Ginaya ko pa ang paraan niya nang pagkakasabi ng salitang iyon.

"Hindi mo ba kayang ihiwalay ang nararamdaman mo sa trabaho nating ito?" aniya. "Hindi mo ba kayang magpigil?!"

"Ma, nagpigil ako!" buwelta ko, hindi na mapigilan ang pagtaas ng boses ko sa pakikipag-usap sa Nanay ko.

"Nagpigil ka pero nasaktan pa rin si Roxie. Gano'n ba ang pagpipigil?

Pareho kaming nagpapataasan ng boses ni Mama. Nakakainis naman kasi eh! Isa pa ang dahilang ito kung bakit hindi ako nag-oopen-up sa kanila ng mga problema ko eh.

Lahat sila, one-sided.

Ang mas masakit, laging ibang side ang pinipili nila. Lagi akong nawawala sa choices at consideration nila!

"Sorry," tanging nasabi ko. Alam kong uutusan ako ng Nanay ko na kay Roxie humingi ng tawad.

Asa siya! Kahit na maglupasay pa siya sa harapan ko, hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya! Sana ma-confine siya sa kaartehan niya.

Oo, mataas ang pride ko at hindi ko kayang lunukin ito para lang makapagpaumanhin sa tulad niya. She hurt herself, bakit ako ang kailangang humingi ng tawad!?

I walked out, avoiding my mother's sermons. Pagod na pagod na pagod na talaga ako.

Ang pisikal, emosyonal, mental pati na ang spiritual health ko, sumusuko na.

I tried calling my sister many times dahil kailangan ko ng taong makakausap pero hindi siya sumasagot. I tried texting my friends, but no one replied. Gusto ko mang hilahin si Joyce sa kagagahan ko ngayon, natandaan ko na medyo napagtaasan ko siya ng boses kanina and I am guilty for that.

Lord! I need you!

Umiyak ako nang umiyak. Hindi ako matigil. Hindi rin nagpapaawat ang mga luhang nagbabagsakan sa mata ko. Walang patid.

Bakit ako na lang lagi? Parang sobrang dami ko nang naranasan para may madagdag pang ganito!

Para mapatahan ako kahit papaano, s-in-earch ko ang kantang paborito ko,

I'll be.

I'll be, your crying shoulder

Kaninong balikat kaya ang puwede kong masandalan ngayon?

I'll be, love's suicide

Yeah, ang pag-ibig ay totoong nakamamatay. Masasaktan mo ang sarili mo.

I'll be, better when I'm older

How old? Kailan pa ako magiging better para sa sarili ko?

I'll be, the greatest fan of your life.

Tama nga sila, kapag masaya ka, nai-enjoy mo ang kanta. Kapag malungkot o nasasaktan ka, maiintindihan mo ang nilalaman o mensahe ng kanta.

Ilang beses na akong nawawalan. Ilang beses na akong nasasaktan. Maraming beses na akong nalugmok.

Pero,

Hindi pa rin ako masanay-sanay.

Bumabalik pa rin ako sa kung saan ako nag-umpisa.

Nakapa ko ang isang panyo.

The simple white handkerchief na sa tingin ko ay makakatulong sa akin ngayon.

Ganito na lang lagi, ako ang magpupunas ng sarili kong luha. Ako ang magpapatahan sa sarili kong nagwawala. At ako rin ang iintindi sa magulo kong pag-iisip.

Paulit-ulit na lang.

My cellphone vibrated.

I received a text.

From: Mr. Juaneza, papa

You're not allowed to participate to International Fashion Designing contest as your punishment.

Wala na, tumulo na ng husto ang luha ko. Ni hindi nila ako pinakinggan. They're being inconsiderate, again.

I swear, sobrang hirap talaga ng sitwasyon ko. Parang wala akong pag-usad. Parang walang abante at puro atras lang.

Ate Dorine!

Joycelyn!

Lord!

Kailangan ko kayo. Baka kung ano na ang magawa ko sa sarili ko once na wala pa akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

Inabutan ako ng gabi sa isang tulay. Anong ginagawa ko rito? Tatalon na ba ako? Sign na ba ito?

Psh, gusto kong makita iyong river!

Ang lawak, feel ko tuloy tumalon.

Bahagya akong napakapit sa may bakal na harang dito sa may tulay. Kahit na sinong makakakita sa akin, iisiping magpapakamatay ako.

LOL, as if they care about my life?!

"Hoy!"

"Pst!"

Hindi ko alam kong ako iyong sinisitsitan at tinatawag kaya wala akong pakialam.

Kita ko na ang reflection ng tulay sa may river. Gabi na at may mga ilaw ng bangka sa paligid ng malawak na ilog.

Puwedeng-pwedeng mamangka.

Biglang may yumakap sa baywang ko at pinipilit akong ibaba mula sa may tinatayuan kong bakal.

"Are you out of your mind?!" bulyaw ng lalaki sa pagmumukha ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang dahil sa kaniya.

"Don't even give a thought of harming yourself, Denicery Juaneza." Mas huminahon ang boses niya nang umiyak ako sa harapan niya.

Ito na naman ako,

Nagiging mahina na naman.

Lagi naman akong mahina pero mas nanghina ako sa taong hindi ko naman inaasahang makikita ko.

Hindi siya iyong tao na gusto kong makaalam ng nararamdaman ko ngayon pero siya iyong nandito ngayon.

May balikat na akong masasandalan.

May damit na akong matutuluan ng uhog ko.

At mayroon nang makikinig sa akin.

Sa mga kadramahan, kaek-ekan at mga hanash ko sa buhay. Magpatitiisan ko na ang isang ito. Puwede na siya.

"Thank you at nandito ka, Mr. Alalay."

Related chapter

  • Baleleng   CHAPTER 4: SHATTERED DREAMS

    Thank you, mister alalay.Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong nagpapasalamat sa lalaking kaharap ko ngayon. Dinala niya ako sa isang play ground.Asus, childish pala ang isang ito."Bakit ka nandito?" tanong ko.He chuckled. "Ikaw? Bakit mo gustong tumalon do'n sa tulay?"Ito iyong isa pa sa mga kinakaayawan ko eh. Iyong kapag nagtanong ako, sasagutin din ako ng isa pang tanong. Nakakairita lang talaga.Tinawanan ko siya kahit naba-badtrip ako. Oo, naisip kong tumalon do'n sa pesteng tulay na iyon but, I love myself, even.Gusto kong maglaho na parang bula pero pinapahalagahan at mahal na mahal ko ang sarili ko.Susme, hindi na nga ako minamahal ng mga taong mahal ko tapos hindi ko pa mamahalin ang sarili ko? Ano na lang ang matitira sa akin?"Bakit mo ako pinigilan?" mapang-asar kong tanong.

    Последнее обновление : 2021-07-14
  • Baleleng   CHAPTER 5: CONSEQUENCES

    I will runaway.Hayan, pumasok na sa utak ko ang kantang runaway. Mukhang dito na ako sa convenience store aabutan ng umaga.Binigyan ko ng oras ang utak ko na makapag-isip and guess what kung anong naisip ko?Ang takbuhan ang lahat ng problema ko.Tapos biglang nag-flashback sa utak ko ang aking runaway groom. Hindi ako maka-move-on 'no? Lagi ko pa ring nababanggit. One month pa lang naman din kasi ang nakakalipas.Pero dapat, sa isang buwan na iyon, nailibang ko na ang sarili ko laban sa lungkot at panghihinayang.Napapatanong ako sa sarili ko kung nagsisisi ba si Oliver sa ginawa niya? Iniisip niya kaya ang nararamdaman ko? Iniisip niya ba na kung ano kami kung sakaling natuloy ang kasal?Or,Iniisip niya kaya ako sa mga oras na ito kagaya ng pag-iisip ko sa kaniya?Para akong lumulutang sa al

    Последнее обновление : 2021-07-16
  • Baleleng   CHAPTER 6: THE DEAL

    Consequences.Bakit nga ba may consequences o success sa mga ginagawa nating desisyon sa buhay?Para ba ipamukha sa atin na nagkamali o nagtagumpay tayo? Para ba sabihin sa atin na kailangang maging maingat tayo sa pipiliin nating pagtapak, pagdedesisyon at pagtalunton?Parang ang hirap naman ata nito. Lagi kang may iisipin na ibang bagay kapag pipili ka. Hindi ka genuinely na magiging masaya sa decisions mo lalo na kung mas uunahin mong isipin ang mga consequences.Need ko ng payo niyo!Ang consequences ba ang isang sign na isa akong talunan? Na wala akong ibang alam kung hindi ang piliin ang makakasakit sa akin? Na wala akong karapatang sumaya katulad ng iba?No wonder, kaya rin ako hindi nagiging masaya, ng totoo, kasi lagi kong ikinukumpara ang buhay ko sa ibang tao.Si Ate Dori.She's married with the man of he

    Последнее обновление : 2021-07-16
  • Baleleng   CHAPTER 7: SPECIAL FRIEND

    I am disappointed.Madalas akong pangaralan na huwag isama ang personal kong mga bagay sa trabaho pero ano itong sinasabi sa akin ni Papa, ngayon?Bumababa ang paggalang at ang mataas na tingin ko sa kaniya. Hindi siya ang Tatay kong may paninindigan at fair sa trabaho. Gano'n niya ba kagusto si Roxie para sa kumpanya niya?Maayos din namang magtrabaho si Joycelyn ah?"Are you serious with this, Pa?" I asked, trying to convince myself that this man in front of me is not my father.Kumuyom na ang kamao ko nang ngumiti siya. I never expected that he will be this serious firing someone because of some personal issues."Kailan ba ako hindi nagseryoso sa mga sinasabi ko sa iyo, Denicery Marie?" Tumikhim siya. "Ikaw lang naman itong hindi sumiseryoso sa sinasabi ko."Naiiyak na talaga ako."Kaya uulitin ko sa iyo, you need to convince Miss Valer

    Последнее обновление : 2021-07-16
  • Baleleng   CHAPTER 8: HE WANTS TO COURT ME

    "Who are you?" tanong ng babaeng kasama ng Papa ni Ynigo.Ang sungit niya naman ata. Hindi bagay sa kaniya. Mukha kasi siyang inosente lalo na sa suot niyang light make-up.Hindi mo mahahalatang masungit o suplada siya sa unang tingin pero kapag nag-umpisa na siyang kausapin ka o kapag nagsalita siya ay ibang-iba.Strikta. Masungit.That is my powerful impression about her.Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ng babae dahil busy ako sa pagtitig sa kaniya. Ang ganda niya naman kasi! Feeling ko magiging lalaki ako dahil sa kaniya.She's intimidating."Hey, miss?" Pag-agaw niya sa atensyon ko. "Bingi ka ba?"Ugh! Nakakainis naman siya! Can't she be friendly with me?"Uh...""She's a good friend of mine," sabat ni Ynigo. Ngumiti nang malawak ang babaeng kaharap namin.Good friend.

    Последнее обновление : 2021-07-17
  • Baleleng   CHAPTER 9: EXCEPTION

    Let me court you.Bumagsak ang mukha ni Ynigo sa lamesa matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Iba na talaga ang nagagawa ng alak.Mahina ko pang sinampal ang sarili ko. Hindi naman ako masyadong uminom. Dalawang baso lang nga ang nainom ko eh. I hate hard drinks like Ynigo has ordered.Ramdam ko ang pagpunta ng lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon eh. Dapat ba akong mag-assume sa sinabi niyang iyon?I shouldn't let my guard down. Lasing lang siya kaya niya iyon nasabi. Lasing lang siya.Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko bago naisipang bayaran ang pinag-iinom nito ni Ynigo.Tinulungan ako ng isa sa mga bartender na ipasok si Romualdez sa kotse ko para maihatid na ang mokong. Napa-face-palm ako nang maalalang hindi ko nga pala naitanong kanina ang address ng tinutuluyan niya. Napakadaldal kasi ng

    Последнее обновление : 2021-07-17
  • Baleleng   CHAPTER 10: IN-LAWS

    Kahit sa panaginip, ginugulo mo ako.Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang sofa. Lugar kung saan hindi ako nakatira. Naka-jersey rin ako. Hindi ito ang damit ko kagabi ah! At, natandaan ko na hinatid ko pala si Ynigo kagabi.Pero bakit naman dito ako natulog? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga tao? Ng pamilya ko? Pati na mga kaibigan ko?Nakaamoy ako ng pagkain na niluluto. Sigurado akong galing sa kusina ni Ynigo ang mabangong amoy na iyon."Gising ka na pala," aniya saka agad na ngumiti sa akin. "Good morning."Napatakip ako ng aking mata nang makitang wala siyang damit. Tanging boxer lang ang mayroon siya! Hindi ba uso sa kaniya o sadyang gusto niya lang talaga akong asarin?Bumangon ako sa sofa, and swear, ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ako sanay na matulog sa sofa."Bagay sa iyo ang jersey ko ah," puna niya saka inilap

    Последнее обновление : 2021-07-17
  • Baleleng   CHAPTER 11: MY SAVIOR IS BACK!

    Kasal.Hindi ko na alam kung ilang beses nang nagagamit ni Papa ang salitang kasal sa araw na ito.Atat na atat siya masyado. Parang handa nga siyang magpatawag ng Pari ngayon eh. As in, ngayon na. Pini-pressure niya ako lagi. Pini-pressure niya kami ni Ate, dati pa."Kilala ko ang mga magulang mo, Ynigo," kwento pa ni Papa. "Magkaibigan kami ng Tatay mo."What a small world? Magkakilala si Papa at ang Tatay nitong poging alalay na ito? At paano naman?"Bakit pala Romualdez ang hawak mong apelyido, ijo? Hindi ba, Lorenzo ang apelyido ng Papa mo? Kayo ang may-ari noong isa sa mga sikat na beach and resorts dito sa Manila, right?"Hindi kaagad nakasagot si Ynigo. Nakatulala lang din ako. Ang dami ko pang hindi nalalaman sa lalaking ito. Siya talaga ang owner ng hotel sa Cebu. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Papa na entrepreneur din pala. Tapos, Lo

    Последнее обновление : 2021-07-17

Latest chapter

  • Baleleng   CHAPTER 43: BRAND NEW START

    I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f

  • Baleleng   CHAPTER 42: LEAVING

    I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."

  • Baleleng   CHAPTER 41: CALM OF MY LIFE

    Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i

  • Baleleng   CHAPTER 40: SISTERS

    Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?

  • Baleleng   CHAPTER 39: WEIRD

    My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata

  • Baleleng   CHAPTER 38: COMEBACK

    Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca

  • Baleleng   CHAPTER 37: FAMILY

    "Maayong buntag, Cebu!" sigaw ko. Kakagising ko lang. Sariwang hangin na kaagad ang dumampi sa balat at pang-amoy ko.Limang buwan na ang nakakalipas. Limang buwan na simula nang lisanin ko ang mundong kinagisnan ko. Pero, hindi ko pa rin iniiwan ang propesyon na matagal ko nang minamahal.Fashion. Journalism."Ganda naman ng gising ng alarm clock namin," puna ni Nanay Luz. Sa ikalawang araw ko rito, sinabi niyang Nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa Ale."Mas maganda pa po ako kaysa sa gising ko," pagmamayabang ko na naman. I used to smile and boast like this since I came here.Natuto akong kontrolin ang sarili ko. Napatawad ko ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin kahit na hindi man lang nakakarinig ng pasensya sa kanila.Manang Lorna told me last 2 months that Ate Dorine safely delivered my nephew named Mond. Hindi ko alam kung bakit naisipan

  • Baleleng   CHAPTER 36: BONDED BY HEART

    Byaheng walang humpay.Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus."Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya."Okay lang po. Bababa na po ako."Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu

  • Baleleng   CHAPTER 35: INDEPENDENCE

    Tulog na tulog si Ate Dorine nang maabutan ko siya sa condominium unit ko. Naabutan ko rin ang mga food stock ko na plastik na lang ang natira.Nakakita pa ako ng coke at bigla kong naisip na sinamahan niya ng capsule ang pag-inom niyon pero naalala kong marunong tumupad sa pangako ang Ate ko. Bago ko siya ihatid dito, nangako siyang hindi na siya gagawa ng kahit ano pang hakbang na maaaring makaapekto sa batang dinadala niya.Sobrang swerte ng magiging anak ni Ate, may maganda siyang tita—este, may mabuti siyang nanay. Maaaring muntikan nang manganib ang buhay niya dahil sa sarili niyang ina, pero, sigurado akong hindi niya iyon sinasadya. Hindi talaga iyon sinasadya ni Ate.Kailangan ko ring tanggapin na gwapo ang tatay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging masaya para sa bubuuin nilang pamilya.Tutal, wala na naman talaga kami ni Oliver. Medyo matagal na panahon na rin noong man

DMCA.com Protection Status