I will runaway.
Hayan, pumasok na sa utak ko ang kantang runaway. Mukhang dito na ako sa convenience store aabutan ng umaga.
Binigyan ko ng oras ang utak ko na makapag-isip and guess what kung anong naisip ko?
Ang takbuhan ang lahat ng problema ko.
Tapos biglang nag-flashback sa utak ko ang aking runaway groom. Hindi ako maka-move-on 'no? Lagi ko pa ring nababanggit. One month pa lang naman din kasi ang nakakalipas.
Pero dapat, sa isang buwan na iyon, nailibang ko na ang sarili ko laban sa lungkot at panghihinayang.
Napapatanong ako sa sarili ko kung nagsisisi ba si Oliver sa ginawa niya? Iniisip niya kaya ang nararamdaman ko? Iniisip niya ba na kung ano kami kung sakaling natuloy ang kasal?
Or,
Iniisip niya kaya ako sa mga oras na ito kagaya ng pag-iisip ko sa kaniya?
Para akong lumulutang sa alapaap, nagha-hallucinate. Mukha niya lang ang nakikita.
Some memories flashed back to me...
"Denice, love, tayo na ang magsasama habang buhay ah? I see myself in and with you at hindi ko makita ang sarili ko na magmamahal pa ng iba bukod sa iyo," pangako niya.
"Ako rin," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. "Humihiling ako na sana, sana tayong dalawa na nga hanggang dulo. Mula ngayon hanggang sa mabuo na natin ang pangarap ng isa't-isa. I can't wait the two of us become one," tugon ko saka siya niyakap na sobra-sobrang higpit.
Ayaw ko nang kumawala sa bisig niya. Comfort zone ko na ata ang mga yakap naming dalawa. He's warm body can warm my body, too.
End of flashback.
Hanggang flashback na lang ba ang lahat? Paano iyong pangako namin sa isa't isa? Matutupad pa ba iyon?
Aasa na naman ba ako sa tadhana?
I ordered three bottle of beers. I am not a kid or a teenager, either. I can handle myself, but the case here is that I can't manage my feelings.
Masisidhing emosyon lagi ang nararamdaman ko at hinahayaan ko ang emosyon na iyon na unti-unti akong lamunin. Ipinapaubaya ko na kasi ang lahat sa kaniya, sa tadhana at sa Diyos.
Ilang beses kong hiniling at patuloy na hinihiling na maging bata na lang ako ulit o makalimutan ko na ang mga masasamang memories.
Tinatamaan na ako ng alak. Sinikap ko na makauwi na lang sa bahay. Kahit na sinabi ko na hindi dapat ako umuwi dahil magiging masama na naman ang loob ko kapag nakita ko ang mga magulang ko pero ayaw ko namang maistorbo ang kaibigan ko roon sa apartment niya.
Lalo pa at lasing ako.
Babalikan ko na lang ang mga gamit ko sa kaniya bukas.
"Den-den?" tawag ni Manang sa akin nang makita akong nakasandal sa gate ng bahay namin. "Lasing ka?"
Para akong tangang ngumisi, lasing na nga ata talaga ako.
"Hindi po ako lasing, Manang," ani ko. "I'm drunk," pamimilosopo pa.
Kumamot ang matanda sa kaniyang batok. "Ikaw talagang bata ka! Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo!" pikong saway sa akin ni Manang. Pati ako, napipikon na rin sa sarili ko, e.
"Huwag niyo po akong isusumbong kina Mama at Papa, ah?" pakiusap ko kay Manang. Galit ako sa mga magulang ko, I mean sa mga nasabi at mga ibinintang nila sa akin.
But, I hate to give them another disappointment.
"Tara na nga, pumasok na tayo sa loob," pang-aaya ni Manang sa akin. "Nilalamig ka na at sigurado akong nahihilo na rin."
Sikreto na naman akong napangisi.
Kailan ba ako hihiwalay sa puder ng mga magulang ko? I mean, I'm a strong independent woman myself pero ang paglipat sa sarili kong condo o bahay ay hindi ko magawa.
Well, I need them in my life, my parents. Nagiging dependent ako kapag dumarating na ang mga problema sa akin. Nakakalimutan ko na may sarili na akong desisyon na puwedeng gawin sa buhay ko.
Parang naka-rely sa kanila ang mga gagawin ko pang hakbang.
Pagdating at paghiga ko sa kama ko, nag-umpisa na naman akong mag-isip ng mga bagay na makakasakit sa akin.
I start reminiscing all the good days.
- FLASHBACK -
"Miss! Tumabi ka nga! Harang ka kay Valeria eh!"
Napalingon ako sa sumigaw. I know, I'm blocking Roxie's spotlight. Nanonood kami ngayon ng pageant na siya ang isa sa mga representative, she's our class representative na supposedly, ako dapat.
Ang kaso, hindi pumayag sina Mama at Papa. Distraction lang daw sa academics ko ang mga extra-curricular activities katulad nito.
"Ito na, tatabi na!" irita kong sagot.
Sila kaya ang lumipat sa may unahan para hindi sila nahaharangan? Ako pa talaga dapat ang mag-aadjust para sa mga kurimaw na ito ah?
Gigilid na sana ako pero bigla akong hinigit ng isang lalaki at ibinalik ako sa pwesto ko kanina. Ngayon, dalawa na kaming harang.
Malalaking mga harang.
"Hoy pre! Hindi lang kayo ang nanonood! Tumabi kayo!"
"Hoy!"
"Magsialis nga kayo riyan!"
Iilang mga sigaw ng mga kalalakihan na nakapwesto sa likuran.
Mahal na mahal nila ang katawan ng muse ng klase namin at hindi ata sila mabubuhay kung hindi nila masusulyapan ang bawat detalye ng katawan ni Roxie.
"For your information, hindi ako nanonood," pabalang na sagot ng lalaking may hawak ng braso ko. "May gusto lang akong titigan."
Napatingin ako sa mata ng lalaking katabi ko ngayon at seryoso rin siyang nakatingin sa mata ko.
Pinagsisigawan kami ng mga tao sa likuran namin pero parang wala kaming pakialam. Parang kami lang ang tao na nandito sa school event.
"I'm Oliver Gregory Dumangcas," pakilala niya ng kaniyang sarili sa akin saka naglahad ng kamay.
Aabutin ko sana ang kamay niya para magpakilala rin pero pinutol niya kaagad ang gusto kong sabihin.
"And you are, Denicery Marie Juaneza, my future wife."
-End of Flashback-
Lul ka, Oliver Gregory Dumangcas! Isa kang malaking clown sa buhay ko. Nasaan na iyong ipinangako mo sa akin 10 years ago?
May pa-future wife, future wife ka pa noon tapos iniwan mo naman ako sa harap ng lahat ng plano mo. Ikaw nagplano nito 'di ba?!
Pero bakit ako iyong naiwan?
Bakit mukhang ako na lang lahat ang tutupad? Nasaan ka na ba kasi? Ang dami kong tanong sa iyo! Ang daming question marks!
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka walang habas na nagsisisigaw. Napapahiyaw pa ako dahil naiimpit ang aking boses dahil na rin sa unan na nakadagan sa mukha ko.
Banas na banas ako sa sarili ko ngayon.
Nag-elevate lahat ng dugo ko sa aking mukha. Ang init na ng katawan ko, palibhasa may tama na rin ng alak.
Tinatamad na akong bumangon para mag-halfbath. Ang sakit talaga ng katawan ko, ng ulo ko at ng puso ko.
Kailan pa ako naging lasinggera? Last month lang ata. I've never been drunk like this since then. Natuto lang akong mag-inom ng sobra noong nasaktan ako at masyadong eager sa panandaliang paglimot.
Ako pa nga minsan ang nag-aaya sa mga kakilala ko eh. Nagugulat sila kapag nalalaman na mataas ang tolerance level ko sa alak.
Parang naging vitamins na ng atay ko ang alak. Kung si Oliver ang isinisigaw ng puso ko, alak naman ang isinisigaw ng atay at ng utak ko.
Gin.
Redhorse.
Tanduay.
Alfonso.
Emperador.
Ang dami na nila sa listahan ko. Basta alcoholic beverages, ilalagay ko sa lasinggera list ko.
I have my travel list, bucket list, wish list at kung anu-ano pang listahan ng buhay ko.
But my favorite is, lasinggera list.
Angas 'di ba?
Denicery Marie Juaneza, 28 years of age, proud lasinggera.
May makapagsasabi ba sa akin kung okay lang ba ang lalaking mahal ko? May makapagtuturo ba sa akin ng lugar kung nasaan siya?
Magpapa-random search na ba ako, just to see him? Iikutin ko ba ang buong mundo at susuyurin lahat ng sulok para lang makita ko siya?
I'm drowned by sadness and questions.
I'm on the point of my life questioning my self-worth.
Kung puwede lang na maging interesado ang puso ko kay Ynigo, then why not? Interesado naman siya sa akin 'di ba?
Babae ako.
Hindi basta babae lang.
I know, I spill my jokes, making everything fun even though it hurts, spontaneously lying to myself, but, alam ko kung interesado o ayaw sa akin ng tao.
Karamihan sa babae, katulad ko.
We're just silent and taking everything not seriously, but once we're hurt, it's true that we're hurting inside.
Alam niyo bang mahirap aminin sa sarili kapag nasasaktan ka na? Ang hirap kapag paulit-ulit mong i-c-convince iyong sarili mo na ayos ka lang pero hindi naman talaga!
Ayaw kasi nating tanggapin na nandito tayo sa stage ng buhay nating ito. Sa stage kung saan, hinaharap na natin iyong conflicts tapos hindi natin alam kung may resolution, hindi natin alam kung happy ending ba ang kalalabasan.
Oops, I am not generalizing, okay?
Nadadala lang.
Alalay na cute calling...
Alalay? Ynigo Romualdez?
Paano ako nagkaroon ng number niya? At bakit alalay na cute ang pangalan niya sa registered contact numbers ko?
I decided to answer his call.
"Hi, Miss Broken," bati niya, mukhang na-handle na ang sitwasyon na kinaharap naming dalawa kanina.
Madaling araw na. Ano naman kayang naisipan ng isang ito at tinawagan ako? Again, bakit registered contact siya sa contacts ko at paano siya nagkaroon ng number ko?
"Sino ka?" maang-maangan ko.
"Oh, lasing ka?" puna niya. "Kapag lasing ba ang isang tao, required na makalimot?" natatawang tanong niya. Wow, joker. Isa rin siyang clown huh?
"Eh sa hindi kita kilala eh," ani ko. "Wala akong kilalang alalay na cute. Hindi ko nga alam kung bakit may ganitong pangalan sa contacts ko eh."
Pinipigilan kong matawa dahil gusto kong marinig niya akong seryoso sa mga pinagsasabi ko.
"Ih," impit niyang sabi, nagta-tantrums ang loko. "Ikaw kaya ang naglagay ng name ko riyan sa cellphone mo. Ikaw rin nagsabi na Miss Broken ang ilagay ko bilang name mo rito sa cellphone ko."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya?
What?! Miss broken?
Saan naman galing iyon?
"Oh natahimik ka?" puna niya. "Kilala mo na ako 'no?"
"Fine," pagsuko ko. Grabe, ang kulit niya. "Bakit ka naman napatawag, alalay na cute?"
My eyes were closed while I'm talking to him. Inaantok na ako. Mas lalo pa akong inantok nang dahil sa boses niyang mala-anghel.
"Ayos ka lang ba? Okay ka lang?"
Where did that questions came from? Parang double meaning. I mean, ang unang pumasok sa isip ko ay ang bagay na nangyari kanina.
But I realized, alam niya kaya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa interesado siya sa akin?
"I'm good," sagot ko, nakapikit pa rin.
"Can I court you?"
Napabalikwas ako sa pagtayo dahil sa narinig ko. Imagination ko lang ba iyon dahil inaantok na ako? Hindi naman ako gano'n kalasing ah!
"Hello, hello. Sorry Ynigo, medyo choppy ka," pagpapalusot ko.
Dinig ko ang mahihinang pagtawa niya. Para bang alam niya na gusto kong ipaulit sa kaniya ang sinabi niya para makumpirma ko ito.
"Ang sabi ko, can I cour---"
Call ended.
Low battery
Kingina, lowbat na ako. Paano ito? Baka akalain niya, pinatayan ko siya ng tawag!
Why am I so considerate to him, about his feelings? Hindi ko siya puwedeng magustuhan, sa ngayon. Hindi rin ako puwedeng mag-entertain ng courting ngayon.
Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak ko? Na parang wala lang sa akin ang lahat?
Honestly, isang malaking kawalan sa akin si Oli. Pero, umaasa ako na isa rin akong malaking kawalan para sa kaniya.
Sabi nila, ako raw ang iniwan kaya kailangan kong mag-move-on agad-agad.
Pero hindi naman kasi gano'n kadali iyon eh.
May masasabi at masasabi sa akin ang mga taong nakasaksi nang pag-iwan sa akin sa altar. Ang mga magulang ko nga, nagawa akong husgahan eh. Paano pa kaya ang ibang tao sa paligid ko na wala namang masyadong ambag sa buhay ko?
Indeed, family comes first and last.
Kumunot ang aking noo sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Sobrang gulo na kasi ng lahat tapos ginagawa ko pang mas kumplikado.
I hate simple.
I love complicated things.
Bagay lang sa akin ang mga nangyayari sa buhay ko. These are the consequences of my decisions. Saka ko lang napapansin ang mga nagawa kong desisyon kapag nakipag-face-to-face na sa akin ang consequences.
How I hate consequences!
Consequences.Bakit nga ba may consequences o success sa mga ginagawa nating desisyon sa buhay?Para ba ipamukha sa atin na nagkamali o nagtagumpay tayo? Para ba sabihin sa atin na kailangang maging maingat tayo sa pipiliin nating pagtapak, pagdedesisyon at pagtalunton?Parang ang hirap naman ata nito. Lagi kang may iisipin na ibang bagay kapag pipili ka. Hindi ka genuinely na magiging masaya sa decisions mo lalo na kung mas uunahin mong isipin ang mga consequences.Need ko ng payo niyo!Ang consequences ba ang isang sign na isa akong talunan? Na wala akong ibang alam kung hindi ang piliin ang makakasakit sa akin? Na wala akong karapatang sumaya katulad ng iba?No wonder, kaya rin ako hindi nagiging masaya, ng totoo, kasi lagi kong ikinukumpara ang buhay ko sa ibang tao.Si Ate Dori.She's married with the man of he
I am disappointed.Madalas akong pangaralan na huwag isama ang personal kong mga bagay sa trabaho pero ano itong sinasabi sa akin ni Papa, ngayon?Bumababa ang paggalang at ang mataas na tingin ko sa kaniya. Hindi siya ang Tatay kong may paninindigan at fair sa trabaho. Gano'n niya ba kagusto si Roxie para sa kumpanya niya?Maayos din namang magtrabaho si Joycelyn ah?"Are you serious with this, Pa?" I asked, trying to convince myself that this man in front of me is not my father.Kumuyom na ang kamao ko nang ngumiti siya. I never expected that he will be this serious firing someone because of some personal issues."Kailan ba ako hindi nagseryoso sa mga sinasabi ko sa iyo, Denicery Marie?" Tumikhim siya. "Ikaw lang naman itong hindi sumiseryoso sa sinasabi ko."Naiiyak na talaga ako."Kaya uulitin ko sa iyo, you need to convince Miss Valer
"Who are you?" tanong ng babaeng kasama ng Papa ni Ynigo.Ang sungit niya naman ata. Hindi bagay sa kaniya. Mukha kasi siyang inosente lalo na sa suot niyang light make-up.Hindi mo mahahalatang masungit o suplada siya sa unang tingin pero kapag nag-umpisa na siyang kausapin ka o kapag nagsalita siya ay ibang-iba.Strikta. Masungit.That is my powerful impression about her.Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ng babae dahil busy ako sa pagtitig sa kaniya. Ang ganda niya naman kasi! Feeling ko magiging lalaki ako dahil sa kaniya.She's intimidating."Hey, miss?" Pag-agaw niya sa atensyon ko. "Bingi ka ba?"Ugh! Nakakainis naman siya! Can't she be friendly with me?"Uh...""She's a good friend of mine," sabat ni Ynigo. Ngumiti nang malawak ang babaeng kaharap namin.Good friend.
Let me court you.Bumagsak ang mukha ni Ynigo sa lamesa matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Iba na talaga ang nagagawa ng alak.Mahina ko pang sinampal ang sarili ko. Hindi naman ako masyadong uminom. Dalawang baso lang nga ang nainom ko eh. I hate hard drinks like Ynigo has ordered.Ramdam ko ang pagpunta ng lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon eh. Dapat ba akong mag-assume sa sinabi niyang iyon?I shouldn't let my guard down. Lasing lang siya kaya niya iyon nasabi. Lasing lang siya.Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko bago naisipang bayaran ang pinag-iinom nito ni Ynigo.Tinulungan ako ng isa sa mga bartender na ipasok si Romualdez sa kotse ko para maihatid na ang mokong. Napa-face-palm ako nang maalalang hindi ko nga pala naitanong kanina ang address ng tinutuluyan niya. Napakadaldal kasi ng
Kahit sa panaginip, ginugulo mo ako.Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang sofa. Lugar kung saan hindi ako nakatira. Naka-jersey rin ako. Hindi ito ang damit ko kagabi ah! At, natandaan ko na hinatid ko pala si Ynigo kagabi.Pero bakit naman dito ako natulog? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga tao? Ng pamilya ko? Pati na mga kaibigan ko?Nakaamoy ako ng pagkain na niluluto. Sigurado akong galing sa kusina ni Ynigo ang mabangong amoy na iyon."Gising ka na pala," aniya saka agad na ngumiti sa akin. "Good morning."Napatakip ako ng aking mata nang makitang wala siyang damit. Tanging boxer lang ang mayroon siya! Hindi ba uso sa kaniya o sadyang gusto niya lang talaga akong asarin?Bumangon ako sa sofa, and swear, ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ako sanay na matulog sa sofa."Bagay sa iyo ang jersey ko ah," puna niya saka inilap
Kasal.Hindi ko na alam kung ilang beses nang nagagamit ni Papa ang salitang kasal sa araw na ito.Atat na atat siya masyado. Parang handa nga siyang magpatawag ng Pari ngayon eh. As in, ngayon na. Pini-pressure niya ako lagi. Pini-pressure niya kami ni Ate, dati pa."Kilala ko ang mga magulang mo, Ynigo," kwento pa ni Papa. "Magkaibigan kami ng Tatay mo."What a small world? Magkakilala si Papa at ang Tatay nitong poging alalay na ito? At paano naman?"Bakit pala Romualdez ang hawak mong apelyido, ijo? Hindi ba, Lorenzo ang apelyido ng Papa mo? Kayo ang may-ari noong isa sa mga sikat na beach and resorts dito sa Manila, right?"Hindi kaagad nakasagot si Ynigo. Nakatulala lang din ako. Ang dami ko pang hindi nalalaman sa lalaking ito. Siya talaga ang owner ng hotel sa Cebu. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Papa na entrepreneur din pala. Tapos, Lo
Mas lumalalim na ang gabi.Ngunit, parang hindi namin ito namamalayan. Wala kaming sinusunod na araw o buwan. Basta ang alam namin, walwalan na naman."Balita ko, hindi ka makakasama sa International Fashion Designing contest," ani Terrence. Bakit ba na-build-up niya pa ang topic na iyon? At, kanino niya naman nalaman?"What?!" Ate Dorine exclaimed. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang bagay na iyon. "Bakit hindi ka sasali? 3 years mong hinintay ang pagkakataon na iyan ah?"Gusto kong umiyak pero, nakakahiya. Ilang beses na nila akong nakikita na may luhang bumabagsak sa pisngi. Ilang beses na rin silang nagv-volunteer na magpunas no'n para sa akin.I don't deserve people like them. Hindi dahil masama akong tao, pero dahil sobra na siguro ang nagagawa nila para sa tulad ko na walang ginawa kung 'di ang iasa
Gigil na gigil talaga ako sa lalaking iyon. Lintik na receptionist iyon. Ang gulo-gulo niya!"Bakit dito ka sa condo ko dumiretso?" inis na tanong ni Joycelyn. Sinabihan sila ni Ate Dorine na alagaan ako tapos ngayon, para akong pinagtatabuyan."Wala, trip ko lang," pilosopo kong sagot. Wala naman akong maisip na magandang rason kung bakit ako dumiretso dito.Pakiramdam ko kasi, hindi ito ang oras para umuwi sa bahay namin. Nararamdaman kong may gulong nangyayari. Bukas na bukas, malalaman ko rin naman iyon.Ayaw ko lang alamin ngayon dahil ang sakit-sakit na talaga ng ulo ko."Pahiram ako ng pajama," sabi ko. More on, nag-uutos."Kapal mo!" bulyaw sa akin nitong si Joycelyn. "Ikaw ang nagbigay ng mga pajama sa akin tapos babawiin mo rin pala?"Hay naku. Bakit ba ako biniyayaan ng kaibigang katulad niya? Hindi na ata kakayanin ng cerebrum, cerebellum at br
I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f
I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."
Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i
Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?
My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata
Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca
"Maayong buntag, Cebu!" sigaw ko. Kakagising ko lang. Sariwang hangin na kaagad ang dumampi sa balat at pang-amoy ko.Limang buwan na ang nakakalipas. Limang buwan na simula nang lisanin ko ang mundong kinagisnan ko. Pero, hindi ko pa rin iniiwan ang propesyon na matagal ko nang minamahal.Fashion. Journalism."Ganda naman ng gising ng alarm clock namin," puna ni Nanay Luz. Sa ikalawang araw ko rito, sinabi niyang Nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa Ale."Mas maganda pa po ako kaysa sa gising ko," pagmamayabang ko na naman. I used to smile and boast like this since I came here.Natuto akong kontrolin ang sarili ko. Napatawad ko ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin kahit na hindi man lang nakakarinig ng pasensya sa kanila.Manang Lorna told me last 2 months that Ate Dorine safely delivered my nephew named Mond. Hindi ko alam kung bakit naisipan
Byaheng walang humpay.Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus."Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya."Okay lang po. Bababa na po ako."Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu
Tulog na tulog si Ate Dorine nang maabutan ko siya sa condominium unit ko. Naabutan ko rin ang mga food stock ko na plastik na lang ang natira.Nakakita pa ako ng coke at bigla kong naisip na sinamahan niya ng capsule ang pag-inom niyon pero naalala kong marunong tumupad sa pangako ang Ate ko. Bago ko siya ihatid dito, nangako siyang hindi na siya gagawa ng kahit ano pang hakbang na maaaring makaapekto sa batang dinadala niya.Sobrang swerte ng magiging anak ni Ate, may maganda siyang tita—este, may mabuti siyang nanay. Maaaring muntikan nang manganib ang buhay niya dahil sa sarili niyang ina, pero, sigurado akong hindi niya iyon sinasadya. Hindi talaga iyon sinasadya ni Ate.Kailangan ko ring tanggapin na gwapo ang tatay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging masaya para sa bubuuin nilang pamilya.Tutal, wala na naman talaga kami ni Oliver. Medyo matagal na panahon na rin noong man