Kahit sa panaginip, ginugulo mo ako.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang sofa. Lugar kung saan hindi ako nakatira. Naka-jersey rin ako. Hindi ito ang damit ko kagabi ah! At, natandaan ko na hinatid ko pala si Ynigo kagabi.
Pero bakit naman dito ako natulog? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga tao? Ng pamilya ko? Pati na mga kaibigan ko?
Nakaamoy ako ng pagkain na niluluto. Sigurado akong galing sa kusina ni Ynigo ang mabangong amoy na iyon.
"Gising ka na pala," aniya saka agad na ngumiti sa akin. "Good morning."
Napatakip ako ng aking mata nang makitang wala siyang damit. Tanging boxer lang ang mayroon siya! Hindi ba uso sa kaniya o sadyang gusto niya lang talaga akong asarin?
Bumangon ako sa sofa, and swear, ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ako sanay na matulog sa sofa.
"Bagay sa iyo ang jersey ko ah," puna niya saka inilap
Kasal.Hindi ko na alam kung ilang beses nang nagagamit ni Papa ang salitang kasal sa araw na ito.Atat na atat siya masyado. Parang handa nga siyang magpatawag ng Pari ngayon eh. As in, ngayon na. Pini-pressure niya ako lagi. Pini-pressure niya kami ni Ate, dati pa."Kilala ko ang mga magulang mo, Ynigo," kwento pa ni Papa. "Magkaibigan kami ng Tatay mo."What a small world? Magkakilala si Papa at ang Tatay nitong poging alalay na ito? At paano naman?"Bakit pala Romualdez ang hawak mong apelyido, ijo? Hindi ba, Lorenzo ang apelyido ng Papa mo? Kayo ang may-ari noong isa sa mga sikat na beach and resorts dito sa Manila, right?"Hindi kaagad nakasagot si Ynigo. Nakatulala lang din ako. Ang dami ko pang hindi nalalaman sa lalaking ito. Siya talaga ang owner ng hotel sa Cebu. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Papa na entrepreneur din pala. Tapos, Lo
Mas lumalalim na ang gabi.Ngunit, parang hindi namin ito namamalayan. Wala kaming sinusunod na araw o buwan. Basta ang alam namin, walwalan na naman."Balita ko, hindi ka makakasama sa International Fashion Designing contest," ani Terrence. Bakit ba na-build-up niya pa ang topic na iyon? At, kanino niya naman nalaman?"What?!" Ate Dorine exclaimed. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang bagay na iyon. "Bakit hindi ka sasali? 3 years mong hinintay ang pagkakataon na iyan ah?"Gusto kong umiyak pero, nakakahiya. Ilang beses na nila akong nakikita na may luhang bumabagsak sa pisngi. Ilang beses na rin silang nagv-volunteer na magpunas no'n para sa akin.I don't deserve people like them. Hindi dahil masama akong tao, pero dahil sobra na siguro ang nagagawa nila para sa tulad ko na walang ginawa kung 'di ang iasa
Gigil na gigil talaga ako sa lalaking iyon. Lintik na receptionist iyon. Ang gulo-gulo niya!"Bakit dito ka sa condo ko dumiretso?" inis na tanong ni Joycelyn. Sinabihan sila ni Ate Dorine na alagaan ako tapos ngayon, para akong pinagtatabuyan."Wala, trip ko lang," pilosopo kong sagot. Wala naman akong maisip na magandang rason kung bakit ako dumiretso dito.Pakiramdam ko kasi, hindi ito ang oras para umuwi sa bahay namin. Nararamdaman kong may gulong nangyayari. Bukas na bukas, malalaman ko rin naman iyon.Ayaw ko lang alamin ngayon dahil ang sakit-sakit na talaga ng ulo ko."Pahiram ako ng pajama," sabi ko. More on, nag-uutos."Kapal mo!" bulyaw sa akin nitong si Joycelyn. "Ikaw ang nagbigay ng mga pajama sa akin tapos babawiin mo rin pala?"Hay naku. Bakit ba ako biniyayaan ng kaibigang katulad niya? Hindi na ata kakayanin ng cerebrum, cerebellum at br
Gising na gising ang diwa ko sa tugtugan nitong si Ynigo. Hindi ko alam kung nati-trip-an niya akong bingihin o likas lang sa kaniya na mahilig sa rock."Puwedeng pakihinaan?" bored kong sabi.Napatingin siya sa akin habang nagmamaneho. "Oh sure, basta ikaw."Napapansin kong napapadalas na ang pagiging corny niya. Kina-career niya na ang pagiging sweet corn."Saan tayo pupunta, aber?" usisa ko. Nasa skyway kami ngayon at mukhang malayo ang pupuntahan namin. Halos dalawang oras na siyang nagmamaneho eh."Sa lugar na inutos sa akin ng Ate mo."Aba nga naman! Nakahanap ng kakampi ang lalaking ito. Kay Ate Dorine pa talaga siya sumisipsip ah?Bigla na namang pumasok sa utak ko ang nangyari kanina sa conference. The way na tumingin si Ynigo sa kaibigan at ex-girlfriend niya, para siyang napagtaksilan."Ayos ka lang ba?"Nakita
Bigla akong natulala sa aking narinig. Nabingi lang ba ako o totoong sinabi niya na nakita niya na si Oliver? "S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" pag-uulit ko sa aking tanong. Hindi na ako makapagsalita nang maayos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bahagyang lumayo si Ynigo sa akin saka ako hinarap ng maayos. "Oo," pagkumpirma niya. "At sana, makapag-usap na kayong dalawa." Taray, supportive ang Ynigo niyo! "Paano mo siya nakita? Parang ang bilis mo namang malaman. Nangako ka pa lang noong isang araw na hahanapin siya para sa akin ah?" Litong-lito ako pero mas nangingibabaw ang kasiyahan sa ideyang makakausap ko ang taong matagal ko nang hinahanap. "Ayaw mo ba?" tanong niya at muling bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Baka gusto mong hindi ko na lang ituloy ang appointment mo sa kaniya sa susunod na Linggo?" What? Sa susunod n
Parang siguradong-sigurado si Monique sa sinabi niya. I'm threatened, really. Kani-kanina lang sa conference kung saan siya na-interview ay sinabi niyang ikakasal siya kay Paulo Constancia. Ang saya-saya pa niya nang sabihin iyon. "Ga, ano bang ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa likuran ni Monique kung saan nakatayo ang talaga nga namang napaka-badboy na datingan ng isang receptionist. Ibang-iba siya sa receptionist guy na nakilala ko sa Cebu kaysa ngayon. "Bro?" ani Paulo saka lumapit kay Ynigo na siya namang tumayo para makipagkamay at makipagyakap sa half brother niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Monique na sinasamaan na ako ng tingin ngayon. Binelatan ko siya ng aking mata at dumila pa saka ako nag-iwas ng tingin. "This is my girlfriend, Denicery Marie Juaneza," pagpapakilala sa akin ni Ynigo. Alam ko naman ang gusto niyang gawin ko kaya yumuko ako at ngumiti kay Paulo. "Denice, this is my brother a
"Condo natin?" I am really confused right now. Hindi na sumasagot si Ynigo sa tinatanong ko, sa halip, pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho. Binuksan niya pa ang music player na pagkalakas-lakas kung tumugtog. Pinatay ko naman iyon. "You're kidnapping me, Ynigo!" bulyaw ko sa kaniya. "Then file a case against me. Hayaan mo munang kidnap-in kita ngayon para naman totoo ang pag-aakusa mo sa akin. I'm more than willing to go to jail." Seryoso ba siya? Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Ate pero naaalala ko naman na naiwala ko nga pala iyon sa kung saan. "Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas niya ang isang niyang kamay at doon ay nakita ko ang cellphone ko. All this time, nasa kaniya lang pala. Pinaghanap pa ako. "Akin na iyan, Ynigo Louie," pagbabanta ko. "Kiss muna," aniya. Siraulo ba siya? Kung kiskisin ko kaya ang mukha niya sa manibela? Papayag ba siya? "Akin na nga kasi!" Inihinto niya
Bahagyang may sumilay na sikat ng araw sa pagmumukha ko. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga na sa isang malambot na kama, king size pa! I literally cursed in my mind when I realized na hindi ko na suot ang damit ko kagabi. Iba na ang damit ko! I am now wearing a white dress. Sobrang hapit sa katawan ko at namimintana na ang hita ko sa sobrang iksi. I'm not also wearing my bra this time. Hiniram ko lang iyon kay Joycelyn! And my goodness, iba na rin ang panty ko. Napairit ako na ewan. Nasabunutan ko pa nga ang sarili ko dahil sa mga nakikita at sitwasyon ko ngayon. Hindi naman ako lasing pero wala akong maalala at sobrang sakit pa ng ulo ko. Para akong may hang-over. "Good morning po," nakangiting bati ng isang bata. She's 4-6 years of age, I guess. She's cute. "S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko. Baka naman kasi tiyanak ang batang ito. Ang ganda niyang tiyanak
I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f
I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."
Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i
Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?
My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata
Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca
"Maayong buntag, Cebu!" sigaw ko. Kakagising ko lang. Sariwang hangin na kaagad ang dumampi sa balat at pang-amoy ko.Limang buwan na ang nakakalipas. Limang buwan na simula nang lisanin ko ang mundong kinagisnan ko. Pero, hindi ko pa rin iniiwan ang propesyon na matagal ko nang minamahal.Fashion. Journalism."Ganda naman ng gising ng alarm clock namin," puna ni Nanay Luz. Sa ikalawang araw ko rito, sinabi niyang Nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa Ale."Mas maganda pa po ako kaysa sa gising ko," pagmamayabang ko na naman. I used to smile and boast like this since I came here.Natuto akong kontrolin ang sarili ko. Napatawad ko ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin kahit na hindi man lang nakakarinig ng pasensya sa kanila.Manang Lorna told me last 2 months that Ate Dorine safely delivered my nephew named Mond. Hindi ko alam kung bakit naisipan
Byaheng walang humpay.Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus."Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya."Okay lang po. Bababa na po ako."Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu
Tulog na tulog si Ate Dorine nang maabutan ko siya sa condominium unit ko. Naabutan ko rin ang mga food stock ko na plastik na lang ang natira.Nakakita pa ako ng coke at bigla kong naisip na sinamahan niya ng capsule ang pag-inom niyon pero naalala kong marunong tumupad sa pangako ang Ate ko. Bago ko siya ihatid dito, nangako siyang hindi na siya gagawa ng kahit ano pang hakbang na maaaring makaapekto sa batang dinadala niya.Sobrang swerte ng magiging anak ni Ate, may maganda siyang tita—este, may mabuti siyang nanay. Maaaring muntikan nang manganib ang buhay niya dahil sa sarili niyang ina, pero, sigurado akong hindi niya iyon sinasadya. Hindi talaga iyon sinasadya ni Ate.Kailangan ko ring tanggapin na gwapo ang tatay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging masaya para sa bubuuin nilang pamilya.Tutal, wala na naman talaga kami ni Oliver. Medyo matagal na panahon na rin noong man