"Condo natin?"
I am really confused right now. Hindi na sumasagot si Ynigo sa tinatanong ko, sa halip, pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.
Binuksan niya pa ang music player na pagkalakas-lakas kung tumugtog. Pinatay ko naman iyon.
"You're kidnapping me, Ynigo!" bulyaw ko sa kaniya.
"Then file a case against me. Hayaan mo munang kidnap-in kita ngayon para naman totoo ang pag-aakusa mo sa akin. I'm more than willing to go to jail."
Seryoso ba siya?
Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Ate pero naaalala ko naman na naiwala ko nga pala iyon sa kung saan.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas niya ang isang niyang kamay at doon ay nakita ko ang cellphone ko. All this time, nasa kaniya lang pala. Pinaghanap pa ako.
"Akin na iyan, Ynigo Louie," pagbabanta ko.
"Kiss muna," aniya. Siraulo ba siya? Kung kiskisin ko kaya ang mukha niya sa manibela? Papayag ba siya?
"Akin na nga kasi!"
Inihinto niya
Bahagyang may sumilay na sikat ng araw sa pagmumukha ko. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga na sa isang malambot na kama, king size pa! I literally cursed in my mind when I realized na hindi ko na suot ang damit ko kagabi. Iba na ang damit ko! I am now wearing a white dress. Sobrang hapit sa katawan ko at namimintana na ang hita ko sa sobrang iksi. I'm not also wearing my bra this time. Hiniram ko lang iyon kay Joycelyn! And my goodness, iba na rin ang panty ko. Napairit ako na ewan. Nasabunutan ko pa nga ang sarili ko dahil sa mga nakikita at sitwasyon ko ngayon. Hindi naman ako lasing pero wala akong maalala at sobrang sakit pa ng ulo ko. Para akong may hang-over. "Good morning po," nakangiting bati ng isang bata. She's 4-6 years of age, I guess. She's cute. "S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko. Baka naman kasi tiyanak ang batang ito. Ang ganda niyang tiyanak
If I'm the normal me today, babatukan ko si Ynigo o hindi kaya ay bubulyawan. Walang bakas ng pagtutol sa mukha ko at hindi ko rin iniisip na tumutol. Think of it, Juaneza! Paganahin mo ang utak mo! Dapat akong sumigaw pero bakit ayaw? Am I cursed or what? "Liligo lang ako," palusot ko. Hoping that it will work. "Tignan mo oh, maliligo pa talaga siya mapaghandaan ang gagawin ko sa kaniya mamaya," pang-aasar ni Ynigo. "Shut up, Romualdez!" Naiiling na lumabas ng bahay si Kyla para raw bigyan kami ng space! Ang lawak-lawak nitong lugar kaya paano kami hindi magkaka-space nitong alalay na ito? "Napapansin ko, napapadalas na ang pagsasabi mo sa akin ng Shut up, Romualdez ah," puna niya. "How about shutting my mouth with yours?" Ugh! Cringe! "Don't dare me, Ynigo." "I dare you, Denicery Marie Juan
Warning: Sexual Harassment, Mature LanguageAnim na araw na ang nakakalipas. Bukas na ang nakatakdang pag-uusap namin ni Oliver. Napakarami kong ginawa para maalis muna sa utak ko ang pangamba at kaba.Anim na araw ko na ring hindi nakikita si Ynigo. Tinupad niya ang sinabi niya na hindi niya ako lalapitan hangga't hindi kami nakakapag-usap ni Oliver. Marunong tumupad sa usapan ang lalaking iyon."Good morning po, Mama Den!" bati ni Ion sa akin. Nasanay siyang tawagin akong Mama dahil daw tinuro iyon sa kaniya ni Irene at ni Zimmer."Good morning, baby."Nakaupo na rin si Zimmer at nginitian ako. Pinaalam niya sa akin na pinayagan na raw siya ni Ynigo na pumunta sa Las Piñas at alam niya raw na dahil sa akin iyon."Mama Denice, thank you po sa pagtabi mo sa akin kagabi sa pagtulog. Nakakita talaga ako ng monster eh," ani Irene. Naisipan kong tabihan siya dahil
Napahawak ako sa aking ulo dahil sobrang sakit na hindi ko na matiis pa. Parang mabibiyak na ata ang ulo ko ano mang oras dahil sa sobrang sakit."Mama!"Narinig ko ang sobrang lakas na pag-iyak ng dalawang bata. Hinawakan ng isa sa kanila ang kamay ko."Mama Denice! Gising ka na ba? Nakikita mo ba ako?"Pilit kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin si Ion. Nasa gilid niya naman si Irene na umiiyak rin."Okay lang ako, babies." I assured them with my voice so low. This feels like I don't want to speak up but I need to. Ayaw ko namang makita akong ganito ng mga batang nasa harap ko."Papa! Gising na si Mama Denice!"Narinig ko ang mga yabag sa labas ng kwarto at alam kong humahangos iyon.Kinuha ni Zimmer ang mga kapatid niya at sumunod naman ang mga ito. Pinag-alala ko pa tuloy sila. Ang gaga ko naman kasi eh!Nakata
Going home is a wrong move for me."Noong nakaraang linggo, noong mag-inuman kayo, dito umuwi ang Ate mo, Den-den," pahayag ni Manang Lorna. "Nag-away yata sila ng Kuya Raymond mo."Tama nga talaga ang hinala ko noong gabing natulog ako sa condo ni Joycelyn. Ramdam kong may masamang nangyari.I missed a call from Ate Dorine. Ako ang naisipan niyang tawagan pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin siya.Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko deserve ang kahit ano. But now, I realized I am wrong. Deserving ako sa pagkakaroon ng miserableng buhay. Tama lang siguro sa akin ito.Tama lang siguro na mag-overthink at ma-stress ako kasi kasalanan ko rin naman. Kung inuna ko lang sana ang pagsagot ng tawag niya kaysa sa walang kwentang pakikipag-away ko kay Paulo noong araw na iyon e 'di sana, nalaman ko kung anong nararamdaman niya.Ako sana ang tinawag-tawag niyang
Many things had changed and I can't deny that fact. Nasasaktan ako dahil sa mga pagbabago sa buhay ko. Kahit ako, sawang-sawa na rin. Hindi ko na rin kaya.Nawalan ako ng oras para sa pagtulog. Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko. Kinawayan na naman ako ng mga kaibigan kong si Blade at Lubid. Binabati nila ako kagabi.Pinigilan ko na lang na i-comfort ang sarili ko gamit ang mga bagay na papatay mismo sa akin.Parang hirap na hirap na ang utak ko sa pagrehistro ng mga nangyayari sa buhay ko. Parang ang dami kong kasalanan sa nakaraang buhay ko, kaya nabuhay ulit ako para maghirap.I believe in reincarnation. Baka pangatlong buhay ko na ito. Sana, kung mabubuhay ako ulit, hayop na lang.May silbi, mapapakinabangan. Kaysa naman sa buhay ko ngayon, puros pasakit na lang ang natatanggap ko, wala pa akong kwenta para sa iba.Agad akong naligo at nagbihis nang maalalang may meet
N.J Company's AnniversaryMy Dad was too consistent and persistent about me who needs to join the company's anniversary.Hindi ko alam kung bakit ko pinagbigyan ang Tatay ko na pumunta pa rito. Sinabihan ko na nga siya na hindi ako makakapunta tapos pinilit-pilit pa ako.Dahil masunurin akong anak, narito ako ngayon sa event, nagdadabog. Kulang na lang, ihagis ko ang ano mang bagay na makita ko."Denicery, nagmamaktol ka na naman," komento ni Mama. Siya na naman ang ultimate tagasaway ko. Lagi niya namang ginagawa iyan lalo na kapag may event.Ilang beses na nga akong napapahiya eh. Sanay na sanay na ako sa ugali niya."May aasikasuhin pa po ako," pagdadahilan ko. Alam ko namang hindi gagana ang palusot ko pero gagawin ko ang lahat, makatakas lang ako rito. Baka kung sino pang makita ko eh. Badluck kung maba-badtrip lang ako.I don't want
Almost 29 years of my life, this year is the most miserable of all. I felt wasted, I felt like I'm being the most nonsense creature of this world.Wala akong nagawa para mapangalagaan ang mga mahal ko sa buhay. Oliver married other woman and now having his own family. Ni hindi ko alam kung paano napunta sa ganoon ang sitwasyon namin.Ate Dorine went to Thailand for her, to realize herself. Parang ako pa ang magiging sagabal sa kaniya kung pinigilan ko siyang umalis.And now, My Ion is now in heaven. I want him to be my angel but not this early. Sobrang iksi ng panahon ng pagkakasama namin pero sa maiksing panahon na iyon, minahal ko na ang bata.Ang pagmamahal na naramdaman ko sa panahong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nasasaktan ng husto.It feels like, namatayan ako ng anak. Anak na nagmula talaga sa akin. Anak na nanggaling sa sinapupunan ko. Dagdag pang pumunta pa rito ang
I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f
I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."
Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i
Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?
My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata
Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca
"Maayong buntag, Cebu!" sigaw ko. Kakagising ko lang. Sariwang hangin na kaagad ang dumampi sa balat at pang-amoy ko.Limang buwan na ang nakakalipas. Limang buwan na simula nang lisanin ko ang mundong kinagisnan ko. Pero, hindi ko pa rin iniiwan ang propesyon na matagal ko nang minamahal.Fashion. Journalism."Ganda naman ng gising ng alarm clock namin," puna ni Nanay Luz. Sa ikalawang araw ko rito, sinabi niyang Nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa Ale."Mas maganda pa po ako kaysa sa gising ko," pagmamayabang ko na naman. I used to smile and boast like this since I came here.Natuto akong kontrolin ang sarili ko. Napatawad ko ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin kahit na hindi man lang nakakarinig ng pasensya sa kanila.Manang Lorna told me last 2 months that Ate Dorine safely delivered my nephew named Mond. Hindi ko alam kung bakit naisipan
Byaheng walang humpay.Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus."Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya."Okay lang po. Bababa na po ako."Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu
Tulog na tulog si Ate Dorine nang maabutan ko siya sa condominium unit ko. Naabutan ko rin ang mga food stock ko na plastik na lang ang natira.Nakakita pa ako ng coke at bigla kong naisip na sinamahan niya ng capsule ang pag-inom niyon pero naalala kong marunong tumupad sa pangako ang Ate ko. Bago ko siya ihatid dito, nangako siyang hindi na siya gagawa ng kahit ano pang hakbang na maaaring makaapekto sa batang dinadala niya.Sobrang swerte ng magiging anak ni Ate, may maganda siyang tita—este, may mabuti siyang nanay. Maaaring muntikan nang manganib ang buhay niya dahil sa sarili niyang ina, pero, sigurado akong hindi niya iyon sinasadya. Hindi talaga iyon sinasadya ni Ate.Kailangan ko ring tanggapin na gwapo ang tatay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging masaya para sa bubuuin nilang pamilya.Tutal, wala na naman talaga kami ni Oliver. Medyo matagal na panahon na rin noong man