Home / Romance / Baleleng / CHAPTER 4: SHATTERED DREAMS

Share

CHAPTER 4: SHATTERED DREAMS

Author: EscapingYdaleam
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Thank you, mister alalay.

Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong nagpapasalamat sa lalaking kaharap ko ngayon. Dinala niya ako sa isang play ground.

Asus, childish pala ang isang ito.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

He chuckled. "Ikaw? Bakit mo gustong tumalon do'n sa tulay?"

Ito iyong isa pa sa mga kinakaayawan ko eh. Iyong kapag nagtanong ako, sasagutin din ako ng isa pang tanong. Nakakairita lang talaga.

Tinawanan ko siya kahit naba-badtrip ako. Oo, naisip kong tumalon do'n sa pesteng tulay na iyon but, I love myself, even.

Gusto kong maglaho na parang bula pero pinapahalagahan at mahal na mahal ko ang sarili ko.

Susme, hindi na nga ako minamahal ng mga taong mahal ko tapos hindi ko pa mamahalin ang sarili ko? Ano na lang ang matitira sa akin?

"Bakit mo ako pinigilan?" mapang-asar kong tanong.

Hangga't hindi niya sinasagot ang tanong ko nang maayos, bibigyan ko rin siya ng isa pang tanong na makapagpapagulo sa kaniya.

Bawi-bawi lang kapag may time!

"Okay, mag-umpisa tayo sa una mong tanong. 'Bakit ako nandito?'" Pag-uulit niya sa tanong ko kanina. "Nandito ako kasi may hinahanap ako." Tinaasan niya ako ng kilay. "Now, answer my question. Bakit ka tatalon do'n sa tulay?"

I sighed. "Hindi naman talaga ako tatalon do'n," sagot ko. "So, kung inisip mong magpapakamatay ako, bakit mo ako pipigilan?"

1

2

3

Deafening silence.

Parang hindi ko marinig ang sarili ko dahil sa sobrang katahimikan na bumalot sa amin ng kausap ko.

"Akala ko, hindi ikaw iyan," tugon niya.

What does he mean about, akala niya hindi ako ito? Baliw na ata ang isang ito ah.

"Paanong hindi ako?" usisa ko saka kumuha ng chips na binili ko sa 7/11 na nadaanan namin kanina.

"Oops, nagtanong ka na. Ako naman."

I rolled my eyes. Childish nga talaga itong si mister alalay na hindi naman mukhang alalay.

"Spill it, sir," utos ko sa kaniya at hinintay lang ang magiging tanong niya.

"Malungkot ka ba?"

"Oo," I simply answered. I know I hate simple, but I also don't feel like talking so much. "Balik tayo sa question ko, anong gusto mong sabihin sa 'akala mo kasi hindi ako ito?"'

He angelicly smiled. Don't smile! Nakikita ko ang dimples mo, kainis ka!

Oh my gosh, Romualdez!

"What I meant was, hindi dapat nating pakialaman ang isa't isa gaya noong sinabi mo no'ng gabing umiinom ka," paliwanag niya. "You said that you don't have interest in me and I hate those people na walang interes sa akin."

"So you hated me?" I asked.

"Oo," prangka niyang sagot. "Ayaw kitang pakialaman kasi inutos mo iyon sa akin eh. Akala ko ibang tao ka, and baka kung hindi ikaw iyan, makakita ako ng taong totoong interesado sa akin.

Oh! So I get his point. But, I can't remember na inutusan ko siyang huwag akong pakialaman dahil wala akong interes sa kaniya.

Naghahanap siya ng taong interesado sa kaniya? Hello? Ang dami kayang babae ang naghahabol sa kaniya roon sa Cebu!

Hindi na siya nagsalita pang muli kaya kinuha ko ang pagkakataon na ako na lang ulit ang makapagtanong.

"Puwede ko bang malaman kung sino ang hinahanap mo? Baka matulungan kita," alok ko.

"Paano naman makakatulong sa akin ang taong hindi interesado sa ak---"

"Cut that crap out," pagputol ko sa sasabihin niya. "Look, I can't remember anything about what you're saying. Siguro nga, hindi ako interesado sa iyo, but I guess we're friends now."

Tumikhim siya na para bang hindi nagustuhan ang salitang friends.

"Hinahanap ko iyong taong interesado sa akin," aniya. Lakas nito. Dinala siya ng paghahanap niya rito sa Maynila.

"Bumalik ka sa Cebu. Take this as an advice from uninterested friend of yours," biro ko. "Maraming nagkakainteres sa iyo roon."

"Pero, nandito iyong pinagkakainteresan ko."

Biglang namula ang mukha ko sa sinabi niya. I know, hindi ako ang tinutukoy niya pero I expected huh.

"Oh bakit ka namumula riyan?" puna niya.

"May allergy ako sa prawns," pangangatwiran ko.

"Oishi lang naman iyan," aniya.

"Prawn pa rin," pakikipagdebate ko.

Hinayaan ko ang sarili ko na maupo sa may seesaw.

May iilang bata rin doon kasama ang mga magulang nila. Nakakainggit at nakakahawa at the same time ang sayang nararamdaman nila sa simpleng paglalaro lang sa munting duyan.

The swing reminded me of myself.

Saka lang ako aangat kapag may nag-push sa akin. Kapag wala na, nasa ibaba na lang ako, nakapirmi kung saan ako nararapat.

Saan nga ba ako nararapat?

"Tara, inom tayo, ako ang taya," pang-aaya sa akin ni Ynigo saka naglahad ng kaniyang palad sa harapan ko.

Kailangan kong makalimot. Magnanakaw na naman ako ng isang gabi para sa temporaryong kasiyahan, lahat panandalian.

Malulunod at malalasing ako sa alak tapos bukas puro energy drinks ang iinumin ko.

Romualdez' Hotel

Biglang nanlaki ang aking mata sa nabasang plaka sa harap nitong magarang hotel. Romualdez?

"H-Hotel niyo ba it---?"

"Hindi, kaapelyido ko itong hotel kaya dito ko napiling uminom," agap niya.

Woah, alalay lang siya sa Cebu, 'di ba? Nagha-hallucinate lang ako and uh, kaapelyido niya lang daw.

"One bottle of whiskey, please!" magalang na saad ni Ynigo roon sa babaeng kumukuha ng orders.

Lahat ata ng makakaharap niyang babae, nirerespeto niya.

"I'll take note of that sir," sagot ng babae.

Parang magkakilala silang dalawa, tss.

Itong si Ynigo parang ang pormal sa lahat ng bagay. Ang kaso, madaldal at friendly masyado.

"Can I hug you?" paghingi niya ng permiso na ikinalaki ng mata ko.

"H-Huh?" Naguguluhan ako sa lalaking ito. Hindi ko mabasa ang mga nasa isip niya! "Bakit mo naman ako yayakapin?"

"To make you comfortable," aniya saka tumayo sa bandang gilid ko.

"I know it can't help you a lot because you're not interested to me," pagbibiro niya. "But my hug can lessen your baggage. It can lessen your pain and I am able to make you feel na hindi ka nag-iisa, uninterested friend."

Medyo lumuhod siya sa harapan ko para maging magkatapat kami ng posisyon at doon ako niyakap.

It's true that his hug can lessen my thoughts and baggage in life. Ang dami ko naman kasing bagahe! Disadvantage ito ng pagiging travelera ko!

"Are you okay now?" tanong niya nang kumalas sa yakap namin.

"I feel better," sagot ko.

Nakaisip ako ng kabaliwan at dinala ko si Ynigo sa rooftop. Siya ang nagturo sa akin ng mga daan na para bang kabisadong-kabisado itong lugar.

Well, he's a crew in a hotel and Cebu, that's why he has some backgrounds about where the rooftop is.

"Ano bang gagawin natin dito?" usisa niyang habang binubuksan ang pinto na daan namin papuntang rooftop, gamit lang ang stick necklace niya.

"Wala, papahangin lang," maloko kong sagot sa kaniya.

Hinarap niya ako. Mukhang nawala lahat ng dugo niya sa katawan. Namutla ata sa sinabi ko.

"25 floors!" aniya, pikon na. "Dalawampu't-isang palapag ang tinakbo natin para lang sa pagpapahangin mo?"

Aba, kasalanan niya iyan. Mayroon naman kasing elevator, ayaw gumamit. Inuna pa ang pagtsansing at paghawak sa kamay ko.

"Bakit? Worth the sweat naman, 'di ba? Nahawakan mo pa ang kamay ko," kantiyaw ko sa kaniya.

Hinarap niya muli ang kandaduhan at pinilit na isuksok doon ang mahiwaga niyang pambukas.

Nakita ko ang pag-arko ng dimples niya kahit nakatalikod siya sa akin. Is he smiling?

"Ayan, magpahangin ka na," he commanded at pinauna ako sa pagpasok sa destinasyon namin. "Huwag kang tatalon ah."

Ngumisi ako. Akala talaga niya, suicidal akong tao. Naku, ang bait-bait ko kaya. Ni hindi nga ako makabasag-pinggan eh.

I'm prim and proper woman na iniwan sa kas---

"Hoy, uninterested person, tigilan mo muna ang pag-iisip ng kung ano-ano. Tignan mo ang paligid."

Sinunod ko ang utos niya. Ipinalibot ko ang aking mata sa buong paligid. Ang ganda-ganda!

Kitang-kita ko ang buong city mula rito.  Ngayon lang ako nakapunta sa rooftop ng isang hotel!

"Thank you for this, Ynigo."

Ngumiti lang siya.

Ninanamnam ng mga mata ko ang detalye ng paligid. Ang sarap baunin ng mga nakikita ko ngayon.

Wala mang tama ng alak ang utak ko at naudlot ang inuman namin ni Ynigo dahil sa angking kapilyuhan ko, atleast, nakalimot pa rin ako ng pansamantala.

Suddenly, we heard some footsteps and that was near the place where we decided to release our stress. Hinila ako ni Ynigo papunta sa isang silid—silid na puno ng mga cleaning materials.

Magtatanong pa sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Once na mahuli tayo rito, we're dead!" bulong niya.

Jusmiyo por santo, nakatakas nga ako roon sa suicidal thoughts ko, mamamatay naman ako sa pagiging pilya ko.

Biglang ngumiyaw na parang totoong pusa itong si Romualdez. Another best actor!

Akmang lalabas na kami nang makitang nandoon pa rin pala ang guwardiya. Hinila ako ulit ni Ynigo at napakalapit na namin sa isa't-isa ngayon.

Hindi uso sa posisyon namin ngayon ang salitang 'Social Distance.'

"Pintig ba iyon ng puso mo?" he asked.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Hindi ako mahilig sa kape kaya hindi puwedeng mag-palpitate ako.

Dinig ko ang mahihina ngunit mabibilis na pintig.

"Puso mo iyon, Ynigo," sabi ko sa kaniya."Hindi na iyan normal, patingin ka na sa doctor," payo ko.

Medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko ng bagay na iyon kaya naman!

"Huli kayo!"

Biglang bumukas ang pinto nitong tambakan ng cleaning materials na pinagtataguan namin at bumungad sa amin ang guwardiya na gulat na gulat sa kaniyang nakita.

Wait, iniisip niya ba na may nangyayaring kababalaghan sa amin doon? Ang sama pala ng utak ni Kuyang Guard kung gano'n.

"Mauna ka na, Denice," utos sa akin ni Ynigo. "I can handle this, don't worry. Sorry hindi na kita maihahatid. Ingat ka."

Gusto raw kaming makausap ng manager nitong hotel. Pinagtutulakan ako ni Ynigo dahil baka madamay raw ako.

Eh, ako naman itong nagpumilit sa kaniya na pumunta roon eh. Naipahamak ko pa tuloy siya.

Now, I'm not sure kung magkikita pa ba kami ulit. Ang sabi niya, pinag-isipan niya raw ang sinabi ko sa kaniya na kailangan niyang bumalik sa Cebu dahil nandoon ang mga babaeng may interes sa kaniya.

Bitter ako at ayaw kong dito niya makita ang the one niya. Baka mauna pa siyang magpakasal kaysa sa akin at hindi ako makapapayag 'no!

Attractive si Ynigo, but I don't know. I don't feel him. Katulad kanina, I heard his fast heartbeats dahil alam kong interested siya sa akin, oo na mag-aassume na ako.

As in, ang bilis ng tibok ng puso niya.

Iyong naramdaman ni Ynigo kanina? Ganoong-ganoon din ang naramdaman ko dati kay Oliver noong first time naming mag-date at maghawak ng kamay.

Parang gustong lumabas ng puso ko at bumati ng,

"Hi, Oliver Dumangcas!"

Basta gano'n.

Kung sakaling magkagusto ako kay Ynigo? Sisiguraduhin ko na siya na talaga. Pero ngayon, I need to push him away.

Para makakilala siya ng iba pa.

Halos 3/4 ata ng populasyon ng mundo, binubuo ng mga babae. Sa bawat isang lalaking makakasalubong mo, may limang babaeng katumbas na iyon.

Imposibleng hindi makahanap ng iba ang lalaking alalay na iyon. Mas lalo pa siyang magiging bulag kasi naghahanap siya ng pag-ibig, hindi siya naghihintay.

Kanina ko pa napapansin na ring nang ring itong cellphone ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tignan kung sino ang tumatawag.

Ate Dori calling...

Sinagot ko naman kaagad iyon.

"Finally!" Nailayo ko ang cellphone ko sa aking tainga nang sumigaw si Ate sa kabilang linya. "After 7 hours, you picked up your phone!"

"Ate, calm down. Nakakabingi k--"

"You dialed my number 26 times today, Denicery Marie Juaneza! How can I calm myself?!"

Oh, oo nga pala. Paulit-ulit akong nag-miss call kay Ate kanina.

"Nandito na kami sa labas ng hotel, uuwi na kami riyan," taranta niyang sabi. "Please wait for us, lil sis."

I am imagining my older sister's thoughts. Akala niya rin ata magsi-selfharm ako katulad ng ginawa ko dati noong muntikan na kaming maghiwalay ni Oliver.

"Ate! Praning ka na naman!" sigaw ko sa cellphone ko para marinig ni Ate ang sarili niya. "Nandito na ako sa tapat ng bahay, nag-scenery-seeing lang ako," katwiran ko.

"Nag-scenery-seeing ka ng ganitong oras tapos hindi ka pa sumasagot sa mga tawag ko! What do you want me to expect? Natural at mapapraning talaga ako!"

I laughed so hard to tell her that I'm fine.

"Tarantado ka. You're pranking me, bitch!"

Ayan, pikon na siya. Pikon! Nagmumura! Tinawag pa akong bitch. I'm pretty sure I disturbed her and her husband.

"You sure? Okay ka lang talaga? Kung hindi uuwi na kami as in ngayon na. Kung okay ka naman, pag-uwi namin may pamangkin ka na."

Dinig ko ang pagsaway ni Kuya Raymond sa Ate ko. Ang swerte ko sa bayaw ko, mang-i-scam ako sa kaniya, yaman ng mga Dela Franco eh, char!

"Are you better?" tanong ni Ate.

"I'm the best, beach!" masayang sigaw ko sabay ipinatay ang tawag.

Ginaya ko ang tono ni Ate sa pagkakasabi niya ng 'bitch' kanina. Buti pa ako, bakasyon lang alam kaya beach lang.

Bad influence talaga ang mga panganay eh. Tsk, tsk!

Buti pa ang mga tulad kong bunso, mababait.

Malas naman sa pera, pag-ibig at sa lahat.

I lied to Ate. Wala ako sa tapat ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa opisina. Kaunti na lang ang tao, karamihan galing sa photo journalism.

Hindi katulad ng head nilang si Roxie, mababait ang mga tagarito sa Department na ito.

Dumiretso ako sa opisina ko just to turn my designs into a shattered pieces of paper. Nonsense designs!

My parents prohibited me in joining the International contest na 4 years ko nang hinihintay.

Freshman pa lang ako, it's been really a huge dream to me to be one of the contestants of that prestigious contest na piniling gawin ngayon dito sa bansang pinagmulan natin.

Sadly, hindi ako makakasali.

Related chapters

  • Baleleng   CHAPTER 5: CONSEQUENCES

    I will runaway.Hayan, pumasok na sa utak ko ang kantang runaway. Mukhang dito na ako sa convenience store aabutan ng umaga.Binigyan ko ng oras ang utak ko na makapag-isip and guess what kung anong naisip ko?Ang takbuhan ang lahat ng problema ko.Tapos biglang nag-flashback sa utak ko ang aking runaway groom. Hindi ako maka-move-on 'no? Lagi ko pa ring nababanggit. One month pa lang naman din kasi ang nakakalipas.Pero dapat, sa isang buwan na iyon, nailibang ko na ang sarili ko laban sa lungkot at panghihinayang.Napapatanong ako sa sarili ko kung nagsisisi ba si Oliver sa ginawa niya? Iniisip niya kaya ang nararamdaman ko? Iniisip niya ba na kung ano kami kung sakaling natuloy ang kasal?Or,Iniisip niya kaya ako sa mga oras na ito kagaya ng pag-iisip ko sa kaniya?Para akong lumulutang sa al

  • Baleleng   CHAPTER 6: THE DEAL

    Consequences.Bakit nga ba may consequences o success sa mga ginagawa nating desisyon sa buhay?Para ba ipamukha sa atin na nagkamali o nagtagumpay tayo? Para ba sabihin sa atin na kailangang maging maingat tayo sa pipiliin nating pagtapak, pagdedesisyon at pagtalunton?Parang ang hirap naman ata nito. Lagi kang may iisipin na ibang bagay kapag pipili ka. Hindi ka genuinely na magiging masaya sa decisions mo lalo na kung mas uunahin mong isipin ang mga consequences.Need ko ng payo niyo!Ang consequences ba ang isang sign na isa akong talunan? Na wala akong ibang alam kung hindi ang piliin ang makakasakit sa akin? Na wala akong karapatang sumaya katulad ng iba?No wonder, kaya rin ako hindi nagiging masaya, ng totoo, kasi lagi kong ikinukumpara ang buhay ko sa ibang tao.Si Ate Dori.She's married with the man of he

  • Baleleng   CHAPTER 7: SPECIAL FRIEND

    I am disappointed.Madalas akong pangaralan na huwag isama ang personal kong mga bagay sa trabaho pero ano itong sinasabi sa akin ni Papa, ngayon?Bumababa ang paggalang at ang mataas na tingin ko sa kaniya. Hindi siya ang Tatay kong may paninindigan at fair sa trabaho. Gano'n niya ba kagusto si Roxie para sa kumpanya niya?Maayos din namang magtrabaho si Joycelyn ah?"Are you serious with this, Pa?" I asked, trying to convince myself that this man in front of me is not my father.Kumuyom na ang kamao ko nang ngumiti siya. I never expected that he will be this serious firing someone because of some personal issues."Kailan ba ako hindi nagseryoso sa mga sinasabi ko sa iyo, Denicery Marie?" Tumikhim siya. "Ikaw lang naman itong hindi sumiseryoso sa sinasabi ko."Naiiyak na talaga ako."Kaya uulitin ko sa iyo, you need to convince Miss Valer

  • Baleleng   CHAPTER 8: HE WANTS TO COURT ME

    "Who are you?" tanong ng babaeng kasama ng Papa ni Ynigo.Ang sungit niya naman ata. Hindi bagay sa kaniya. Mukha kasi siyang inosente lalo na sa suot niyang light make-up.Hindi mo mahahalatang masungit o suplada siya sa unang tingin pero kapag nag-umpisa na siyang kausapin ka o kapag nagsalita siya ay ibang-iba.Strikta. Masungit.That is my powerful impression about her.Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ng babae dahil busy ako sa pagtitig sa kaniya. Ang ganda niya naman kasi! Feeling ko magiging lalaki ako dahil sa kaniya.She's intimidating."Hey, miss?" Pag-agaw niya sa atensyon ko. "Bingi ka ba?"Ugh! Nakakainis naman siya! Can't she be friendly with me?"Uh...""She's a good friend of mine," sabat ni Ynigo. Ngumiti nang malawak ang babaeng kaharap namin.Good friend.

  • Baleleng   CHAPTER 9: EXCEPTION

    Let me court you.Bumagsak ang mukha ni Ynigo sa lamesa matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Iba na talaga ang nagagawa ng alak.Mahina ko pang sinampal ang sarili ko. Hindi naman ako masyadong uminom. Dalawang baso lang nga ang nainom ko eh. I hate hard drinks like Ynigo has ordered.Ramdam ko ang pagpunta ng lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon eh. Dapat ba akong mag-assume sa sinabi niyang iyon?I shouldn't let my guard down. Lasing lang siya kaya niya iyon nasabi. Lasing lang siya.Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko bago naisipang bayaran ang pinag-iinom nito ni Ynigo.Tinulungan ako ng isa sa mga bartender na ipasok si Romualdez sa kotse ko para maihatid na ang mokong. Napa-face-palm ako nang maalalang hindi ko nga pala naitanong kanina ang address ng tinutuluyan niya. Napakadaldal kasi ng

  • Baleleng   CHAPTER 10: IN-LAWS

    Kahit sa panaginip, ginugulo mo ako.Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang sofa. Lugar kung saan hindi ako nakatira. Naka-jersey rin ako. Hindi ito ang damit ko kagabi ah! At, natandaan ko na hinatid ko pala si Ynigo kagabi.Pero bakit naman dito ako natulog? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga tao? Ng pamilya ko? Pati na mga kaibigan ko?Nakaamoy ako ng pagkain na niluluto. Sigurado akong galing sa kusina ni Ynigo ang mabangong amoy na iyon."Gising ka na pala," aniya saka agad na ngumiti sa akin. "Good morning."Napatakip ako ng aking mata nang makitang wala siyang damit. Tanging boxer lang ang mayroon siya! Hindi ba uso sa kaniya o sadyang gusto niya lang talaga akong asarin?Bumangon ako sa sofa, and swear, ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ako sanay na matulog sa sofa."Bagay sa iyo ang jersey ko ah," puna niya saka inilap

  • Baleleng   CHAPTER 11: MY SAVIOR IS BACK!

    Kasal.Hindi ko na alam kung ilang beses nang nagagamit ni Papa ang salitang kasal sa araw na ito.Atat na atat siya masyado. Parang handa nga siyang magpatawag ng Pari ngayon eh. As in, ngayon na. Pini-pressure niya ako lagi. Pini-pressure niya kami ni Ate, dati pa."Kilala ko ang mga magulang mo, Ynigo," kwento pa ni Papa. "Magkaibigan kami ng Tatay mo."What a small world? Magkakilala si Papa at ang Tatay nitong poging alalay na ito? At paano naman?"Bakit pala Romualdez ang hawak mong apelyido, ijo? Hindi ba, Lorenzo ang apelyido ng Papa mo? Kayo ang may-ari noong isa sa mga sikat na beach and resorts dito sa Manila, right?"Hindi kaagad nakasagot si Ynigo. Nakatulala lang din ako. Ang dami ko pang hindi nalalaman sa lalaking ito. Siya talaga ang owner ng hotel sa Cebu. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Papa na entrepreneur din pala. Tapos, Lo

  • Baleleng   CHAPTER 12: HANDKERCHIEF

    Mas lumalalim na ang gabi.Ngunit, parang hindi namin ito namamalayan. Wala kaming sinusunod na araw o buwan. Basta ang alam namin, walwalan na naman."Balita ko, hindi ka makakasama sa International Fashion Designing contest," ani Terrence. Bakit ba na-build-up niya pa ang topic na iyon? At, kanino niya naman nalaman?"What?!" Ate Dorine exclaimed. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang bagay na iyon. "Bakit hindi ka sasali? 3 years mong hinintay ang pagkakataon na iyan ah?"Gusto kong umiyak pero, nakakahiya. Ilang beses na nila akong nakikita na may luhang bumabagsak sa pisngi. Ilang beses na rin silang nagv-volunteer na magpunas no'n para sa akin.I don't deserve people like them. Hindi dahil masama akong tao, pero dahil sobra na siguro ang nagagawa nila para sa tulad ko na walang ginawa kung 'di ang iasa

Latest chapter

  • Baleleng   CHAPTER 43: BRAND NEW START

    I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f

  • Baleleng   CHAPTER 42: LEAVING

    I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."

  • Baleleng   CHAPTER 41: CALM OF MY LIFE

    Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i

  • Baleleng   CHAPTER 40: SISTERS

    Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?

  • Baleleng   CHAPTER 39: WEIRD

    My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata

  • Baleleng   CHAPTER 38: COMEBACK

    Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca

  • Baleleng   CHAPTER 37: FAMILY

    "Maayong buntag, Cebu!" sigaw ko. Kakagising ko lang. Sariwang hangin na kaagad ang dumampi sa balat at pang-amoy ko.Limang buwan na ang nakakalipas. Limang buwan na simula nang lisanin ko ang mundong kinagisnan ko. Pero, hindi ko pa rin iniiwan ang propesyon na matagal ko nang minamahal.Fashion. Journalism."Ganda naman ng gising ng alarm clock namin," puna ni Nanay Luz. Sa ikalawang araw ko rito, sinabi niyang Nanay na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa Ale."Mas maganda pa po ako kaysa sa gising ko," pagmamayabang ko na naman. I used to smile and boast like this since I came here.Natuto akong kontrolin ang sarili ko. Napatawad ko ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin kahit na hindi man lang nakakarinig ng pasensya sa kanila.Manang Lorna told me last 2 months that Ate Dorine safely delivered my nephew named Mond. Hindi ko alam kung bakit naisipan

  • Baleleng   CHAPTER 36: BONDED BY HEART

    Byaheng walang humpay.Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus."Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya."Okay lang po. Bababa na po ako."Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu

  • Baleleng   CHAPTER 35: INDEPENDENCE

    Tulog na tulog si Ate Dorine nang maabutan ko siya sa condominium unit ko. Naabutan ko rin ang mga food stock ko na plastik na lang ang natira.Nakakita pa ako ng coke at bigla kong naisip na sinamahan niya ng capsule ang pag-inom niyon pero naalala kong marunong tumupad sa pangako ang Ate ko. Bago ko siya ihatid dito, nangako siyang hindi na siya gagawa ng kahit ano pang hakbang na maaaring makaapekto sa batang dinadala niya.Sobrang swerte ng magiging anak ni Ate, may maganda siyang tita—este, may mabuti siyang nanay. Maaaring muntikan nang manganib ang buhay niya dahil sa sarili niyang ina, pero, sigurado akong hindi niya iyon sinasadya. Hindi talaga iyon sinasadya ni Ate.Kailangan ko ring tanggapin na gwapo ang tatay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging masaya para sa bubuuin nilang pamilya.Tutal, wala na naman talaga kami ni Oliver. Medyo matagal na panahon na rin noong man

DMCA.com Protection Status