Share

Kabanata 2

Caleb was busy packing his stuffs. He was flying tomorrow in the Philippines for at least two months vacation. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng kanyang ama na mag bakasyon. Iyon ay dahil maganda ang income ng kanilang kompanya. His family owned a textile company in the States.

At thirty-one, he was the COO of DFS Textile Company. After he graduated in college ay pinamahalaan na niya ang kanilang kompanya. Ang kanyang ama ay nanatiling CEO bagama't siya na ang utak ng pagpapatakbo ng DFS Textile Co.

He was eighteen years old when he flew to America with his parents. Ayon sa ama ay kailangan daw nitong tingnan ang negosyo na bago pa lamang naitatayo noon. Labag man sa kalooban dahil marami siyang maiiwan na kaibigan sa Pilipinas ay napilitan siyang sumama sa kanyang mga magulang. Noong umpisa ay nanibago siya. Hinahanap-hanap niya ang mga dating ka kilala at kaibigan. Pero kalaunan ay nasanay na rin siya.

Habang nag-aaral ay namasukan siya noon bilang isang gasoline boy. Hindi niya kailangan gawin iyon dahil nakakaangat naman sila sa buhay. Both his parents come from a well-off family, nag-iisang anak pa siya. Pero sa kabila niyon ay hindi tumutol ang kanyang mga magulang. Sa halip ay natuwa pa ang mga ito dahil responsable raw siya.

Nang sumapit siya sa huling taon niya sa kolehiyo ay hiniling ng kanyang ama na magtrabaho na siya sa kanilang kompanya. Then he did. But he started from a scratch. He was his father's messenger and afterwards he became a clerk. Hanggang sa marating niya ang posisyon bilang COO. Sa nagyon ay maayos naman ang kanilang negosyo. Mas malaki na iyon kompara noong kararating pa lamang nila sa America.

Aala-una ng madaling-araw nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Caleb sa NAIA. Pagbaba niya nang eroplano ay nanatili pa siya ng isang oras sa NAIA para sa connecting flight naman niya pa puntang Butuan City. Kaya mag-aalas kwarto ng umaga noong nakarating siya mismo ng Butuan. Paglabas niya ng airport ay nagpatawag siya ng isang airport taxi na maghahatid sa kanya sa Tandag.

Alam ng kaibigan niyang si Marco na magbabakasyon siya sa bahay nito pero hindi niya binanggit ang eksangtong araw ng pagdating niya. He wanted to surprise his best friend.

Mabilis ang naging byahe nila. Bukod sa maaga pa naman ay wala ring sagabal sa daan katulad ng traffic. Kaya nasa tatlong oras lang ang naging biyahe nila mula Butuan City airport hanggang bayan ng Tandag. At mula sa bayan ay babayahe pa uli siya ng thirty minutes upang marating ang eksaktong destinasyon.

"Sa bahay ba ng mga Sanchez ang punta mo?" tanong ng driver sa kanya. Eksaktong kapapasok lamang nila sa premesis ng farm ng mga Sanchez. Mga ilang kilometro pa ang layo sa mismong ancestral house ng kaibigan.

"Kilala niyo po ang mga Sanchez?" tanong niya. Tumango naman ang driver bilang sagot. "Tagarito ho ba kayo?"

"Taga farm ang asawa ko. Pero umalis na kami dahil sinamahan namin ang aming anak sa sentro simula nang mag-aral siya sa kolehiyo," sagot nito.

"Ganoon ho ba?" Tumangu-tango siya habang nakikinig sa kwento ng driver.

Ilang sandali pa ay natatanaw na niya ang ancestral house ng kaibigan. Kung titingnan mo ito sa malayuan ay mukha itong hunted house dahil sa design at itsura nito dala ng kalumaan.

It was an old wooden house na napapaligiran ng mga nagtataasang puno ng acacia at balete. Ang mga bintana ay gawa pa sa capiz. Malaki iyon at napakaganda kahit na makaluma.

"Napakaganda talaga ng bahay ng mga Sanchez," komento ng driver nang huminto sila sa tapat ng malaking gate niyon.

Ngumiti lamang siya. "Salamat po," aniya sa driver bago niya ito inabutan ng isang lilibuhin.

"Naku Sir, eh, sobra-sobra na po ito," kakamut-kamot ang ulong wika nito.

Ngumiti lamang siya uli at bumaba na ng taxi. Kinuha niya ang mga bagahe sa compartment ng sasakyan.

Bago kumatok sa pedestrian gate ay nilibot muna niya ng tingin ang lugar. He sighed. It had been eight years since he visited the place.

Bago pa madako sa kung saan ang isip niya ay tumimbre na siya sa gate. Nang bumukas iyon ay sandaling napatitig sa kanya ang guwardiya. Pamilyar ito sa kanya.

"Sir Caleb?" magkahalong gulat at tuwa nitong bati sa kanya. Good thing he still remember him. Agad nitong kinuha ang mga bagahe niya.

"Maraming salamat ho. Kumusta na ho kayo?" tanong niya.

"Naku, heto at tumatanda na." nakangiting sagot naman nito.

"Gising na ho ba si Marco?"

"Gising na. Maaga kasi siyang nagpupunta sa taniman, eh."

Nauna na siyang maglakad papasok habang nakasunod naman ito sa kanya.

"Mabuti naman po at nadalaw kayo. Aba'y matagal-tagal din kayong hindi nagawi rito, ah. Mga ilang taon na ba, lima, anim na ba?"

"Walo ho," sagot niya.

"Aba't tingnan mo nga naman, ganoon na pala ka tagal. Halos isang dekada na, ah."

"Oo nga ho, eh. Busy po kasi masyado," nakangiting sagot niya.

"Halos pareho lamang kayo ni Senorita Zam na hindi na nakakauwi rito."

Bigla siyang natigilan sa pangalang binanggit nito.

"Simula noong naghiwalay ang mag asawang Sanchez at sumama si Senorita Zamantha sa mommy niya ay dalawang beses pa lamang siyang umuwi rito. Tapos iyong huling bakasyon pa nga niya ay hindi rin siya noon nagtagal," kwento ng guwardiya na napapailing pa. "Kunsabagay, bata pa lang si Senorita ay sa Maynila na siya naglalagi at kalaunan ay lumipad na rin ng Australia kasama ang Ma'am Amelia. Parang ayaw talaga tumira ng probinsiya," patuloy nito.

Nginitian lamang niya iyon. Somehow, that was true. Minsan ay biniro nga niya si Marco na mas madalas pa siyang magawi sa farm kaysa sa kapatid nito. Zam hated the place, ayon na rin sa kaibigan. Pero nang minsang magbakasyon siya sa farm, sa unang pagkakataon ay nakilala niya ang kapatid ng kaibigan...

He sighed. Sa loob ng walong taon ay sinikap niyang burahin ang alaalang iyon.

Ihinatid siya ng guwardiya hanggang sa entrance door ng malaking bahay. Pagpasok niya ay agad niyang nakita si Manang Josie. Parang pangalawang ina na nila ni Marco kung ituring ito.

Nang makita siya ng matanda ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Gayon pa man ay sinalubong siya nito ng nakangiti at niyakap.

"Caleb, ikaw nga ba 'yan?" Maluwag ang pagkakangiti nito.

"Kumusta po, 'Nay Josie?" Niyakap niya ang matandang kasambahay na mangiyak-ngiyak ngayon sa harap niya.

"Diyoskong bata ka, oo, bakit naman ngayon mo lamang uli kami dinalaw?" Bahagyang pininasan nito ang mga luhang tumulo na nang tuluyan.

"Pasensiya na po. Naging abala lamang po ako sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya," sagot ni Caleb na hinigpitan ang pagkakayakap kay manang Josie. "Si Marco po?" tanong niya.

"Nasa dining nag-aalmusal. Iwan mo na lamang ang mga gamit mo at bahala na si Tonying sa mga iyan," sabi nito at tinawag ang sinasabing boy.

Magkasabay na tinungo nila ang dining area.

"Marco, may bisita ka," nakangitig bungad ni Manang Josie nang makapasok sila sa dining.

"Who?" nagtatakang tanong ni Marco na ibinaba ang dyaryo sa lamesa. Kasalukuyan iting nag-aalmusal.

Katulad rin ng mga naunang tao roon na nakakita sa kanya ang reaksyon nito. "Wooaah!" nasambit nito.

"Surprise!"

"Caleb!" Excited na tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Buddy!" sinalubong niya rin ito.

"Damn, Bud! Tatawag pa lang sana ako sayo para alamin kung kailan ang eksaktong dating mo, eh" wika ni Marco.

Tinawanan lamang ni Caleb ang kaibigan. "Sinadya ko talagang hindi sabihin sa 'yo,"

"Ikaw talaga."

"Naku, Marco, pakainin mo muna kaya ang bisita mo," natatawang singit ni Manang Josie.

"Tamang-tama ang dating mo," wika ni Marco na itinuro ang mga nakahaing pagkain.

"Naku, na-miss ko na nga itong luto ni Nanay, eh," aniya at dumolong na rin sa hapag-kainan.

Habang nag-aalmusal ay hindi sila magkamayaw sa pagkukuwentuhan. Masyadong na-miss nila ang isa't isa. Noon pa mang nasa high school sila ay inseparable na silang dalawa. At kahit nagkalayo sila ay nagpatuloy pa rin ang kanilang communication.

Nang matapos silang kumain ay sandaling nagpaalam si Marco upang sumaglit daw sa farm. Hindi naman ito nagtagal at bumalik din ito upang asikasuhin si Caleb.

Sa teresa nila pinalipas ang kanilang oras. Masaya silang nagkwentuhan ng tungkol sa mga kalokohan nila noong high school sila.

"So, how's Mariel?" Caleb asked. Humigop siya ng mainit na tsokolate na inihatid ni Manang Josie sa kanila kani-kanina lang. Ang tinutukoy niyang Mariel ay kaklase rin nila noong high school na pinopormahan pa rin hanggang ngayon ni Marco.

"She's fine," Marco answered.

Napahalakhak siya nang tawa. "Bilib rin naman ako sa tiyaga mo, Bud. Imagine, ilang beses ka na binasted ni Mariel pero hayan ka pa rin at naghihintay na maabunan ng atensiyon niya."

"Well," Marco shrugged his shoulder. "That's love."

"Love indeed," natatawang sabi niya.

"Whatever, Bud, kapag ikaw na ang nasa katayuan ko ay maiintindihan mo rin kung ano ang nararamdaman ko. Iyong tipong willing kang gawin ang lahat ma-please mo lamang ang babaeng minamahal mo. Oh wait-! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo, eh. Ikaw nga itong in relationship for two years na' di ba?" dere-deretsong saad nito.

Natawa siya sa pagiging seryeso ng kaibigan.

"Hey! Don't laugh at me, I'm serious!"

"Yeah, I see that," aniya saka mas bahagya pang lumakas ang pagtawa.

"Come on, Caleb. Don't tell me hindi ka pa na-in love?"

Tumigil siya sa pagtawa. Saka seryosong tiningnan ang kaibigan. "I-I don't know," mahinang sagot niya. "Once long ago, I did fall in love... Well, I don't know if it was love..." aniya na parang sarili lamang niya ang kinakausap.

Yes his in a relationship with Hazel for two years now. Pero they both know the real situation is. Hindi nila mahal ang isa't isa at pinagbibigyan lang nila ang mga magulang sa gusto ng mga ito. Matalik kasi na magkaibigan ang mga magulang nila.

Alam ni Marco ang tungkol kay Hazel dahil minsan na niya itong na kuwento sa kaibigan noon, pati ang tunay na status nila.

"Hmm, may hindi yata ako alam, ah," wika ni Marco sa kanya.

He just shrugged his shoulders.

Napailing na lamang ang kaibigan. "Oh, well, change topic tayo, bud," anito. "How's your business? Sina Tito at Tita?"

"Business is fine, as well as my mom and dad," nakangiting sagot niya.

"Kailan mo naman planong mag-asawa?"

He burst into laughter. Natawa na rin si Marco. Kapag kasi nagtatanong ito ng ganoon ay ibinabalik lamang niya ang atanong dito. They both at the same aged at hindi na rin naman sila bumabata.

"Okay na ba ang lagay mo kay Mariel? My nasisilip ka na bang pag-asa?" tanong niya kay Marco.

"If I am going to rate it, I can say eighty percent na may pag-asa ako. Actually, may lakad kami this weekend. Wanna join us?"

"Hind ba nakakahiya kay Mariel?"

"Sus, I'm sure matutuwa pa iyon," wika ni Marco.

Again, nagkibit balikat lamang siya bago sumagot. "Okay."

"I will call her later. Sasabihan ko na magdala ng chika babe for you," nakangising sabi pa ni Marco.

"Cool," aniyang napangisi na rin. For sure, mag-e-enjoy siya nang husto sa bakasyon niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status