Share

Kabanata 1

Abala si Zam sa pagguhit ng bagong pattern for her latest Summer collection designs nang tumonog ang kaniyang telepono. Tiningnan n'ya muna saglit kung sino iyon. Nang makita kung sino ay malamya itong napabuntong hininga.

Ang kanyang Mommy Amelia na naman kasi iyon. Kahit hindi n'ya sagutin ang tawag ay alam na n'ya kung ano ang dahilan ng pagtawag nito sa kan'ya. Siguradong kukulitin na naman s'ya nitong sumama sa kaniyang Auntie Sally sa Pilipinas para magbakasyon.

She doesn't like the idea of having a vacation on the Philippines. Don't get her wrong. Yung idea lang talaga nasa Surigao raw magbabakasyon, ang hindi n'ya gusto. Pero kung sa Cebu, Boracay, El Nido, Palawan etc. pa siguro iyon ay baka lumipad na siya agad-agad. Actually, noong bata pa s'ya ay isa ang Farm sa mga paborito n'yang lugar, not until nang maghiwalay ang parents n'ya.

Maya-maya pa ay tumigil na iyon. Ngunit ilang segundo lamang mula ng ma-off ay muli na naman itong tumunog.

"Zam! Sagutin mo nga 'yang telepono mo. Kanina pa 'yan umaatungal, e." Napalingon si Zamantha sa kanyang Aunt Sally at kasabay nang palingong iyon ay hindi niya maiwasang mapailing nang makita ang hitsura nito. Her Auntie was wearing her Hello Kitty headband. Actually, there was nothing wrong with the headband. It was the age of her Aunt that made the picture of herself looked awful.

Mula sa kaniyang mini work table na nasa kaliwang bahagi ng kanyang kama ay tumayo s'ya at lumapit sa tiyahin. "Tah, ano na naman ba 'yan?" tanong n'ya nang makalapit rito at marahang inaayos ang headband na suot nito sa ulo. Halos matabunan na kasi ang mga mata nito dahil sa lapad at hindi maayos na pagkakasuot niyon. Kasalukuyan din kasi itong abala sa pag-aayos ng mga damit na nilabhan sa closet.

Napalabi ito sa kan'ya saka ibinaba sa kama ang bitbit na kulay gatas na laundry basket. Dumistansya ito nang kaunti at inirapan s'ya. "Aba'y bakit? Masama bang magganire?" sabi nito. Saka napahawak din mismo ang sariling ulo.

Napakamot si Zamantha nang kilay dahil sa sinabi nito. "Hindi po masama pero hindi lahat ng kulay pink ay bagay sa inyo," sabi n'ya. "Sa dami ba naman ng nakasabit kong headbands d'yan sa vanity mirror, itong Hello Kitty pa talaga ang napili mo?" reklamong sabi niya sa tiyahin.

"Aba't ka bastos mong bata ka," anito. Saka namaywang. "Hoy! Zamantha Sanchez! Skl, naman sa iyo Hija. Dalaga rin naman akong katulad mo, ah. So bakit hindi pwede sa akin ito? Makalait ka naman sa pasyon sens ko wagas!"

Gustong matawa si Zam sa sinabi ng kanyang Auntie. Bukod sa pag-aaccent bisaya nito ay may nalalaman pa itong pa 'skl' ngayon. Totoo iyon dalaga pa rin ang kanyang Aunt Sally hanggang ngayon. Sa edad nitong fifty-five ay hindi na ito nag-asawa sa kadahilanang wala itong nagustuhan sa mga manliligaw raw nito noon. Naging pihikan kasi ito masyado.

Nag-iisang kapatid ito ng kanyang mommy. Magkakasama na sila sa bahay simula pa noong ten years old pa lang s'ya. Silang dalawa ang madalas na magkasama simula pa noon. Abala kasi ang kanyang mommy sa negosyo nito at madalas itong mag-travel.

Sasagot pa sana s'ya ng muling mag ring ang kanyang telepono. Ugh! Ang kulit talaga ni Mommy. She decided to answer the call para manahimik na ang Mommy n'ya.

But to her surprised, It's her brother's name who appeared on the screen.

It had been three years since they last saw each other, nang bisitahin siya nito sa Australia at umatend noon sa first ever fashion show ng Company brand na pinag-tatrabahuan niya. Matagal-tagal na rin, but they call and chat each other often.

"Hello, dear brother," aniya sa nasa kabilang linya.

"How are you?"

She rolled her eyes. Kung makapag salita naman ito ay akala mo hindi sila madalas mag-usap na dalawa. "I'm fine," sagot n'ya bago tuluyang umupo sa kama at sumandal sa headrest nito. Habang ang Auntie Sally naman n'ya ay nagpatuloy sa ginagawa nito kanina. Ngunit nasisigurado n'yang naka all-ears ito ngayon para makinig sa usapan nilang dalawa magkapatid.

"Zam, it's about time na ikaw naman ang bumisita rito sa atin," saad ng kuya n'ya.

Oh my! Isa pa 'to. Bukod sa mommy n'ya ay isa rin si Marco sa panay ang kumbinsi sa kanya na magbakasyon s'ya sa bahay nila sa Surigao. Well, bahay naman talaga iyon ni Marco dahil ang buong lupain nila roon ay ipinamana ng yumao nilang ama rito. Hindi na s'ya nagtaka sa huling testamentong iyon ng kanyang papa. Bukod sa wala naman s'yang interes sa farm ay may mabigat din s'yang dahilan. She knew the reason behind her father's last will.

"Look, Marco..." aniya na nasanay s'yang hindi tawaging 'Kuya' ito. Kahit na anim na taon ang tanda nito sa kan'ya. "I can't -"

"And why is that?" putol nito sa sasabihin n'ya.

"I... I just simply can't," she replied. Hindi na n'ya kailangan pang sabihin dito kung bakit tuluyan na s'yang nawalan ng amor umuwi sa Villa. That place had a lot of bitter memories. Mga ala-alang ayaw na n'yang balikan pa. "I mean, Haller! I have work here. Marami akong dapat tapusin sa trabaho. Specially for the upcoming summer," dagdag sabi pa n'ya sa kapatid.

"Common brat," iyan ang bansag nito sa kanya dahil masyado raw siyang spoiled ng lahat. Maliban sa Daddy nila. "I know you can do something about it. Besides pwede mo naman dalhin kahit saan 'yang sketch book at pencil mo. Malay mo mas mamotivate ka pa at maka-isip ng mas maraming designs while you're on vacation," mahabang saad nito sa kan'ya.

Yes she can... But she reffer to say no pa rin.

Tumikhim muna s'ya bago mag salitang muli. "I'm sorry my dear brother, but I really can't go. Maybe next time," ito na naman siya sa halos gasgas na n'yang linya sa kapatid tuwing ganito ang topic nila.

"Well, I'm sorry too little sis, but I already asked Aunt Sally to arrange and booked a flight for you too," anito sa kabilang linya.

Awtomatikong napatingin s'ya sa tiyahin. Sakto naman na lumingon ito sa kan'ya at ngumiti nang hilaw. Pinanlakihan n'ya ito ng mata. Nag-aantay ng sagot, confirmation about what he's brother said a while ago. Bahagya lamang tumango at nagkibit balikat ang tiyahin n'ya na tila naunawaan agad kung bakit s'ya napatingin dito.

There, so totoo nga!

"No way...you can't do that to me, Marco!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi n'ya.

"I already did lil sis. Again, I'm sorry, See you in four days!" Iyon lamang at nawala na si Marco sa kabilang linya. Hindi man lang s'ya nito inantay na sumagot pang muli.

Na pa face-palm si Zam ng ma-off ang tawag. "Oh my God!" nasambit n'ya.

Lumapit si Sally sa pamangkin at umupo sa tabi nito. "I'm sorry, Zam. Minsan lang humingi ng pabor sa'kin ang Kuta mo kaya hindi ko matanggihan," paliwanag nito.

Hindi na s'ya nakasagot rito. Besides mukhang wala na rin s'yang magagawa. Pagbibigyan na lang n'ya ang kapatid sa gusto nito.

"Kailan at anong oras ang flight natin Tah?" wala sa isip na natanong n'ya sa tiyahin.

"Sa twenty-seven ang alis mo," simpleng sagot nito. Agad n'yang inaalala kung anong petsa na. Twenty three pa lang ngayon. Kaya mayroon pa s'yang apat na araw para magpaalam sa boss n'ya at mag-ready.

"Wait lang- bakit alis mo? Hindi ba magkasama tayo?" nagtatakang tanong n'ya.

"No, mauuna ako. At saka, sa Biliran ako dideretso 'di ba? Iyong Alumni namin remember?" paalalang saad nito. "Don't worry, I'm sure susunduin ka naman ng kuya mo sa airport."

"What?! Tapos ngayon wala pala akong kasama?" sambit n'ya.

Mukhang kailangan n'ya rin atang kaladkarin ang Bestfriend na si Maddy papuntang Surigao.

Kaya hindi na s'ya nag aksaya pa ng oras at tinawagan ang kaibigan. Nakaka dalawang ring pa lang ay sumagot na agad ito.

"Hello, Zam?"

"Mad, I need a favor," agad na deretsang sabi n'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status