[Yang, you already have your ticket for tonight's concert, do you?]
From giving an outlook to my cafe's menu list, I shifted my gaze at my phone at the side of the menu. It was Rachel, one of my bestfriend, who called a minute ago.I pick up the phone and set it near my ear. "Wala," simpleng sagot ko.[What?!]Bahagya akong napapikit sa biglaang pagsigaw niya.[Bakit wala?]Ngumisi ako. "Kasi wala," pambabara ko.[Yang...] She sounded like she's threatening me for being sarcastic.Mukhang galit na yata ang bestfriend ko.I took out a soft chuckle. "Just kidding. Para kang tanga riyan. Naninigaw ka para lang sa ticket ng concert?"I can see her rolling her eyes off me. [Bakit nga wala?]It's my turn to roll my eyes, kahit hindi niya naman nakikita 'yon. "Kasi hindi ako bumili."[What?!]Nagsalubong ang kilay ko. "Rachel, don't shout over phone!" panininghal ko sa kaibigan.[Bakit hindi ka bumili?] pambabaliwala niya sa sigaw ko.Napairap ako. "I already told you, wala akong panahon sa mga ganyan."She groaned from the other line. [Come on, let's have some fun! Ilang taon na tayong hindi nakakapagbonding! I already called Allyson and she just told me she already had a ticket! Come on! Don't be a kill joy! Hindi masayang maging loner habangbuhay!]Bahagya akong napairap sa sinabi niya. "Hindi naman ako loner."[Oh, really?] She sounded sarcastic.Ah, this girl.[Come on! I have an extra ticket, just for you. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka pupunta.]Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "But---"[If you're worried about Kristen, I already talked to aunt Kristie and she said she'll take care of her. Okay na?]"Not... really," mahinang sabi ko.I love music. I really do, especially because I met him, my special someone, through that. But right now, after all the pain that I have been through for the past seven years, I don't think I can still love music. Well, mahal ko parin naman ang musika, but I don't think I can endure the pain that I'll reminisce by just listening a music. Hindi ko pa kaya.[Don't tell me...]Sadness and pain came into me after hearing what she said. Hindi pa siya tapos magsalita, ngunit alam ko na kung ano ang ipinapahiwatig niya.[Rhea Kirstie Campbell, don't tell me hindi ka pa nakakapagmove-on sa kanya? For pete's sake, it was seven long years already!]Bahagya akong nataranta sa sinabi niya. "I already moved on!"I can see her in my mind smirking at me. [Oh, really?]"Y-Yeah! What the hell's with you, Rachel? Of course, ang tagal-tagal na no'n, siyempre nakamove on na ako!"[If you're really moved on...]Uh-oh![Then attend the concert. That's the only way for me to believe you already moved on from him.]Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Rachel..."[I am fucking serious, Rhea.] I heard her heave a long, deep sigh at the other line."Fine," napipilitan kong sagot. Nakangising napailing-iling ako nang marinig ko siyang tumili sa kabilang linya.[Then settled! Parating na kami riyan para sunduin ka kaya maghanda ka na!]Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?!"[Gaga! It's already 4 in the afternoon! Alas siyete ang simula ng concert kaya dapat 6 palang, nandoon na tayo!]Aba, at kung makagaga ang isang 'to. Baka nakakalimutan niyang siya ang pumilit sa akin na pumunta sa concert?"Wait, nandito pa ako sa cafe."[Then we'll fetch you there. Magsara ka na. Doon narin kami mag-aayos sa condo mo para sabay na tayong pumunta sa concert.]Napairap ako. "Kapag nalugi ako, ikaw ang sisingilin ko."[Para rin naman 'to sa 'yo, gaga!]"Fine." Binabaan ko siya para hindi na dumada pa. Masyado siyang maingay."Hey, beautiful."Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, only to see Edward, my suitor for almost three years. He is also a precious friend of mine.Ngumiti ako. "Hey..." Lumapit ako sa kanya. Nakangiti naman siyang sumalubong sa akin at hinalikan ako sa pisnge.Inilibot niya ang paningin sa buong cafe. "Magsasara ka na?""Yep," sagot ko habang binabaliktad ang placard na may nakasulat na open at close.Pinagtas-an niya ako nang kilay. "This early?"Ngumuso ako. "Rachel and Ally's fault."Napatawa siya. "And why is that?""Ayon, pinipilit akong pumunta sa concert." Napatingin ako sa kanya. "Pupunta ka rin?""I wanted to, but I can't."Bahagyang sumama ang timpla nang mukha ko sa sinabi niya. "Bakit?"Bumuntong-hininga siya. "I have an important matters to do with the company."Mahina akong napatawa nang mapangiwi siya. "Problem?"Tumango siya. "Yeah, there was a misunderstanding with an important investor. I need to clarify things as soon as possible before he pulled out. I can't pass a little problem like this."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Saksi ako sa pagsusumikap niya para makarating siya ngayon sa kinaroroonan niya. He was now one of the richest man in the world."Paalis ka na?""Yep." Tumango ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at humarap sa kanya. "See you when I see you."Napatawa siya sa sinabi ko. "I can give you a ride.""Nope. Not this time. Papunta na sina Rachel at Ally para sunduin ako. Pagtuonan mo nalang nang pansin yung maliit mong problema." I playfully give an emphasis to the word small that makes him laugh.Napailing-iling siya. "Kahit kailan talaga..."Ngumisi ako. Pabiro kong tinapik ang balikat niya. "Lakad na, baka yung maliit mong problema lumaki pa 'pag hindi ka pa umalis."Sigurado akong pipilitin siya nina Rachel at Allyson na pumunta rin sa concert. Kaya bago pa siya maabutan ng dalawang bruha, pinaalis ko na si Edward."Yeah right. Just promise me you'll take care of yourself."Napairap ako sa sinabi niya. "Malaki na ako.""But it doesn't mean you can take care of yourself fully."I made a face. He laughed."Bye. See you when I see you."Bahagya akong sumimangot nang guluhin niya ang buhok ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naabutan nina Rachel si Ed."Sino 'yon?" Nakatingin siya sa sasakyang papawala na sa paningin namin.Binuksan ko ang sasakyan at umupo sa backseat. "Si Ed.""Oh?" Bahagyang napalingon sa akin si Rachel nang marinig ang pangalang binanggit ko. "Inaya mo?""Aalis ba 'yon kung inaya ko?" pambabara ko.She made a face. "Really? What's with you today, Yang? Bakit lagi mo akong binabara ngayon?"Ngumisi ako. "Ngayon lang ba?""Aba't!"Bago pa makipag-away si Rachel sa akin, sumabat na si Allyson. Siya palagi ang referee sa aming tatlo."Oh, tama na. Baka mas lalo tayong ma-late sa ginagawa niyo."Napairap si Rachel. "Pasalamat ka, mahal kita."Bahagya akong napangisi sa sinabi niya. "Ang ganda ko talaga," saad ko, iniinis siya.Bahagya silang napaismid sa sinabi ko dahilan para mapatawa ako."Hindi mo nga inaya si Ed?""Tinanong ko, pero ang sabi niya hindi siya makakapunta dahil may gagawin pa siya sa kompanya niya. Nagkaproblema lang ng kaunti.""Oh, edi sana inaya mo."Kinunutan ko ng noo si Rachel. "May problema nga yung tao.""Kaya nga sana inaya mo para naman mawala yung problema niya.""Gaga!" Kung nasa tabi ko lang siya, kanina ko pa siya binatukan. Ang lakas ng trip ng babaeng 'to.Nakarating kami ng condominium nang 'yon lang ang pinag-uusapan namin. Bumaba ako ng sasakyan at nauna nang naglakad papasok ng condominium.Tahimik lang kaming sumakay ng elevator. Pagkabukas, kaagad akong lumabas at nagpunta sa unit ko."Pumili ka na ng damit mo, Yang. Aayusan ka namin pagkatapos."Bahagya akong napangiwi sa sinabi ni Rachel. "Ayokong magmake-up.""What? Pupunta tayo ng concert tapos hindi ka magme-make up?"Pinagtas-an ko siya ng kilay. "Required bang magmake-up?" Inirapan ko siya bago ko siya tinalikuran.Pumasok ako sa kuwarto ko at lumapit sa closet ko. Tumingin ako sa mga dress ko.Napangiwi ako nang makitang luma ang lahat ng iyon. Lately, hindi na ako nakakapagshopping para bumili ng bagong damit. Masyado akong busy sa cafe.Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha ang pinakamagandang damit sa closet ko."Sana okay na 'to," saad ko habang nakatingin sa dress.Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan sina Rachel at Allyson na nakabihis na. Kasalukuyan silang nagme-make-up nang mapatingin sila sa gawi ko.Bahagya silang napanganga habang nakatingin sa suot ko."Yang, pupunta ka ng concert nang ganyan ang suot mo?"Napatingin ako sa suot ko. "Oo?" Napangiwi ako. "Bakit? Ano bang mali sa suot ko?""Nagmumukha kang lusyang," marahas na komento ni Rachel sa akin.Kumuha ako nang kung anong madadampot ko at inihagis iyon sa direksyon ni Rachel.She's honest and straighforward. Minsan nakakatulong iyon, madalas nakakasakit. And her critique about my style for today's kinda hurtful.Ngumisi siya. "Buti nalang at may extra outfits ako rito. Sinadya ko talagang magdala nito dahil inaasahan kong ganyan ang magiging hitsura mo."Aba! Namumuro na yata ang isang 'to.Inirapan ko siya. Napilitan akong magpalit ng damit na dala niya.Matapos masuot ang isang damit, tumingin ako sa malaking salamin. I looked at myself amused. I didn't know I can still slay, even if I am now in my mid-20's.Nahihiya akong lumabas ng kuwarto ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila nang makitang napanganga sila sa akin."W-Wow!" manghang sabi ni Rachel. "I didn't know you can still slay. Akala ko tuluyan ka nang napag-iwanan nang panahon, e."I am wearing a short black shorts surrounded with a skirt that is not totally connected to each other. May kaunting siwang ito, na nagsisilbing naging disenyo. It has also a thick, black belt. May kaparis iyong itim na croptop na siyang nagbibigay highlight sa kaputian ko.Wow. Nawa'y lahat maputi.Napangiwi ako. "Pero ayokong nakasuot nang ganito kaya magbibihis parin ako," pinal kong sabi bago ako bumalik sa kuwarto ko.My ever changing clothes session ended as I wore a simple pink, above the knee dress. Pinarisan ko iyon ng dollshoes at pink sling bag."I guess we are now late," tila nawawalan na nang pag-asang banggit ni Allyson.Napalayo ako ng kaunti sa kanila nang samaan nila ako ng tingin."Aba, kasalanan ko bang pinilit niyo pa akong ayusan?" depensa ko.They groaned while walking our way to the concert hall."But all I can say, it was worth the time. You're still pretty, bes, huh? Walang pinagbago."Na-appreciate ko kaagad ang sinabi ni Allyson. Did I already mentioned that I am lucky I met and have the chance to be with them? If not, then I'll tell all of you now that I am very much lucky to meet them."Thanks guys."Napalingon ako kay Rachel nang marinig ko siyang magmaktol."As much as I wanted to hear your gratitudes about our kindness, but we now need to go inside. Mukhang nagsisimula na ang concert."Napairap ako sa sinabi niya. Their kindness, huh?Pumasok na kami sa loob at pumunta sa puwesto namin. Halos makipagtulakan kami sa ibang mga nanonood para lang makapunta sa unahan. Worth it naman ang pakikipagtulakan namin dahil kitang-kita ang bandang nagko-concert ngayon."Whoaah!" sigawan ng mga tao matapos tumugtog ang banda.Ilang kanta din ang kinanta ng grupo at lahat nang iyon puro magaganda.Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Akala ko, kapag naka-attend ulit ako nang mga ganito, maiiyak ako. Buti nalang at hindi. Ayokong gumawa ng eksena rito."Good evening everyone!" Napatingala ako sa stage at nakita roon ang emcee. Nakangiti ito sa lahat. "I already talked to Taylor at the backstage. As what y'all requested earlier, he will sing a song for all of you!"Just like that, the concert people went loud and wild. As for the moment, even when people went loud, all I could hear is my fast, loud heartbeat.Oh, geez, don't tell me he's the Taylor I know? Please tell me he's not.Nanliit ang mga mata ko nang makita ang isang nakatalikod na lalaking umakyat sa stage. Mas lalong umingay ang paligid, pero hindi ko iyon pinagtuonan nang pansin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking naglalakad ngayon sa stage.Pigil ang hininga ko habang inaantay na humarap sa amin ang lalaki. Iba ang pakiramdam ko, pero ayokong kilalanin siya nang hindi ko pa masyadong nakikita ang mukha niya. Hindi ko matanggap.Just as he faces us, I felt numb and cold."O, my god!"I heard Rachel and Allyson gasp. Ramdam na ramdam ko ang mabilisan nilang pagtingin sa gawi ko, naroon ang pag-aalala sa mukha."Y-Yang..." Naramdaman ko ang paghawak nila sa akin."Good evening, people!" He was all smile while greeting all of us, without knowing that his fucking ex-girlfriend is here. "I don't have any intention to sing tonight, all I want is to watch a concert. But since you are all special to me, I will sing this song for all of you. Here's Finally Home..."He started strumming the guitar he was holding."Seen it all... Endless nights and storm clouds brewing..."Only by just listening him singing the first verse, made my eyes watered. How I missed this."Y-Yang..." Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakakapit nila sa akin."Kirstie, we can now leave if you want." I can sense seriousness in Ally's voice.I can hear the two of them, telling me we can now leave the place, but my body couldn't. Ni hindi ko na nagawang ibaling sa iba ang paningin ko nang makita ko na siyang muli.My Giovanni Taylor. How sad, knowing I am not his Rhea Kirstie anymore."I always seem to find my way back... home."How ironic. I felt like he was saying to me he found his way back home, knowing I am not his home."Are you okay?"Napalingon ako sa dalawang kaibigan ko. They are all worried like hell.Nagpeke ako ng masiglang tawa. "Okay nga lang ako," pangungumbinsi ko sa kanila.They made a face."Yeah, right. You cried earlier while staring at your thick-faced, jerk ex-boyfriend. I can say you're totally okay," Rachel says sarcastically.Binatukan siya ni Allyson dahilan para samaan niya ng tingin ang huli."Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo! Palagi niyang sinasabing nakamove on na siya pero ngayong nakita na niya ang putanginang ex niya, umiiyak siya!"Hello, nandito ako sa harap niyo!"At ikaw!" Tinuro ako ni Rachel. Nilapitan niya ako at mahinang hinampas. "Gaga ka! 'Wag mong ipakita sa kanya na umiiyak ka na naman dahil sa kanya, lalaki lang ulo no'n!""Tsh!"Pinanlakhan niya ako nang mata. "'Wag mo 'kong maungot-ungot diyan! Sinasabi ko sa 'yo, Rhea Kirstie, kapag umiyak ka pa sa harap ng putanginang lalaking 'yon, sasampalin kita ng paulit-ulit hanggang sa matauhan ka!"Binatukan siya ni
FlashbackRachel's debut is coming so soon. And I was invited, of course, I am one of her bestfriends. I was invited not just as a normal guest, but as one of her 18 candles.For a low class person like me, I was excited to attend an important, grand event like this. I have never imagined to be part of a grand event, all thanks to Rachel, she made my dream come true.Present at active ako sa lahat nang practice para sa cotillion. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na isinasayaw ng labing-walong lalaki. Pakiramdam ko, isa narin ako sa nagbirthday.And today, the big day for all of us, especially to Rachel, I was crying like a fool. Hindi ako ang nagbirthday pero ako ang umiyak nang umiyak."Gaga!" Rachel jokingly hit me. She was all teary-eyed. "Kung makaiyak ka riyan, parang ikaw ang nagbirthday, ha?"Napanguso ako sa sinabi niya. "Bruha ka, kaya umiiyak ako ngayon kasi hindi ako makapaniwala na matanda ka na," pagbibiro ko sa kanya.Kaagad niya akong hinampas dahilan para magtawanan kam
Tumingin ba talaga siya sa 'kin? O assuming lang talaga ako?Napatingin ako kina Rachel at Allyson nang biglaan nila akong niyugyog, nakangisi na tila kinikilig."O, my god!" tili ni Rachel. "Mukhang may gusto sa 'yo yung pinsan ko!"Agaran akong napapaiwas ng tingin sa kanila. "Wala 'yan," namumulang sabi ko, umaaktong hindi naniniwala kahit ang totoo ay nag-a-assume din akong sa akin nga siya nakatingin."Anong wala?" Hinampas ako ni Rachel. "'Wag ako ang kontrahin mo dahil expert ako riyan," pagmamalaki niya."Papa'nong expert ka riyan, e, wala ka ngang jowa?" panunukso ko sa kanya.Pinanlakhan niya ako ng mata. "Wala nga akong jowa pero alam na alam ko ang mga bagay na 'yan." Pinanlisikan niya ako ng mata. "Aba, pinapangalandakan mo talagang wala akong jowa, ah?"Napatawa kami ni Allyson."Oh, edi umamin ka rin na wala ka ngang jowa," nakatawang sabi ni Ally.Hinagisan siya ng bulaklak ni Rachel na nadampot niya sa mesa. "Gaga ka!""Oh well," nakangising sabi ni Allyson. "Thanks fo
Note:This is the chapter 4. Nagkamali ako sa pagpindot kahapon kaya yung chapter 4 sana ay na-upload ko sa chapter 3.PS: The content of chapter 3 is still on review.________Did I already told all of you that after Taylor left me, hindi ko na ginamit ang kuwartong 'to? It suffocates me, and I always remember him in every corner of my room. Everytime I tried to sleep on my bed here in my room, I always ended up crying. Hanggang sa umulit nang umulit. Naaawa na nga sila mama sa 'kin, e. That's why I decided to leave and buy a condo unit for myself. Nakatulong naman dahil medyo nakakalimutan ko siya.Pumikit ako nang maalala na naman ang nakaraan. Huminga ako nang malalim. Rhea, kaya mo 'to.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko. A single tear has tried to wet up my eyes again. How I missed my room. Ganoon parin ang kuwarto ko. Kung paano ito nakaayos noong umalis ako, ganoon parin ito ngayon. Kahit wala nang gumagamit nito, malinis parin. Mu
I don't know how I slept that night. His voice kept on running through my head. Kahit anong gawin kong pagpikit, hindi ako makatulog dahil sa boses ng putanginang lalaking 'yon.Pupungas-pungas akong naglakad pababa. Wala na si Kristen sa tabi ko nang magising ako, so I assume she's with my mother.I hope so."Mama!"I immediately look at the kitchen and saw her sitting on a high chair. She was wearing a wide, happy smile while waving her cute hands at me. I smiled back at her before walking my way to her."Good morning, sweetie," bati ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisnge.Pangisi-ngisi siyang tumingala sa akin na siyang nagpangisi sa akin. "You're that happy, huh?" Umupo ako sa tabi niya.Tumango siya sa akin. "I made cookies for you, Mama."Napanganga ako sa sinabi niya. "Wow," tanging komento ko habang nakangiti. "You did?""Yeah," tumatango-tangong sagot niya. Tumingin siya kay Mama na nakangiti na sa amin ngayon. "Lola Ma helped me do it."Nakangiti akong tumingin kay Mam
Kasalukuyan akong nakaharap sa isang customer nang marinig kong tumunog ang chain, nagpapahiwatig na may bagong dumating na customer.Biglaan akong napatingin doon at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino iyon. It was Taylor.What is he doing here?Tulad ko ay gulat din siyang nakatingin sa akin. What a small world."Taylor, ano, tutunganga ka nalang diyan?" komento ng isa niyang kasamahan. They were consists of five. I wonder who are they in his life. Friends? Workmates?Like you care, Rhea Kirstie, huh?"One cappuccino and a slice of walnut cake, please."Napatingin ako sa taong nagsalita. Shoot! May customer pa pala akong inasikaso. Taylor, you're such a distraction!Habang hinahanda ang order ng lalaki, nakasunod ang paningin ko sa mga ginagawa ni Taylor. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis na nandito siya o ano kaya tinitingnan ko ang mga ginagawa niya. Ah, ewan!Kaagad kong ibinigay ang order ng lalaki. Matapos n'yon ay nakita ko kaagad na nagtaas ng kamay s
Ilang oras nang nakaalis sina Taylor at yung mga kasamahan niya, at ilang oras narin akong patingin-tingin sa entrance ng cafe.I unconsciously groaned as I closed my eyes in annoyance. Dahil sa sinabi ng putanginang lalaking 'yon, hindi ko maiwasang kabahan. Baka tutuhanin niya yung sinabi niya. Hindi ko pa kayang makaharap nang matagal ang putanginang mukha niya."Ma'am, okay lang po kayo?"Mula sa pagkakatunganga sa labas, napatingin ako kay Jes. She was weirdly looking at me, slightly grimacing her lips."I'm fine. Back to work now," simpleng pagsaad ko sa empleyado ko.Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakatingin parin siya sa akin. She was still in her weird looks."What?" naiinis kong tanong, nanininghal.Bahagya siyang napangiwi. Kalaunan ay tumikhim siya at umayos sa pagkakatayo. "Wala na po tayong trabaho ma'am. Nagsara na po ang cafe." Tumingin siya sa relos niya. "Alas nuwebe narin kasi ng gabi, ma'am."Doon lang ako natauhan. Napatingin ako sa kanya at naki
Natahimik kami ng ilang minuto. Tumingon ako sa kanila at nakitang nakatingin lang rin sila sa akin. Bahagya akong nailang sa tinginan nila."What?" untag ko. Umiwas ako nang makitang mas naging seryoso ang mukha ni Rachel."Do you love him?"Biglaang tanong ni Rachel sa akin dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.Do I love him?I groaned.Oh, I don't!"I don't," simpleng sagot ko."Do you still love him?"I throw some death glares to Rachel when she asked more. What the hell's going on with her? What is she up to?"I already said I don't love him," naiinis kong sagot.Umiling-iling siya sa sagot ko. "Wrong answer," aniya na siyang ikinasalubong ng kilay ko."What?"Allyson laughs. "What the hell's with you, Rachel?"Napangisi ako. "Ano pa ba dapat ang isasagot ko?" pambabara ko sa kanya.Napairap si Rachel sa sinabi ko. "Kahit ilang beses mo pang i-deny sa 'kin na hindi mo na siya mahal, I won't believe you, Kirstie. I know how to read you." Napailing-iling siya. "Masama 'yan. Yo
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g