Natahimik kami ng ilang minuto. Tumingon ako sa kanila at nakitang nakatingin lang rin sila sa akin. Bahagya akong nailang sa tinginan nila."What?" untag ko. Umiwas ako nang makitang mas naging seryoso ang mukha ni Rachel."Do you love him?"Biglaang tanong ni Rachel sa akin dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.Do I love him?I groaned.Oh, I don't!"I don't," simpleng sagot ko."Do you still love him?"I throw some death glares to Rachel when she asked more. What the hell's going on with her? What is she up to?"I already said I don't love him," naiinis kong sagot.Umiling-iling siya sa sagot ko. "Wrong answer," aniya na siyang ikinasalubong ng kilay ko."What?"Allyson laughs. "What the hell's with you, Rachel?"Napangisi ako. "Ano pa ba dapat ang isasagot ko?" pambabara ko sa kanya.Napairap si Rachel sa sinabi ko. "Kahit ilang beses mo pang i-deny sa 'kin na hindi mo na siya mahal, I won't believe you, Kirstie. I know how to read you." Napailing-iling siya. "Masama 'yan. Yo
"But I'll be back later. I wanted to talk to you..."Bahagyang umasim ang mukha ko nang maalala ang sinabi ng gagong 'yon. That jerk! He lied again! Kausapin niya yung mukha niyang gago!Ugh, does it matter, Rhea?Inis akong tumagilid. Nawala ang inis na nararamdaman ko nang makita na naman ang mapayapang mukha ng anak ko. Umisod ako palapit sa kanya at maingat na ipinalibot ang braso ko sa kanya.Natigilan ako nang gumalaw siya. Tumagilid siya paharap sa akin at niyakap ako pabalik. Napangiti ako sa ginawa niya. Maingat ko siyang hinalikan sa noo bago ako pumikit.Kakapikit ko palang nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong inabot ang cellphone ko sa side table at kaagad na sinagot iyon. Napatingin ako kay Kristen. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang mahimbing parin siyang natutulog.[Hey,] rinig kong pambungad sa kabilang linya.Inis akong napapanguso. "What's with you, Ed? Malapit pang magising si Kristen," mahinang saad ko.[I'm sorry. I just missed you...]Kaagad akong nagui
"Kirstie..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Taylor. What the hell did this jerk doing here? He's not welcome in my cafe, again."I'm sorry I didn't made it here yesterday. There was an emergency came when I was about to head here," sambit niya na tila nagpapaliwanag sa akin.Kaagad na nagsalubong ang kilay ko at binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya."Who the hell care, jerk!" Inirapan ko siya bago ako nagsimulang maglakad."Did I keep you waiting? I'm sorry---"Bago paman siya makapagtapos sa pagsasalita ay nilingon ko na siya. "What?!" Nanlalaki ang mga matang sambit ko, bahagya pang napapasinghap sa putanginang pinagsasabi niya. "Did you meant I waited for you?" Pabalang akong tumawa. "Jerk, who are you for me to keep waiting for you? You're not even worth it."Palihim na nagsalubong ang kilay ko nang makita ang sakit sa mga mata niya. What the hell is his problem? Was he planning to trick me by his fake emotions? Well, I'm sorry jerk, it's not working on me.
Dumaan ang ilang oras nang ganoon lang palagi ang nangyayari. Kumukuha ako ng mga orders tapos makikita ko nalang siyang nakatitig sa akin.Kasalukuyan akong gumagawa ng kape nang marinig kong may tumatawag sa kanya. Habang sinasagot niya iyon, nakatingin lang ako sa kanya.Bahagya akong nagulat nang biglaan na lamang siyang tumingala sa gawi ko. Kaagad akong napakurap-kurap. Papaiwas na ako ng tingin sa kanya nang bigla na lamang niya akong nginitian. Hindi ngiting nakakaasar o nakakainis, kundi isang totoong ngiti.What the! Anong totoong ngiti ang sinasabi mo r'yan, Rhea? Peke 'yon, 'wag kang papadala!Inirapan ko lang siya bago ako nagfocus sa ginagawa ko. Pero ang kingina, hindi ako makapagfocus.I sighed as I leaned on my chair. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. It was Edward.From: EdWe're on our way at the cafe. Be ready! (〜^∇^)〜"Shit!" Taranta akong tumayo at tumingin sa gawi ni Taylor. Good thing at nakatayo na siya."Umalis ka na," deretsahang sambit ko na
Napangisi ako nang sa wakas ay nasabi narin ni Maico ang mga katagang iyon. Ilang ulit na ba siyang nagtatangkang magconfess kay Macy, nauudlot nga lang dahil natotorpe ang gago kapag kaharap na si manager."Woah, West! Akala ko ay sa mismong birthday niya ikaw magtatanong? Bakit ngayon?" walang-kwentang singit ni Drake."Tumahimik ka, gago. Kinakabahan na nga ako rito, eh."Napaismid naman si Drake sa sinabing iyon ni Maico. Samantala, kinuha ni manager ang pagkakataon na iyon para makatayo at makaalis sa harapan ni Maico."West, stop this nonsense. It's not funny."Lupaypay ang balikat na tumayo si Maico mula sa pagkakaluhod. Tumingin siya kay Macy at malungkot na ngumiti."Who says it's nonsense? I'm serious, Cyrine. I'm fucking serious here."Tumingin ako sa mga kagrupo ko at nakitang seryoso lang silang nanonood sa dalawa.Bumuntong-hininga si Macy. "West, tumigil ka na. Pa'no mo ako liligawan gayong hindi nga natin mahal ang isa't isa?"Oh, come on! I didn't know you're stupid s
Rhea Kirstie's Point of ViewMaaga akong pumasok ng cafe. Kahit pagod ako dahil nakipagmovie marathon pa si Kristen kagabi, pinilit ko paring bumangon nang maaga. Ewan ko, hindi naman ako ganito kaaga noon kung pumunta rito. Sadyang gusto ko lang talagang pumasok nang maaga sa hindi malamang dahilan. Hayst!"Aba, maaga kayo ngayon, ma'am, ah? May iniintay?"Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Jessa iyon. Ngumiti ako nang peke sa kanya. "Oh, ikaw pala Jes. Nakalimutan kong sisisantihin pala kita kahapon, nagmamadali nga lang ako kaya nakalimutan ko. Oh hala, 'wag ka nang mag-abalang magbihis dahil tanggal ka na.""Ay, ma'am!" Aba, at nanghahampas pa ang gaga. Nakangiti pa nang todo sa akin.Fake!"Hindi naman kayo mabiro. Joke lang naman 'yon kahapon. Hindi na po mauulit ma'am."Inirapan ko siya. Kung hindi lang siya mapagkakatiwalaan dito sa cafe, matagal ko na siyang tinanggal."Oh, bilisan mo na ang kilos mo at baka may customer na tayo maya-maya lang.""Aye, aye, captain!" S
Kaagad na dinaga nang kaba ang dibdib ko nang maalalang kasama ko si Kristen kahapon. Oh, God! Please tell me he didn't saw us yesterday. Wait, was the picture taken from yesterday?"Based on your reaction, I conclude you two weren't cross the path. Am I right?"Binaliwala ko ang sinabi ni Rachel. "Kailan 'yan?"Rachel weirdly looks at me. "Yesterday?""What the hell!" mahinang mura ko. Napasabunot ako sa buhok ko. "Ah, Rhea! You're so careless! Pa'no nalang kung nakita niya si Kristen? Baka makilala niya yung bata!" mahinang sermon ko sa sarili ko."Hindi kayo nagkita kahapon?" tanong sa akin ni Allyson."Hindi..." Umiling-iling ako sa kanya."Mabuti. Baka kung nagkataon na nagkita kayo roon, makilala niya yung bata. Kristen is a girl version of Taylor. Mahirap na kapag makilala niya ang bata" napanatag na sabi ni Allyson, nakahinga nang maluwag.Napatingin ako kay Rachel nang bigla siyang matahimik. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit natahimik ka?"Ngumiti lang siya nang pilit sa amin da
Giovanni Taylor's Point of View"Cheers for the successful concert!" hiyawan ng mga kasamahan ko bago namin sabay-sabay na nilagok ang alak.We're here at the restobar. Pagmamay-ari ito ni Maico kasama ang childhood bestfriend niyang si Mariel na ngayon ay nasa US. She's studying there, and I've heard she's also living there for good."And cheers for Maico's lovelife! Sa wakas, magseseryoso narin ang womanizer natin!"Napatawa kaming lahat sa sinabing iyon ni Drake. Tumingin ako kay Macy at nakitang namumula na siya. Dumako ang paningin ko kay Maico at nakitang nakangisi lang ang gago.Kahit kailan!"Ate Macy, matanong ko, what's the real score between the two of you?" Nicholas asks. "I mean, alam naming gago ang kaibigan namin kaya hindi maipagkakailang hindi mo talaga siya sasagutin."Napatawa kami sa sinabing iyon ni Nicho."Hoy, Nicholas!" Binatukan ni Maico si Nicho. "Akala ko ay mananahimik ka lang diyan dahil bata ka pa. Hindi ko alam na sumasabat ka sa usapang matatanda. At an
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g