Rachel Anne's Point of ViewKumuha ako ng hoodie at cap bago lumabas ng bahay. Bahala nang nakapajama, gabi naman eh. Hindi nila ako makikilala.Mabilis akong nakarating sa restobar na pagmamay-ari ni Maico. Bukod kasi sa gabi na, kakaunti nalang ang sasakyang dumadaan.Napairap ako nang makita si Drake Maligno sa harapan ng restobar, nakapamulsa at bahagyang nakasandal sa dingding. Kaagad siyang umayos sa pagkakatayo nang makita ako.He smirks at me while inspecting my clothes. "Nice outfit," aniya na siyang ikinatiim-bagang ko.Binigyan ko siya ng napakapekeng ngiti at saka nagsalita. "Fuck off, jerk!"I rolled my eyes off him before I enter the restobar without saying anything to him, not even a good greeting."Where is he?" I looked back at him. Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil ako sa paghinga nang paglingon ko sa kanya, malapit lang pala siya sa akin. Ilang dangkal lang ang layo niya sa akin kaya halos magkadikit ang labi namin nang lumingon ako sa kanya.Natulala naman s
Rachel Anne's Point of View"Oh, I would love to, babe."Kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at tinuhod. Ha! Baka akala niya!"Fuck!" He cried in pain. Tumingala siya sa akin, nakatingin nang masama.Pinagtas-an ko siya ng kilay. Akala niya yata ay uurungan ko siya. "What?""You'll pay for this!"Inirapan ko siya. "Like I'm scared, duh!" Tinalikuran ko siya at pumara ng taxi.I went to Allyson's house. Pagdating ko, nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa isang kuwarto sa ikalawang palapag. I knew it was Allyson's room.Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Mabuti nalang at sinagot niya, co'z if not, I will end up waking up all of her neighbors just by pressing the doorbell many times. I knew Allyson hates to go out the house if it was already midnight.[What?]Napairap ako sa sinalubong niya sa akin. Hindi manlang bumati ang gaga."I am outside your house. Please let me in."She groaned from the other line. I can also hear some noise on the back
Ngumuso ako. "Bakit ba ayaw mong pumayag Allyson..." umuungot-ungot na sambit ko, nagmamaktol sa hindi niya pagpayag sa sinabi ko.Mas ngumuso ako nang humarap na naman siya sa akin. Nakita kong halos magkasalubong na ang kilay niya."Kasi nga gago siya! Hindi niya deserve malaman na may anak siya. Hindi niya deserve si Kristen. Masyadong mabait ang batang 'yon para sa kanya," supladang sambit niya sa akin bago sumandal sa headrest."But we all know, even if he's a jerk, he also has this right to know about Kristen's presence, Ally."Bumuntong-hininga siya. "Yes, you're right at some point." Lumingon siya sa akin. "Pero hindi ako makakapayag na guluhin na naman niya ang buhay ni Kirstie so to tell you by now, I won't let him know about Kristen. So don't you dare, Rachel. Makakatikim ka talaga," sambit niya pa sa akin.Tinitigan ko siya ng ilang minuto. Mukha namang nadala siya kaya pinagtas-an niya ako nang kilay."What?" pagmamaldita niya."Listen," I seriously say. I groaned as she
Nang makasakay kami sa sasakyan ni Allyson, inis kong dinial ang numero ni Drake maligno. Hindi ko alam kung sa'n sila pumunta.[Hey, babe. Miss me?]Even though his voice is husky, I don't find it attractive. I find it irritating."Sa tingin mo, sa'n sila pumunta?" deritsahan kong tanong, binaliwala ang panglalandi niya.He chuckled at the other line. [Still straightforward, huh? Well, I guess, they're at Taylor's condo.]"And where the fuck is that jerk's condo?"He laughs. [Fuck? I can fuck you hard, babe.]Bastos!"Just text me the info," pagtatapos ko bago pinatay ang tawag.Inis akong bumaling kay Allyson nang marinig ko siyang tumawa."What?" pagmamaldita ko sa kanya."Inis na inis?"Napapairap ako. "Sinong hindi maiinis kapag nakakarinig sa malamaligno niyang boses?"Napapataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Oh? Ang husky kaya ng boses ni Drake. Hindi ka nadala?"Ngumisi ako. "Nadala ka ba?""Medyo," naging sambit niya dahilan para mapangiwi ako."Ew," agarang reaksyon ko sa si
"Kirstie..."Nanatili akong tahimik. I was shock by his sudden movement. Hindi ko inaasahan ang yakap na iyon.Natauhan ako nang makarinig ng hikbi. Akmang kakalasin ko na ang pagkakayakap niya sa akin para tingnan kung siya iyon o hindi nang mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Mas lalo niya pang isiniksik ang ulo niya sa leeg ko, bagay na siyang ikinabato ko sa kinatatayuan ko.Did he just cry?Napabuntong-hininga ako. Alam kong palagi ko siyang tinutulak palayo, pero hindi ko maitatangging umaasa ako na sana ay ipaglaban niya parin ako. Miss na miss ko na siya. Pero kapag naaalala ko ang nangyari sa amin noon, hindi ko maiwasang magalit at magdalawang-isip. Hindi pa ako handang masaktan ulit. Ayokong maligaw muli ako ng landas. Hindi pa ako handa lalo pa't mayroon na akong Kristen. I can't sacrifice anything just for my happiness."Please, stay. Kahit manlang sa panaginip ko na 'to, nandiyan ka, binabantayan ako. Nayayakap ko. Nakakausap ko..." umuungot-ungot na sambit niya,
Rachel Anne's Point of ViewWe track down the place Drake Maligno had sent. Thank God. It was the condominium near Allyson's place. Ilang minuto lang ang binyahe namin bago nakarating sa condo.Kaagad kaming dumiretso sa receptionist area. "Miss, may I know Giovanni Taylor Miller's room number?"I pursed my lips as one of the receptionists surveyed me from head to toe.Naghahanap siguro 'to ng gulo, eh, no?Pinagtas-an niya ako ng kilay bago pekeng ngumiti. "Kaano-ano niyo po?" Papasalita na ako ng may idinagdag pa ang pisteng babae. "Girlfriend po ba kayo? Naku po, Ma'am, marami na pong pumupunta rito at nagpapakilalang girlfriend ni Taylor, eh, hindi naman kagandahan. Isa po ba kayo sa kanila?" patutsadang sambit nito na siyang ikinakulo ng dugo ko.Sinusubukan yata ako ng babaeng 'to, e."Eh, baka ikaw yung isa sa kanila na nagpapakilalang girlfriend ng putanginang lalaking 'yon?" Nanlaki ang mata niya. Halos humilig na ako sa counter para lang makalapit sa pisteng babaeng 'to. "Ik
Lumapit ako sa may pinto at itinabingi ko ang ulo ko para sumilip sa loob. "You two were together? Nasa'n si Taylor?" nagugulantang na sambit ko na siyang mas ikinagulantang ni Drake."What the fuck!""Fuck?" I gasped while looking at him. "May nangyari narin sa inyo?"He pursed his lips, eyeing me with a death glare. "I can fuck you too, if you want.""Gago!" Hinampas ko siya. Kasalukuyan kaming nasa ganoong sitwasyon nang may tumawag sa pangalan ko."Rachel? Allyson?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Kirstie iyon."Kirstie? A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal at tila nagugulantang na sambit ko.Alam kong nandito siya dahil ito ang condo ni Taylor, but what the heck? Nagulat ako kasi wala sa plano namin ang mabuking.She was caught off guard by my question. Later on, she composed herself and eyed us a suspicious looks. "What are you two doing here?"Napakurap-kurap ako. Ang kingina! How did she turned the tables just now? Ako ang naun
"Then I will slap you once you'll cuss," saad ni Allyson na siyang ikinagulantang ni Rachel. Nanlaki ang mga mata nito at tila papaiyak na."W-What?! You'll do that to me?"Nagkibit-balikat si Allyson. "Why not? Just to stop you from being a demonic idiotic creature, I'll slap you. It's my pleasure to do that."Tumingin ako kay Rachel at basang-basa ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. The two of them are more like sisters. Well, the three of us. But they're much closer than how we three are. Kaya hindi ko masisisi si Rachel kung nadidismaya siya ngayon. I can also read betrayal in her eyes.Hindi ko rin naman masisisi si Allyson, I know she just wanted the best for Rachel."You're impossible!" mahinang sabi ni Rachel bago tumingin sa akin. "And you..." Kita ko ang sakit sa mga mata niya. "How did you think that I'll derelict Kristen? She's my stepchild, for god's sake! She's more like a friend to me, a buddy and a daughter. In fact, I treat her as my own, so why the heck did that de
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g