Share

Chapter 2

Author: 1ionhart
last update Huling Na-update: 2024-02-03 11:38:38

Flashback

Rachel's debut is coming so soon. And I was invited, of course, I am one of her bestfriends. I was invited not just as a normal guest, but as one of her 18 candles.

For a low class person like me, I was excited to attend an important, grand event like this. I have never imagined to be part of a grand event, all thanks to Rachel, she made my dream come true.

Present at active ako sa lahat nang practice para sa cotillion. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na isinasayaw ng labing-walong lalaki. Pakiramdam ko, isa narin ako sa nagbirthday.

And today, the big day for all of us, especially to Rachel, I was crying like a fool. Hindi ako ang nagbirthday pero ako ang umiyak nang umiyak.

"Gaga!" Rachel jokingly hit me. She was all teary-eyed. "Kung makaiyak ka riyan, parang ikaw ang nagbirthday, ha?"

Napanguso ako sa sinabi niya. "Bruha ka, kaya umiiyak ako ngayon kasi hindi ako makapaniwala na matanda ka na," pagbibiro ko sa kanya.

Kaagad niya akong hinampas dahilan para magtawanan kaming tatlo.

"Sa lagay na 'yan, sinasabi niyo naring matanda na kayo. Eh, nauna pa kayong magdebut sa akin, eh. Mga bruha kayo."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Oo nga, kaya nga maghanap ka na nang jojowain mo, matanda ka na."

"Sira! Wala pa akong oras diyan."

"Walang oras, o wala lang talagang nanligaw sa 'yo?" pang-iinis ko sa kanya.

"Gaga ka, eh, libo-libo nga yung pumipila sa kagandahan ko, eh."

"Oh? Ba't hindi ko yata alam 'yan?"

Akmang lalapitan na ako ni Rachel nang awatin na siya ni Allyson. "Oh, tama na. Rachel, 'wag nang malikot, naaabala mo yung hair stylist mo."

We're here at the dressing room. Kasalukuyan kaming inaayusan ng mga staff.

"You're done, ma'am." Napatingin ako sa salamin nang magsalita ang babaeng naka-assign sa akin. Napanganga ako.

It wasn't the first time that I wore a dress partnered with a make-up, but hell, those are nothing compared with this now. This is awesome!

"Thank you."

Ngumiti lang sa akin ang babae bago siya tumulong sa iba. Hindi naman ako nakita nina Rachel at Allyson dahil kasalukuyan silang nakapikit para sa make-up session nila.

"Teka, tapos ka na, Yang? Patingin," halatang excited na sabi ni Rachel.

Napangisi ako. "Mamaya na. Inaayusan pa kayo. Sige, labas lang muna ako."

Hindi na sila nakaangal pa nang makalabas ako ng dressing room. Naglakad-lakad ako sa buong bahay hanggang sa mapadpad ako sa main hall kung saan gaganapin ang event. Halos nakanganga ako habang nakatingin sa buong paligid.

This is... This is magnificient!

All the flowers, balloons, chairs, tables, cakes and all stuffs here are colored peach partnered with fuchsia pink that makes it more awesome.

"W-Wow," tanging nasabi ko habang nakatingin sa buong paligid. Bumaba ako ng hagdan at nakitang abala ang lahat sa pag-aayos. Unti-unti naring nagsidatingan ang mga bisita.

Nang magsawa na ako, no, not totally loathed with the surrounding, I don't think I can be loathed. Umakyat ako pabalik sa dressing room, only to see a princess look alike.

"Wow," tanging nasabi ko kina Rachel at Allyson. "Who's these two princesses here? I hope you two won't mind if I ask your names," pagbibiro ko sa kanilang dalawa na ikinatawa lang nila.

"Wow, nagmumukha kang tibo sa lagay na 'yan, Yang." Napatawa si Rachel. She then flips her hair. "Well, I can't blame you, maganda talaga kami."

Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. "Kahit maging tibo ako, hindi ako magkakagusto sa 'yo."

Malakas kaming napatawa ni Ally nang sumimangot siya. Tumalikod siya sa akin. Aba, himala at hindi nagalit. Nagtampo nga lang.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. "Joke lang. Siyempre, ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko maliban kay Allyson. Mahal ka namin." I was in a sweet voice while saying that words, and I was sincere.

Napangiwi si Allyson. "Ang corny, pero sige, pasali."

"Group hug!"

Maya-maya lang ay tinawag na kami ng staff, magsisimula na raw ang event. Nagpaalam lang kami kay Rachel dahil siya yung maiiwan dito.

"Happy birthday ulit girl, wala munang gaga at bruha since birthday mo ngayon."

Napatawa sila sa sinabi ko. Sabay kaming lumabas ni Allyson para pumunta na sa baba.

"Good evening, ladies and gentlemen!" masiglang panimula ng emcee. It was Jake, but since he's gay, he wanted us to call him Jane, para raw babaeng-babae. "Davis family wanted to tell all of you here how grateful they are, knowing y'all attended in their daughter's most awaited and special day inspite of all the hectic schedules."

Marami pang sinabi si tita Jane. Hindi na ako nakinig pa dahil abala ako sa paligid. Ang dami-daming bisita. Some of them I recognized as businessmen, some were the school staffs, our classmates and schoolmates, and also Rachel's relatives.

"And tonight, let us all witness the unica hija of Davis family, Ms. Rachel Anne Davis!"

Malakas na nagsipalakpakan ang lahat nang dahan-dahang bumaba sa mahabang hagdan si Rachel. I dreamily look at her. She's like a princess in her peach gown, walking her way down.

"Wow, you're really a goddess, inaanak, huh? Siyempre, sa'n pa ba magmamana kundi sa 'kin lang din," pagbibiro ng emcee na si tita Jane.

Napatawa ang lahat sa sinabi ni tita Jane. Rachel smiled, too. I can sense she says her gratitude to tita Jane.

The event goes on. Rachel says her gratitude to all of us, who attended this night.

"And now, for the highlight of this event, here comes the dance of 18 roses and 18 candles together with the debutant and her escort."

Nagsipalakpakan ang lahat. Malakas na kumabog ang dibdib ko sa magkahalong kaba at excitement. Pumikit ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Napamulat ako ng mata nang may marinig akong tawa. Napasimangot ako. It was Allyson who laughed at me.

"Tara na. 'Wag kang kabahan. Maliit na bagay lang 'to." Kinindatan niya ako.

Napangisi ako sa sinabi niya bago ako tumayo. Pumunta ako sa pwesto ko. Nang magsimulang tumugtog ang musika, pakiramdam ko, nawala lahat nang kaba ko. The song is Rewrite the Stars by Zac Efron, Zendaya. Sumasayaw kami sa gabay ng tugtog, wala itong liriko. Kumbaga, violin style ang music.

Nakangiti ang lahat matapos ang sayaw. It was great, showing in front of many people.

The event goes on and on hanggang sa oras na para hipan ni Rachel yung candle niya. We all sing a happy birthday song while she was closing her eyes to make a wish.

"Happy birthday, Rachel!" sigaw namin kasabay n'on ang pag-ihip niya sa kandila.

Tumakbo siya sa stage. "And now, it's time to eat!" Nagsigawan ang lahat. Tumingin siya sa buong paligid, tila may hinahanap. "Hey you, cousin! Since tapos ka nang kumain diyan..." patiuna ni Rachel, naroon ang pagiging mapaglaro sa boses.

Nagtawanan ang lahat. Tumingin ako sa tinitingnan nila. Napabusangot ako nang hindi ko masyadong makita ang lalaki mula sa pwesto ko.

"Kantahan mo kami," dagdag ni Rachel sa naunang sinabi.

Nagsigawan na naman ang mga tao. Waiters started serving the foods kaya natuon na ang atensyon ko roon.

Napatingin ako saglit sa stage nang may umakyat na apat na lalaki at isang babae roon. They're all busy setting their own instruments.

Napatingin ako sa mesa nang may inilagay na mga pagkain doon. Nginitian ko ang waiter.

"Thank you," I say my gratitude.

Yumuko lang siya sa akin bago siya umalis. Wow, parang prinsesa lang ang peg.

Napatingin akong muli sa stage nang magsimulang tumunog ang piano.

"Hey..."

Napanganga ako ng kaunti sa lamig at lumanay ng boses ng babae. Ang galing niya.

Yumuko ako saglit para kumain nang bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nang lalaki.

"You know I want you..."

Kaagad akong napatingin sa stage. He was holding his mic while staring at us. Nakangiti siya habang nakatingin sa lahat.

The song goes on, and I saw him closing his eyes while singing the song.

"Rhea..."

Habang nanonood sa kanya, kahit ang ingay-ingay ng paligid, malinaw kong napapakinggan ang boses niya.

"Gaga!" Natauhan ako nang may bigla na lamang bumatok sa akin. It was Rachel. Sinamaan ko siya ng tingin. Napanganga naman siya. "Aba, nakakita lang ng guwapo, nagsusungit ka na." Ngumisi siya. "Gusto mo yung pinsan ko, 'no?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Bahagya pa akong namula dahilan para mapaiwas ako nang tingin sa kanya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Nauutal, umiiwas nang tingin at nagsusungit, aba, complete ka, huh? Symptoms 'yan nang taong nagsisinungaling at kinikilig."

Tiningnan ko si Allyson para sana humingi ng tulong, pero nakita ko siyang pangisi-ngisi sa akin dahilan para mas lalo akong mapabusangot. Pinagtutulungan ako!

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin na sa stage.

"So who can stop me if I decide that you're my destiny..."

Bahagya akong natigilan at pakiramdam ko, tumigil ako sa paghinga nang bigla na lamang nagmulat ng mata ang lalaki at deritsong napatingin sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakitang mga businessman na yung mga naroon. Tumingin akong muli sa kanya at nakitang nakabaling na siya sa iba. Hindi ko alam kung assuming lang ako pero pakiramdam ko, ako ang tiningnan niya kanina.

Akmang babawiin ko na ang paningin ko sa kanya nang tumingin na naman siya sa gawi ko.

"It's up to you, and it's up to me... No one can say what we get to be... So why don't we rewrite the stars... Maybe the world could be ours... tonight..."

Halos napakurap-kurap ako nang kantahin niya ang nga katagang iyon nang sa akin lang nakatingin.

Did he really stared at me while singing those lines? Or I was just being assuming? What is it, no one can tell what it is.

Kaugnay na kabanata

  • Back into His Arms   Chapter 3

    Tumingin ba talaga siya sa 'kin? O assuming lang talaga ako?Napatingin ako kina Rachel at Allyson nang biglaan nila akong niyugyog, nakangisi na tila kinikilig."O, my god!" tili ni Rachel. "Mukhang may gusto sa 'yo yung pinsan ko!"Agaran akong napapaiwas ng tingin sa kanila. "Wala 'yan," namumulang sabi ko, umaaktong hindi naniniwala kahit ang totoo ay nag-a-assume din akong sa akin nga siya nakatingin."Anong wala?" Hinampas ako ni Rachel. "'Wag ako ang kontrahin mo dahil expert ako riyan," pagmamalaki niya."Papa'nong expert ka riyan, e, wala ka ngang jowa?" panunukso ko sa kanya.Pinanlakhan niya ako ng mata. "Wala nga akong jowa pero alam na alam ko ang mga bagay na 'yan." Pinanlisikan niya ako ng mata. "Aba, pinapangalandakan mo talagang wala akong jowa, ah?"Napatawa kami ni Allyson."Oh, edi umamin ka rin na wala ka ngang jowa," nakatawang sabi ni Ally.Hinagisan siya ng bulaklak ni Rachel na nadampot niya sa mesa. "Gaga ka!""Oh well," nakangising sabi ni Allyson. "Thanks fo

    Huling Na-update : 2024-03-04
  • Back into His Arms   Chapter 4

    Note:This is the chapter 4. Nagkamali ako sa pagpindot kahapon kaya yung chapter 4 sana ay na-upload ko sa chapter 3.PS: The content of chapter 3 is still on review.________Did I already told all of you that after Taylor left me, hindi ko na ginamit ang kuwartong 'to? It suffocates me, and I always remember him in every corner of my room. Everytime I tried to sleep on my bed here in my room, I always ended up crying. Hanggang sa umulit nang umulit. Naaawa na nga sila mama sa 'kin, e. That's why I decided to leave and buy a condo unit for myself. Nakatulong naman dahil medyo nakakalimutan ko siya.Pumikit ako nang maalala na naman ang nakaraan. Huminga ako nang malalim. Rhea, kaya mo 'to.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko. A single tear has tried to wet up my eyes again. How I missed my room. Ganoon parin ang kuwarto ko. Kung paano ito nakaayos noong umalis ako, ganoon parin ito ngayon. Kahit wala nang gumagamit nito, malinis parin. Mu

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • Back into His Arms   Chapter 5

    I don't know how I slept that night. His voice kept on running through my head. Kahit anong gawin kong pagpikit, hindi ako makatulog dahil sa boses ng putanginang lalaking 'yon.Pupungas-pungas akong naglakad pababa. Wala na si Kristen sa tabi ko nang magising ako, so I assume she's with my mother.I hope so."Mama!"I immediately look at the kitchen and saw her sitting on a high chair. She was wearing a wide, happy smile while waving her cute hands at me. I smiled back at her before walking my way to her."Good morning, sweetie," bati ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisnge.Pangisi-ngisi siyang tumingala sa akin na siyang nagpangisi sa akin. "You're that happy, huh?" Umupo ako sa tabi niya.Tumango siya sa akin. "I made cookies for you, Mama."Napanganga ako sa sinabi niya. "Wow," tanging komento ko habang nakangiti. "You did?""Yeah," tumatango-tangong sagot niya. Tumingin siya kay Mama na nakangiti na sa amin ngayon. "Lola Ma helped me do it."Nakangiti akong tumingin kay Mam

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • Back into His Arms   Chapter 6

    Kasalukuyan akong nakaharap sa isang customer nang marinig kong tumunog ang chain, nagpapahiwatig na may bagong dumating na customer.Biglaan akong napatingin doon at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino iyon. It was Taylor.What is he doing here?Tulad ko ay gulat din siyang nakatingin sa akin. What a small world."Taylor, ano, tutunganga ka nalang diyan?" komento ng isa niyang kasamahan. They were consists of five. I wonder who are they in his life. Friends? Workmates?Like you care, Rhea Kirstie, huh?"One cappuccino and a slice of walnut cake, please."Napatingin ako sa taong nagsalita. Shoot! May customer pa pala akong inasikaso. Taylor, you're such a distraction!Habang hinahanda ang order ng lalaki, nakasunod ang paningin ko sa mga ginagawa ni Taylor. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis na nandito siya o ano kaya tinitingnan ko ang mga ginagawa niya. Ah, ewan!Kaagad kong ibinigay ang order ng lalaki. Matapos n'yon ay nakita ko kaagad na nagtaas ng kamay s

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • Back into His Arms   Chapter 7

    Ilang oras nang nakaalis sina Taylor at yung mga kasamahan niya, at ilang oras narin akong patingin-tingin sa entrance ng cafe.I unconsciously groaned as I closed my eyes in annoyance. Dahil sa sinabi ng putanginang lalaking 'yon, hindi ko maiwasang kabahan. Baka tutuhanin niya yung sinabi niya. Hindi ko pa kayang makaharap nang matagal ang putanginang mukha niya."Ma'am, okay lang po kayo?"Mula sa pagkakatunganga sa labas, napatingin ako kay Jes. She was weirdly looking at me, slightly grimacing her lips."I'm fine. Back to work now," simpleng pagsaad ko sa empleyado ko.Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakatingin parin siya sa akin. She was still in her weird looks."What?" naiinis kong tanong, nanininghal.Bahagya siyang napangiwi. Kalaunan ay tumikhim siya at umayos sa pagkakatayo. "Wala na po tayong trabaho ma'am. Nagsara na po ang cafe." Tumingin siya sa relos niya. "Alas nuwebe narin kasi ng gabi, ma'am."Doon lang ako natauhan. Napatingin ako sa kanya at naki

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • Back into His Arms   Chapter 8

    Natahimik kami ng ilang minuto. Tumingon ako sa kanila at nakitang nakatingin lang rin sila sa akin. Bahagya akong nailang sa tinginan nila."What?" untag ko. Umiwas ako nang makitang mas naging seryoso ang mukha ni Rachel."Do you love him?"Biglaang tanong ni Rachel sa akin dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.Do I love him?I groaned.Oh, I don't!"I don't," simpleng sagot ko."Do you still love him?"I throw some death glares to Rachel when she asked more. What the hell's going on with her? What is she up to?"I already said I don't love him," naiinis kong sagot.Umiling-iling siya sa sagot ko. "Wrong answer," aniya na siyang ikinasalubong ng kilay ko."What?"Allyson laughs. "What the hell's with you, Rachel?"Napangisi ako. "Ano pa ba dapat ang isasagot ko?" pambabara ko sa kanya.Napairap si Rachel sa sinabi ko. "Kahit ilang beses mo pang i-deny sa 'kin na hindi mo na siya mahal, I won't believe you, Kirstie. I know how to read you." Napailing-iling siya. "Masama 'yan. Yo

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • Back into His Arms   Chapter 9

    "But I'll be back later. I wanted to talk to you..."Bahagyang umasim ang mukha ko nang maalala ang sinabi ng gagong 'yon. That jerk! He lied again! Kausapin niya yung mukha niyang gago!Ugh, does it matter, Rhea?Inis akong tumagilid. Nawala ang inis na nararamdaman ko nang makita na naman ang mapayapang mukha ng anak ko. Umisod ako palapit sa kanya at maingat na ipinalibot ang braso ko sa kanya.Natigilan ako nang gumalaw siya. Tumagilid siya paharap sa akin at niyakap ako pabalik. Napangiti ako sa ginawa niya. Maingat ko siyang hinalikan sa noo bago ako pumikit.Kakapikit ko palang nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong inabot ang cellphone ko sa side table at kaagad na sinagot iyon. Napatingin ako kay Kristen. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang mahimbing parin siyang natutulog.[Hey,] rinig kong pambungad sa kabilang linya.Inis akong napapanguso. "What's with you, Ed? Malapit pang magising si Kristen," mahinang saad ko.[I'm sorry. I just missed you...]Kaagad akong nagui

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • Back into His Arms   Chapter 10

    "Kirstie..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Taylor. What the hell did this jerk doing here? He's not welcome in my cafe, again."I'm sorry I didn't made it here yesterday. There was an emergency came when I was about to head here," sambit niya na tila nagpapaliwanag sa akin.Kaagad na nagsalubong ang kilay ko at binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya."Who the hell care, jerk!" Inirapan ko siya bago ako nagsimulang maglakad."Did I keep you waiting? I'm sorry---"Bago paman siya makapagtapos sa pagsasalita ay nilingon ko na siya. "What?!" Nanlalaki ang mga matang sambit ko, bahagya pang napapasinghap sa putanginang pinagsasabi niya. "Did you meant I waited for you?" Pabalang akong tumawa. "Jerk, who are you for me to keep waiting for you? You're not even worth it."Palihim na nagsalubong ang kilay ko nang makita ang sakit sa mga mata niya. What the hell is his problem? Was he planning to trick me by his fake emotions? Well, I'm sorry jerk, it's not working on me.

    Huling Na-update : 2024-03-09

Pinakabagong kabanata

  • Back into His Arms   Chapter 144: Accident

    Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal

  • Back into His Arms   Chapter 143: Banta

    Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom

  • Back into His Arms   Chapter 142: Mrs. Miller

    Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan

  • Back into His Arms   Chapter 141: Kasinungalingan

    Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.

  • Back into His Arms   Chapter 140: She said yes!

    Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa

  • Back into His Arms   Chapter 139: Preparation (for proposal)

    Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi

  • Back into His Arms   Chapter 138: Turn into a Miller

    Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay

  • Back into His Arms   Chapter 137: Hot as Fire

    Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa

  • Back into His Arms   Chapter 136: Pool (SPG)

    Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g

DMCA.com Protection Status