"Pre, okay ka lang ba? Bakit parang puyat ka?" Hinihintay namin sina Haila at Kenneth na umorder ng aming pananghalian. Naroon sila sa kantina at kanina pa nila napapansin ang pagiging balisa at wala sa sarili ko. "Wala kang pakialam," walang gana kong sagot. Nakanguso ako't nakasandal ako sa kamay na pinatayo ko sa kaharap naming mesa. Hindi talaga ako nakatulog kinagabihan dahil sa takot. Halos binantayan ko lang kasi ang bawat galaw ni Haila magdamag. Gumalaw nga lang ang babae ay nilalamon na akonng kaba. "Pinuyat ka ni Haila no?" "Hoy," naramdaman kong tinapik ni Chris ang braso ko. Ngising-ngisi ito noong sinulyapan ko sya. "Hulaan ko, may ginawa ka kay Haila kagabi kaya puyat ka. Aminin mo," niyugyog pa nya ng bahagya ang balikat ko't pilit pinapaamin. "Ano ba! Tumigil ka nga," inambangan ko sya ng suntok dahilan para mabilis syang umilag. "Wala akong ginawa sa kanya, okay?" Depensa ko. "Baka sya 'tong may ginawa, sa'kin." Bulong ko. "Ha? Anong sabi mo?""Narinig ko 'yo
"Miss, heto pa raw ang mahuhugasan." Isang tinig ang kumuha ng atensyon ko at inilapag nito ang ilang pinggan, baso, at kutsara sa lababo upang mahugasan na. "Pakilagay nalang lahat dito." Natigilan ako sa pagkuskos ng mga 'yon noong mabosesan ko ang taong naglapag ng mga pinggan sa lababo."Rhaiven?" Nakasuot sya ng kulay gray na apron, may hawak syang tray na kung saan nakalagay ang mga pinagkainan ng mga kostumer namin. "Anong ginagawa mo rito?" "I'm working here." Inilipat nya sa lababo ang mga laman ng hawak nyang tray para mahugasan na rin. "Ganito maghugas ng plato, 'di ba?" "Psh! Nababaliw ka na, akin na nga 'yan." "Ops! Sabi ni boss, ako na raw ang nakatoka sa paghuhugas." "Rhaiven, ano ba talagang ginagawa mo rito? Tsaka, paano mo nalaman na nandito ako?" "Naamoy ko." Inirapan ko sya't kinurot ng mahina ang kanyang tagiliran, hindi naman sya umaray, nagpapahiwatig lamang noon na hindi sya nasaktan sa ginawa ko. "Tumabi ka nga dyan, ako na maghuhugas, hintayin mo
"Eighteen, nineteen... Twenty thousand pesos.""'Yan, buo na ang twenty thousand na pinapangarap mo, babe," ani Rhaiven at ginulo ng bahagya ng bahagya ang buhok ko. Kagaya ko ay tuwang-tuwa rin sya dahil nabuo na ang halaga na pinapangarap ko. Naiiyak ako sa tuwa at hindi ko namalayan na bumagsak ang ilang butil ng luha sa pisngi ko kahit anong pagpipigil ang gawin ko. Nagiging emosyonal ako habang nakatitig sa perang nakalapag sa kama kung saan kaharap ko mismo."Oh, babe, walang iyakan. Ito naman oh," pagpapatahan nito na parang bata sa akin. Hinarap nya ako saka pinunasan ang butil ng luha na bumasa sa pisngi ko. "Sige, para 'di ka na umiyak, dadagdagan ko ng limang libo 'yang ipon mo." Aniya at mayabang na inilapag sa kama ang perang tinutukoy nya. Kaya naman natigilan ako't umalis sa pagkakasandal sa kanya. "Babe, napag-usapan na natin 'to , 'di ba?" "Oo nga pero kusa ko namang bigay 'yan e, hindi mo naman ako pinilit." Malumanay na tugon nito saka ito ngumiti ng matamis. "Pr
"Nakauwi rin sa wakas." Tinulungan ako ni Rhaiven na buhatin ang mga bagahe ko. Marami rin kasing ipinabaon sina Lola para may maibigay akong pasalubong kina Tito Russel at pati na rin nga kapwa ko kasambahay. Bago pa man kami makapasok sa kabahayan, nasalubong namin ang ilang kasambahay na nagtatakbuhan papunta sa kwarto nila, namin. Kung susuriin ko ang mga mukha nila, parang mag gulong nangyayari. Nakaramdam na rin ako ng takot noong sunod-sunod na pambabasag ang naririnig namin mula sa itaas. "What the fuck, Rachel, ano bang kasalanan ko sa'yo para saktan mo'ko ng ganito! " Tanging hagulgol lamang ni Tita ang narinig ko, para syang nagmamakaawa. Para syang may ginawang mali para mag-away sila ng ganoon ni Tito. Ito pa lamang ang unang beses na madatnan ko silang mag-away. Kailanman hindi sila nag-away kaya ganito na lamang ang paninibago ko ngayon. Galing kasi si Tita sa Dubai, dalawang linggo sya roon pero ang pagkakaalam ko isang buwan sya dapat roon. Laking pagtataka ko da
"Malapit na ang birthday ni Rhaiven, anong balak mo, Haila?" Habang palapit ng palapit ang birthday nya, doon naman ako mas nawawalan ng ideya kung ano at pwedeng gawin para maging masaya sya. Ito ang unang beses na makakasama nya ako sa birthday nya kaya dapat talaga akong mag-effort. "Hindi ko alam." Sagot ko saka nagkibit balikat. "Wala akong alam na ideya kung paano sya isurprise e. Tsaka, wala akong kapera-pera ngayon, gusto ko pa naman syang bilhan ng materyal na gamit." "Nasa bokabularyo mo pa rin 'yong bigyan ng materyal na regalo 'yong boyfriend mo e halos nabibili naman noon lahat ng gusto nya. Give something unique, I mean, 'yong hindi kayang bilhin ng pera." Suhestiyon ni Kenneth. "Tama," pagsang-ayon ni Luis at tinapik ng mahina 'yong lamesa dahilan para makagawa ng konting ingay. Naghand gesture pa ito na tumingin sa'kin. "Pero, naisip ko, may materyal na bagay bang hindi nabibili?" "Regaluhan mo nalang kaya ng babae, "asar ni Kenneth saka nagpakawala ng nakakainis
"Babe, ba't nandito ka sa labas?" Narito ako ngayon sa labas ng kanilang mansyon, nakaupo habang yakap-yakap ang sarili. Hindi ko pa rin kasi maisip na ipinakilala nya ako sa maraming tao kanila. "Wala, gusto ko lang magpahangin," palusot ko nalang kahit ang totoo nahihiya na ako sa mga taong naroon sa loob. "'Yun ba talaga?" Paniniguro nya't tumabi na ito sa akin. Sinulyapan nya ako saka ginulo ng bahagya ang buhok ko. Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil alam ko naman na nabasa na nya kaagad sa mukha ko ang totoong dahilan kung bakit ako nandito sa labas. "Hindi ko kayang magtagal dyan sa loob, pakiramdam ko jinajudge ako ng mga tao." . "Jinajudge? Tsk! Narinig mo ba?" "Hindi." "Hindi naman pala e. Masyado ka lang overacting, babe." "Ikaw naman kasi e, pinakilala mo pa'ko sa kanila. Center of attraction tuloy ako." Narinig ko nalang ang pagtawa nya sa mga sinabi ko. "Babe, yung mga may crush lang sa'kin 'yung hindi sang-ayon dahil inagawan mo sila. Dapat ka pa ngang ma
"Chie, kailangan nating mag-usap. Bakit hindi mo sinabi, ha?" Matalim ang tingin ang itinapon ko kay Chie pagkarating nya dito sa tinutuluyan ko. Hindi sya sumipot kagabi kaya inumaga na ito. Dahil sa paghihintay sa kanya kagabi ay nakatulog ako at nagising sa paghalik nito sa labi ko. "Ano ba, nasasaktan ako, Ton." Sa higpit ng pagkakahawak ko ay talagang aaray ito sa sakit. "Ano bang problema mong gago ka." "Anak mo si Rhaiven, 'di ba?" Namilog ang mata nya sa gulat at umawang ang kanyang labi. Para syang binuhusan ng napakalamig na tubig sa gulat. Ni hindi sya makagalaw at makapagsalita pagkarinig ng mga sinabi ko. "Pa'no mo na-nalaman?" "Nakita ko sina Haila at Rhaiven sa tapat ng address na bigay mo sa'kin dati." Sagot ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko kung ganoon ang nakita ko, Rachel?" Lalo pa syang nagulat sa sumunod na sinabi ko. Napatakip na lamang sya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Napaupo na rin sya sa sofa at napatingin sa malayo. "Bakit hindi mo sinabi? Bak
"Chie, kailangan nating mag-usap. Bakit hindi mo sinabi, ha?" Matalim ang tingin ang itinapon ko kay Chie pagkarating nya dito sa tinutuluyan ko. Hindi sya sumipot kagabi kaya inumaga na ito. Dahil sa paghihintay sa kanya kagabi ay nakatulog ako at nagising sa paghalik nito sa labi ko. "Ano ba, nasasaktan ako, Ton." Sa higpit ng pagkakahawak ko ay talagang aaray ito sa sakit. "Ano bang problema mong gago ka." "Anak mo si Rhaiven, 'di ba?" Namilog ang mata nya sa gulat at umawang ang kanyang labi. Para syang binuhusan ng napakalamig na tubig sa gulat. Ni hindi sya makagalaw at makapagsalita pagkarinig ng mga sinabi ko. "Pa'no mo na-nalaman?" "Nakita ko sina Haila at Rhaiven sa tapat ng address na bigay mo sa'kin dati." Sagot ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko kung ganoon ang nakita ko, Rachel?" Lalo pa syang nagulat sa sumunod na sinabi ko. Napatakip na lamang sya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Napaupo na rin sya sa sofa at napatingin sa malayo. "Bakit hindi mo sinabi? Bak
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.