"Chie, kailangan nating mag-usap. Bakit hindi mo sinabi, ha?" Matalim ang tingin ang itinapon ko kay Chie pagkarating nya dito sa tinutuluyan ko. Hindi sya sumipot kagabi kaya inumaga na ito. Dahil sa paghihintay sa kanya kagabi ay nakatulog ako at nagising sa paghalik nito sa labi ko. "Ano ba, nasasaktan ako, Ton." Sa higpit ng pagkakahawak ko ay talagang aaray ito sa sakit. "Ano bang problema mong gago ka." "Anak mo si Rhaiven, 'di ba?" Namilog ang mata nya sa gulat at umawang ang kanyang labi. Para syang binuhusan ng napakalamig na tubig sa gulat. Ni hindi sya makagalaw at makapagsalita pagkarinig ng mga sinabi ko. "Pa'no mo na-nalaman?" "Nakita ko sina Haila at Rhaiven sa tapat ng address na bigay mo sa'kin dati." Sagot ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko kung ganoon ang nakita ko, Rachel?" Lalo pa syang nagulat sa sumunod na sinabi ko. Napatakip na lamang sya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Napaupo na rin sya sa sofa at napatingin sa malayo. "Bakit hindi mo sinabi? Bak
"Chie, kailangan nating mag-usap. Bakit hindi mo sinabi, ha?" Matalim ang tingin ang itinapon ko kay Chie pagkarating nya dito sa tinutuluyan ko. Hindi sya sumipot kagabi kaya inumaga na ito. Dahil sa paghihintay sa kanya kagabi ay nakatulog ako at nagising sa paghalik nito sa labi ko. "Ano ba, nasasaktan ako, Ton." Sa higpit ng pagkakahawak ko ay talagang aaray ito sa sakit. "Ano bang problema mong gago ka." "Anak mo si Rhaiven, 'di ba?" Namilog ang mata nya sa gulat at umawang ang kanyang labi. Para syang binuhusan ng napakalamig na tubig sa gulat. Ni hindi sya makagalaw at makapagsalita pagkarinig ng mga sinabi ko. "Pa'no mo na-nalaman?" "Nakita ko sina Haila at Rhaiven sa tapat ng address na bigay mo sa'kin dati." Sagot ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko kung ganoon ang nakita ko, Rachel?" Lalo pa syang nagulat sa sumunod na sinabi ko. Napatakip na lamang sya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Napaupo na rin sya sa sofa at napatingin sa malayo. "Bakit hindi mo sinabi? Bak
"Babe, okay ka lang ba?" Tinapik ko sya sa kanyang braso ng mahina dahil mukhang hindi nya narinig ang sinabi ko kanina. Aligaga syang tumingin sa akin na animo'y nakakita ng isang multo na labis kong ipinagtaka sa lahat. "Babe, ayos ka lang ba talaga? Ilang araw ka ng wala sa sarili. May lagnat ka ba o ano?" Idinampi ko ang likod ng palad ko sa kanyang leeg at noo pero nagtaka ako noong tapikin nya 'yon paalis. Kumunot tuloy ang noo ko sa inakto nya. Sinuri ko ang mukha nya, ilang araw na syang ganito at hindi na ako mapakali sa kaba. Palagi syang wala sa sarili at tulala. Kapag kinakausap ko sya, bigla-bigla nalang syang iiwas ng tingin o 'di kaya naman ay ilalayo ang usapan. "A-ayos lang ako, Rhaiven." Ang dating madaldal at maingay na Haila, napalitan ng sobrang tahimik. Kung dati sandamakmak ang pinapabili nyang pagkain sa akin kapag recess, ngayon hindi na. Kung dati maaga syang nagigising para pumasok at maghanda ng breakfast namin, ngayon ay hindi na. "Rhaiven?" Nagtata
"Babe, tara movie marathon tayo." Masiglang anyaya ko kay Haila noong abala syang naghuhugas ng mga kubyertos na pinagkainan namin. Sya ang nakatoka sa paghuhugas samantalang ako ay nagpipindot sa selpon ko dahil umoorder ako ng ice cream na kakainin namin. "Na naman? Kakanood natin ng movie kagabi e, 'di ka ba nagsasawa, babe?" "Hindi." "Jusmiyo! Mag-aral nalang tayo kaysa manood. Malapit na 'yung final examination natin, kailangan natin magreview." Angal nya at kinuha nito ang pamunas na nakasabit sa dingding saka nya ipinunas sa mga platong katatapos nya lang hugasan. "Babe naman e." Napakamot ako sa aking noo at sumandal sa upuan na kinaroroonan ko habang nasa kanya ang paningin ko. "Last na talaga 'to, pagkatapos natin manood, promise, magrereview na tayo." "Puro ka last dyan," rinig kong asik nya. "Kagabi 'di ba sabi mo last na? E ngayon gusto mo na naman manood." "Last na talaga, promise." Umalis ako sa pagkakaupo at lumapit sa may lababo kung saan sya naroon. Niyakap
"Potanginang rason 'yan, Rachel." Patakbo kaming nagtungo sa sala, kinakabahan na naman ako kapag ganitong nag-aaway sina Tito. Nang tuluyan na kaming makarating sa sala, naabutan namin si Tita Rachel na nakaupo sa sofa habang nakatakip sa mukha ang dalawa nitong palad nang umiiyak. Si Tito naman ay nakatayo sa harapan nito, nakapamulsa ang isa nitong kamay samantalang 'yung isa ay nakahawak sa sendito nito. "Ma, Pa, ano na naman 'to? Away na naman? Hindi ba kayo nagsasawa?"Umupo ako sa tabi ni Tita Rachel at minabuti kong patahanin ito at si Tito naman ang pinakalma ni Rhaiven. "Ano bang mali sa'kin, Rachel? Ano bang kulang? Ano ba ang hindi ko maibigay sa'yo? Ha? Ano?!" Akmang pagbubuhatan ng kamay ni Tito ang asawa ay mabilis na hinawakan ni Rhaiven ang kamay nito upang pigilan sa binabalak nitong gawin. Pumagitna agad sya at inusog palayo ang ama para hindi nya masaktan ang Mama nito. "Dad, please, huwag mo namang saktan si Mama." "Pinatawad kita noong una, pero umulit ka
"Babe, tara movie marathon tayo." Hindi naman dapat ako papayag sa gusto nya kaso nadala ako sa pagpapacute nya sa akin. Kahit papaano ay natutuwa ako sa kanya kapag ganoon na makiusap sya sa'kin na pagbigyan ko sya. Iniisip ko na rin na pambawi ko nalang sa kanya ang mga gimik nya kapag pumapayag ako. "Magresign ka na kaya sa agency nyo? Tumira ka nalang dito tutal naman girlfriend na kita." Natigilan ako sa aking ginagawa saka sya tinitigan nya diretso. Makikita naman sa mukha nyang seryoso sya sa kanyang sinabi. "Rhaiven, hindi 'yon pwede. Kahit boyfriend kita, kailangan ko pa ring sumunod sa mga patakaran ng agency. Tsaka, isa pa, hindi naman pwedeng habambuhay akong magtrabaho sa inyo. Kailangan ko rin maidestino sa ibang lugar kagaya ng mga kasama ko. Alalahanin mo, empleyado pa rin ako at amo kita." "Edi gagawan ko ng paraan." Pagmamatigas nya. Napakamot ako sa aking ulo dahil sa sinabi nya. Pilit kong pinaintindi sa kanya na may patakaran akong sinusunod sa agency namin
"Babe, magpapaliwanag ako." Sa laki ng mga hakbang nya ay kinakailangan ko pang tumakbo para maabutan sya. Diretso syang naglalakad papasok ng bahay. Hindi sya nag-abalang lumingon sa akin para sana pakinggan ang paliwanag ko ukol sa nakita nya. Hindi ko lubos akalain na nandoon pala si Tita Rachel, kung alam ko lang ay sana hindi nalang ako nagpasama kay Rhaiven. Ang akala ko kasi ay si Papa lamang ang maaabutan ko doon, hindi pala. "Rhaiven, hayaan mo'kong magpaliwanag, please." Hinarap nya ako pero bahid pa rin sa mukha nya ang galit. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nya. Salubong ang mga kilay at handang sumuntok ang mga kamao nya. "Naririnig mo ba'yang sarili mo, ha?" Ngayon lang ulit sya nakitang ganito na magalit. Matagal tagal na rin noong huli kong maencounter na nagalit sya. "Magpapaliwanag ako, babe." Hinaplos ko pa ng bahagya ang braso nya upang kumalma sya pero mukhang nabigo ako dahil padabog nyang binawi ang braso nito sa akin habang matalim pa rin ang kanyang m
"Gago ka, hindi ka na naawa sa kanya." Galit na galit na singhal ni Kenneth sa akin saka nya dinakma ang kwelyo ng damit ko. Kitang-kita sa mukha nya ang galit dahil sa ginawa ko kay Haila. Mabilis naman syang inawat ni Chris dahil natatakot ito sa pwede nyang gawin sa akin. Nanatili akong tahimik kahit nasasakal at nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak nya sa may bandang leeg ko. Tinitigan ko lamang sya ngunit wala akong kareareaksyon dahilan rin para mainis sya lalo sa akin. "Kenneth, kumalma ka." Usal sa kanya ni Luis at pilit inaalis ang pagkakahawak sa damit ko. "Ako, kakalma? Paano ako kakalma sa isang potanginang 'to," pagtutukoy nito sa akin. Matalim ang tingin nito at halos mabingi ako sa malakas na pagbulyaw nito sa akin. "Nagparaya ako dahil akala ko aalagaan mo sya, na mamahalin mo sya, na hindi mo sya sasaktan. Kahit sobrang sakit tanggapin na ikaw ang pinili nya, nirespeto ko ang desisyon nya. Nirespeto ko sya dahil mahal ka nya tapos ano, ganito ang gagawin mo
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.