Share

BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE
BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE
Author: Scorpion Queen

Kabanata 0001

last update Last Updated: 2023-07-11 00:49:22

"Ma'am, your cervix is closed to 10 cm before your v*ginal delivery."

Mula sa loob ng delivery room, makikitang nakahiga si Jeckaye sa isang stretcher bed. Panay ang himas niya sa tiyan upang maibsan ang pananakit nito. Binalingan niya ang Doctor. Nakita niya itong nakatuon ang atensyon sa hawak niyang cellphone.

"Wala pa rin ba ang mister mo?"

Pilit siyang ngumiti upang hindi nito mahalata ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"Parating na siya Doc." Pagsisinungaling niya ngunit ang totoo hindi niya alam kung darating pa ba ito. Muli na naman niyang tiningnan ang inbox sa cellphone. Umaasa na may mabasang mensahe mula sa kanyang asawa. Kanina pa niya tinatawagan si Tyler ngunit hindi nito sinasagot. Gusto lang naman niyang puntahan siya nito sa ospital dahil ngayon ang araw na manganganak siya. Ngunit walang Tyler na dumating. Kahit sa mga ganitong sandali, pinaramdam nito na hindi sila mahalaga ng anak niya.

Hindi niya mapigilan ang kusang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ano ba ang aasahan niya sa lalaking ni minsan hindi siya natutunang mahalin? Aksidente lamang siyang nabuntis dahil sa kanilang isang gabing pagkakamali. Kapwa sila estranghero sa isa't-isa ng nagsalpukan ang init ng kanilang mga katawan sa bar. Pareho silang may problema at ang pagniniig ang kanilang solusyon ng mga sandaling iyon. Dahil nagbunga ang isang gabing pagkakamali, pinilit niyang pakasalan siya nito kahit para na lang sa bata. Ngunit hindi ganun kadali ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil may mahal na itong iba bago pa man siya nakilala.

Ilang sandali pa, umilaw ang screen ng cellphone niya. Nabuhayan siya ng loob ng makita ang pangalan nito sa inbox. Ininda niya ang pananakit ng tiyan para lang mabasa ang mensahe nito.

"I'm sorry wife, kailangan ako ni Lezlie ngayon."

Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang dibdib ng maramdaman ang paninikip nito. Hindi pa man siya nanganganak, ngunit pakiramdam niya unti-unti na siyang pinapatay ni Tyler. Bakit nga ba siya tamang umibig sa maling tao? Akala niya natutunan na rin siyang mahalin ni Tyler dahil nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya these past few months. Nagiging sweet ito kaya naman lalong nahulog ang loob niya. Ngunit hindi pala siya dapat umasa sapagkat mas mahalaga si Lezlie sa buhay nito kaysa sa kanya na asawa.

“Ahhhhh!” Nakaramdam na siya ng pangingilo at sobrang sakit ng tiyan. Gusto ng lumabas ng baby niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay na binigay ang cellphone sa Doctor para itabi muna ito. “Doc, lalabas na yata ang anak ko.” Panay ang hinga niya ng malalim at pagbuga ng hangin upang ipunin ang kanyang lakas. Sarili lang niya ang aasahan niya ngayon. Para sa anak niya kailangan niyang lumaban.

“Alright, huminga ng malalim, hold your breath, then push….”

“Huuuhmmppp…..aaahhhh!” Tinodo niya ang pag-ire habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay niya sa headboard ng kanyang stretcher bed. Iniimagine niya na kasama si Tyler upang magkaroon siya ng lakas na ipalabas ang anak niya.

“One more, malapit ng lumabas ang baby.” narinig niyang wika ng Doctor.

Muling niyang inipon ang kanyang lakas at umire ng todo. “Hmmmmmppp…Aaaaahhh!” Narinig niya ang iyak ng sanggol pagkatapos nito.

“He’s a boy.” Nakangiting wika ng Doctor.

Sa kabila ng pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata, pinilit pa rin niya ang sarili na makita ang kanyang anak habang nililinisan nito. Muling bumagsak ang luha niya habang nakatitig sa bunga ng pagkakamali niya. “I’m sorry baby,” usal niya. NGayon pa lang gusto na niyang humingi ng tawad sa kanyang anak dahil hindi niya ito mabibigyan ng kumpletong pamilya. Muling bumalik sa alaala niya ang masayang mukha ni Tyler ng malaman na lalaki ang anak nila. Pinakita niya noon ang ultrasound at kahit hindi sabihin, nakikita niya ang excitement sa mga mata nito. Ngunit hanggang doon lang iyon. Hindi siya kasama sa mga pangarap nito para sa anak nila. Nabuo man ang anak niya sa pagkakamali ngunit sisiguraduhin niyang pupunuin niya ito ng pagmamahal.

Nasa ganun siyang sistema ng biglang may nagtakip ng kanyang ilong. Gusto niyang manlaban ngunit wala na siyang lakas upang gawin iyon. Hindi na niya magawang ipagtanggol ang sarili niya dahil nawalan na siya ng malay.

Ilang sandali pa ang nakalipas makikitang lumabas ang Doctor mula sa delivery room. Palihim siyang pumunta sa likuran kung saan nandoon naghihintay ang isang sopistikada na babae. Nakasuot ito ng maikling palda, at white blouse na pinatungan ng black blazer. Tinanggal nito ang black shades na suot, tinapon ang sigarilyo na nakaipit sa daliri at humarap sa kanya.

"Madam tapos na ang pinapagawa mo sa akin." Sa mga kamay nito ay ang isang sanggol na lalaki na nababalot ng puting baby blanket.

Sumilay ang demonyong ngiti sa labi ng babae habang nakatingin sa Doctor. "Good. Akin na ang bata." Inabot ng dalawang kamay nito ang sanggol.

Halata ang takot sa mukha ng Doctor habang palinga-linga ito sa paligid. Kinakabahan ito na baka may makakita sa kanila.

"Naipasok ko na ang pera sa account mo. Siguraduhin mo lang na walang nakakaalam tungkol dito."

Agad namang tumango ang Doctor tanda ng pagsang-ayon. Akmang aalis na ito ng biglang mag ring ang telepono ng babae. Sumenyas si Olivia sa Doctor na huwag munang umalis dahil hindi pa siya tapos.

“Hello Boss. Nakuha ko na ang sanggol.” Nakangising bungad nito sa kabilang linya.

“Nandiyan na si Tyler sa hospital. Ibalik mo muna ang sanggol at baka hanapin niya.”

“What?” gulat na tanong nito. “Paano na ang plano natin?” Binalik nito ang sanggol mula sa kamay ng Doctor.

“Saka na natin ituloy ang plano. Ayaw kong magduda sa akin si Tyler.”

“Tangina!” Napamura siya ng mapansin ang mga bodyguard ni Tyler na nakakalat sa labas ng hospital. “Nandito nga siya Boss. Akala ko ba kasama mo siya?” Halatang sinisisi nito ang babaeng Boss sa tono ng boses nito. Kung hindi dumating si Tyler hindi rin nito malalaman na kinidnap ang sanggol.

“Hindi umubra ang drama ko sa kanya. Pvtang Inang babaeng ‘yan, mapapatay ko talaga siya sa pag-agaw niya sa akin kay Tyler!” Ramdam ang galit sa boses ng Boss niya.

“Paano ito ngayon, maraming bodyguard sa labas ng hospital?” Nataranta si Olivia na nagtago sa likuran ng Comfort Room.

“Pvnyeta! Gawan mo ng paraan! Kapag nahuli ka huwag na huwag mo akong idamay papatayin talaga kita!”

Beep.Beep.Beep.

Nagbuga siya ng hangin at binalingan ang Doctor na ngayon ay namumutla sa sobrang kaba.

“Hoy! Siguraduhin mo lang na walang nakakaalam sa nangyaring ito! Alalahanin mo, alam ko kung saan nakatira ang pamilya mo kaya hindi ka pwedeng makatakas sa akin. Ipasok mo na sa loob ang bata!”

Parang naiihi naman ang Doctor na tumalima. Pasimple siyang bumalik sa loob at pinasok ang bata sa nursery room. Hindi niya alam kung sino ang ama ng bata ngunit sapat na ang takot na nakita niya sa mukha ni Olivia para madagdagan ang kaba na nararamdaman niya.

“Where’s my son?”

Gulat na nakahawak sa dibdib ang mid thirties na Doctor ng marinig ang baritonong boses ng lalaki mula sa kanyang likuran. Namumutlang lumingon siya para lang tumingala dahil sa tangkad nito. Sa sobrang liit niya hindi man lang siya lumagpas sa kilikili ng lalaki. Sino ba ang hindi nakakakilala sa lalaking ito na laging laman ng television, Radyo, magazines at maging billboard sa daan mukha lang nito ang nakabalandra. Maliban sa isa itong sikat na hollywood actor, nagmamay-ari pa ito ng pinakamalaking kumpanya sa buong bansa; Ang Hanes Group of Companies. Lalong naging matapang ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya dahil sa naging reaksyon niya. Ngayon niya lang nagawang titigan ito sa malapitan kaya napatulala siya. Sobrang gwapo pala nito. Kahit nakakatakot ang presensya nito ngunit kayang takpan ng angkin nitong kagwapuhan.

Binalingan ni Tyler ang assistant niya ng makaramdam siya ng inis. Naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng mga tingin niya kaya ito na ang umusisa sa Doctor.

“Doc, saan ang anak ng pasyente na nagngangalang Jeckaye Tan?”

Saka pa lang nakabawi sa sarili ang Doctor. Ilang beses siyang napakurap ng kanyang mga mata habang nakatitig sa binata. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang ama ng batang dudukutin sana kanina. Biglang nanlalambot ang mga buto niya sa tuhod. Mabilis siyang nag sign of the Cross. Akala niya simpleng tao lang ama ng sanggol na ito. Buti na lang binalik sa kanya ni Olivia ang sanggol kung hindi patay na talaga siya ngayon dahil gigisahin siya ng tanong kung saan na ang bata.

Nagdikit ang dalawang kilay ni Tyler ng makita ang kakaibang reaksyon ng Doctor habang nakatitig ito sa kanya. Halata ang takot sa mga mata nito. Binalingan niya si Dennis—ang assistant niya. “Tanungin mo nga kung ano nangyari diyan?” Halata ang iritasyon sa boses niya. Nagkakamot na siya ng kilay sa pagkayamot.

Pumitik ng daliri si Dennis sa harap ng Doctor kaya muli itong natauhan.

"Doc, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Dennis.

“Where’s my son?” Inis na tanong ni Tyler. Atat na siyang makita ang only son niya.
Comments (10)
goodnovel comment avatar
fallarnamayline
Ang ganda po ng kwneto ...️...️
goodnovel comment avatar
Judelyn Luceños
nakakakainis naman yang doctor nayan pati ung babaeng yan ...
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Buti na lang talaga at sakto ang dating mo Tyler kung na late ka ng dating wala kana sanang anak na maabutan.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0002

    Dahil sa magkasunod na tanong sa Doctor agad itong nahimasmasan.“Ahh ha? Ah..ito ang anak n’yo Sir.” Tarantang tinuro niya ang bata na bagong lagay niya sa baby bed.Biglang napalis ang pagkayamot sa mukha ni Tyler ng makita ang anak niya. Matapos niyang magdis-infect ng kamay, agad niyang kinarga

    Last Updated : 2023-07-11
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0003

    Kaya nga siya na lang ang nag-aadjust upang makaiwas sa gulo. Okay lang noon dahil solo katawan siya. Ngunit ngayon kailangan na niyang protektahan ang anak maliban sa sarili niya. Hindi niya hawak ang utak ni Lezlie. Kung nagawan siya nito ng masama noon, hindi malayo na gagawin din nito ulit yun.

    Last Updated : 2023-07-11
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0004

    Hindi na siya nagulat kung alam nito ang mga nangyayari sa kanya. Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso sa lahat at nag-iisang babae kaya sobrang mahal na mahal siya ng mga ito. Una siyang umuwi ng Pilipinas after she found out na naaksidente ang kanyang mga magulang dahil naambush sa daan. Sa so

    Last Updated : 2023-07-12
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0005

    Tila naman naramdaman ni Lezlie ang pagtataka sa mga mata ni Tyler kaya inayos niyang muli ang aura niya at baka mahalata nito na wala talaga siyang sakit. Bweset kasi ang babaeng yun, inuubos talaga ang pasensya niya. "I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito

    Last Updated : 2023-07-12
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0006

    Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siya

    Last Updated : 2023-07-14
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0007

    "Kaye, gabi na. Baka mapano ang bata." Sigaw niya habang hinahabol ito."Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa kanya." Sagot din ni Jeckaye habang patuloy sa paglalakad."Dammit, Kaye!" Sigaw niya at mas lalo pang nilakihan ang paghakbang pababa ng hagdan. "Ako na ang magdadrive Mang Kulas." Pa

    Last Updated : 2023-07-14
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0008

    Sumilip si Jeckaye sa bahagyang nakaawang na bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan matatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Tyler. “I’m sorry Tyler, ngunit kailangan kong gawin ito.” Nagbabadya ang kanyang mga mata na bumalik sa kama upang umupo. Ngayon na ang tamang panahon upang umuwi sila ng kan

    Last Updated : 2023-07-16
  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0009

    “Minahal ko lang siya bilang kaibigan.” pag-amin niya rito. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi nito habang nakatingin sa kanya; Kaya naman naisip niyang magpaliwanag. “Siya ang nagligtas sa akin noon kaya nong hiningi ng mga magulang niya sa mga magulang ko na ikasal kaming dalawa, hindi ako tumu

    Last Updated : 2023-07-16

Latest chapter

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0197

    “Diane!” Tawag ni Aguida dahilan upang magising ang diwa ni Raul mula sa pagkatulala.“Anak, Diane!” Tawag din ni Raul nang makita pinihit ng anak ang doorknob sa pintuan ng kanyang opisina.Lihim na natuwa si Diane. Sinadya niyang dahan-dahan ang pagpihit ng door knob upang marinig ang magkasunod n

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0196

    Binalingan ni Diane ang ina. Bakas sa kanyang mga mata ang maraming katanungan.“M–Mom, totoo ba?” Pinahid niya ang luha bago pa ito tuluyang pumatak. “I’m asking you, Mom! Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinabi ni Dad. Sinabi niya lang ‘yun dahil galit siya akin. Di ba?” Ilang minuto na a

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0195

    “Hindi mo talaga alam!?” Galit na hinagis ni President Valix ang mga pictures sa mukha ng anak. “Yan! Tingnan mo! Sinira mo ang ugnayan natin sa mga Jaedik! Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin kung ano itong pinanggagawa mo!?”Nanginginig ang mga kamay na dinampot ni Dianne ang mga pictures na nalaglag

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0194

    “What!? Litse! Kahit kailan talaga isa kayong pumpon ng mga palpak!” Galit na galit si Diane dahil sa ibinalita ng kanyang mga tauhan mula sa kabilang linya. “Paano kung kumanta ang mga naiwan na kasamahan nyo!?” Muling tanong niya sa galit pa rin na boses. “ ‘Yun nga ang problema namin, Boss. Nan

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0193

    Mahinang tumango lang si Denver at hindi na nagsalita pa. ====Habang nasa biyahe, nagising si Amor na puno ng pagtataka. “Kuya?” “Mabuti at gising ka na.” wika ni Chris habang nagda drive at nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.“Kuya, paanong nandito ako sa loob ng sasakyan mo?” Nagtataka si Amo

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0192

    “Salamat naman Amor at naiintindihan mo ako.” Nakangiti ang Doctor na ginagap ang kamay ng dalaga.“Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyong dalawa ni Miss Yumi, Doc. Kahit na hindi n’yo ako gaanong kilala nagtiwala na agad kayo sa akin. Asahan n’yung babawi ako sa inyo kapag nagsimula na akong magt

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0191

    Taas kilay na binalingan ni Diane ang HR Manager. “ Miss Yumi, I assume na makukuha ko ang posisyon since disqualified itong paborito mong aplikante. Huwag mong sabihin na papayag kayong mag-hire ng buntis para maging secretary ng presidente? Mas lalo nyo lamang binababa ang credibility ng kumpanya.

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0190

    Puno ng excitement ang mga mata ni Elion matapos kumpirmahin mula sa tauhan na sa pilipinas nga si Mimi.Mayroon isang bagay siyang binigay kay Mimi noon na siyang tanging basehan niya sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Kung suot pa rin iyon ni Mimi, mapabilis ang paghahanap niya rito.“Sakali

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 0189

    “Si Doctor Tommy Lee.” tipid niyang sagot.Napahagalpak ng tawa si Elion Jaedik dahil sa narinig na sagot ni Dianne kay Borge. Nagtaka naman si Lando habang nakatingin sa Boss niya. Nakisabay na lang din siya ng tawa kahit walang naintindihan. Minsan lang kasi sumaya ang boss niya kailangan niya sab

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status